Chapter 1
Chapter 1
Meet
I doubled the speed of my bicycle as I shouted my frustration at the top of my lungs.
"Urgh! Ayoko na!"
Tears stung in my eyes as I pedaled my bike. They were being too much, couldn't they just leave me alone? I don't like their idea; I don't want to fucking join the high society! I didn't dream of a big name using a damn stepping stone!
What kind of stepping stone? A man. A fucking man!
My vision started to blurry but I continued to pedal my bike. I don't want to stop, I just want to find some place away from them. Sawang-sawa na ako sa kanila.
I couldn't help but to hate my parents and my siblings! Bakit ba kasi sila gano'n? We could strive hard if we want to climb on top, bakit kailangan ay umasa pa kami sa lalaki? Because it was my mom's frustration until now?
Dahil kilala ang pamilya ni Mama na may magagandang dalaga at nakakapag-asawa ng mayayaman?
How foolish!
Kilala ang mga Miral bilang lahi ng mga babaeng magaganda na kadalasang nakakapag-asawa ng mga lalaking angat sa lipunan. But unluckily, my mom got pregnant at hindi sa mayamang lalaki. Hindi pa nga tapos sa pag-aaral noon si Papa nang mabuntis si Mama kay Ate.
My father was now an average employee in a certain company, he's a manager. Pero iba pa rin kumpara sa mga napangasawa ng mga pinsan ni Mama, mayayaman talaga.
And because she failed to hunt a man with a high name in society, she dedicated herself to find her daughters a good catch. Bagay na nararanasan namin ngayon ng mga kapatid ko.
Sa aming limang babaeng magkakapatid, ako lang ang pilit na hindi sumang-ayon. I never attended a date or something that would match me to someone, kahit ilang sermon na ang natatanggap ko.
Ashanti Rose Miral La Rosa is a woman who could create her own stones to step further on her own future. At paninindigan ko ito.
Not that, binubugaw talaga kami? Because they tend to explained the restrictions, pero parang gano'n na rin iyon.
But the other problem here was my sisters! Sobra na sila sa akin! They even told me that I was the ugliest of us all, dahil wala lang akong boyfriend! Like excuse me? I never liked the boys from my mother's recommendation, but I am willing to entertain others, basta wala lang sa listahan niya.
I have nothing against their relationship with their oh-so-yaman boyfriends, wala na akong pake, and I am not bitter, dahil mahal na naman daw nila iyong mga hilaw nilang mga boyfriend na araw-araw na lang nakaparada ang sasakyan sa harap ng bahay.
But the thing here was...
I bit my lower lip, and I wiped the tears from my eyes. My sisters just hit the home!
Oo na, ako na ang walang manliligaw! I am the ugliest! I am the unattractive daughter! Ako na lahat! Sila na ang magaganda!
Masama bang magreklamo sa kanila na kung pwede ay sa malayo na lang magparada ng sasakyan ang mga boyfriend nila at huwag mismong sa harapan ng bahay namin? Sino ba ang nagwawalis ng harapan ng bahay?
Hindi ba't akong walang ini-entertain na lalaki at hindi na kailangang matakot sa araw at mangitim dahil wala namang boyfriend?
And then... w-what? Babatuhin nila ako ng mga ganoong salita? Na kesyo bitter daw ako? Hindi maganda kaya walang magkamali!
Kasalanan ko ba kung bakit ako lang ang morena sa aming magkakapatid, kasalanan ko ba na hindi kasing laki ng dibdib nila ang dibdib ko?
Mga leche!
Dahil mas napabilis ang pagpedal ko hindi ko na na-control ang aking bisikleta nang may madaanan akong humps. I tried to save myself from a terrible fall, but it didn't work at all.
I landed painfully at the side of the road. Shit!
"How lucky!"
Pinunasan ko ulit ang aking luha habang nararamdaman ang sugat sa siko at tuhod ko. Damn it! I have scratches now, mas pangit na 'ko! Sila na ang magaganda.
"Yes, I am ugly! Ako na! Ang gaganda n'yo, grabe!" sigaw ako ng sigaw sa kalsada.
Sinubukan kong tumayo pero napangiwi ako nang sumakit ang bewang ko, masama ang bagsak ko.
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa pagkairita. Napakamalas ko talaga!
Kukunin ko na sana ang phone ko sa aking bulsa nang maalarma ako ng makakita ng tumigil na sasakyan. Bakit siya tumigil?
Lumingon ako sa paligid, walang masyadong nagdadaan. We're not on national highway, ano naman ang ginagawa ng isang magarang sasakyan sa daang ito? Karamihan ay mga bisikleta lang ang dumadaan dito.
Nagpumilit akong tumayo, ano na lang ang mangyayari sa akin? Wala akong laban kung may magbalak sa akin ng masama.
To save my pride, I stay put on my oh-so-comfortable seat. I snatched my bag and pretended to look something inside it. Ramdam ko ang mga hakbang niya patungo sa akin at pilit kong pinakakalma ang sarili ko, hindi ako nag-aangat ng tingin sa kanya.
In my peripherical vision, I could recognize that it's a man.
"I don't need help! Padating na sila."
But he remained standing there. "But I can help you."
"May hinihintay na akong tulong, thank you."
"Okay, let's wait them."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at wala sa sarili na akong nag-angat ng tingin na siyang pinagsisihan ko. Dahil sa halip na mukha niya ang sumalubong sa akin, sinag ng araw ang tumama sa mata ko.
The sunrays almost hugged his whole form that made him difficult to visualize, I tried to covered my eyes to avoid the blinding ray of lights, but it was a failure when the wind blows with his hair and the tall tree that supposed to keep us protected with its shadows danced with the whistle of nature.
I felt a sudden pang on my chest when he extended his right hand on me in a very princelike way while his hair was swinging with the wind.
A prince...
"Hi, I am Langston Samonte. Can I wipe your tears?"
Umawang ang bibig ko, muling lumipad ang aking mga mata sa magara niyang sasakyan.
Not a prince with a white horse or a fascinating carriage, but a prince with an expensive car.
"What happened to you? May sumagi bang sasakyan sa'yo kanina? I'm sorry I failed to remember the plate number of the car next to me, siya ba ang sumagi sa'yo? I could still call and track it." Inilabas niya na ang kanyang telepono.
A prince with connections...
Just one last thing, please... give me signs that he's already the prince I've been waiting for. Wala sa listahan ni Mama, hindi ako itinulak sa kanya at kami mismo ang nagkakilala.
"Hey, are you alright?" he squatted his body to meet my gaze.
And when he smiled in front of me, my heart just melted. A princelike face, indeed.
A soft kind of prince. Brown hair, full lips, pointed nose, mesmerizing eyes and warm smile like a sunlight.
He pouted his lips when he finally had a glimpse of me. "This is foul, but you're so beautiful even with dried tears. How's that possible?"
Lumukso na ang dibdib ko sa huling salitang binanggit niya. I got the last sign, he told me that I was beautiful.
"Can't you speak? Are you shock?" tanong niya. He seems so talkative.
Umiling ako sa kanya. "Good, are we going to wait still?"
"It's fine."
"Fine?" he playfully titled his head.
"They're not coming..."
He chuckled. "I knew you're lying. Come here, is it okay if I--" tumango ako.
Tumabi siya sa akin, dapat ay aakbay ako sa kanya pero mabilis niya akong binuhat ng walang kahirap-hirap.
"Your name, please?"
"Ashanti Rose..."
"Nice name, I'm new here in Enamel. Kakauwi lang namin ni Kuya, bata pa kami nang huli kaming umuwi rito." Nanatili akong tahimik.
Hindi naman malaki ang Enamel, kadalasan ay kilala na ng mga tagarito ang pinakamalalaki at mayamang pamilya, how come I was not informed about this man?
"By the way, I am Langston Uy Samonte. Dumaan ako sa St. Luciana, I need to transfer some files, saan ka napasok?"
Samonte?! Isa ito sa dalawang Samonte na kilalang-kilala sa Enamel? Shit! Nito lang pumutok ang balita na umuwi na ang magkapatid at ngayon ay buhat ako ng isa.
"S-sa Luciana rin."
"Wow, we're schoolmates. Ano'ng course mo?"
"BS Psychology."
"That's a good course."
"Thanks."
Isinakay niya ako sa unahan ng kanyang kotse bago niya ito isinara. Akala ko ay iikot na siya patungo sa driver's seat pero nagtungo siya sa bike ko at itinabi niya ito sa likuran ng puno.
Nang bumalik siya sa loob ng kotse ay muli niya akong nginitian.
"I'll send someone to pick-up your bike. Don't worry."
"Thank you."
"No problem."
Nang sandaling tumakbo na ang kotse niya, saka lang ako natauhan. Bakit bigla na lang akong sumama? Bakit hinayaan ko lang siyang buhatin ako? Why? Because he's handsome and princelike?
But he could be an evil thing hiding behind that mask...
I bit my lower lip.
"Should I bring you to clinic? Mukhang hindi maganda ang bagsak mo." Umiling ako sa kanya.
"It's okay."
"Are you sure?"
"Yes."
"Saan nga pala kita ihahatid?" kumakamot siya sa kanyang ulo.
"La Rosa residence, sa ikatlong block kami sa White Rosella Subdivision."
"I'll open the window para makilala ka ng guard, baka hindi tayo papasukin."
"Thank you."
"No problem."
When we arrived at home, ang lahat ng kotse ng mga boyfriend ng mga kapatid ko ay biglang nagmukhang mga second hand nang ipinarada ni Langston ang kanya.
Some of my sister's boyfriends were a bit shocked, especially when someone carried me in a bridal position from an oozing luxury car.
Pansin ko na bahagyang nakakunot ang noo ni Langston nang makitang karamihan sa nakasalubong naming lalaki na dapat ay aalis na ay nakatitig sa kanyang sasakyan.
Of course, they're not aware who was this guy with me. Sa mata ng mga boyfriend ng mga kapatid ko, ako iyong wala ng pag-asang may maghahatid sa akin sa pag-uwi.
"Ashanti, I'm sorry about my car, kulang sa car wash." Langston said innocently na inakalang pagiging madumi ng kotse niya ang dahilan kung bakit nakatitig ang mga boyfriend ng mga kapatid ko.
When we're about to reach our main door, my mom swung it open. And she gaped in amazement while waiting for me and this stranger.
"Hi, Mrs. La Rosa, nadaanan ko po si Ashanti sa tabi ng kalsada. She had a terrible fall, I tried to convince her to send her to hospital but she refused."
"W-who are you, hijo?"
"Oh, forgive my manners, Mrs. La Rosa. I am Langston Samonte po."
That was the beginning of it, my fairy tale like relationship with my perfect prince charming.
I thought Langston and I would reach our happily ever after, I was the princess and he's the prince. Niyaya niya na rin akong magpakasal, he wouldn't just ask me to marry him kung hindi siya seryoso sa akin, pero nang sandaling makilala ko ang kuya niya unti-unting naglaho ang lahat.
His bitter older brother.
"How much?" he asked with his stoned face.
"How much? What?" iritadong sagot ko sa kanya.
After that incident, "Langston, you can't marry a woman you just met." Tinawanan lang siya ng kapatid niya at sinabing seryoso siya sa akin, but his older brother's icy face didn't waver.
Nagulat na lang ako nang may humablot sa akin at hinila ako patungo sa tagong parte ng kanilang mansyon.
"Name your price." Suminghap ako sa sinabi niya.
Akma ko na siyang sasampalin ng hawakan ng kamay niyang may gloves ang palapulsuhan ko para pigilan ko.
"You are after our money, right, La Rosa?" hinila niya ako papalapit sa kanya.
We're now inches apart, I could even feel his heavy breathing.
Suminghap ako sa sinabi niya. "I am after your brother; I love your brother."
"Every woman loves my brother."
"But he loves me, iyon ang mahalaga." Dumiin ang hawak niya sa kamay ko.
I tried to use my other hand but it was painfully trapped again against his tight grip. He pulled me forward towards him until I felt his cold and shivering whisper.
"Let him go."
Could he just sing these words? Malapit na siyang maging si Elsa.
Hindi ako nagpatalo sa kanya at mariin kong sinalubong ang kanyang malamig na mga mata.
"I won't, big brother..." I said to taunt him.
He looked wonderfully offended, kung ayaw niya sa akin hindi ako magmamakaawa. I am after his brother not him.
"Hmm, I'll make you do it." He said, dignified.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro