Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Sponsor

Malakas na halakhak ni Leiden Arellano ang lalong nagpakunot ng noo ko habang nakatanaw sa mga batang naglalaro sa maliit na court.

"That was fucking epic, Ashanti!"

Umakbay siya sa akin na tawa nang tawa, marahas ko siyang itinulak papalayo sa akin.

"Shut up. Oo na! Ako na ang jobless! Ako na ang gabi-gabing minumura ni Papa, ako na ang laging iniirapan ng mga kapatid ko at ako na ang disappointment! Masaya ka na?"

But this annoying Arellano couldn't stop laughing! Ano ba ang nakakatawa doon? Oo, ilang beses ko nang inisip na sipain si Samonteng lamig pero hindi naman ako umabot sa punto na doon sisipa. May awa pa rin naman ako.

Bakit naman kasi lumabas siya!?

"I am so proud of you!"

"Shut up, Arellano!"

"Gusto mo ba ng trabaho? I can hire you. You can be my secretary just don't kick my balls, okay?"

"Tang ina mo."

Sumipol siya. "Ang lutong."

Tumayo na ako sa bleachers at humiwalay na kay Leiden. Gusto ko nang mag-message kay Farrah, bakit ang aga yata ng oras na ibinigay niya sa akin at ako pa lamang ang youth council na nandito?

"Hindi na makakabuntis 'yong si Samonte."

Biglang bumalik sa alaala ko iyong pamimilipit na reaksyon ni Keaton nang masipa ko iyon. Hindi na ba talaga? Nakokonsensiya na 'ko.

"Hindi ba iyon madadaan sa hilot, Leiden?"

Muntik nang mahulog sa kanyang kinauupuan si Leiden sa tanong ko at muli na naman siyang humalakhak ng malakas na pagtawa.

"What the—ano ang hihilutin, Ashanti? Holy shit! Paano hihilutin? Sa bulag ba siya lalapit?" wala pa rin siyang tigil sa pagtawa, sa katunayan ay hawak na niya ang tiyan niya sa katatawa.

Napapasulyap na 'yong mga bata na naglalaro sa amin dahil sa pagtawa ni Leiden. I made a continuous circle near my ear to send them a message that someone's getting crazy.

Sa sobrang asar ko lumapit na ako kay Leiden at pinaghahampas ko na siya para tumigil siya sa pagtawa.

"Tumigil ka dyan, kamoteng hilaw ka!"

"Kamoteng what?" ngising tanong niya. Nagpahid na siya ng luha sa gilid ng kanyang mata.

"Gago ka."

I was about to walked out when Arellano grabbed my wrist and pulled me on his lap.

"Don't gago me, La Rosa. Pinaka-good boy pa 'ko sa mga Arellano..." bulong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at marahas akong humiwalay sa kanya. Muling tumawa si Leiden Arellano na nakasandal na sa bleachers habang nasa likuran ng ulo niya ang kanyang dalawang kamay.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nang makita niyang unti-unting umangat ang kanan kong paa sa ere, nanlaki ang mga mata niya. Mabilis nagtungo sa pagitan ng mga hita niya ang dalawang kamay niya para protektahan iyon.

Agad siyang tumayo at dumistansya sa akin.

"Si Ashanti, hindi na mabiro! Not my balls, snowflakes."

Umirap ako sa pang-asar niyang mukha at tumalikod na 'ko. Eksaktong dumating na rin si Farrah at ang ibang youth council.

Tulad nga ng sabi niya tungkol ang meeting namin sa isang sponsorship event.

"The youth will gather the sponsors in the said event. We should please them, yes, they already signed the sponsorship projects but we should show them how thankful we are. Isa pa, malaki ang posibilidad na magsama rin sila ng ibang negosyante na mahilig tumulong sa community. It is rare to find sets of business people who are interested to help, kaya hindi natin ito pwedeng palampasin."

Ngumuso ako habang nilalaro ang ballpen sa labi ko.

"So... this event is just the formality?" tanong ko.

"Yes, Ashanti. In public, it would be the sponsorship signing pero matagal na naman talagang pirmado. Ayaw na sana ng mga sponsor ng publicity, pero paano nga mahihikayat iyong future sponsors kung walang publicity? So in order to attract attention and help us gain more funds, pumayag na rin iyong mga sponsor natin."

Gusto kong humanga kay Farrah, hindi na nakapagtataka na kahit sa bata niyang edad siya iyong na-elect na Youth Council President, it's not just leadership that she possessed but also the power of her words. She's still a student like me, pero matataas na tao na ang nakakausap niya.

Saglit sumagi sa isip ko na itanong kung sino iyong mga sponsor namin pero nagbago rin ang isip ko. Para saan pa? Hindi ko rin naman talaga kilala ang mga iyon. I could just participate.

"Nakalatag na ba ang program flow?" tanong ko.

"That's the reason of our meeting. Kasi hindi pwede na signing agad, we should entertain them. Hindi naman kailangan na sobrang tagal na event kasi mga busy rin iyong mga taong 'yon. All we have to do is to make them feel that we are so pleased about them."

"Hey, galit ka pa ba?" katabi ko na ulit si Leiden.

Hindi naman siya Youth Council pero dahil mula siya sa pamilya na may hawak ng buong Enamel malaya siyang nakakalapit sa mga ganitong meeting.

"Hey..."

Ginamit niya lang naman ang di-pindot niyang ballpen sa pisngi ko.

"Leiden, ayusin mo ang buhay mo. Uupakan na talaga kita."

"Ang taray."

Hindi na ulit nangulit si Leiden nang magpaliwanag ulit si Farrah at humingi na siya ng suggestion sa amin. Nanatili akong tahimik at nakinig na lamang dahil wala talaga akong maisip. Tumango na lang ako ng tumango sa mga sinasabi nila, at huli na ang lahat nang tuluyan nang pumasok sa utak ko ang sinang-ayunan ko.

"You mean all of us? Are you sure about it, Farrah?"

Lahat sila ay tumingin sa akin na parang may mali akong nasabi.

"Of course, Ashanti. Kakaunti na nga lang tayong babae. We can't make an exemption or hire other dancers, mas may mga importante tayong dapat pagkagastusan."

"But I can't dance, Farrah. Isa pa sobrang tangkad ko, kitang-kita ako."

Even in school co-curricular activities related with dancing I never tried to participate if it's not required. "Hindi ako dancer, Farrah..."

Kumunot ang noo niya sa akin. I've been active with Farrah's activities since I entered the youth council pero hindi ko yata talaga kaya ang sumayaw. I could do sports but not dance.

Siniko ako ni Leiden. "Para ilang minuto lang naman. Don't worry, hindi rin naman ang pinakamatangkad 'yong pinapanuod, nasa unahan lagi ang pinapanuod ng audience."

Ang pagkaasar ko kay Leiden ngayong buong araw sobrang sukdulan na. Nang sulyapan ko ulit si Farrah alam kong wala na akong pag-asa. She has the final decision, siya pa rin ang presidente at kailangan ko iyong sundin.

"Alright, but don't expect too much. Hindi talaga ako sumasayaw."

"It's okay, may practice naman tayo."

***

"Again!"

Farrah clapped her hand as she instructed us the next dance step. Nakailang mura ako sa aking isipan habang pinipilit ang sarili sa pagsayaw. The thought that you were being forced to do something which was against your will, it was really suffocating.

Ang sama kasi sa pakiramdam na gawin iyong bagay na alam mong wala ka naman talagang pag-asa. But I should accept the fact that I have my responsibilities that I need to fulfill as a youth council. At hindi ko naisip na kasama roon ang pagsayaw.

Habang nagpapalit-palit kami ng formation kung saan lagi akong nasa gitna dahil wala akong kapantay na kasing-tangkad ko, pumapalakpak si Leiden Arellano. Gusto ko na siyang batuhin ng sapatos.

Minsan ay nakikita ko pa na ginagaya niya ang galaw ng kamay namin na parang itinuturo niya sa akin ang dapat kong gawin, bakit hindi na lang kaya siya ang sumayaw rito?

And what's the annoying part? The damn song! Matatanggap ko pa sana kung medyo swag ang sasayawin namin, pero iyong pabebe? Pa-cute? Buti sila maliliit na babae! Pero ako sobrang tangkad ko para sa pa-cute na sayaw! Hindi bagay sa akin! Para akong kawayan na nagpapa-cute at trying hard. Shit!

Sa buong preparation ng event namin hindi naging maganda ang mood ko, sino ba naman ang matutuwa?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko umaga pa lang habang inaayos na ang decoration ng covered court. Habang abala ako sa paggugupit ng ribbon agad kong nakilala ang sumagi sa sulok ng mata ko.

Si Langston. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

Ibabalik ko na sana ang paggugupit ko nang makita kong lumapit sa kanya si Farrah, muntik ko nang mabitawan ang gunting na hawak ko dahil doon.

Holy shit. Hindi kaya...?

Napatayo na ako sa kinauupuan ko at mabilis kong hinanap ang Vice President ng Youth Council.

"Pwede ko bang makita ang list ng sponsors natin?"

"Hindi mo pa kilala?"

Hindi na ako sumagot sa kanya dahil inagaw ko na agad ang listahan, at halos mawalan ako ng malay ng mabasa ko ang pangalan niya.

He's one of our sponsors!

"Ashanti!"

Nanghihina akong napalingon kay Farrah, kasalukuyan na niyang katabi si Langston na malawak na namang ngiti sa akin habang nakapamulsa.

"Y-yes?"

"Sinabi sa akin ni Langston na magkakilala kayo." Sasagot na sana ako na maliit naman ang Enamel para hindi kami magkakilala, but the idiot Langston Samonte ruined my plan.

"She's my ex-girlfriend."

"Oh..." namilog ang mata ni Farrah.

"Farrah, come here!"

Nawala ang atensyon ni Farrah sa aming dalawa dahil sa tumawag sa kanya. Siguro ay nararamdaman na rin niya ang tensyon sa pagitan namin ni Langston dahil agad din siyang nagpaalam.

"How are you?" tanong sa akin ni Langston na agad sumunod sa paglalakad ko.

"I'm fine, nakakatulog na 'ko nang maayos simula ng tumigil ako sa trabaho sa kuya mo."

"Oh? Si Kuya hindi pa... sumasakit pa rin yata."

Napalingon ako sa kanya. "Seriously?!"

He nodded. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. There's a possibility that I might trigger his anger again and it might affect our sponsorship. Baka masira ko pa ang magandang plano ng Youth dahil sa kasalanan ko kay Keaton Samonte.

Siguradong makikita niya ako sa performance. But I couldn't back out, magagalit sa akin ang buong Youth Council.

What should I do now?

"But he really needs a secretary. He's killing himself."

"Ano ang gusto mong gawin ko? I was fired."

Nagkibit-balikat lang sa akin si Langston. "Hindi ko rin alam."

"So why are you here?"

"Just checking."

"Checking for what?"

Ngumuso siya habang gumagala ang kanyang mata sa paligid hanggang sa tumama ang mga mata niya sa akin.

"See you later."

Hindi ko na siya sinagot, may natanggal na naman siguro iyon na turnilyo.

Nang kalahating oras na lang bago ang event, hindi na 'ko mapalagay lalo na nang makita kong nakaupo na sa mahabang lamesa si Keaton Samonte katabi ng mga ilan sa sponsors.

Sobrang plastic ng Samonteng lamig na iyon kung paano ngumiti at makatango sa mga tao na parang totoong nag-e-enjoy siya sa pakulo ng council. But deep inside he's in a hurry. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa siya sa mga sponsor.

Kuripot na instik siya, kaya nakakagulat na makita siyang nakaupo sa mga ganito na may kinalaman sa pagkabawas ng kanyang pera.

Malakas yata ang radar ni Keaton dahil habang wala akong tigil sa pagpula sa kanya, bigla na lang lumipad ang paningin niya sa akin habang pilit akong nagtatago sa maraming tao.

He held my gaze intensely that the distance between us didn't bother. Nawala lamang ang pagtitig namin sa isa't-isa nang may kumulbit sa akin mula sa likuran.

She's one of my friends from Anti-Samonte movement group.

"Ashanti ano na ang balita?"

Natulala ako sa kaibigan ko, ano ang maisasagot ko sa kanya? I was fired at wala na akong natitirang paraan para patigilin ang sabungan.

"Hey, Bea, ano ba ang nangyari?"

She looked overly stressed at hindi pa kumakain.

"Si Papa, Ashanti... pinagtulungan siya sa sabungan. Nanalo siya at malaki na sana ang mauuwi sa bahay para sa amin, pero pinagtulungan siya roon at inagaw ang pera. Sinubukan namin humingi ng tulong kay Keaton Samonte kasi siya naman ang may-ari, siya ang may kapangyarihan... kasi natakot na rin kami na maglabas ng reklamo dahil baka sa halip na tulong ay maipit pa si Papa pero hindi man lang siya kumibo at pinansin... mga abala raw kami..."

Nang makita ko ang pagpatak ng luha niya mas lalong sumiklab ang galit ko kay Keaton Samonte, nawala ang konsensiya ko sa ginawa ko sa kanya dapat ay mas higit pa roon ang ginawa ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Bea.

"Babagsak din ang sabungan niya, gagawa tayong lahat at ako ng paraan. Sobrang sama talaga ng ugali niya! Kaya kinakarma siya! Buti nga sa kanya! Akala niya nagsisisi ako? Sisipain ko ulit kung bibigyan ako ng pagkakataon."

"What are you talking about, Ashanti?"

Narinig ko ang sarili kong tumawa, klase ng pagtawa na parang may naisahan ako.

"Nakabawi na tayo kay Keaton Samonte."

"P-paano?"

Dumiin ang kamay ko kay Bea at taas noo kong ibinalita sa kanya ang pambawi namin kay Keaton Samonte.

"I kicked his balls! Akala niya makakabuntis pa siya? Never. Hinding-hindi na siya makakabuntis—"

Natigil ako sa anumang sasabihin ko kay Bea nang makarinig ako ng pamilyar na boses mula sa likuran ko. Natulala na si Bea na siyang nasa harapan ko habang kusang nanigas ang buong katawan ko.

"Alright. I'll call you back, Mr. Rodriguez."

Hindi ko magawang lumingon sa likuran ko.

"How sure are you, Miss La Rosa?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro