Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Cream

I couldn't help but feel weird. Akala ko ay nagkamali lamang ako ng dinig nang sabihin niyang ihahatid niya ako, pero ngayong nasa mismong harap na ako ng bahay mas lalo akong hindi makapaniwala.

Ano ba ang kinain nitong si Samonteng lamig kanina?

Hindi naman siguro niya ibabawas sa sweldo ko ang gasolina na nagamit sa paghatid sa 'kin, 'di ba?

I have this ecstatic feeling to jump off the car already, but should I at least say my goodbye or thanks?

Kailangan pa ba iyon? Parang wala na rin naman siyang pakielam sa akin.

I bit my lower lip and awkwardly glanced at him. I grimaced seeing his usual icy position, crossed arms and legs with his unreadable mien while staring outside the window. He looked like he'd been thinking about the deep treasures beneath the Pacific Ocean.

Hindi ba't masama ang laging nag-iisip? It would take to someone's insanity! Lalo na sa mga taong hindi masyadong nagsasalita at walang pinaglalabasan ng mga iinisip.

Or...

My eyes widened when I suddenly remembered something, I thought he wasn't serious about it. Pero ito na ba iyon? Ngayon na ba ang huling araw ko talaga? Kaya ba hinahatid na niya ako?

He'd already fired me before his meeting with Troy Ferell. Shit!

Hindi pa rin ako bumababa ng kotse, pansin ko na nakailang sulyap na sa akin ang driver pero nanatili akong hindi kumikibo. Gusto ko munang malaman kung may trabaho pa ba akong babalikan o wala na talaga.

And this Keaton Samonte seemed so preoccupied that he didn't even notice that his car had already stopped.

"Hmm... boss?"

Nakatingin pa rin siya sa bintana.

"Boss?"

Kung kulbitin ko kaya? I tried to raise my right hand to reach him and get his attention, but my nervousness overwhelmed me. Ibinalik ko rin sa kandungan ko ang kamay ko.

"Boss?"

Nagka-dysmenorrhea kaya siya? Nakakabingi ba iyon?

Huminga ako nang malalim at pilit kong tinanggal ang kaba ko sa dibdib. I should ask him nicely, baka hindi ako pagbuksan ng pinto ni Papa kapag nalaman niyang sinesante na naman ako ng Samonteng ito.

I tried to move closer to him, akma na akong kukulbit sa balikat niya nang kusa siyang lumingon sa 'kin.

I froze with my widened eyes together with my forefinger that was about to touch him. The distance between us was so awkward.

"Erm... boss..."

His brows creased, as usual, nothing new. He glanced at my forefinger on air that made me realized my frozen position. I immediately returned to my proper seat, then awkwardly smiled at him.

"What?"

"Am I f-fired po?"

Mas lalong kumunot iyong noo niya sa 'kin. "Should I fire you now?"

"N-no!"

Sumulyap siya sa likuran ko, doon niya lang napansin na nasa harap na kami ng bahay ko.

"Go."

Isang salita lang iyon pero agad humawak ang kamay ko sa pintuan ng kotse, gusto ko na talagang lumabas at makalayo mula sa kanya.

He's getting weirder and weirder.

Mabilis ko iyong binuksan, hindi ko na siya nilingon pa nang sandaling makalabas ako pero alam ko na nasa likuran pa rin ang kotse niya dahil hindi ko pa naririnig na umandar iyon.

Since I was born a stubborn, I stopped in midway and slowly looked back at him. I didn't expect him to watch me because he's just my frozen boss, but when my eyes veered back in his car, I just caught his window that was starting to close.

And Keaton Samonte's car disappeared in the shadows.

**

It was Friday morning when I received a message from an unknown number. Napabalikwas ako sa kama nang makita agad ang bungad ng message na iyon.

Miss La Rosa, do not report to work for three days starting today. I'll see you on next week. – Keaton Tirzo Uy Samonte

Buong-buo ang pangalan ni lamig, ah? What happened to him? Napaka-imposible naman yata na wala siyang gagawin sa loob ng tatlong araw na walang kinalaman sa negosyo niya?

But I shouldn't complicate myself right now, ako na nga iyong binigyan ng bakasyon. Bakit ko ba iisipin pa ang trabaho sa kanya?

Maganda ang ngiti ko nang umagang iyon. Sino ba naman ang hindi masisiyahan sa araw na walang trabaho at walang boss na masungit?

Nagtungo na ako sa kusina, nasa akto na akong babati sa buong pamilya na may kasamang malawak na ngiti nang matigil ako at makita na kapwa abala ang lahat.

"Ano ang meron?"

All of them were packing our foods like we're about to go somewhere...

"Bakit n'yo binabalot ang mga pagkain?" sunod kong tanong.

Sabay umirap sa akin ang mga kapatid ko. Muli kong pinasadahan ng titig ang mga suot nila, dahilan kung bakit nasagot ang sarili kong katanungan.

"Montenegro Hotel and Resort, sa Leviathan. Ikaw talaga, Ashanti, laging huli sa balita." Ani ni Ate Ariana.

"Paano ko malalaman na may outing tayo? May trabaho ako."

They rolled their eyes in unison. Ngumiwi ako sa kaartehan ng mga kapatid ko.

"Hindi ako sasama, may trabaho ako." I lied.

Tatalikuran ko na sana sila nang magsalita si Ate Aliyah. "Wala kang pasok ngayon sabi ni Papa. Kahit kailan napaka-kj mo talaga, Ashanti."

Muntik ko nang makalimutan na alam nga pala ni Papa ang lahat ng nangyayari sa trabaho ko. Of course, there's no way that I could I lie to them when it comes to my work.

"Alright, may choice ba ako? I'll just prepare my things."

Akala ko ay tanging kaming pamilya lang ang pupunta sa resort pero nanlumo ako nang makita na kasama pala iyong mga kalamay na boyfriend ng mga kapatid ko.

Bakit kalamay? Kung saan-saan nakakarating ang mga kamay at hindi man lang sinasaway ng mga kapatid ko! Very good!

Si Ate Aliyah na binubulungan habang himas ng boyfriend ang kanyang balikat.

Si Ate Ariana na nakayakap na yata ang boyfriend na parang sila lang ang nakasakay sa van.

At si Alissa na siyang bunso sa aming magkakapatid na may boyfriend na pinaglalaro ang daliri sa kanyang leeg.

Nakailang mura na ako sa aking isipan.

Sana all kinakalamay ng boyfriend... kaso iyong boyfriend ko...Oh, wala nga pala akong boyfriend.

Umismid ako habang nakatulala sa bintana, ako iyong naka-posisyon sa likuran ng van habang nakikita ko sa unahan ang lahat ng kalandian ng mga kapatid ko at ng mga boyfriend nilang puro mga kalamay na hilaw.

Si Mama at Papa naman ay may sarili ring mundo. Kaasar.

Nang makarating na kami sa Montenegro Hotel and Resort, gustong-gusto ko nang humiwalay sa kanila. Hindi ko na yata kayang sikmurain ang mga pangyayari.

Idagdag pa na todo outfit iyong mga kapatid ko na hindi man lang ako sinabihan na magkakaroon kami ng outing. They're all wearing their beautiful summer dress, with their fashionable shades and summer hats. Samantalang ako, naka-rash guard na kulay gray at itim na shorts (plus my motivating bamboo vital statistics).

Habang si Mama at Papa ang siyang kumakausap sa crew para maayos iyong accommodation namin, walang tigil sa pag-pose ang mga kapatid ko habang pahirapan iyong mga boyfriend nilang kalamay para sa pag-picture sa kanila.

What's the worst? They made me their damn photographer!

Pilit kong kinalma ang sarili ko na hindi ibato sa kanila ang camera. Lalo na kapag natatamaan ng sikat ng araw iyong kutis ng tatlo kong kapatid? Sa halip na mangitim ay namumula sila.

Edi ako na ang negra, hindi sexy at hindi naka-dress! Duh?

When our place was settled, I did everything to get my presence away from them, which I hardly succeed.

"I'll be quick! Enjoy! May titingnan lang ako saglit." I lied.

Malalaki ang hakbang ko para makalayo sa kanya at nang sandaling masiguro kong wala na akong makikitang kapatid na kinakalamay, napahinga na ako nang maluwag.

Ngayon ay mas nabigyan ko ng atensyon ang ganda ng kabuuan ng resort. Hindi ko maiwasang humanga dahil bawat detalye at parte nito ay hindi basta lamang.

There's no expectation vs reality thing here, dahil kung gaano kaganda ng view ng resort na ito na siyang nakikita sa facebook ganoon din sa personal. From the white sands, nourished coconut trees, well-maintained rows of nipa hut, the hanging decorations that screamed festival vibe, pools, and many more.

Montenegro Hotel and Resort is considered as one of the prides of the Province of Leviathan, hindi nauubos ang mga dumadayong tao rito para magbakasyon na siyang hindi na rin nakapagtataka.

Nakaapak na akong naglalakad sa buhangin at patuloy lang ako sa paglalakad habang nagmamasid sa buong paligid. From the resorts brandishing sides to the guests who were enjoying the whole place.

Saglit pa nga akong natigilan nang makita ko ang pamilyar na mukha ni Kalas. He's standing near a nipa hut with his new target? Bumibili sila ng buko juice. Pansin ko na may hawak nang singsing sa likuran niya si Kalas na mukhang mag-aalok na ulit ng kasal.

Nakalas na naman siguro ang turnilyo ng isang iyon. Mabuti at may naipapalit pa doon si Keaton?

Minsan napapaisip ako kung kailan talaga magsasama-sama iyong lahat ng mga babaeng napag-tripan niya. Hindi na naman talaga ako bitter sa kanya, sa katunayan ay minsan natatawa na ako, pero kung sigurong papipiliin ako, hindi ako magdadalawang-isip na suportahan ang kababaihan.

I was about to disregard him when a realization hit me.

Kung nandito si Langston Samonte, hindi malayong mangyari na nandito rin ang kapatid niya. Kapag minamalas ka nga naman, bakit sa dami ng pwede nilang pagbakasyunan dalawa ay rito pa sa napili ng pamilya ko.

Nakailang sipa ako sa buhangan habang naglalakad dahil sa matinding inis ko sa mga nangyayari, mula sa mga kapatid ko, sa kalamay nilang mga boyfriend, kay Papa na bantay sarado ako sa trabaho at kay Mama na wala man lang ginagawa para pagsabihan ang mga kapatid ko.

Paano kung mga mabuntis ang mga iyon?

"Nakakaasar ang araw na 'to! Grabe!"

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at hindi ko na namalayan na sobrang napalayo na pala ako mula sa mga tao. I was about to turn my back when I noticed someone not far from me.

He's alone as usual.

Did he actually rent this part of resort? Bakit walang magtangkang lumapit sa parteng ito?

My boss, Keaton Samonte was sitting under a huge blue umbrella. He's half laying on a beach bed with his aviators on.

Ito ang unang pagkakataon kong makita si Keaton Samonte na hindi naka-pormal na damit bukod sa uniform niya sa basketball. Samonteng hilaw was now laying topless with a book on his lap.

Dahil siya ang huling tao na gusto kong makita sa bakasyon ko, agad akong tumalikod para lumayo sa kanya pero mukhang kailangan ko nang tanggapin na sa tuwing nagkukrus ang landas namin ni Samonte puro kamalasan na lang ang nararanasan ko.

Buong akala ko ay wala nang makakapunta rito para maabala ang boss ko na kinatatakutan kong magising pero isa na naman iyong maling akala. Dahil may lumipad na bola lang naman mula sa hindi ko malamang direksyon.

Ano ang binagsakan? O tamang sabihin na sino ang tinamaan?

Napapikit ako nang marinig ko ang malakas na pagtama ng bola sa kanya. He was hit on his body but that was a surprise attack, nahulog siya sa beach bed, nangatal ang tuhod ko nang marinig ang malutong niyang mura para sa nagmamay-ari ng bola.

I saw the culprit; it was a little boy. He's about seven or eight years old, sa takot niya kay Keaton ay mabilis na siyang tumakbo. Gusto ko siyang tawagan o habulin para dalhin kay Keaton at sabihin na wala akong kasalanan dahil siguradong ako ang sisihin niya pero nauna ang awa ko.

Sanay na ako sa mura ni Keaton Samonte at mas mabuting ako na lang kaysa iyong inosenteng bata.

"Who the hell---" hindi natigil ni Samonteng lamig ang sasabihin niya nang nagtama ang mga mata namin.

"You again?! Ano pa ang ibabato mo sa akin, La Rosa!?"

Umiling ako. "It's not me! Galing ang bolang iyan sa bata, he left! Natakot na siya, tumakbo..."

He doesn't look convinced. "What do you want?"

"Huh?"

"Why are you here? Didn't you receive my message? I gave you three-day vacation."

"Nabasa ko po. Actually, I'm in family outing right now."

"Here?"

I nodded.

"But since you're here, I have a job for you."

"What? Boss... this is coincidence. Hindi ko talaga alam na nandito ka."

"Find that boy. The owner of this ball." Malamig na sabi niya na alam kong hindi magdudulot ng maganda sa bata at maging sa mga magulang niya.

"Boss... hindi naman niya sinasadya..."

"Find the boy or I'll fire you?"

"Huh? Gano'n agad? I am sorry, then. Ako na ang hihingi ng paumanhin para sa bata. You'll just complicate things, nandito siguro ang pamilya ng batang iyon para magsaya tapos..."

"La Rosa! Just follow my orders!"

"Boss... I can't..."

"Y-you! You are---"

Ngumiwi na ako. Ito na, "Fired na po ba ako?"

"S-salary deduction!"

Mukhang wala na akong suswelduhin dahil sa walang katapusang salary deduction ni Keaton Samonte.

"Boss... wait lang, okay? I'll be right back."

Hindi siya sumagot sa akin, nagmadali na akong tumakbo at bumalik sa cottage namin. May kinuha lamang ako sa bag ko at nang makita ko iyon ay nagpaalam na ulit ako sa kanila.

"Saan ka pupunta, Ashanti?" tanong ni Mama.

"Sa may tabing dagat lang, Ma. Mabilis lang po ako."

Mariin tumitig sa akin ang mga kapatid ko na parang malaking kasalanan na hindi ko sabihin sa kanila kung saan ako papunta, sinagot ko silang ng irap.

Humihingal na ako nang makarating sa posisyon ni Keaton Samonte. Nagdiretso ako sa beach bed niya at naupo roon.

"Look at this, boss? A good cream for swollen—"

"I will not use that."

I rolled my eyes. "Ginagamit ko ito kapag sobrang lakas ng tama sa akin ng bola kapag naglalaro ako ng volleyball."

"Oh, come on! Baka pumaga ang mukha mo, boss..." binuksan ko na iyon at naglagay ako sa daliri ko.

I tried to reach his face but he's too fast to stop me. Tinatabig niya ang kamay ko.

"Saglit lang naman!"

"I don't want. I will fire---"

"Salary deduction! Salary deduction na lang, boss!" marahas kong ibinaba ang dalawa niyang kamay at mabilis kong nilagyan ng cream ang mukha niya.

Natigil bigla sa paggalaw si Keaton Samonte habang marahan akong naglalagay ng cream sa pisngi niya.

"It's nice, 'di ba?"

"I will deduct it to your salary."

"Akin naman 'tong cream, why deduction?"

"For touching your boss."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro