Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

Sweet

Ilang cookies na ang natikman ko habang naghihintay sa meeting ni Keaton Samonte at Troy Ferell. What took them so long?

Sineryoso ba talaga ni Samonteng lamig ang interes niya sa cookies para lang pagtakpan iyong pagkanta niya? He's funny.

"Miss secretary, may gusto ka pa ba?" tanong ng pinaka-batang empleyado ni Troy Ferell. Nangangatal pa ang boses niya sa akin na parang hiyang-hiya.

Ilang taon lang yata ang tanda niya sa akin, he's probably twenty-four?

Nagtilian ang ilang mga babae at nang-asar muli ang mga lalaki sa pinaka-batang empleyado na siyang nagtanong sa akin. He's single and the youngest of the circle. Uso yata talaga ang mga pa-love team sa mga kumpanya at dahil bata pa iyong lalaki na nagtanong sa akin at mukhang wala pa siyang partner, ako ang nakita ng mga kasamahan nila.

Kanina pa kaming inaasar dalawa. Hindi naman ako kill joy at imposibleng bumalik pa kami rito kaya hinayaan ko na lamang sila at sinakyan.

"No, it's okay. Hindi ko pa 'to nauubos."

"You should call her name. Stop the formality, Francis." Sabi ng isa sa kasamahan niya.

I smiled uneasily. Hindi pa ba matatapos iyong si Samonteng lamig?

Kalahating oras muli ang lumipas, hindi pa rin lumalabas iyong dalawa. Kung anu-ano na ang itinatanong sa akin ng mga empleyado ni Troy Ferell. They're too nosy.

Ganito ba talaga sila sa kanilang mga bisita?

"Pero single?" tanong ng isang babae.

Lahat ng mga mata nila'y nakatitig sa akin. Kung kanina ay halos hindi na sila mag-angat ng ulo sa presensiya ni Troy, ngayon ay para silang nakawala sa hawla.

Hindi ba sila natatakot na baka biglang mabuksan ang opisina ng boss nila at marinig ang katanungan nila?

"W-what?" tanong ko kahit narinig ko naman iyon ng malinaw.

Panibagong babae ang nag-ulit ng tanong sa akin. Bago pa magkaroon ng pangatlo ay sumagot na ako. "Yes. I'm single..."

Tinapik ng mga lalaki iyong balikat ni Francis na nagmula ang pisngi nang tumama ang mga mata namin. A timid type, huh?

Sumulyap muli ako sa pintuan ng opisina ni Troy Ferell, ano pa ba ang pinag-uusapan nila roon? Tiningnan ko muli ang oras at nang mag-iisang oras na ang ipinaghihintay ko, napabuntong-hininga ako.

Iginala ko na lamang ang aking mga mata sa kabuuan ng maliit na opisina ni Troy Ferell.

Kahit nasabi na sa akin ni Langston na kilala si Troy na siyang namamahala ng Leviathan branch, hindi naman ako nag-expect ng sobrang develop na branch, tama lang siguro.

The main office has few employees, so the familiarity and the closeness between them was not surprising, aside from that their tables were not divided into cubicles so it won't be hard for them to chat all they want (if Troy is not around).

Kung sabagay, I shouldn't expect too much about this branch, I even heard that this branch was just established for Troy's benefit, as his training ground.

Sana all mayaman katulad ng mga Ferell, kung gusto ng experience magpapagawa na lang ng branch malapit sa bahay n'yo. Samantalang ako ipinatapon ni Papa sa mga Samonte para magkaroon ng experience.

Akala ko ay sasagot na naman ako sa walang katapusang katanungan nila nang biglang mabuksan ang pintuan. Not from the office but from the entrance, a smiling face of another Ferell greeted us.

"Hi, everyone! This is Aldus Ferell, I will file a complaint to your boss, nagka-LBM ako sa biscuit n'yo." Ngising sabi niya habang nilalaro ang susi ng kanyang kotse sa kanyang daliri.

He slowly removed his shades in his model-like way. May commercial ba ng Ray-ban ngayon?

"S-sir!"

Napatayo iyong mga empleyado ni Troy Ferell nang makita ang bago nilang bisita. Tumango siya sa kanila.

"Please continue your work, baka i-review ni Troy ang CCTV camera at makita niya na nag-aksaya kayo ng oras sa pagbati sa akin. That's probably a salary deduction, kuripot iyon."

Mukhang naalarma naman iyong mga tauhan kaya nagsimula na silang umupo at bumalik sa kanilang mga trabaho.

"Hey, you're Ashanti La Rosa, right? Keaton's secretary?" I nodded at him.

Tumabi siya sa akin. "Nanuod ka ng game namin noon, right? You looked familiar."

I want to give him an exaggerated look with the word wow, kasi paano niya naman ako matatandaan? Nasa kalabang grupo ako kung hindi ako nagkakamali, and they declined the invitation after the game to eat with the winners dahil badtrip silang magpipinsan kay Troy.

Mga paandar din ng mga Ferell parang mga suman.

"Yes... nandoon nga ako."

Ngumuso siya sa sinabi ko. "Besides, hindi ko talaga nakakalimutan ang mga cute."

Pinilit kong hindi ngumiwi. Para talaga siyang suman. "Oh... hindi naman."

He chuckled, sumulyap siya sa opisina ng pinsan niya. "Kanina pa ba sila?"

"Yes. One and a half?"

"Oh? Naglolokohan na lang ang dalawang iyan sa loob."

Tatayo na sana si Aldus Ferell nang mabuksan na ang pintuan, unang lumabas si Samonteng lamig na agad tumama ang mata sa akin. His brows automatically creased like I was some sort of an activation to make his frown visible.

Sumunod sa kanya si Troy na agad tumaas ang kilay nang makita ang katabi ko.

"Oh, pinsan! Why are you here? I never invited you."

"I invited myself. Well? What happened business geeks?" tanong ni Aldus sa kanila.

Umakbay si Troy Ferell kay Keaton Samonte na hindi na nagsalita. "Why don't you join us for dinner?"

Umawang ang bibig ni Aldus nang marinig iyon kay Troy na parang hindi makapaniwala. "Are you sick?"

Ngumisi si Troy Ferell. "Of course, it's Aldus treat."

"I still have my plans to--"

"I cleared your schedule today, boss." I interrupted him.

Lalo yatang uminit ang dugo niya sa akin nang sabihin ko iyon.

"Then, it's settled. Let's go?"

Sobrang tahimik ni Keaton Samonte nang bumalik na kami sa sasakyan, hindi na ako magugulat kung bigla niya akong bugahan ng apoy. Kailan baa ko masasanay sa kanya? Lagi na lang siyang high blood sa akin.

"Boss, kung ayaw mo naman talaga pwede ka namang tumanggi sa kanila."

"How? You just told them that I am free."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Bakit ba mainit na naman ang ulo niya? Based from his behavior with Troy a while ago the meeting went well.

Nakarating na kami sa restaurant na sinabi ni Troy, they're already waiting for us nang pumasok kami. Tumayo agad si Aldus at pinaghila niya ako ng upuan.

"Thanks..."

Narinig kong sumipol si Troy at tipid na sumulyap kay Keaton. Aldus called the waiter's attention when we're already settled.

"So... ano ang gusto mo, Miss La Rosa? Keaton?"

"You are giving my secretary your too much attention, Ferell." Kumento ni Samonteng lamig.

"Eh? Bawal ba?"

"She's still in her work, if you're going to—"

"I am just being friendly, Keaton. Possessive boss, eh?"

I awkwardly looked at them. Mainit na kanina pa ang ulo ni Keaton, of course he'd be mad right now. Maybe he's thinking right now that these Ferell invited us because of me, based from Aldus' behavior and how he acted towards me which was quite weird.

This dinner took my boss very precious time. Kaya ganyan na naman si Samonteng lamig.

"Hey? Siguro nagugutom lang kayo. Right, Miss La Rosa?" sabat ni Troy.

"Yes..."

Sa wakas ay nabigyan na rin namin ng atensyon ang waiter na kanina pang tahimik at hinihintay ang order namin. Since I am a food lover, I didn't mind the presence of the boys even if I ordered a lot.

We were waiting for the foods when Troy Ferell opened another conversation.

"Just tell me if you'll agree, Samonte."

"I'll think about it."

"Oh? But don't make me wait for long, I am not a patient man. Besides, as what I've told you... there's someone else who received the proposal first." Kumunot muli ang noo ni Keaton.

"Is this the expansion in Enamel?" sabat ni Aldus.

"Yes."

Unti-unti kong nahuhuli ang pinag-uusapan nila. He's planning to expand their branch in our province, and probably he's asking Keaton to supervise it. Pero nasa plano ba talaga iyon ni Keaton?

"Sino pa?" tanong ni Aldus.

"I sent the proposal to the Arellanos, to be more specific I contacted Leiden. He told me that he's planning to stay in your province and start helping their family." Suminghap ako sa sinabi ni Troy.

"Totoo?" halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

That kamoteng hilaw has plans? Hindi halata!

"Let's talk about the contract next week, Ferell. I'll take the offer." Lahat kami ay napalingon kay Keaton Samonte na kasalukuyan nang umiinom ng tubig.

"Uhuh? Well played, cousin." I heard Aldus' whisper.

I saw how Troy's earring glint with the wide grin on his face. "Good choice, Samonte."

Nakarating na ang pagkain namin, hindi na ako nakinig pa sa usapan nilang tatlo at nagkaroon na ako ng sariling mundo. Minsan ay naririnig ko rin tumawa sina Aldus at Troy, hinintay ko na gano'n din ang gawin ni Keaton but he's too reserved.

But when I heard him curse, and softly chuckled after a certain statement from Aldus my eyes automatically went on him. Nawala ang ngisi sa labi niya nang makita niyang sumulyap ako sa kanya.

"By the way, it's your first time to hire a younger secretary. She's about our age. New taste?" kumento ni Aldus.

So Keaton Samonte's previous secretaries are way older? Kung sabagay, ilang taon ba ang tanda sa amin ni Keaton Samonte? He's twenty-four or twenty-five, I think?

Isn't it unusual for an experienced businessman like him to have a deal with these younger boys? I mean, well... Troy's just starting in business world compared with Keaton, but I couldn't just underestimate this Ferell, para saan pa ang mga usap-usapan sa kanya?

I was thinking about Troy Ferell's possible deception towards my boss, but should I think it in other way around? Mas kilala lang talaga ang pangalan Ferell kaya iba iyong epekto nila sa mga tao sa tuwing naririnig ang kanilang pangalan na kakabit ay negosyo.

But Keaton Samonte could be categorized as a silent killer, his movement could probably hide behind the shadows, unnoticed plans and a surprising success.

"I'm tired of secretaries' getting pregnant."

Sabay natawa sina Troy at Aldus sa sagot ni Samonteng lamig.

"Seriously? As in lahat nabubuntis?"

"Yeah."

"Hindi naman..." sinadyang bitinin ni Aldus ang kanyang sasabihin.

"Shut up, Ferell."

Akala ko ay hindi na ako papansinin ng tatlong lalaki pero natigil sa pagtawa si Troy Ferell, I waited for him to say something to tease my boss again but it seemed like his attention was already diverted to me.

"How could you eat that lot?" humahangang tanong sa akin ni Troy Ferell nang makita na hindi pa rin ako tumitigil sa pagkain.

"And you're not getting fat. Are you into gym, Miss La Rosa?" tanong ni Aldus.

"I am into sports."

"Oh, that's good."

Tumikhim si Samonteng lamig at may itinanong siya muli kay Troy na siyang nag-alis ng atensyon nila sa akin.

We spent almost two hours inside that restaurant before we bid our good bye, kaiba ang ngisi ng dalawang Ferell kay Samonteng lamig bago ang mga iyon tumalikod sa aming dalawa.

"La Rosa, sit at the back." I nodded at him.

Magkatabi kami sa likuran nang sasakyan nang tumakbo na iyon pauwi. Pansin ko na hindi patungo sa mansyon nila ang kotse.

"Boss, may pupuntahan pa ba tayo?" nakatanaw na naman siya sa bintana.

"You're not familiar with this route?"

"M-may meeting pa po ba tayo?"

Walang kilalang businessman malapit sa amin na siyang posibleng maging ka-meeting namin. Or did I miss a name again?

Agad akong ginapangan ng kaba sa dibdib nang dahil sa naisip ko. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong natatandaan na meeting ngayong gabi.

"Boss..."

Bumuntong-hininga siya at tamad na lumingon sa akin. "I am sending you home."

Natulala ako sa sinabi niya. "W-what?"

"Or would you rather ask those Ferells to send you home?"

"Huh? Bakit naman nila ako ihahatid?"

Natigilan siya sa sagot ko at muli siyang tumanaw sa bintana.

"You hate me, I should hate you too." Sabi niya, mahina iyon pero narinig ko. Buti naman ay alam niya.

We hate each other. Sino ba ang matutuwa sa boss na kuripot at laging high blood?

Sumandal na ako nang maayos sa upuan at nagdasal na ako na sana ay makarating na ako sa bahay.

I thought he would stay silent until we reached my home, but he asked me something and it felt well... strangely weird and cute?

"Did you like it?" he asked while still staring at the window.

"Huh?"

Ano ba 'tong mga tanong sa akin ni Samonteng lamig na 'to?

"The cookies. Did you like it?"

Matamis naman...

"Y-yes... it's sweet."

"Hmm...okay."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro