Chapter 7
Chapter 7
Play
"Come, jump and I'll catch you."
My heart just skipped. I wasn't expecting these kinds of words from him. Dapat ay asarin niya ako, dapat yabangan niya ako at dapat nagmamalaki na siya sa akin na hinahabol ko siya.
But the gagong instsik is damn looking at me with his chinito eyes, one dimple on his silly face, a grin and lastly his arms waiting for me.
"Nakakainis ka Wayto!" I shouted.
I wasn't prepared. I ignited myself from words of battle for him, pero bakit ganito ang salubong sa akin ni Wayto?
Is this another attack of his poisons?
Mahigpit pa rin ang hawak ko sa duyan habang nakatingala pa rin ito sa akin.
"Sasambutin naman kita, Olbes." Lalong humigpit ang hawak ko sa aking duyan. "Ikaw lang ang ayaw magpasambot sa akin."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"W-What?"
"Of course, I was just doing my own poisons. Baka maniwala ka." I rolled my eyes.
Mas gusto kong ganito ang mga salitang ibinabato sa akin ni Wayto, makakalaban ako, may masasabi ako.
"Maniniwala na sana ako Wayto, kaso naalala ko. Gago ka nga pala."
"Gusto mo kagat, Olbes?" inirapan ko lamang siya at pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Come on, don't be afraid this Arellano will catch you." He chuckled.
"Paano mo ako sasambutin? Ilagay mo muna sa lamesa ang hawak mong mansanas. Oh my gosh, baka mahulog ako Wayto."
"Alright, alright." Ibinaba niya ang hawak niyang mansanas at inilahad niya ulit sa akin ang kanyang braso.
"Come on, mauubos na ang pasensiya ko Olbes. Pababayaan na kita dyan."
Nang sabihin niya ito sa akin ay agad na akong bumitaw sa duyan at tumalon sa kanya at nang sandaling nahuhulog na ako agad akong nasambot ng mga brasong naghihintay sa akin.
Nakapikit ang aking mga mata nang tumalon ako pero nang sandaling ramdam kong buhat na ako ni Wayto ay dahan-dahan na akong nagmulat.
He's waiting for my eyes to open.
Sinalubong ako ng ngisi at chinito niyang mga mata.
"See? Kahit ikaw arte, ikaw lagi kong sambot." Hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti sa sinabi niya.
"Thanks," ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang unang beses akong nagsabi sa kanya ng salamat. Sincere thanks.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Nagsisimula na itong humakbang patungo sa kulay itim na sofa na hindi man lang ako ibinababa.
"You're blushing Autumn,"
"I was faking it," pagsisinungaling ko.
"Uhuh? Bakit hindi mo na lang aminin na type mo na ako?"
"In your dreams instik."
Ibinaba niya ako sa sofa at naupo na rin ito na hindi kalayuan sa akin.
"So what are you doing here with that kind of outfit? Hindi mo ba alam ang lugar na ito, Olbes?"
"I was about to ask you the same thing, hindi pwede ang estudyante dito Arellano."
"Walang bawal sa isang Arellano, paano ka nakapasok dito?" kunot noong tanong nito sa akin.
"I asked help, Antonia." Nang marinig nito ang pangalan ng kaibigan ko ay hindi na ito nagulat.
"You should have texted me, hindi ka na dapat pumunta dito." Pagagalitan ba ako nitong si Wayto?!
"Masyado ka nang gago Wayto! Hindi mo man lang ba pupurihin ang suot kong gago ka?!"
Natigil muli ang pagsubo nito sa mansanas at pinasadahan niya ang aking kabuuan.
"Am I not pretty Wayto?" I used an exaggerated voice. Marahan kong hinawakan ang tenga sa aking costume na rabbit. I slightly played with my right ear like an innocent girl again.
"Am I not pretty?" ulit ko na parang maiiyak ako. I slightly pouted my lips.
Walang hiyang Arellano!
Pansin ko na natatawa na siya at para pigilan ito ay nakakagat niya na lamang ang kanyang pang-ibabang labi.
"You're beyond pretty," ngising sabi nito. "Gusto ng aking Olbes ng kalong?" tanong nito sa akin habang tinatapik ang kanyang kandungan.
Shit.
But in the end, I nodded. The beautiful rabbit sat on intsik's lap.
"So?" bulong nito sa akin.
I encircled my arms around his nape.
"Let's ask a knife," nawala ang ngisi ni Wayto sa sinabi ko.
"You're not planning to kill me, right?" I laughed.
"Bakit ko patay ang intsik? We poison but we don't kill. Baka ikaw patay ako."
"I would probably hurt myself before hurting you." He answered in his serious tone.
"Maniniwala na ba ako Wayto?" nagkibit balikat siya sa akin.
"What's with the knife?"
"Just ask for a knife, please?"
"Maarte moves again, Olbes?" lumabas ang dimple niya nang nagsalita siya.
Agad kong inilapat ang isang daliri ko dito para hawakan ito.
"I got your dimple, ang lalim Wayto. Come on, give me a knife. I won't hurt you."
"Encourage me," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Madali lang lasunin itong si Wayto. I held his face, lowered myself to him and started to play the tip of my nose to him.
"Please?"
Hindi lang halik ang kahinaan namin sa isa't-isa. It is our signature, poisonous gesture. Our nose to nose loving gesture.
Tumunog na ang buzzer dahil pinindot na ni Wayto ang remote. Agad na may dumating na crew ng bar at sinabi nitong kailangan namin ng maliit ng kutsilyo, snacks at ilang alak.
"Gusto kong tumikim ng kuneho ngayong gabi, Olbes."
"Paanong tikim ba Wayto?"
"Tikim na tikim," bulong nito sa akin.
Hindi ako inosente para hindi maintindihan ang sinasabi nitong gagong intsik. But I won't let it happen.
My virginity is not part of the bargain.
"Hindi mo naiisip na ang kaartehan mo ang magpapahamak sa'yo?" I rolled my eyes again.
Hindi naman ako sobrang arte. I was actually exaggerating things when it comes to Wayto. I'm enjoying his every reaction.
"Let's say, sa mga intsik na kumakain ng kuneho. Sa kunehong sobrang arte."
"Oh, chinese eats rabbits?" nagkibit balikat ito.
Dumating na ang crew na may dalang kutsilyo. Ilang beses akong napapalakpak habang napalunok naman si Wayto.
"You're not going to kill me, right? Uunahan kita Olbes, kagat muna kita bago mo ko patay." Iritado kong ibinaba ang kutsilyo sa lamesa at naniningkit ang mga mata ko sa kanya.
I put my forefinger on his lips.
"Stop that word Wayto, I don't like it. Ikaw rude na naman." I used another acting voice, nagkunwari akong aalis sa kanyang kandungan nang yumakap ang mga braso niya sa akin.
"Sorry, sorry. Ako di na rude."
"Lambingin mo ako Wayto," gumamit na ako ng boses na parang naapi na naman.
Pansin ko na alam na naman ni Wayto kung kailan ako umaarte o hindi, pero madalas mas pinili na lang nitong umiling at magpatangay sa kaartehan ko.
"Paanong lambing ang gusto ni Olbes?" natatawang sabi nito.
"You bite my ears," sabay kong hinawakan ang malaking tengang pangkuneho ko.
Tipid lamang sinulyapan ni Wayto ang tenga ko, pero sa halip na kumagat ito ay agad niyang hinawakan ang mga pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa aking mga labi.
We have this quick kiss as always. Mabilis na lapat lang, tapos na. Smack kiss is Wayto's favorite.
"Ang arte mo, sobrang arte. Kung hindi ka lang maganda.." agad nawala ang aking konsentrasyon sa pag-arte sa ginawa ni Wayto.
"Now tell me, what's with the knife?"
"Ipaghihiwa kita ng mansanas!" nakahinga ito nang maluwag sa sinabi ko. "Why? Are you still thinking that I'll kill you?"
"I don't know, malaki ang galit mo sa akin."
"Hindi ba at malaki rin ang galit mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Galit?" tanong niya.
"Of course! We hate each other, I am an Olbes and you're an Arellano. It's given."
"But I never thought about hurting you,"
"Uhuh?" sagot ko na lamang.
Gumamit ako ng maliit na plato at ibinigay ko ito kay Wayto.
"Hawakan mo, ipaghihiwa kita ng mansanas."
"I can bite it,"
"Gusto kong hinihiwa,"
"Ang arte,"
"Isang arte pa, hindi na kita bibigyan ng apple Wayto."
"What's with the apple, Olbes?" biglang tanong nito sa akin.
"Apple is quite important with my family, dito kami unang nabuhay." Tipid na sagot ko.
"Why sharing it to someone you considered as enemy?"
"Because the apple brought you to me, I should keep you by apple then."
"Weird," kumento niya.
"But why still eating the apple if there's a possibility that it will have another kind poison?" tanong ko naman sa kanya. "Do you love apple Wayto?"
"I never appreciated apple before, but when I was knocked out because of your apple. I just learned the sweetness of it."
"Oh," ito lang ang tipid na sagot niya.
"Here," kumuha ako ng maliit na tinidor at isinubo ko kay Wayto ang mansanas.
"An apple a day keeps the bitches away." Ngising sabi ko kay Wayto. "Habang naglalasunan tayo Wayto, you're not allowed to flirt with other girls. Kay Olbes ka lang."
Tuluyan na itong natawa sa sinabi ko.
"Territorial rabbit huh? Baka lalo na akong malason niyan Olbes."
"Good then," sagot ko. Muli akong nagsubo sa kanya ng mansanas.
"How about you? You're not going to warn me?"
"Na pag-aari ka lang ni Arellano?" tanong nito sa akin.
"Yes,"
"Hindi na kailangan Olbes, walang may maglalakas ng loob lumapit sa'yo. Ipa-pasalvage ko ang magtatangka, literal." Suminghap ako sa sinabi niya.
Ilang beses na akong nakakabalita ng mga katawang isinalvage sa Enamel at usap-usapan pa ay nadawit ang mga ito sa pamilya ng mga Arellano.
Natahimik ako bigla dahilan kung bakit natawa muli si Wayto.
"Don't think too much, I don't have plans to clean the name of my own family. Dahil markado na kami sa'yo Olbes." Taas noo akong humarap sa kanya.
Hindi ko pwedeng ipakita na bigla akong nagugulat sa mga sinasabi niya.
Hindi na talaga mawawala ang banggaan namin sa pagitan ng aming mga pamilya.
"And I don't bother to warn you, dahil sa sandaling nilason mo ako ng mansanas. Sinabi ko sa sarili kong ako lang ang lalasunin mo na maaari mong gamutin. You can poison the every man in this province but you can't cure them, dahil ako lang Olbes." Mas lalo akong natahimik sa paraan ng pagsasalita niya.
He's no longer talking as my intsik Wayto, but the enemy Arellano.
"They can't lay a finger to my chinita Olbes, mahalin nila ang mga buhay nila. Agawin ka nila, agawin ko buhay nila." Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
Hindi ko pa rin pala talaga kilala si Dwight Alcerous Arellano.
"You can kill, just expected." Malamig na sabi ko.
"For you and I don't mind. I am an Arellano, you chose to play with me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro