Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Whisper

When the wind blew and my hair playfully laced with it, my fingertips started to tingle as it touches his face. The cream should have a soothing reaction on his face, but his expression turned into a freezing point.

His eyes were like orbs of blazing ice that give shivers on my body. It supposed to be the wind, but it was he who gives the greatest anchor for this frozen vibe.

It was like my fingertips were trying to break an ice sculpture. I was a sinful hammer that was trying to shatter it, but it was the hammer that ended up broken.

What am I doing?

I felt like a captured prey that was starting to get coated by a block of ice.

"Shanti..."

A frozen grip brought back my senses. He was now holding my wrist to stop me from applying more cream on his face.

"Boss..."

I pulled my hand away from him, and I quickly stood from his beach bed, my back was facing him to hide from embarrassment. Did I look at him that long? How many minutes?

"Salary deduction."

Those two words made my confuse emotion waver, I turned at him with my irritated eyes.

"Are you serious? This cream is mine!"

"Still a salary deduction."

"For touching you? I was merely concern, boss! You kissed me, remember? You kissed me!"

My brain suddenly went fuzzy after that scandalous words. I was too annoyed at him that I didn't have an opportunity to filter my words.

Silence overwhelmed us. I was standing, and he was sitting, yet our eyes were still locked while trying to assess each other's expression.

I tried to battle with his eyes, but he was too expert on it that I almost gave up. How could he make someone shivers with coldness in his eyes, and at the same time, could send heat directly at heart?

Keaton Samonte, my damn boss, could make me froze and melt at the same time. It frustrates the hell out of me.

The wind continued whistling, the waves never ceased from dancing, and shadows and sunlight were witnessing this unnamed battle.

I was a bit stricken by my own words. I had a mental note after that incident that I shouldn't think of that kiss anymore. It had no big deal. But after I'd heard it from my own mouth, I'd realized that the thought of my vicious boss who had stolen my first kiss was still lurking inside my mind.

How could he cruelly deduct my salary if it was him who stole something from me in the very first place?

He wasn't expecting that I'd be blurting out the word kiss, even I was a bit staggered. But it came out already, and I would stand on that.

Akala ko ay tuluyan ko nang nakalimutan ang halik na iyon pero matapos kong mas mapalapit ng ilang minuto sa mukha ni Samonteng lamig hindi ko alam kung bakit bigla na namang naging sariwa ang insidenteng iyon.

That kiss was his threat to me when he heard how proud I was for ruining his future by kicking his balls. I hit his patience at that time, and to make it even between the two of us, he did something that I wouldn't undo no matter how I tried.

"I can't remember..."

I gasped in disbelief. How could he?!

Paano niya makakalimutan iyon? He ambushed me at the side of the plaza's stage, hindi niya ba alam ang kabang naramdaman ko noon sa takot na baka may makakita sa amin?

"You are- gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?!" I asked with my gritted teeth.

My words were supposed to question his memory capability, but I saw how his brows arched with amusement. I suddenly regretted my outburst.

That sounded so wrong! Bakit ba sa tuwing may sasabihin ako rito kay Keaton Samonte ay biglang nagbabago ang mga kahulugan?

"How?"

Sumandal na muli siya sa beach bed at ibinalik niya ang kanyang atensyon sa hawak niyang libro.

I scowled at him. "That was-"

Hindi niya na naman ako pinatapos katulad ng lagi niyang ginagawa sa akin. Kumuyom na ang mga kamao ko at pilit kong pinipigilan ang sarili ko na dambahan siya at sakalin ang leeg niya.

"Just to freshen you up, Miss Salary Deduction. The ball didn't hit on my face, it's here..."

I gasped when Keaton Samonte casually pointed his abs... I mean his stomach before he turned his attention back on his book. Pilit kong inalala ang pangyayari kanina at napamura ako sa isipan ko nang maalala na sa katawan lang nga siya tinamaan.

Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko.

"B-but your face is a bit swollen, probably because of your fall..." katwiran ko sa kanya.

"Uhuh? Are you sure, Miss La Rosa? Or you just want to--"

Bago pa man mas humaba ang usapan sa pagitan namin ni Samonteng lamig ay nagpasya na akong umalis.

"To what?! Ayoko na rito! I am still on my vacation! Goodbye!"

I started marching away from him. Bakit ko nga ba binalikan pa 'tong lamig na 'to? Dapat hinayaan ko na lang pumasa ang mukha niya, kung iyon sana ang ginawa ko sana buo pa ang sweldo ko!

Hindi na ako lumingon pa sa kanya, hindi na rin naman niya ako tinawag. Bakit naman niya ako tatawagin? Wala naman iyong pakielam.

Nang alam kong nakalayo na ako sa kanya, pinili kong umupo sa tabing dagat na kakaunti pa rin ang mga tao. Hinayaan kong mabasa ang paa ko sa bawat hampas ng maliit na alon.

As I watched the movement of the waves, I couldn't help but to let out my frustrations.

"Salary deduction! Salary deduction! Puro na lang salary deduction! Sa'yo na! Sa'yo na ang sweldo ko! Dapat talaga nagbenta na lang ako ng yelo mas malaki pa ang kita kaysa mag-secretary sa instsik na iyon!"

Nagbibiro lang naman ako sa kanya kanina nang nilalagyan ko siya ng cream. Pero sineryoso niya! Makatao ba iyon? I was merely concern, pero ako pa ang napasama.

Napahilamos na ako sa sarili ko. Wala pa naman akong balak sa pera ko na suswelduhin ko sa kanya, pero parang hindi naman yata tama na magkaroon ako ng deduction dahil lang doon?

I felt like he's still playing with me. Parang hindi niya pa rin ako sineseryoso sa trabaho ko sa kanya. Hindi pa rin ba niya nakikita na pursigido na ako sa mga ginagawa ko? I was just trying my best to gain his favor, para naman mas pakinggan niya ako sa gusto kong mangyari. But Keaton Samonte's still looking at me as a big joke.

"Tutal maliit naman ang suswelduhin ko, bibili na lang ako ng kalamay! Mas masarap naman yata ang kalamay na kinakain kaysa sa mga boyfriend na kung saan-saan nakakarating ang kamay! Hmmp!"

Dapat ay nagsasaya ako ngayong bakasyon ko, pero bakit parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko? From my sisters and their boyfriends to my frustrations with work.

Dahil wala pa rin akong balak bumalik sa cottage namin, hinayaan ko ang sarili ko na magreklamo ng walang katapusan sa harap ng dagat.

"Akala niya naman kung sino siya? Itinuro niya pa ang abs niya, akala niya naman madadala ako sa pa-gano'n niya? Excuse me? May abs din ako. Maghubad pa 'ko ng rash guard."

What was his point? Na ginawa ko lang palusot ang cream para hawakan siya? Wow! Samonteng lamig! Ang gandang lalaki mo naman po.

"At iyong mga kalamay na boyfriend naman ng mga kapatid ko, grabe kung makakapit! Kapag nabuntis nang maaga ang mga kapatid ko..." ngumuso ako sa naiisip ako.

"Edi buntis! Buti nga!"

"Ikaw bitter?"

Marahas akong napalingon sa pamilyar na boses na siyang narinig ko. Itim na salamin niya pa lang ang unang tumama sa paningin ko agad kong nakumpirma ang hinala ko.

"What are you doing here?" tanong ko kay Aldus.

Just like my boss, he was just wearing his summer trunks. He's confidently topless while flashing his perfectly flawless white skin. Edi wow. Kayo na ang mapuputi.

"I was on my way to Keaton, magkasama ba kayo?"

"No. I'm on my vacation."

"Same vacation place?"

Kung alam ko lang na nandito si Samonteng lamig, hindi mo 'ko makikita rito.

"Coincidence..."

"Oh, 'di ako naniniwala sa mga gano'n."

"Okay. Just go, Aldus."

I waved my hand to dismiss him. Agad niya naman iyong nakuha dahil tumango siya sa akin at ngumiti.

"Alright, see you..."

Pagkatapos ko magmuni-muni sa tabing dagat napagpasyahan ko na magpatuloy sa pag-ikot sa resort. Hanggang sa makarating ako sa may pinagkukumpulan ang mga tao, at dahil wala pa naman akong balak bumalik sa cottage namin para ma-bitter tulad ng sabi ni Aldus sumali na rin ako sa mga tao na nando'n sa kumpulan.

Hindi naman ako nahirapan sumilip sa pinagkakaguluhan nila dahil matangkad ako. Biglang nawala ang pagkainis ko sa mundo nang malaman ko kung ano ang dahilan ng kaguluhan nila.

They're going to play beach volleyball! At lahat ay pwedeng sumali. It's a mix player, magkakasama ang babae at lalaki. I immediately signed up, dahil sa sandaling maglaro ako mas mailalabas ko ang frustration ko sa lahat.

I really needed this.

Akala ko ay magsisimula na ang laro pero nag-anunsyo ang isa sa nagpa-facilitate ng buong laro na mamaya pa raw hapon at isa pa, hindi pa pala kumpleto ang mga players kaya wala rin akong pinagpilian kundi bumalik sa cottage.

Nag-iisip na ako ng pwedeng sabihin sa kanila na ibang dahilan kung bakit mawawala na naman ako mamaya nang matigilan ako sa paglalakad.

Naningkit ang mga mata ko nang makita si Aldus Ferell at Keaton Samonte na nasa loob ng cottage kung saan nandoon ang mga magulang ko, ang mga kapatid ko at ang mga kalamay nilang boyfriend.

Ano naman ang ginagawa ng dalawang iyon sa cottage namin?

I was about to retreat and hide away from them when I heard my mother's voice.

"Ashanti! Kanina ka pa namin hinihintay!"

Mariin akong napapikit at pinigilan ko ang sarili ko na mapapadyak sa sobrang inis sa lahat ng pangyayari. Kung akala ko ay magiging maayos na ang pakiramdam ko ngayong araw matapos ko sabihin lahat sa harap ng dagat ang frustrations ko at magkaroon ako ng biglaang laro, nagkakamali ako.

All of my frustrations in one place. Wonderful, right?

Mag-iisip pa sana ako ng pwedeng sabihin sa kanila kung paano ako aalis ulit na hindi nila malalaman ang totoong dahilan, pero paano pa?

Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang panunuod ng mga kapatid ko sa akin kapag naglalaro ako ng volleyball. Why? Because instead of being proud of me they're all sneering at me like it is actually a sin to play volleyball. Baka maging dahilan pa sila para masira ang laro ko.

"Ma..."

Hindi na ako hinintay pa ni Mama na makarating mismo sa loob ng cottage, nagmadali na siyang humakbang patungo sa akin at hinawakan niya ang braso ko na may kasamang pisil.

"Bakit hindi mo naman inimbitahan ang boss mo at ang kaibigan niya na sumalo sa atin? Napakarami nating dalang pagkain."

Kahit sa malayo ay nakikita ko ang naniningkit na mata ni Papa sa akin. Even without words I could truly understand his message. Be nice to him.

"Akala ko po ay uuwi na sila..." pagsisinungaling ko.

My sisters were all snarling at me, siguradong hanggang langit na naman ang inggit nila sa akin. Dalawang lalaki lang naman ang naghihintay sa akin sa cottage, mabuti sana kung manliligaw ang mga iyan dapat nga lang ay mainggit sila sa akin, pero alam ko sa sarili ko na hindi na maganda ang paglapit ng mga 'to sa akin.

Halos itulak ako ni Mama sa tabi ni Samonteng lamig, tumayo naman bigla si Aldus na siyang katabi niya lang kanina at sinabing tutulong daw siya sa pag-barbeque ng mga boyfriend ng kapatid ko.

Huminga ako nang malalim. Tama ba na ganito ang nararamdaman kung nagbabakasyon ko?

You're pressured? Nakabakasyon ka na nga.

"So... how's my daughter, hijo?"

Hindi pa man nakakasagot si Samonte sa tanong ni Mama ay may follow-up question na agad siya.

"Hindi mo naman siguro pinapasakit ang ulo ng boss mo, Ashanti, 'di ba?"

I didn't glance at him. "Hindi naman, Mama..."

Hindi ko man nakikita ang mukha ni Keaton Samonte alam kong nakataas na naman ang kilay niya sa akin.

Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, siya nga iyong nagpapasakit ng ulo ko.

Akala ko ay may itatanong pa si Mama nang lumapit na si Papa sa kanya at nag-abot ng maliit na kutsilyo.

"Oo nga pala... bakit hindi na natin kainin ang dala ng boss mo, Ashanti?"

Saka ko lamang napansin ang isang hindi pamilyar na box sa ibabaw ng lamesa. Napansin ko na sumulyap si Aldus mula sa labas bago ngumisi sa akin.

At tuluyan na ngang ipinakita sa akin ni Mama ang laman no'n.

"My secretary's fan of kalamay, right, Shanti?"

Tipid na kumuha si Samonteng lamig ng maliit na piraso ng kalamay at marahan niyang kinain iyon. Hindi ako sumagot sa kanya, sa halip ay tahimik akong kumuha ng hiniwa-hiwa nang kalamay ni Mama.

While silently chewing the sweet taste of it, I couldn't help but to timidly smile.

First one was a cookie... now kalamay.

Kung iyong mga kapatid ko kinakalamay ng mga boyfriend nila, my boss literally gave me sweet kalamay. Hmm...

"Do you like it?" he casually asked the same question. My lips prodded, and then I slowly nodded.

I knew that my parents' eyes were on us, and I don't want to give them the wrong idea. Sadyang ganito lang talaga si Keaton Samonte para lumiit ang ipasweldo niya sa kanyang mga empleyado.

I should feel annoyed, katulad ng nararamdaman ko kanina. But I couldn't stop smiling.

Saan ba nakukuha ng intsik na 'to ang pa-cookies at kalamay niya? The sponsors were both Ferell!

My problem was easily solved when Aldus Ferell got everyone's attention.

"Oh shit! Is that a whale?!"

Lahat ng nasa cottage ay tumanaw sa dagat maliban sa amin ni Keaton Samonte. Instead of looking for a whale, my boss just leaned down on me to whisper on my ear.

"Hmm... okay, but that's a deduction."

Hindi ko na siya hinayaan magbigay sa akin ng huling salita. Agad akong humawak sa isang balikat niya habang ang isang kamay ko naman ay marahang nakatakip sa tenga niya para bumulong ako sa kanya.

"Sige na, hindi na po ako magre-resign. Just deduct it to my salary, Mr. Samonte..." I gave him a gentle push before I returned back on my proper seat. Abala pa rin iyong mga tao sa cottage sa pagtanaw sa balyena na sinasabi ni Aldus.

I thought that was it, but my heart beats went into somersault when I felt his gentle hand on my ear, returning my gesture.

"Ni-bubulungan mo 'ko... that's bad..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro