Chapter 58
AN/ I don't proofread talaga! huhu. So expect errors. Haha
Chapter 58
Kneel
I felt like a cold bucket of water poured down on me, my whole body shivered with fear, and my mouth couldn't even utter a single word.
I almost dropped my phone when I heard Belo's voice again. I wiped the sudden tears on my cheeks, and I carefully listened to him.
I was waiting for a joke word. Sa kabila ng bigat at pangamba sa boses niya. Umaasa ako na sa unang pagkakataon ay magbiro ng ganitong klase si Belo. But I knew my bestfriend too well, wala ang salitang buhay sa usapan ng biro sa kanya!
Pero masama ba ang umasa? Just this once Belo, magbiro ka. Hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit, pero mas mabuting ito ang maramdaman ko kaysa sa takot.
Nang hindi marinig ni Belo ang sagot ko ay inulit niya ang mga salitang nagkumpirma sa kinatatakutan ko. It was true.
"Autumn, he's poisoned... isinugod siya sa hospital. Mabuti at kasama namin siya nang mag-epekto ang lason sa kanya." Nahihirapang paliwanag niya.
Mas lalong dumiin ang kamay ko sa aking telepono.
"S-saang hospital?" I asked with my hoarse voice.
Was that the reason why he got his bodyguards back? What happened after those six months? Ang huling pagbabantang naaalala ko laban kay Wayto at sa mga Arellano ay noong panahon pa ng eleksyon at ng mga panahong wala pa kaming relasyon ni Wayto.
I bit my lower lip, bago pa man kami magkalabuan ni Wayto noon ay katanungan na sa akin ito. He's always the target among the Arellanos, I thought it was all about his poor attitude among the citizens of Enamel but I knew that it was bigger than that. Bago pa man pumutok ang hidwaan at paghihiwalay sa amin ng aming mga pamilya, Wayto's already hiding something from me.
Isa na ba ito sa mga gusto kong malaman noon pa man? Sa paraang ito ko pa ba ito malalaman? Kapag may nangyari nang hindi maganda sa kanya? Mauulit na naman ba?
But he's now willing to tell me everything, and I'm willing to listen. Please...
Sino pa ba sa mga taga-Enamel ang maaaring pumantay sa kapangyarihan ng mga Arellano para lakas loob punteryahin ang paboritong apo ng gobernador? Of course, it was just my family! But I knew that my family had nothing to do against Arellanos anymore!
Sino pa? Who were they? Kung hindi taga-Enamel, maaaring sa labas ng probinsiyang ito? But why Wayto? Wala na akong nababalitaang mahigpit na nakakaalitan ng mga Arellano bukod sa amin. What's really going on?
I thought the threat had disappeared after that critical election. Ano ba ang nangyayari? Ano na naman ba ito? I came back fixed and opened for enlightenment, but I couldn't just be welcomed by another complication. Wayto and I were about to start a new, bakit kailangan ay ganito agad ang sumalubong sa amin?
We're about to listen to each other's words, pero bakit parang may gusto na namang pumagitna sa aming dalawa? If it was not our families, sino naman? Ano na naman? Wala na ba talaga kaming karapatan ni Wayto na magsama?
Sinabi sa akin ni Belo kung saang hospital dinala si Wayto. I nodded na parang nasa harap ko lang siya. Hindi ko na nagawang magtanong pa sa kanya tungkol sa kalagayan ni Wayto, I was too scared to know his state! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling may marinig akong hindi maganda tungkol sa kanya.
I might break down, at hindi ko na magawang makarating sa hospital na may malay.
Sinabi ko agad sa driver kung saan ang hospital, I even told him to drive quickly, I badly want to see him as soon as possible. Gusto kong nasa tabi niya ako, gusto kong ipadama sa kanyang nandito na ako, hindi na ako aalis, hindi na ako tatakbo.
Hindi ko na siya sasaktan... makikinig na ako... babe na namin ulit ang isa't-isa. He's not negro anymore! If he's going to ask for a wedding right now, he could even ask for a child! I will give him, open arms! Open legs! Lahat na, buksan niya nang lahat!
Saan nanggaling ang lason? He promised! Sinabi niya sa aking lason ko lamang ang kanyang tatanggapin! That Arellano!
I silently prayed for his safety, I apologized for all my mistakes, kung nakasakit ako ng napakaraming tao, kung nanloko ako ng napakaraming mata, kung may pinaluha akong miyembro ng bawat pamilya, nagsisisi na ako.
Nakayuko ako sa hawak kong basket, mahigpit na nakahawak ang mga kamay ko sa hawakan nito habang nakatuon ang aking noo, mariin akong nakapikit habang nagdarasal.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko sa mga iniisip ko, maraming posibilidad ang pumapasok. Gusto kong pigilan at pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko na magawa!
Natatakot ako... takot na takot, Wayto...
Kung hindi na talaga kami para sa isa't-isa ni Wayto, I will let go of him. Just please... make him safe... kung hindi na talaga pwede, kung sobrang laki na talaga ng pinsalang ginawa ko, hindi ko na po ipipilit. I will free him... J-Just make my babe safe...
Humahagulhol na ako sa loob ng kotse. Huli na ba talaga para sa aming dalawa? Handa na naming tanggapin ang isa't-isa...
Nang maramdaman kong nagsisimulang bumagal ang takbo ng kotse ay agad akong nag-angat ng tingin. Wala pa kami sa hospital.
"K-kuya? Bakit po? Wala pa po tayo sa hospital."
"Ma'am Autumn, n-nagkakaproblema yata ang sasakyan natin." Kinakabahang sabi ng driver.
"W-what? Bakit ngayon pa kuya? Wayto needs me... bakit kung kailan nagmamadali po tayo. Hindi po ba talaga tayo aabot?" nanghihinang tanong ko.
"S-sorry po, Ma'am. Baka maaksidente tayo kapag ipinilit natin." Tuluyan nang tumigil ang sasakyan namin. Agad akong bumaba dala ang basket. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito magawang bitawan.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, lalo na nang walang dumadaang taxi. Halos parahin ko na ang kahit anong sasakyan para lang isakay ako.
Bumaba rin ang driver namin.
"K-kuya... kailangan kong makaalis agad..." I stomped my foot.
Wala na akong pakielam sa hitsura ko, I don't care about my hair, liptint or even my eyes. Balisang-balisa na ako. Bakit kung kailan nagmamadali ang isang tao ay saka nakararanas ng ganito?
"I-I should walk while waiting..." nagsimula na akong maglakad, agad akong hinabol ng driver habang pasulyap-sulyap siya sa kalsada para sa taxi.
"S-sorry po talaga, Ma'am..."
"I'm coming, babe..." bulong ko habang nakatingin sa unahan.
"Pasensiya na po talaga, Ma'am Autumn..." paulit-ulit humihingi na paumanhin sa akin ang driver na hindi ko na magawang pansin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marinig kong may nakikita na siyang taxi. I stopped and wait for him to call the taxi's attention.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras ng tumigil ang taxi, sumakay ako rito. "Inform my family."
"Y-yes po, Ma'am. Pasensiya na po talaga." Hindi na ako sumagot, isinarado ko na ang pintuan.
Sinabi ko agad kung saan ang hospital. "Paki-bilisan po, please..."
Nakatanaw na ako sa bintana habang mabilis tumatakbo ang sasakyan. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko, pero nagsisimula na talaga sumikip ang dibdib ko.
Magiging maayos din ang lahat, Autumn. He's fine. He's safe. Ilang beses na siyang pinunterya noon at ilang beses siyang nakakaligtas. He'd definitely do the same again. Wayto's fighter.
If our story was really all about snow white, handa akong gampanan ang huling parte ng buong puso. I will annihilate the poison with a passionate kiss. Gigisingin ko siya sa kahit anong klaseng halik na kailangan niya.
Nang tumigil na sa hospital ang taxi ay agad na akong tumakbo papasok rito, nagtungo ako sa information table na halos mabangga ang bawat nurse na nakakasalubong ko.
I might look crazy with the basket of apples, but the hell I care! Hindi ko alam kung anong klaseng katangahan ang pumasok sa akin para hindi ko ito magawang bitawan... I should have left this basket filled with apples inside the car, but these damn apples have a significant part... hindi lang sa akin, kundi kay Wayto. It was like a symbolic thing for me to hope... that he's still here... safe... na nasa malapit lang, maaabot ko katulad ng mga mansanas na dala ko.
Umiiyak na ako at sobrang labo na ng paningin ko nang harapin ko ang nurse nasa information desk.
"W-wa- Dwight Alcerous Arellano!"
Agad yumuko ang nurse at humarap sa kanyang monitor. She quickly checked the details.
"Third floor, room 307."
"Thank you!"
Lakad takbo ako patungo sa elevator. I might look really horrible, dahil nag-iyakan ang mga batang nasa loob ng elevator nang makasalubong ako at yumakap na lang ang mga ito sa kanilang mga magulang.
The kids cried, I cried. Nag-iiyakan na kaming lahat sa loob elevator. Dramatic? I am always this way!
Nang tumigil sa third floor, walang nakipag-unahan sa aking lumabas. They gave way, I ran again to find the room, but unluckily sa dulong kwarto pala nakatapat ang elevator, I need to walk more!
But I fell down! Nadapa na ako sa magmamadali ko at sumabog sa buong hallway ang lahat ng mansanas na dala ko. I frustratingly cried.
"W-wayto!" hagulhol ako habang isa-isang kinukuha sa sahig ang mga mansanas na natapon.
But as my tears fell down, gentle hands started to pick up my scattered apples on the floor.
Nanatili akong nakasalampak sa sahig habang isa-isang binibilang ang pares ng mga kamay na siyang pumupulot ng mga mansanas.
One.
Two.
Three.
Four.
Five.
Limang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin na kapwa hawak ang dala kong mga mansanas.
I cried harder. I was wrong from the very start... it was not the seven uniformed men in black who'd been my Wayto's protector. Because the seven dwarves had their own significance... hindi sila basta utusan, hindi sila basta binabayaran... but they're his friends, seven significant people who were willing to do everything for him.
Nero, Belo, Aldus, Owen and Troy.
"N-nasaan siya?" nangangatal na tanong ko.
Hindi ko pinaunlakan ang pag-alalay na inilahad sa akin ni Nero, sinunod ko ang kwartong itinuro ni Belo at Aldus.
Tumakbo ako at marahas kong itinulak ang pintuan. And there, I finally had the chance to meet the sixth and seventh dwarfs of our story. Ang dalawang taong unang nangako sa akin na ilalayo ako sa lason.
His dwarves and my fairygodmothers. Both our protectors. Kapwa nakatalikod ang dalawang matanda habang nakaharap sa kama ng lalaking mahal ko.
Natigil ang tawanan sa pagitan nilang tatlo at kusang humarap sa akin ang dalawang matanda na nasurpresa sa bigla kong pagpasok.
"A-autumn?" I heard Wayto's voice.
Nasapo ko ang aking bibig. He's alive.
"Wayto!" nagmadali na akong tumakbo sa kama niya at tumalon sa kanya para yakapin ng mahigpit.
"W-what's going on?" he almost choked because of my tight embrace.
"Y-you were poisoned. They told me..." itinuro ko si Belo at ang mga Ferell na nasa may pintuan. Kinakain na nila ang mga mansanas na dala ko.
I don't care if I was sitting on his lap o halos hindi na siya makahinga sa yakap ko. Sasagot na sana sa akin si Wayto nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"B-babe... ako ayaw nilalason ka ng iba..."
"W-what?"
"Anong what, Wayto?"
"Sumakit lang ang tiyan ko. Pinilit lang ako ng dalawang matandang 'yan dito."
"W-what?!" napahiwalay ako sa kanya. After all my dramas!
"Nero! Ano na naman ba ang sinabi n'yo rito? Autumn is a drama queen! Look!" tinanggal ni Wayto ang nagsabog kong buhok sa mukha ko.
Bumaba ako sa kama at halos sabunutan ko ang sarili ko nang rumihistero ang lahat ng ginawa ko simula kanina sa sasakyan. Oh my gosh!
Narinig ko ang tawanan ng lahat. I automatically poised myself, at agad kong inilahad ang kamay ko kay Wayto.
"Propose to me!" I stomped my right foot.
Umawang ang bibig ni Wayto. "A-autumn, I want it romantic for you." Mahinang sabi niya.
Sumipol ang mga Ferell. "Propose to me, Arellano! Dali na!"
"I don't have a ring! Nasa bahay. This is embarrassing, Autumn." Mas nakakahiya ang ginawa ko kanina!
"Are you going to propose or not, Wayto?"
"White, catch!" pansin kong may inihagis si Nero kay Wayto na agad niyang nasambot.
"Seriously?" naiiling na sabi nito.
"Come here, Autumn." Umiling ako.
"You should kneel, come on!" I rolled my eyes.
Hindi rin nagtagal ay pansin ko ang dumadaming tao sa may pintuan ng kwarto ni Wayto. I don't know if the Ferells invited witnesses, but I don't care anymore. Kapwa kami ipinanganak ni Wayto sa probinsiyang ito na pinapanuod ng mga tao and a genuine proposal would definitely fuel the whole gossip system of Enamel.
"M-masakit pa tiyan ko, Autumn..." ngiwing sabi niya.
Basta na lang tinanggal ni Wayto ang dextrose sa kanyang kamay. I grinned.
At tulad ng ipinangako niya sa akin noon pa man, ipakikita niya sa buong mata ng probinsiya ng Enamel ang pagluhod ng isang Arellano sa isang Olbes. Inilabas ng mga Ferell ang kanilang mga camera, ang ilang mga tsismosang napadaan at ang mga saksi ng hindi matapos-tapos na hidwaan sa pagitan ng aming mga pamilya.
Dwight Alcerous Arellano kneeled in front of the beautiful Autumn Stassi Olbes.
Not as a surrender of defeat.
But a surrender of love, endless love... with bittersweet poison.
"Autumn Stassi Olbes will you marry me?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro