Chapter 8
Chapter 8
Flirt
We stayed flirting at each other.
Hindi ko inisip na humiwalay sa kanya at gumawa ng distansya. I won't let him think that I am now starting to feel uneasy.
Uneasy, because... yeah basta gago siya! Basta gago siya.
Nanatili akong nakakalong sa kanya habang nakapulupot pa rin sa akin ang kanyang isang braso.
"Binalak mo rin ba tumakbo sa politika, Wayto?" I asked.
He was about to eat the apple when I moved it away from him. His eyebrows crossed and he looked at me annoyingly.
"Olbes,"
"Sige na sagutin mo muna ako,"
"Why did you ask? Tatakbo ka rin?" sumandal ito sa sofa pero nanatili pa rin nakayakap sa bewang ko ang braso niya.
"So tatakbo ka nga?"
"Maybe? Hindi ko rin alam." Kibit balikat na sagot niya sa akin. "What about you, Olbes?"
"Tatakbo ako kapag tatakbo ka. I'll be your rival." Tumaas ang kilay niya sa akin.
"Sa tingin mo mananalo ka sa akin?"
"Of course Wayto, maraming tao ang may galit sa'yo dito. You don't expect them to support you."
"But I can manipulate the voting." Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Gagong Arellano,"
"Olbes, isa pa. Isa pa, ibabalik kita sa chandelier na pinanggalingan mo. Iiwan kita dito." Umismid ako sa sinabi niya.
Kinuha ko ulit ang plato na may mga mansanas.
"Nasaan na ang kagat mo?"
"Itinigil ko na Olbes, baka totohanin ko."
Ang bilis talagang magbago ng sitwasyon sa pagitan namin ni Wayto. Kanina lamang ay naglalambingan kami, ngayon ay nag-aaway na naman.
"Galit ka na niyan sa akin, Wayto?"
"Because you're ruining the mood! Can't you just forget our surnames for a while?" kunot na kunot na ang noo nito sa akin.
"I was just curious! Bakit tumataas na naman ang boses mo sa akin Wayto?! Nagtatanong lang naman ako!" tumayo na ako mula sa kandungan niya at dumistansya na ako sa kanya.
Umupo ako sa dulo ng sofa na malayo sa kanya.
"Bahala ka dyan, akala mo aaluin kita? Ang arte arte mo." Kumuha ng bote ng alak si Wayto at nagsimula na itong uminom ng alak.
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Hayop na walang hiyang gago!
"Akala mo naman gwapo ka? Akala mo gwapo ka?"
"Malamang," tipid na sagot nito sa akin na hindi man lang tumitingin sa akin.
Eksaherada akong suminghap sa sinabi niya.
"Nasaan? Saang parte ka gwapo? Ilusyunado ka namang intsik ka!"
"Bakit ka nagpapahalik sa akin kung hindi ako gwapo?" saglit akong natigilan sa sinabi niya bago ako sarkastikong tumawa.
"Of course, malalason ka ba kung pahawak-hawak ka lang?" saglit lang siyang lumingon sa akin at nagkibit balikat ito.
"I hate you!"
"Matagal ko nang alam," naiiling na sabi nito.
Itinaas niya ang kanyang paa sa lamesa habang panay ang inom niya ng alak.
"Paano ka uuwi? Ganyan suot mo? Tawagan mo na si Antonia, umuwi na kayo. Ibalik n'yo na rito si Nero, baka inihahain n'yo na kung kanino ang Ferell na 'yon? Virgin pa 'yon." Lalong tumaas ang presyon ng dugo ko.
Bakit ang gago niya? Bakit ang gago gago niya?
Can't he act like a gentleman? Na magagalit siya like Triton! Na iuuwi niya ako dahil nakikita niya ako sa bar?
But look! The fucking Wayto is sitting like a boss, brushing me away.
"You're impossible," mahinang sabi ko.
Marahan akong tumalikod sa kanya, para hindi niya makita ang mukha ko.
Alright, sinabi niyang maarte ako? Aartehan ko pa siya! Gago siya!
"Can't you act like a gentleman? Pagkatapos kitang subuan ng mansanas? I even dressed like this para hindi ka tumingin sa iba. You made me feel so ugly Wayto. Am I ugly? Am I ugly na ba talaga?" Madramang sabi ko.
Umiiling-iling ako habang nagpupunas ng kunwaring luha.
Narinig kong tumawa si Wayto.
"Look! You're just laughing at me, mabuti pa si Euphie. Triton was really furious when he saw Euphie inside the bar. Pero ang isa dyan, pinapauwi ako mag-isa."
"Go, dun ka na kay Triton. Do you think Triton can handle your tantrums? Pang barbie doll lang ang kinakaya non."
"You're pushing me away! Hindi na ba talaga ako jowable, Wayto?"
"Anong jowable?" tanong niya.
Halos napapapadyak na ako sa sobrang pagkainis kay Wayto. Noong una, ay hindi nagtatagal ay inaalo na niya ako pero mukhang wala siyang balak aluin ako ngayong mga oras na ito.
"Nilalamig na ako, Wayto."
"Malamang, sinong hindi lalamigin sa suot mo?" nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
Can't he do something like-- urgh.
Kanina hinahanap ko ang pang-aasar niya, buong akala ko ay hindi na aatake, mukhang nagkakamali ako.
"Hindi mo talaga ako lalapitan dito, Wayto? Hindi mo talaga ako aaluin? Hindi ka ba talaga mag-sosorry sa akin? I deserve that."
"I am not hearing anything." Ngising sagot niya sa akin.
Nagpatuloy ito sa pag-inom ng alak.
"Akala ko ba lalambingin mo ako lagi? I'm always good to you Wayto." nanunumbat na tanong ko sa kanya.
Pilit ko nang pinagmumukhang aping-api ang hitsura ko sa harapan ni Wayto.
"Arte pa, uwi na Olbes sa inyo. Hindi pa rin kita iuuwi, ayaw intsik ng arte babae."
"I am not acting anymore! I am not!" pilit na akong naglabas ng luha at lumingon ako kay Wayto na pang-best actress.
"How can you be this cruel to me, Wayto? Why? Nilalambing naman kita e. Ayaw mo na ba sa akin? You're making me feel so ugly."
Nang makita niyang may luha na nga sa mga mata ko, unti-unting nawala ang ngisi niya sa akin.
"You're really crying?"
"I am! Can't you see my tears?" itinuro ko na ang mata ko.
"Pilit," muli ulit itong natawa.
"Hayop ka! Uuwi na ako!" iritado na akong tumayo at lalong lumakas ang pagtawa niya.
Hawak ko na ang pintuan nang magsalita ulit si Arellano.
Yes, words from an Arellano.
"Olbes, mauubos ang lahat ng lalaki sa bar na ito kapag lumabas ka ng ganyan ang suot mo."
Humarap akong muli sa kanya. I crossed my arms and looked at him straight.
"Stop me, nicely. Kung hindi, lalabas pa rin ako at wala akong pake kahit ipapatay mo ang bawat lalaking makakakita sa akin!"
"Just stay inside,"
"No, I don't like that."
"Come on, just stay inside Olbes. Hindi ko na alam kung matatawa, maiinis o kung anuman na ang dapat kong gawin sa kaartehan mo."
"You told me that it's okay, as long as I am pretty. Wayto, you're being rude na naman sa akin."
Rude is my magic word.
Dahil narinig ko na ang pagbuntong-hininga nito. Ibinaba na niya ang kanyang paa mula sa lamesa at ang boteng hawak niya.
Tumayo na ito, tahimik siyang naglakad papalapit sa akin at hinawakan niya ang isa kong kamay.
"Behave, join me on that sofa. Sit on my lap, I'm sorry. Lalambingin kita at aaluin, habang hindi n'yo pa tapos ipatikim-tikim ni Antonia ang kaibigan kong broken hearted."
Ngumisi ako sa sinabi niya.
"Am I pretty, Wayto?"
"Of course! Sa sobrang ganda, nakakalimutan kong maarte ka nga pala."
Sa isang iglap ay bumalik ulit kami sa dati ni Wayto.
Sabay na kaming umuubos ni Wayto ng mansanas, kapag isinusubo ko ito sa kanya ay kumakain rin ako hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
I pushed Wayto when his kiss is getting deeper. Hindi pwede, may inom si Wayto.
Ramdam ko rin na mas madalas na ang paggapang ng mga kamay nito sa likuran ko.
"Ang landi mo Wayto," kumento ko.
Ubos na ang mansanas.
"Ako lang? Tayo, Olbes."
"Do you hate maaartes, Wayto?"
"Yes,"
"So you hate me?
"Except you, of course."
"Really?"
"Yes,"
Hinubad ko ang malaking tengang kuneho sa ulo ko at inilagay ko ito sa kanya.
"You look gay," natatawang sabi ko. "Ikaw na ang rabbit, Wayto."
"But this rabbit, can bite you."
Just like before, Wayto made a biting act on air. Lalong naging chinito ang mga mata nito nang sabay kaming natawa sa isa't-isa.
"Hindi ko akalain na kaya kong pahabain ang pasensiya ko sa'yo, Olbes. Halos sakalin ko na ang mga pinsan kong maaarte."
"Hindi ba sabi mo exception ako?"
"Yeah, pero sa lahat ng maaarteng nakilala ko. Ikaw ang pinaka--"
"Pinaka?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
I was expecting another maarte word. But the Wayto Arellano leaned closer and whispered something.
"Maganda.." awtomatikong nag-init ang pisngi ko.
"Akala ko ba, ayaw intsik ng arte?"
This time he gave me a faint smile.
"Kailan ako umayaw sa'yo, Autumn Stassi Olbes?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro