Chapter 59
Chapter 59
Some explanations
The crowd whistled in cheer, especially the dwarves with their red apples. Don Ferell and Almero clapped their hands enthusiastically, and some of the gossipmongers raised their cameras to witness the proposal of the year.
Of course, it would be another hot topic in the whole province of Enamel. It could be another runaway wedding, a fake proposal or something else that might fuel the feud of our family.
They could assume all they want. I don't care!
Basta ako, sa sandaling gumaling na ang tiyan ni Wayto. He can taste me na.
Wayto's sweat were now visible, sobrang sakit na siguro talaga ng tiyan niya. Ano ba ang ipinakain sa kanya ng mga Ferell na iyon? My babe looked terrible.
But I don't care, magtiis muna siya diyan. I should make this proposal memorable. Minsan lang siya mag-propose, gago siya.
I gasped exaggeratedly, na parang hindi ko inaasahan ang pagluhod niya sa harapan ko. I even placed both of my hands to cover my mouth in disbelief.
"Oh my gosh, I didn't expect this, babe..." my eyes suddenly produced fresh set of real tears.
Napapadyak pa ako sa sobrang kilig, sinadya kong mangatal ang mga kamay ko at hinayaang magpatakan ang mga luha ko.
"Ginugulat mo 'ko... you're so sweet, babe..." halos hindi na maipinta ang mukha sa akin ni Wayto. Hindi ko pa inilalahad sa kanya ang aking kamay.
Nang sandaling mag-angat ako ng kamay, I saw how Wayto sighed in relief, pero hindi sa kanya nagtungo ang kamay ko, bahagya ko itong inilagay sa aking noo na parang anumang oras ay matutumba ako sa pagkahilo.
Iritado na si Wayto.
"A-autumn Stassi Maarteng Olbes! A-ccept-"
"Y-yes! Yes! I'll marry you!" inunahan ko na siya. Bahagya pa akong napatalon gaya ng mga napapanuod kong babae sa tv sa sandaling nagsasabi sila ng yes.
Wayto quickly stood on his feet, hindi na niya pinakawalan ang kamay ko at may isinuot na siyang singsing sa akin.
Muling nagpalakpakan ang mga tao, yumakap na ako kay Wayto habang walang tigil ito sa pagbulong sa akin.
"Ang arte, arte, arte, arte mo..."
"Pinakamatagal na proposal na napanuod ko." Kumento ni Troy na inirapan ko lang.
Hindi na kailangan pang magsalita ni Watyo o ako sa mga tao, they immediately excused themselves para iwan kami mag-isa ni Wayto. He's back on his bed, humingi siya ng kaunting oras sa nurse bago siya i-assist nito para sa bagong dextrose.
"What happened to you? They scared me, akala ko ay totoo na."
"That I was poisoned?"
"Yes."
"I was, actually." Suminghap ako sa narinig ko.
"Who? How?"
"No, not like that. We ate an expired chocolate. Ako lang ang sumakit ang tiyan."
"W-what? Saan naman galing ang chocolate na iyon? Hindi ba kayo marunong magbasa?"
"Nah, we're too busy to check it."
"So that's it?" he nodded.
"Why sudden-" hindi ko pinatapos si Wayto.
"I told you, Belo called me. He scared the hell out of me, hindi pa tayo nagsisimula o nag-uusap man lang tapos ganito na agad ang sasalubong sa atin? Sobrang dami agad ng pumasok sa isip ko nang tumawag siya. I concluded a lot of things, worsts things..."
"That damn, Belo."
"At nagsimula na rin akong mainip. You never tried to reach me after our last communication. I was worried that you changed your mind."
"Why would I?" agad niyang sagot sa akin.
"I don't know. Probably you got tired, something like that?"
"No way. I never get tired of you."
Hinawakan ni Wayto ang kamay ko at dinala niya ito sa kanyang labi. I smiled.
"I'm fine now, Wayto. I can listen." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. We couldn't just stand in front of the altar with questions, dapat tapusin na namin ito ni Wayto.
"Tell me... what the hell happened to us? To our family? Bakit hinayaan mo akong sukdulang magalit sa'yo?"
Huminga siya ng malalim at sinalubong niya ang mga mata ko. Si Mama na ang nagsabi sa akin na si Wayto ang may karapatang magsabi ng lahat ng kasagutan sa mga katanungan ko.
"We're enemies, our families... right?" tumango ako sa kanya.
Simula ng isilang kami ni Wayto, alam na namin ang galit na nakapagitan sa mga pamilya namin at hanggang ngayon ay katanungan pa rin ito sa akin.
"But that idea never hindered myself from loving you... I-I like you since I don't know when... hindi ko alam, I thought it was a passing fancy, dahil maganda ka? Or maybe you're a challenge because you're unreachable dahil kalaban ka? But I just found myself looking for you almost everyday..." I bit my lower lip.
Pinipilit ko ang sarili kong huwag magsalita at sabihin sa kanyang hindi niya na kailanganga magpaliwanag pa. I bit my tongue to stop myself blurting out my not so marupok words... taste me now, you are forgiven, babe.
"Gilbert and Leiden, my cousins tried to stop me. They told me some of your bad qualities..."
Kumuyom ang kamao ko. I will not invite Gilbert and Leiden Arellano to our wedding, noted!
"A-and?"
"They told me about your overacting attitudes, na sobrang arte mo raw and it's not tolerable..."
"A-and?"
"But that made me fall hard, mas lalo akong nalason sa kaartehan mo." Pinakalma ko ang sarili ko, hindi ako tatalon sa kama. Not yet, wala pa kami sa kalahati gusto ko nang magpa-gosh! Pinipilit na yata ako ni Wayto.
Dalawang kamay ko na ang hawak ni Wayto.
"I love you, Autumn Stassi Olbes. I did everything for you to notice me, k-kaya lagi akong nando'n sa palengke. See? I didn't even expect that you'd spent your time there, sa sobrang kaartehan mo."
"Because I love our apple stall."
"And I love the vendor..."
Nang mas dumiin pa ang kamay ni Wayto sa akin, alam kong mas malalim na ang sasabihin niya.
"I know until now, you've been wondering about the threats and my bodyguards before. Siguro iniisip mo at maging ng karamihan sa mga tao rito sa Enamel ay dahil ito sa ugali ko. Yes, I was rude to people, mayabang ako at mapagmataas. But I did that to cover up my job..."
"J-job?"
"I-I-" nag-aalinlangan si Wayto kung paano niya ito sasabihin. "What?"
"I was an informant."
"Informant?" my eyebrows creased.
"I was an informant to a certain agency, Autumn. I gave them information, leakage and important lead that will help them to move their operations forward. I communicate with their intelligence." Suminghap ako sa sinabi ni Wayto at wala sa sarili kong tinanggal ang kamay ko sa kanya.
"A-agent?"
"No. Not like them. Informant lang ako. I don't like to risk my life in missions and combats. Isa pa, to be an agent there's a required IQ level, I am not a genius." Hindi ko alam kung ngayon ko na ba dapat ipagpasalamat na marami silang ibinagsak at ni-summer class ni Nero.
"But it is still a dangerous job..."
"I resigned right after my last assignment, Autumn. Three years ago." Mas lalong kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang taon.
"P-paano ka napasok sa ganyang trabaho, Wayto? Your parents allowed you? Nasa magandang pamilya ka na, bakit kailangan mong pumasok sa bagay na ikamamatay mo?"
"My grandfather worked in the same agency before with his friends." Inasahan ko na ipagpapatuloy ni Wayto ang kwento tungkol sa lolo niya at sa mga kaibigan nito pero pinili niyang ituloy ang tungkol sa kanya.
His grandfather and his friends' part were not for us to tackle.
"Something happened from the past that pushed me to help and join the agency, though I don't have a direct communication with them because there are always different channels to avoid familiarity, I learned to love the job. Nakakatulong ako sa mga naabuso hindi bilang Arellano kundi bilang si Dwight Alcerous. Alam mo iyon, Autumn, pareho tayong ipinanganak sa mundo ng politika, people always taught about our help requires a great return, people will not see the genuine part of us. Ang tingin nila sa atin ay gutom sa kapangyarihan, mapang-angkin at laging handang manlamang. I want to do something good, na walang bahid ng apelyido ko o ng politika. I want to do something na talikwas sa paniniwala nilang lahat, not to slap the people about my true intention but to satisfy myself. Para ipamukha sa sarili ko na iba ako at ang tingin nila sa akin. It was my motivation before, I was sick of this political system."
Hindi ko na napigilan mapaluha. I feel so proud of him, hindi ko akalaing maririnig ito kay Wayto. I thought he's just a spoiled brat of Arellanos, na ang tanging kayang gawin ay magsayang ng pera sa pagbili ng iba't-ibang sasakyan. But after hearing his confession, tumaas ang tingin ko kay Wayto, humanga ako at mas lalo akong nahulog sa kanya.
"At first, my grandfather disapproved my membership. Of course, it would risk my life, pero matapos kong sabihin sa kanya ang dahilan ko, he gave me chance and supported me. He insisted my bodyguards to protect me, na sa mata ng lahat ay pumuprotekta sa akin laban sa mga taong nagagalit sa akin dahil sa ugali ko. But it was beyond that. I was shot, ilang beses na." I felt guilty, isa ako sa mga taong natutuwa sa balitang nababaril si Wayto noon.
Galit na galit ako sa ugali at kayabangan niya noon, sa paninira niya sa kabuhayan ng mga nagtatrabaho sa palengke at sa lahat ng gulong ginagawa niya sa aming probinsiya.
I was wrong to accused him of being shallow. Akala ko noon ay wala siyang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanya, but everything happened to be his cover up to help people in need. Maybe it was a foolish cover up, pero sino nga naman ang mag-iisip na sa likod nito ay isang lalaking nais lang tumulong na hindi gustong dalhin ang kanyang pangalan?
Bigla kong naalala ang ilang salitang sinabi niya sa akin noon.
Please don't compare me to a common prince, because I am a villain type of a prince.
He's indeed the evil type of a prince, dahil hindi niya nais makilala bilang isang prinsipe nakasakay sa puting kabayo at gumagawa ng mabuti sa kapwa. Instead, he wanted to be a shadow prince while helping people in the dark. That he's willing to look evil to cover up his good deeds.
To help not because of his influential name, but to make himself complete and satisfied.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa lahat ng masasamang inisip ko noon kay Wayto.
"I-I'm sorry, babe..." my voice broke. Hindi ko na napigilan ang mas lalong pagbuhos ng aking mga luha.
"Hey, babe... what's wrong?" biglang naalarma si Wayto. "Come..." nagpahila ako kay Wayto dahilan kung bakit sa kama niya na ako muli nakaupo.
His arms curled around my waist, sumandal ako sa dibdib niya habang pinupunasan ko ang luha ko.
"I'm sorry, Wayto... nang mga panahong nababalitaan kong nababaril ka. I'm always with my brother, bashing you..."
Kung ano-anong insulto na ang ibinabato ko sa kanya noon habang si Wayto... he's been in love with me. I felt so guilty.
I heard him chuckle.
"Alam ko, I fell in love first. We're enemies, alam kong pinauulanan mo na ako ng mura."
Pilit akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang dibdib niya.
"I love you, Wayto. I don't mura you na... minsan na rin kita sabihan ng gago at masasakatan ako kapag nasaktan ka. And you are not negro anymore tulad ng nakikita ko noon, you are moreno. At kahit hindi ka marunong mag-mandarin, ako payag ikaw kagat akin... kahit napipilitan ako..."
He laughed. Sobrang lakas ng pagtawa niya na napatulala ako sa kanya. But I let him and I hugged him tight.
"I love you too, Autumn..."
Hinayaan niya akong yumakap sa kanya ng matagal bago siya muling nagpaliwanag.
"What happened after the shots? Hindi ka ba pinigilan ng-" he cut me off.
"Yes, my grandfather tried to stop me but I insisted to continue. Minahal ko na ang trabaho ko, ang sarap sa pakiramdam na maraming natutulungan."
"Did they pay you well?" I asked curiously.
"Yeah." Tumango ako sa sagot niya.
"But I promised him that I'll leave the job, sa sandaling kuntento na ako. And I decided that my last assignment would be the information about your-" hinawakan ko ang labi ni Wayto.
Yes, I told him that I was ready to hear his reasons, pero handa na ba akong marinig kung ano ang imaheng maaari kong malaman sa likod ng mainit na ngiti ng lolo ko? May mga bagay tayong gustong hindi mabago sa ating mga alaala at para sa akin, isa na rito ay ang alaala ng aking lolo.
I wanted him to stay in my heart and mind as a loving grandfather, dahilan kung bakit hindi ko na nais marinig pa ang gustong sabihin ni Wayto. My family had the reasons on their plate, yet they couldn't just blatantly tell it, dahil tulad ko nais nilang manatiling maganda alaala ang iwan sa akin ni lolo.
Umiling ako kay Wayto at agad niya itong nakuha. Huminga siya ng malalim, I felt a gentle squeeze on my shoulder.
"My job as an informant gave me an information about the ambush, Autumn. I was wrecked that time, natatakot ako sa buhay mo at nagkakagulo ang pamilya natin. I was desperate, kilala kita, you won't leave your family... the collected information clearly stated that this party would have their blow to a specific date, kaya gumawa ako ng paraan para ikaw mismo ang umalis, Autumn..." hinalikan niya ang mga kamay ko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi maniniwala sa akin ang pamilya mo... I am from the enemy's family, walang laban ang salita ko. Madadamay ka sa ambush... I'm sorry if I pushed you away, wala na akong maiisip na paraan para umalis ka at hindi ka madamay. You can hate me all you want, at least... you're alive..."
Sa halip na sumagot ako kay Wayto ay natagpuan ko ang sarili kong nakahawak sa kanyang mga balikat. Until my lips claimed his, I kissed him slowly na parang ito na ang hinahayaan kong sumagot sa lahat ng paliwanag niya.
I hate his way... but I couldn't deny it, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Humiwalay ang aking labi sa kanya and we let our forehead pressed together.
"S-should I continue?" he asked.
Umiling ako. "W-will you marry me after what you-"
Ngumisi ako. "See you at the church, Arellano."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro