Chapter 17
Chapter 17
Service
Para akong robot na unti-unting lumilingon kay Keaton Samonte matapos marinig ang ginawa niyang pagbulong sa akin.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Did he just... how should I call it?
"Balyena? Are you sure, hijo?" tanong ni Mama kay Aldus.
Narinig kong saglit na humalakhak si Aldus. "Namalikmata yata po ako... damn my eyes..."
Hindi ko magawang lumingon sa mga nag-uusap ngayon tungkol sa balyena dahil hanggang ngayon ay pilit kong hinahanap sa mukha ni Keaton Samonte ang lalaking bumulong sa akin.
Bumulong ba talaga siya sa akin ng gano'n? Hindi kaya imahinasyon ko lamang iyon?
He's still sitting composed and unmovable while watching his friend, Aldus, and my confused family about the sudden appearance of a mysterious whale (kung maniniwala ba talaga sila sa Ferell na iyon).
Kunot na kunot na ang noo ko habang mariin nakatitig kay Samonteng lamig. I didn't mind if he'd noticed me staring intensely at him.
Ni-bubulungan...
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko habang naririnig pa rin sa isipan ang paglambot ng malamig na boses sa tenga ko.
That's him, right? Siya talaga ang bumulong sa akin.
Pero habang pinagmamasdan ko ngayon si Keaton Samonte, walang bakas sa mukha niya na sinabi niya iyon sa akin. Ang malamig ngunit malambot na boses na iyon ay parang mula sa isang batang paslit na nanunumbat, inapi ngunit sinasadyang magpaawa para kumuha ng simpatya.
That's the sound of the voice. Cold yet sweet...like begging for a cuddle.
A cuddle?!
Ako mismo ang napapailing sa mga naiisip ko. Probably that voice was part of my stressed symptoms. Kung anu-ano nang boses ang naririnig ko.
How come that Keaton Samonte would sound like that?
I thought he would continue to pretend not to notice my presence, but when he turned lazily at me, my confusion easily subsided.
"Yes, Ashanti?" he asked in his usual tone. A confirmation that the whisper was not true.
"No... nothing..."
Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang makaramdam ako ng panghihinayang. Of course, that's an impossible word from him. Isa pa kung mangyari man na biglang mabaliktad ang dila niya alam ko kung kailan lamang iyon, kapag nagsisinungaling siya, or when our conversation is quite heated.
And I didn't see any point on why would he lie on something right now that would twist his tongue.
Dahil nawala na rin ang atensyon nina Mama at Papa sa isinigaw ni Aldus na balyena, nasa amin na namin ang kanilang atensyon.
"Ma, hindi ko pa nasabi. I'll be out later."
"Aalis ka na naman? Why can't you join us?
"Ma, may beach volleyball mamaya. I already signed my name, hindi ko na babawiin. Besides, it's just a quick game naman at matagal na rin akong hindi nakakapaglaro. Remember, we're here to enjoy and relax. Beach volleyball is the key." Paliwanag ko.
Halos sabay umikot ang mata ng mga kapatid ko. Aasa pa ba ako na susuportahan nila ako?
"How about your boss? You will not accommodate him?" tanong ni Mama.
Gusto kong sumagot ng "Excuse me?" hindi ba natatandaan ni Mama na nasa bakasyon kami? Kung bigla mang sumulpot dito ang boss ko, hindi ko na iyon kasalanan o lalong trabaho.
Isa pa, simula nang makita ko rito si Keaton Samonte hindi na naging maganda ang takbo ng mga pangyayari.
"No, it's actually fine with me."
"See?"
Akala ko ay hahaba pa ang usapan nang biglang tumayo si Samonteng lamig. "We should go."
Lumingon mula sa labas si Aldus. "Agad? Nakaano ka ba—" hindi natapos ang anumang sasabihin niya sa halip ay ngumisi siya at sumulyap sa akin.
"Yes. Absolutely! We should go."
Hindi na ako tinapunan ng tingin ni Keaton Samonte, tipid siyang tumango sa mga magulang ko at sabay na silang naglakad papalayo ni Aldus habang nakaakbay sa kanya.
"Weird..." bulong ko.
Ngumuso ako at sumulyap sa naiwang kalamay. Wala sa sarili akong kumain muli habang ramdam ko ang titig ng buong pamilya ko sa akin. Especially my good for nothing sisters.
Nasa labas na ng cottage ang mga boyfriend nila at si Papa na ngayo'y mga abala sa iniwan sa pag-iihaw ng barbeque.
"Improvement na ba iyon?" tanong ni Ate Aliyah.
"Do you think it has a meaning?" sunod ni Ate Ariana.
Nanatiling nakatitig sa akin si Alissa at Mama na parang pilit nilang pinipiga ang ekspresyon ko mula sa mga nangyayari.
"What?" tanong ko.
Ngunit sa halip na sumagot sila sa akin ay pinagtaasan lang nila ako ng kilay. "Behave, mga anak... hindi ko gusto iyan."
Tumayo na si Mama mula sa upuan na nasa harapan ko at nagsimula na siyang maglakad. Nanatili akong nakaupo habang ngumunguya ng kalamay, sinundan ko ng titig si Mama hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin.
She gave me her motherly hug. Katulad ng yakap na ibinigay niya sa mga kapatid ko nang nagdala sila ng boyfriend na mayaman sa bahay, yakap na ibinigay niya sa akin nang kami pa ni Kalas.
That act summed up everything!
Kumalas ako ng yakap kay Mama at marahas akong tumayo. "Ma naman! He's just my boss! Nagtatrabaho ako ng marangal! Please don't think about your monkey business with him."
My sisters snorted. Bakit ba sunud-sunuran sila kay Mama? Gano'n na lang ba talaga iyon? They wanted to just go with the flow? Hahayaan na lang ba nila na gano'n na lang ang tingin sa amin ng mga taga-Enamel?
Gold diggers?
Sabihin na natin na mahal na talaga nila iyong mga kalamay nilang boyfriend, but should a relationship be motivated first by money and convenience? Hindi ba pwedeng pagmamahal muna?
Am I that sucker of romantic love story? Ganito na ba talaga ang reyalidad? Pera muna bago puso?
"Kung hindi mo pinakawalan ang isa, 'di sana okay ka na? May pakinabang ka pa. Sa halip ano ginawa mo? You almost ruined our father's job." Kumuyom ang kamay ko sa sinabi ni Ate Ariana.
"Ruined? Sa tingin mo ba ay hindi iyon nangyari nang sandaling iwan niya ang trabaho niya dati para sa—"
"Mas malaki ang kinikita ngayon ni Papa kumpara sa—"
"You think that's a good—"
"Tahimik! Nandito tayo para magsaya at hindi magtalo! Ariana, tumigil ka na. At ikaw naman Ashanti..." lumapit muli si Mama at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Make your mother happy... kahit minsan lang..." pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng dugo ko, nagagalit ako kay Mama at sa paraan ng pagpapamulat niya sa amin sa mundong ito.
Nagagalit ako sa paraan ng pagpapakilala niya sa amin kung paano makahanap ng ginhawa sa mundong ito. I wanted to shout at her that a woman's power and success is not just about her beauty and grasp to a powerful man's neck.
Hindi ganoon ang gusto kong tagumpay. Hindi ko iyon pinangarap, hindi ko iyon kailanman gagawin para umasenso sa buhay. I want to be an independent woman with tons of achievements that I would be proud of.
It's irritating to think that our mother's using us to mend her frustration for years. Hindi ko kayang punan iyon at handa akong maging hindi masunuring anak, kilalaning walang utang na loob at walang kwentang anak para lang sirain ang nais niyang ihulma sa akin. I wouldn't use myself as bait.
"Make you happy? Kahit ang kapalit no'n ay ang sarili kong kasiyahan?" natigilan si Mama sa sinabi ko.
Bago pa man nila ako paulanan ng insulto ay nagsimula na akong umalis sa cottage. Narinig ko pa ang ilang beses nilang pagtawag sa akin pero pinili ko na iyong hindi pansinin.
I went straight to the volleyball court. Mamaya pa naman ang simula pero pansin ko na marami na ang tao. I was about to walk to the committee table when I spotted the two familiar figures.
I cursed under my breath. Ano naman ang ginawa nila rito? Couldn't they leave me alone? Bakit kausap nila ang committee? Don't tell me...
Since Keaton Samonte has this overly powerful instinct, I wasn't startled that much when he looked at his back, and when our eyes got locked again. Mabilis lang iyon dahil ibinalik niya ang kanyang atensyon sa committee na siyang kausap na rin ni Aldus.
Dahil may ilan na rin naman nagpa-practice sa loob ng court pinili ko na tumayo sa isang tabi at tahimik na manuod sa mga naglalaro. Tapos na sa pakikipag-usap iyong dalawa sa committee, sa katunayan ay kumaway na sa akin si Aldus at nagsimula na silang maglakad patungo sa pwesto ko.
Sa sobrang init ng ulo ko sa pamilya ko, nakalimutan ko na na mainit din ang ulo ko kay Keaton Samonte kanina.
"Mamaya pa ang game mo, 'di ba?" tanong ni Aldus.
I nodded.
"Ba't nandito ka na agad? Early bird?"
"Akala ko may mauunang maglaro." I lied.
Nasa pagitan namin ni Keaton Samonte si Aldus, nanatiling tahimik iyong boss ko na nanunuod rin ng nagpa-practice na players.
"Sumali kami ni Keaton."
That confirmed my thoughts. "Pang-ilan ang game n'yo?"
"Kakampi mo kami, right, Keaton?" siniko niya sa tagiliran si Samonteng lamig.
"Yes..."
"Really? Akala ko ay buo na ang line-up namin." Kumunot ang noo ko sa mga committee na nasa lamesa.
Nagkibit-balikat si Aldus. "Nagulat nga rin kami ni Keaton, such a coincidence!"
That word contradicted himself. Sa pagkakatanda ko kanina ay sinabi sa akin ni Aldus na hindi siya naniniwala sa salitang coincidence.
Akala ko ay magagawa ko pang maghintay ng laro ko pero nang sandaling pumatak sa akin ang bola, hindi ko maiwasang hindi pumalo nang malakas para paliparin iyon sa kabilang side ng net. Nagsigawan ang mga tao sa ginawa ko.
Someone even noticed me, one of my co-members in the volleyball team during high school. Nathalia.
"Oh, my! Ikaw na ba iyan, Ashanti? Sobrang tangkad mo na! Ang laki ng pinagbago mo, but you're still so pretty! Come, sali ka! Mamaya pa naman ang start..." ngumiti ako bago ako nagmadaling pumasok sa court at sumali na nga sa kanila.
"Good luck, Ashanti!" I heard Aldus' voice.
When I looked at them, Aldus was smiling while the other one was looking grim.
"Boyfriend mo?" tanong ni Nathalia.
"No way!"
"So you're single?"
"Come on, Nat! Akala ko ba ay maglalaro tayo? Don't interrogate me!"
She chuckled. "Sorry, my bad. Hayan na ang bola!"
The rally had started, and it was refreshing after so many toxic days and hours from family and work. I couldn't wipe the smile on my face as I returned the ball with much force against our enemy. My laughter, shout and even my jump of triumph lingered inside the whole court that I didn't even mind the numbers of eyes watching us.
Iba talaga ang nagagawa ng bagay na alam mong masaya ka, nakakalimot ka sa problema, galit at inis sa mundo. It was like you and your passion conquering the world. Or to make it simple... you and your happiness.
Hindi lang babaeng players ang kakampi namin ni Nathalia, mayroon din kaming mga players na lalaki. Agad kong nakilala si Michael dahil siya iyong sumasalo ng mga sini-set kong bola. Ilang beses pa kaming nag-high five sa isa't-isa nang sabay kaming nag-block sa net dahilan kung bakit hindi nakapasok iyong pagpalo ng kalaban.
"Ashanti, dapat kanina ka pa sumali, you're my lucky charm. Wanna hang out after the game?" kumindat siya sa akin.
I gave him a gentle punch on his right arm. "Nah, I have my next game..."
"What about after that next game?"
Since Michael and I were pre-occupied, we didn't notice the service of the other team. It was late when we finally saw the movement of the ball, it was a hard and sharp service, and all I did was to stare, it happened so fast that all I could do was to look for the culprit from the other side of the court.
Na siyang salarin kung bakit tumba ngayon sa buhangin si Michael na dumudugo ang ilong dahil sa tama ng bola sa kanyang mukha.
My eyes widened when I saw the new players from the other court. Kailan sila pumalit dalawa? They're too quick!
Aldus was grinning behind the net while his hands on his pocket, while my boss, Keaton Samonte, was looking gloomy as usual, and when our eyes locked again, my mouth hung open. He smirked at me.
I slowly looked at Aldus to ask a question, but he shrugged at me, giving me a few words that confirmed someone's whisper did happen.
"Ni-aano mo kasi... 'yan nagalit..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro