Chapter 13
Chapter 13
Cookies
I tried hard to suppress my laughter when I saw his epic reaction. Buong akala ko ay uminit lamang ang ulo niya nang dahil sa performance namin. But it seemed like the fortune cookie made an interesting twist.
"You heard what?" patay malisyang tanong niya sa akin.
Hindi niya ako maloloko. He was singing that song. Tinatamaan din naman pala ng last song syndrome ang mga intsik na katulad niya.
"Hmm..." I playfully prodded my lips and didn't give him the satisfaction.
Hinayaan ko muna siyang mas lalong mairita sa akin. I placed the black coffee on his table, hinalo ko pa ulit iyon sa harapan niya para hindi agada ko makalayo sa kanyang lamesa.
"Gusto mo pala iyon, boss? Well... the song is quite cute."
"What?" he continued with his pretention.
After placing his cup of coffee, I did something that would annoy him. I wasn't the best dancer during our performance yesterday, but I could say that I could perfect some of its dance steps, especially the hand movement (kahit iyon lang).
I placed both of my hands in front of my stomach, and made a twisting movement like I was trying to create a snow ball. Kung pamilyar ka sa anime na Naruto para akong nagawa ng rasengan or kung sa Dragon ball naman gumagawa ako ng hame-hame wave or whatever you call it. But to make it simpler, nagmamasa na lang ng tinapay.
"What the hell are you doing, La Rosa?!"
"Fortune cookie, boss."
"What the—niloloko mo ba talaga ako?" napatayo na siya at mas lumapit sa akin. Hindi na ako magugulat kung bigla niya akong sakalin.
I don't know why... but I think... I'm starting to love being his annoying secretary. Sa kanya na nanggaling noon na hinayaan niya akong magtrabaho rito dahil na rin sa sarili niyang interes. He wanted me near him to watch my actions, I wanted to stay here to change his mind and prove my point about his devilish business.
Bakit ko nga ba hahayaan ang sarili kong maging problemado lagi sa trabahong ito at sa mga plano ko kung may paraan naman pala ako para maging... well... masaya?
Asar talo pa naman pala itong si Samonteng lamig. While he's charming me with his frozen moves, I'll try mine, too.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagngisi ko. Tumigil ako sa pagmasa ng tinapay sa hangin at itinago ang dalawa kong kamay sa aking likuran.
"Boss, wala naman masama ma-LSS..."
Pansin ko na may ilang ugat na lumabas sa sentido ni Keaton Samonte. "I wasn't singing! I j-just want a... cookie. Right, contact a cookie factory. Arrange a meeting."
Naupo na siya at nagsimulang magbuklat ng folder. Nanatili akong nasa tabi niya habang kinukurot ang sarili para pigilan ang malakas na pagtawa.
Anong klaseng palusot pa ang maririnig ko sa'yo, Keaton Samonte? Of course, he wouldn't admit what I'd heard.
"A cookie factory, boss?"
"Yes, absolutely."
"Boss... we're fully load this week. And you don't need to go beyond that, kakalimutan ko na lang po ang narinig ko."
"I w-wasn't singing! Ilang beses ko ba iyon sasabihin? I was t-thinking of that p-project! Yes, a p-proposal." Nagkapili-pilipit na ang dila ni Keaton Samonte.
"Boss, I told you, it's fine. Nauutal ka na sa pagtang—"
"Hindi ako ni-uutal!"
Ilang segundong mas lalong natigilan si Samonteng lamig nang marinig niya ang sarili niyang dila na mas pumilipit sa pagtanggi sa akin.
Halos hindi na ako makahinga sa pagpigil ng pagtawa ko. "Alright, boss... hindi ka ni-uutal."
Marahas na siyang tumayo at itinuro niya ang pintuan. "Out! Get out of my office, La Rosa!"
"Copy, sir!"
Lakad-takbo ako patungo sa pintuan, pero bago ko pa man marating iyon ay hindi ko mapigilang kantahin ang ilang lyrics.
"Oh pag-ibig fortune cookie... may project at proposal pala..."
"La Rosa!"
Mabilis ko nang binuksan ang pintuan at lumabas na ako. Tumakbo na ako pababa ng hagdanan para agad makalayo sa opisina ni Keaton Samonte at nang alam kong malaki na ang distansya ko mula sa pandinig niya hinayaan ko ang sarili kong tumawa.
"Oh my god!" halos maluha ako sa kakatawa, nagpunta pa ako sa washroom para ayusin ang sarili ko.
Ilang minuto akong tumatawa sa harap ng salamin pero hindi rin nagtagal ay natigil ako nang mapagmasdan ko ang sarili kong repleksyon.
And the realization daunted me. I was laughing because of him! But I told to myself that he's my least favorite person in the world, what actually happened to me?
His kiss yesterday suddenly flashed in my memory. No...
Umiling ako nang maalala iyon. That was probably a ploy to confuse me about my motive. Nagawa na iyon sa akin ni Langston, hindi imposible na ganoon din si Keaton Samonte.
If he couldn't wring my neck as his secretary, he'd probably use the other trick. Seduction. Cold and dangerous seduction.
Keaton Samonte is like a frozen cookie. Pero sabi nga sa mga kasabihan na naririnig ko katulad ng palay.
Kung palay na ang lumalapit, bakit hindi pa tutukain?
May isa pa akong pinaniniwalaan. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
I grinned. Nang lumabas na ako ng banyo nakasalubong ko si Langston na naliligo sa sarili niyang pawis, mukhang galing sa work-out.
Minsan napapa-isip ako, kung si Keaton Samonte halos magpakamatay na sa mga negosyo nila, ano kaya ang ginagawa nitong si Langston sa buhay bukod sa paninira ng buhay ng mga inosenteng babae?
"Hey, ex-girlfriend! Breaktime?"
"No. Pinalabas ako ng kuya mo, mainit na naman ang ulo."
"Really? You annoyed him again?"
"No way."
"Oh, okay. He'll call you again, hindi na kita aabalahin." I nodded at him, pero bago pa man siya makalayo ay may naalala ako.
"Kalas!"
Nakakunot ang noo niya nang lumingon sa akin. "I mean... Langston. I have a question, may alam ka ba na malapit na cookie factory rito?"
"Huh?"
"Or any biscuit factory?"
Saglit siyang nag-isip, akala ko ay wala akong makukuha sa kanya nang magliwanag ang mukha niya.
"I remembered, ang mga Ferell... kung hindi ako nagkakamali si Troy Ferell ang namamahala no'n. Try to ask Triton, kilala mo naman siya, 'di ba? Iyong nagde-deliver ng tubig?"
"Of course, kilala ko sila." I rolled my eyes.
Hindi niya ba natatandaan na kasali ang mga iyon sa basketball kung saan nanunod ako. Isa pa, wala yatang babae rito sa Enamel ang hindi nakakakilala sa kanila. They're too famous!
Kalahating oras akong nasa labas ng opisina ni Keaton Samonte bago niya ako pinatawag sa isa sa kanilang katulong.
Parang hindi man lang siya gumalaw roon sa kinauupuan niya, hindi ba siya nangangalay?
"Boss...?"
"What?"
"I found a cookie factory."
"What?"
"A cookie factory."
"Why would you—" tumaas ang kilay ko.
"Where?"
"Leviathan, under Ferell Food Corp. Should I send them an email, boss?"
Alam ko naman na wala talaga sa plano ni Keaton Samonte ang magpunta roon sa Leviathan at sa factory ng biscuit. But it was him who pushed me to ride on his alibi.
"Yes."
Hapon na nang mag-reply sa e-mail ang Ferell Food Corp, actually I e-mailed the Leviathan branch kasi iyon naman talaga ang mas malapit at kilala namin iyong nagma-manage.
"Boss, they are willing to accommodate us daw. They gave us their available time."
Ipinaliwanag ko sa kanya kung anong oras kami pupunta, the admin explained that their boss (Troy Ferell) will personally escort us. Tumango lamang sa akin si Keaton habang nagpapaliwanag ako.
After my explanation he immediately grabbed his phone and made a call, I thought it was one of his business partners again but I was wrong.
"Good, I thought you're in Manila."
"Yes, I want to see different angle."
"It's okay. I don't need you there. I can handle your cousin. I know you're busy, Aldus."
"That's given, did you expect something else? You idiot."
"You mean—holy shit. Really?"
Habang pinapakinggan ang pakikipag-usap ni Keaton Samonte kay Aldus Ferell na sana ay naka-loud speaker para maintindihan ko, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Buong akala ko ay business call lang ang kaya niyang gawin sa telepono niya, but watching him right now I could say that he's somewhat a normal guy naman pala.
"Alright, it's better. Thanks."
Nagulat pa ako nang saglit na tumawa si Keaton sa telepono. "Man, just be careful. They bite."
Nang matapos na sa pakikipag-usap si Keaton at makita niyang pinanunuod ko siya agad akong tumungo at nagkunwaring nagbabasa ng notes.
"We'll be early tomorrow. You may go now."
Mabilis akong kausap, inayos ko na agad ang gamit ko at nagpaalam na ako sa kanya.
"Don't wear corporate attire tomorrow, Miss La Rosa. Casual will do." Paalala niya sa akin bago ako tuluyang makalabas.
"Noted, boss."
**
Hindi ko naman tinanong si Keaton Samonte ng isusuot niya pero para kaming may pinag-usapan dalawa. He's wearing a navy-blue polo shirt while mine was a denim dress. Bumagay iyong mga damit namin sa isa't-isa, idagdag pa na kapwa kami nakasuot ng shades. Pero tinanggal ko na iyong akin nang makita kong nakasuot siya.
Walang sinabi si Samonteng lamig nang pinili kong umupo sa unahan ng kotse, inabot pa kami ng biglaang traffic na hindi naman talaga madalas nangyayari sa Enamel.
It was too boring, kaya ang tanging naisip ko para hindi ako antukin ay magpatugtog sa stereo.
A wicked grin crept on my lips when I glanced at the rearview mirror. Nakakapagtaka na walang kausap si Samonteng lamig, dahil nakapangalumbaba lang naman siya habang nakatitig sa labas ng bintana.
I connected my phone to the stereo and played the hype song that would make my day whole. I didn't appreciate this song at first, but after I heard it from someone else who tried to denied its effect on him... hmm... it's now my favorite.
"Stop the music, La Rosa."
Nagkunwari akong hindi siya naririnig at mas inagaw ko ang atensyon ni Kuya driver na mukhang bored na rin sa traffic.
"Kuya, hindi ganyan. Ganito..." I instructed him the movement of his hands na parang nagmamasa ng tinapay.
"Oh pag-ibig fortune cookie..." ulit ko habang ipinapakita ang perfect movement ng kamay ko.
"Ah, naalala ko na. Sinasayaw rin iyan ng bunso ko."
I giggled. "Uso po iyan ngayon, kaya nga po tayo pupunta sa Leviatan ngayon, maghahanap po tayo ng fortune cookie."
Keaton Samonte snorted at the backseat. "Hindi ba, boss?"
Nakakrus ang kanyang mga braso at hita habang iritadong nakatingin sa akin.
"Do you want to walk your way to Leviathan, La Rosa?"
"Si boss... hindi na mabiro."
Hindi na niya ulit ako pinansin at sa bintana niya ibinuhos ang kanyang atensyon. Tanghali na at tirik na tirik ang araw nang makarating kami sa factory, sinabi ng security guard na may dinaanan lang daw ang boss nila at babalik naman agad.
Sinalubong kami ng isang babae at sinabing sa loob na lang daw ng opisina kami maghintay. Susunod na sana kami sa kanya nang makarinig kami ng ingay ng isang sasakyan.
An expensive car made an exaggerated entrance like it was in some part of an action movie.
"Ang payong!" sigaw ng babaeng nasa unahan namin. Bago pa man tuluyang mabuksan ang pintuan ng mamahaling sasakyan ay nakaabang na ang humihingal na security guard para mapayungan ang lalaking papalabas sa sasakyan.
Troy Alvis Ferell, the CEO of Ferell biscuit factory Leviathan branch. His million-dollar earring shined under the sunlight.
"Welcome, guests!"
Kulang na lang ay bigyan siya ng red carpet ng kanyang mga tauhan na naging mas alerto sa kanyang presensiya. Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ko kay Troy Ferell at Keaton Samonte, biglang nahiya ang kutis ko sa kanilang dalawa.
Inilabas ko na rin ang payong ko, pilit akong tumingkayad para mapayungan ko rin ang boss ko.
Keaton Samonte looked at me incredulously before pushed away my umbrella. Si Troy Ferell ang unang naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap iyon ni Keaton at ilang segundo silang nagsukatan ng titig ni Troy Ferell.
I could literally smell business. Well... Troy Ferell is known for being crazy, a big joke or anything that would make someone's eye roll. But in terms of business, his skills are absolutely a predator-like, laging nanlalamang. He's a monster in business, kaunting kinang lang daw ng hikaw niya at nagkamali kang kumurap, naisahan ka na.
I thought that information was a bit exaggerated, but the moment I felt his presence with Keaton Samonte, I couldn't say more.
"Well? What caught your attention, Samonte?"
"Hype news about this branch."
"Oh?"
Sumulyap sa akin si Troy Ferell, we've met before but in different circumstances. He smiled at me.
"A secretary, hmm..."
When we entered the office, we were greeted by few of Troy's office staffs. Troy and Keaton will have their private meeting, so I don't have any choice but to sit at the corner and wait for my boss.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang makitang pumasok na si Troy Ferell sa kanyang mismong opisina, not that I don't trust Keaton and his business skills, but Troy Ferell is known for his deceptions.
Bago pa man sumunod si Samonteng lamig kay Troy, I tried to call him.
"Boss..."
Lumingon siya sa akin. Sumulyap muna ako sa mga tauhan ni Troy Ferell, lahat ang mga iyon ay nakatungo at abala sa kanilang mga trabaho.
I immediately returned my gaze to my boss, and his brows were furrowed as usual. I didn't utter the words with sound, instead I mouthed it slowly so that he could understand it, with my signature hand air bending (if you're familiar with Ang the Avatar).
"Kung gustong maging maswerte
Huwag mong kalimutang ngumiti..."
Of course, Samonteng lamig didn't smile. But the corner of his lips moved a few inches. I thought that was all... but before turning his back he gave me few words, seriously it was supposed to be a harsh attack.
But my heart leaped strangely. "You're fired, Shanti."
And then he called one of Troy's staff. "Hey, would you please give my secretary your best-selling cookies?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro