Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Stress

I laughed hearing Wayto's words. Though, there's a big part of me feeling this something, this damn feeling that I shouldn't entertain at all.

He's an Arellano and I am an Olbes. Sa salinlahi ng dalawang pamilya, kailanman ay hindi nagkasundo ang mga ito.

Peace is impossible.

Ipinanganak na kami ni Wayto na hindi magkakasundo. I really love my family, I love being an Olbes. At isang Arellano, ang huling taong makakasundo ko.

Ito ang paniniwalang itinatak na sa akin simula ng bata pa ako.

At first I thought it was just purely political, pero ngayong nagkaisip ako mas nalaman ko kung ano ang mas nakapagpalalim sa hidwaan ng dalawang pamilya.

I brushed the thought of the past. I stopped showing my fake laughter but I can still feel his eyes on me.

Ipinangako kong gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. My relatives will probably do the same in their own way. I should do something that will give them great help.

Alam kong ang pakikipagmabutihan kay Wayto ang siyang aking magiging susi at alam ko rin na ito ang kanyang ginagawa sa akin.

Who will end up poisoned spilling up their family's secret?

Hindi ako 'yon.

"Of course, hindi ka nga pala aayaw sa akin. Why would you?"

"Yeah, why would I?" he asked in his serious tone.

I went silence and stayed looking at him for few seconds. I faked my grinned and started leaning on his face.

"Poisoned eh? You're getting serious Wayto." Ilang beses kong pinitik ang suot niyang tenga ng rabbit.

His arms settled around my waist, still staring at me with no words.

"Careful Olbes, Arellanos can easily play serious and dumb. Don't get fooled." Umismid ako sa sinabi niya.

I tried to resume my maarte moves but Wayto didn't play with me again. He went on silence until Nero came back with his ruined clothes.

Na-ano na nga yata.

Nagulat pa ito nang makitang may babaeng nakaupo sa kandungan ni Wayto. Pero mabilis rin itong nakabawi, mabilis inihilata ang sarili sa isa pang sofa at inilagay niya ang kanyang isang braso sa kanyang mga mata.

"How was it Nero? Pinagod ka ba ng babae mo?"

"Shut up, Dwight. Ihatid mo ako sa Leviathan, I can't drive. This was all your fault."

"No, mag-commute ka na lang. Ihahatid ako ni Wayto."

"Way-what? How did she call you?" I heard a minimal laughter from the Ferell.

"Sure," sagot nito kay Nero. "Go get change, call Antonia. Umuwi na kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Wayto.

"W-What? Ako ang girlfriend mo Wayto, ako ang dapat ihatid mo!" angil ko sa kanya.

"Oh, you got a girlfriend." Lasing na sabi ni Nero Ferell.

Hindi ba at alam na niyang may girlfriend si Wayto? Nag-uusap lang sila kanina! Oh gosh, he's really drunk.

"Pumunta ka dito kasama ni Antonia, sa kanya ka na sumabay Olbes. I can't let this idiot go home alone, inihain n'yo na nga kanina, mapapapak pa 'yan sa daan. Babe, bukas ka na mag-inarte sa akin." Lalong kumunot ang noo ko sa harapan ni Wayto.

I even pouted in front of him.

"I am the girlfriend, dapat ako ang priority mo."

I'm starting to get annoyed, kahit hindi naman totoo itong relasyon namin. Gusto ko, ako ang nasusunod! Gusto ko nasa akin ang atensyon niya, gusto ko ako lagi ang kanyang inuuna sa lahat.

"Samahan mo na lang ako, ihahatid natin si Nero."

"No! Iuwi mo muna ako sa bahay. I'm sleepy Wayto. Antok na antok na ako, look at my eyes. Pumipikit na sila." I encircled my arms around his nape and I leaned my head on his right shoulder.

"Ako antok na Wayto," I snuggled on his neck.

"We're already wasting time Autumn, call for Antonia. You go home." Iritado akong nagmulat at humiwalay sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo akong ihatid na gago ka?!"

"Autumn, I already used my last pill for my patience. I can't be with you inside my car, dahil sa sandaling artehan mo pa ako at wala na akong makapang kahit anong pasensiya. Mahuhubaran na kita." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

I heard another laughter from Nero Ferell.

"You'll kagat me?" sa pagkakataong ito siya ang ngumiwi sa sarili niyang salita.

"Lumayo ka muna sa akin Autumn, nakakasira ka ng bait ng lalaki." He waved his hand in dismissal.

"Lumayo ka na sa kanya, hindi ka niya mahal." Sabat ng lasing na Ferell.

"I don't care, shut up. Bitter ka masyado! Magsama nga kayo ni Wayto!"

"What the fuck?!" I heard their curses before I slammed the door hard.

Eksaktong paglabas ko ay naghihintay na sa akin si Antonia, she offered me jacket to cover myself.

Sa kotse na ako nagbihis habang tawa nang tawa sa akin si Antonia. I told her everything happened.

To summarize, naglandian, nag-away lang naman kami ni Wayto.

"Hindi kaya may gusto talaga sa'yo si White?" I rolled my eyes.

"He's just playing with me Antonia, alam mong hindi magkakaroon ng interes sa akin ang kahit sinong Arellano."

"Sinong nagsabi?" nagkibit balikat ako sa tanong niya.

This is just a treasure game, kung sino sa amin ni Wayto ang unang makakahanap ng itinatago ng bawat pamilya siya ang mananalo.

At tulad nga ng sabi niya, we should get to know each other first before attacking to one's territory. Hindi pa niya ako dinadala sa bahay nila, kaya wala pa rin akong balak dalhin siya sa bahay.

"Hindi ba at malapit na ang eleksyon?"

"Yes, ilang buwan na lang."

"So buwan lang ang itatagal nyo ni White?"

"Of course, ano pa ang rason para pahabain? It will just give conflict. Ayokong magbigay ng sakit sa ulo sa aking pamilya."

"Hindi ba at sakit sa ulo na ang ginawa mo Autumn? Hindi mo ba alam na isa ang politika sa pinaka-maduming larong maaaring maranasan ng tao. And bargain of emotion inside this clash is too risky."

I just gave my own reflection on the window a faint smile.

"Hindi ikaw ang unang tao na nagsabi sa akin niyan."

"And you're not being threatened?"

"Why would I?"

"Ikaw na nga ang bahala, but seriously White Arellano is a hottie."

"No way!" I complained.

"Labas na sa ilong ang pagkakasabi mo Autumn."

"I am telling you the truth, Antonia."

"Really?" nang-aasar na tanong nito sa akin.

"Stop this nonsense Antonia, bilisan mo na ang pagmamaneho dahil baka umagahin na tayo."

"Whatever," sagot nito sa akin.

Madaling araw na ako nauwi sa bahay. I was about to silently climb on our stairs when I heard my brother, he purposely cleared his throat before switching on the light.

"Bakit madaling araw ka na umuwi? Didn't our father give our curfew? Where have you been?"

"Bar hopping,"

"With?"

"Antonia and the boyfriend."

"Bakit hindi sasakyan ni Arellano ang naghatid sa'yo?"

"Busy with his friends, so si Antonia na ang naghatid sa akin." Kibit balikat kong sagot.

"The bastard,"

"Yeah, always bastard. Let's talk tomorrow morning, kuya. Inaantok na ako, I love you." I tiptoed and kissed his cheeks.

***

Simula nang mag-campaign period, napapadalas na kami na lang lagi ni kuya ang sabay kumain. Our parents are too busy.

"Ihahatid ba kita o susunduin ka ni Arellano?" I checked my phone.

When I saw his message, my eyebrows arched with a silly grin on my lips.

"On the way na siya dito,"

"Alam mo pa naman ang ginagawa mo, Autumn right?" nawala ang ngisi sa aking mga labi at sinalubong ko ang mga mata ni kuya.

"Of course, he's an enemy."

"Good, so hindi ka pa ba niya binabalak ipakilala sa pamilya niya?"

"Malapit na," I lied.

We haven't talked about that. Siguro ay kailangan ko na ulit buksan ito kay Wayto?

"H-How about you, kuya? What are you doing right now?" I sipped my pineapple juice.

"What do you mean?"

"About our family's clash? You're also an Olbes, alam kong may ginagawa ka."

"Doing the plan B, if ever everything backfired with your mission."

"W-What?!" napatayo ako sa sinabi ni kuya. "Wala kang tiwala sa akin?!"

"It was not like that, I need assurance to our success. Hindi ko lahat iniaasa sa'yo."

"Then what are you doing kuya?"

"Flirting another Arellano," umawang ang bibig ko sa sinabi ni kuya.

"No! You can't! You can't! Stop that kuya, baka mahulog ka. Malalandi ang mga babaeng Arellano! Who is she? Who's the bitch?"

"Your boyfriend's cousin,"

"You're impossible, Wynter Andres! I thought I am your only girl?"

Kahit halos araw-araw ko nang kalandian si Wayto, that doesn't change the fact that I still have a huge crush with my kuya.

Oh my gosh, I can't imagine another woman in his arms.

"You kissed her? You flirt with her?! Maganda ba siya? Sinong Arellano?!"

Ginagawa ba nila ang ginagawa namin ni Wayto? Or beyond that? Oh my gosh.

Ayoko sa mga babaeng Arellano!

Nagsisimula nang tumawa sa akin ang kapatid ko.

"Don't worry Autumn, you're still my little girl. Walang papalit." Inirapan ko ito.

"Lumayo ka sa kanya kuya! Huwag Arellano! Nakakainis ka. I'll go!"

Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni kuya sa akin, mainit ang ulo ko nang pumasok ako sa smuggled car ni Wayto.

I hardly slammed the door.

"Hey, you'll break my car door. Be careful babe." I exaggeratedly waved my hair.

"I am so stressed," hindi ko pinapansin si Wayto.

"Ano na naman ang problema mo, Olbes?"

Kumuha ako ng salamin sa bag at sinimulan kong tingnan ang sarili ko.

"Oh my gosh, I used a wrong lipstick. This is for Tuesday."

"Girls," kumento nito bago niya pinatakbo ang kanyang sasakyan.

"I am so stressed na Wayto," humarap na ako sa kanya.

He looked bored while driving.

"Ako rin, stress na rin ako sa'yo Olbes. Ang aga-aga ng kaartehan mo."

"Inaano na naman ba kita, Arellano?!"

"Hindi na kaysa ang kaartehan mo sa kotse ko." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Inaano ko ba siya?!

"Ikaw rude na Wayto,"

"Wala akong naririnig,"

"Bakit ang init ng ulo mo, Wayto? Inaano na na--" natigil ako sa pagsasalita nang mapagmasdan ko ang gagong intsik.

I grinned.

"So you're annoyed because I haven't noticed yet?"

"Noticed what?"

"Na nagpagupit ka! You're such a cuttie babe, bumagay sa'yo ng konti." I lied.

Fuck, he's a damn hottie. Oh gosh, no.

"Idiot, don't mind my haircut. Kanina kalbo 'yan Olbes, nang nagsimula ka nang umarte biglang tumubo lahat." I slightly laughed.

Nag-iwas ako ng tingin at pumangalumbaba ako sa may bintana.

"Pero tang-ina mo Wayto, bagay sa'yo. I hope the hairstylist will live his life longer."

Sa pagkakataong ito siya ang tumawa.

"You really hate giving me praises."

Nagulat ako nang itabi niya sa daan ang kanyang smuggled car.

"W-Why-" napasandal na ako pintuan ng kanyang sasakyan.

His hands were settled on my seat while his chinito eyes were looking at me. He's moving closer and closer.

"Now ask babe,"

"Ask what?" pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

Ilang segundo lang ako nag-isip bago ko nakuha ang gusto niyang itanong ko. I've been asking this question to him, every morning.

"Am I pretty, babe?"

My heart melts when the instik gagong Arellano or whatever I called him showed his boyish grin.

"Yes," kusang pumikit ang aking mga mata ng humalik ito sa aking noo.

Oh gosh.

"Ask again," he whispered.

"A-Am I pretty?"

"Of course," humalik si Wayto sa tungki ng ilong ko.

I can't breathe.

"Again,"

"Am I pretty?"

The silly Arellano gave me a soft kiss on my lips.

"Good morning, Olbes." He played his pointed nose with mine.

"Ikaw stress pa?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro