Chapter 57
Chapter 57
Another poison
I tried to blink a lot of times, was I dreaming? Siya ba talaga ang lalaking kaharap ko na may naniningkit na mga mata? Kanyang mga labi ba ang kasalukuyang nang-aakit sa akin? Kanyang mga bisig ba ang ngayo'y nakayakap sa akin?
"W-wayto..."
I bit my lower lip. Shakily, my palms cupped his face. Sobrang init nito na naging dahilan para mag-init ang mga kamay ko mula sa malamig ng panahon.
"I-I'm s-sorry..." I whispered.
"I'm sorry, Autumn..." ito rin ang sinabi niya.
Idinikit niya ang kanyang noo sa akin at hinayaan naming halos magkalapat ang tungki ng aming mga ilong. I don't care about the people! This is a liberated country! We could French kiss or damn make out in daylight!
Nanatili kaming hindi nagsasalitang dalawa, all we did was to feel each other's heavy breathing. Kapwa kami nakapikit at nakalapat ang mga noo na parang ayaw pakawalan ang isa't-isa.
Ang dami naming kailangang pag-usapan, pero hindi yata namin magagawa iyon kung hindi namin pagbibigyan ang aming mga sariling damhin ang isa't-isa.
I missed him so much, that I could delay his explanations and let us stay like this.
"Will you allow me to ruin your liptint schedule? Your lips are tempting than an apple." I grinned.
Nawala ang mga kamay ko sa pisngi niya at ikinawit ko ito sa kanyang batok.
"Ano'ng schedule? I don't have any schedule anymore. Ruin it..." he chuckled.
"You are lying."
Hinampas ko ang kanyang dibdib at yumakap na ako sa kanya. "I changed my mind, a-ayokong magpahalik dito... baka mapansin nilang napipilitan lang ako."
Wayto laughed. "Damn, my babe and her napipilitan. I missed you, Autumn Stassi Olbes."
"Why are you here?" tanong ko sa kanya nang humiwalay ako ng yakap.
"For you, I can't wait anymore. I really wanted to see you so bad, they told me that you're coming home next week." Tumango ako.
I never thought that we would talk like this, it was so casual na parang wala akong ginawang eskandalo sa nakalipas na anim na buwan. Wayto's treating me like nothing had happened!
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman, dapat mahiya ako, matakot, kabahan... but Wayto's making me feel the opposite way. Ipinararamdam niya sa akin na inaasam-asam niya ako, na naghihintay lang siya at wala siyang gustong tingnan kundi ako.
Katulad ngayon, he's still in front of me, staring intensely na parang walang masakit na nangyari sa pagitan namin. His yellow hoodie gave him justice!
"So... a-are you going to stay?" halos mapapikit ako sa tanong ko. Ngayon na ba kami mag-uusap? This early?
"Tempting," bahagya siyang yumuko patungo sa akin para bulong. "Pero kasal muna bago tikim at kagat..."
Nag-init ang pisngi ko. "I am not saying that—" natawa siya bago niya ibinalik sa bulsa ng kanyang hoodie ang kanyang mga kamay.
"I'll wait for you, dumalaw lang ako."
Halos matulala ako sa sinabi niya. The usual Wayto would definitely bite the bait, makikipaglandian ito sa akin hanggang sa ako ang umayaw.
Tumalikod na siya sa akin at hindi na ako nakapagsalita. It took just a few seconds before I noticed the few uniformed men around him, hindi naman literal na nasa paligid niya pero agad kong napansin na gumalaw na ang mga ito sa kani-kanilang mga pwesto nang umalis na si Wayto.
They looked familiar. Saan ko ba ang mga ito huling nakita?
Habang papalayo na si Wayto unti-unting rumehistro sa aking alaala ang mga unipormadong lalaki.
My eyebrows crossed. Bumalik ang pitong bodyguards ni Wayto? For what?
**
I was warmly welcomed by my family. Ibang-iba ang salubong nila sa akin ngayon kumpara noon, iba rin ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. It was lighter, comfortable and free.
I felt like a prisoner free from chains, a bird with healed wings and an apple free from poison.
"I'm home!" I screamed at the top of my lungs.
Halos tumalon ako sa puting van nang muli kong makita ang malaking mansyon ng mga Olbes.
"Umuwi na po ako, lolo!" I said with happy tears down from my eyes. Ibinuka ko ang mga braso ko sa harap ng masyon na parang magagawa ko itong yakapin.
"I'm home... nandito na po ako... hindi na masakit ang didbib ko, hindi na ako sasabog, wala nang paghihiganti ang buong pagkatao ko, lolo..."
The presence of home was really incomparable, kung binigyan man ako ng ibang bansa ng lugar para huminga sa mga bagay na nagpaparamdam sa akin ng mga bagay na humihila sa akin pababa, iba pa rin ang pakiramdam ng nasa sariling kinalakihan. The warmth, peace, memories and endless love...
"Nakauwi na 'ko!" ulit ko.
I laughed to myself with mixture of tears. Para akong batang unang beses hinayaang lumabas ng bahay dahil nagawa kong iikot ang sarili kong katawan sa aking kinatatayuan sa harapan ng aming mansyon, ngumiti ako nang bumuhos ang ulan.
"Autumn, get inside! Umuulan!" sigaw ni Mama.
Bigla kong naalala ang unang beses na naligo ako sa ulan. I was with my grandfather, Kuya, Kaden and Lonzo.
"Autumn, you should come down. Lagi ka na lang nakasakay sa likuran ni lolo." Reklamo ni Kaden.
"I might drown, excuse me?"
"Hindi naman baha, ang arte talaga ni Autumn." Sabi ni Lonzo.
My grandfather just laughed at us. Naghahabulan kami sa ilalim ng ulan habang nakasakay pa rin ako sa likuran ni Lolo. Until I saw beautiful red flowers.
"I want that! I want that!" itinuro ko iyon kay lolo.
My grandfather told Kuya, Kaden and Lonzo to get flowers for me. And under the rain, they made a flower crown for me. It was a crown made of red Sta. Ana flowers.
Nakaupo si Kuya, Kaden at Lonzo habang kalong ako ni lolo sa isang malaking bato, hindi pa rin tumitigil ang ulan, pinagdidikit-dikit nila ang maliliit na bulaklak para gumawa ng korona.
"Faster!" I said excitedly.
"Wait, Autumn, it's so hard to attach the flowers!" reklamo ni Kaden. Ilang beses niyang pinunasan ang kanyang mukha dahil sa ulan.
"Don't make it big, Autumn's head is small." Kuya reminded them.
Pinapanuod lamang namin sila ni lolo, and when the boys finished the crown my smile widened. I clapped my hands. Dahan-dahan inilagay ni Kaden at Lonzo ang bulaklak na korona sa ulo ko.
"The Olbes Princess and her crown, isn't she pretty?" Lolo asked them. Kuya, Kaden and Lonzo nodded with joy. I giggled.
"Am I pretty?" I placed both of my palms below my chin and I titled my head side by side to emphasize my pretty face.
"Like a princess!" Kaden said.
Humalik si lolo sa ibabaw ng ulo ni Kuya, Kaden at Lonzo. "You should take care of the princess, okay?"
"Yes!"
Hindi ko na muli narinig ang tawag ni Mama, but I felt the presence of the first princes in my story. The first princes who gave me a crown, the first princes who protected me, the princes who made me feel the princess.
Katulad ko ay hindi na nila alintana ang pagbuhos ng ulan, nanatili silang nasa ilalim nito habang nakangiti silang nakatitig sa akin.
This whole thing was not just all about the forgiveness about Wayto, for the whole Arellano but also to my whole family. Sa sarili kong pamilya na kinamuhian ko rin, ginawan ng eskandalo para makabawi, binigyan ng dagok para ipamuka sa kanilang hindi nila ako madidiktahan at sa pamilyang nagawa kong isisisi ang lahat.
And to these princes that I doubted the most...
I thought they broke the promise, but I knew that it was all everything for me...
"Welcome home, Autumn." Yumakap ako kay Kuya.
We never had a proper conversation after my graduation at alam kong ito na ang tamang panahon para ayusin namin ang lamat sa aming relasyon bilang magkapatid.
And to make the whole scene lighter, Lonzo and Kaden gave me my signature crown.
"W-what's that?" I laughed.
"Your crown, your highness." Sa pagkakataong ay nagtawanan kaming apat. I bowed in front of them like a silly little girl.
"The most jowable girl in Enamel is back!" I said.
They rolled their eyes. "Arte mo, Autumn!"
Tumatawa kami nang pumasok sa mansyon at naihanda na pala ni Mama ang towel namin.
"Naghanda na ako ng pagkain, ayusin n'yo na ang mga sarili n'yo. Para pa rin talaga kayong mga bata!"
Nagtungo na ako sa aking kwarto na hindi mapawi ang ngiti sa mga labi.
Tulad ng ipinangako ko ng mga panahong nasa ibang bansa ako, paghingi ng tawad ang una kong ginawa sa harap ng aking pamilya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako luluha sa harapan nilang lahat, but the feeling of acceptance and forgiveness was too overwhelming, na kung hindi ko iluluha mas lalong sisikip ang dibdib ko.
"The damage has been done, I could say sorry—but I know that the memories..."
"We could always add new memories, Autumn. A happier one." Sabi ni Papa.
"People could make their mistakes, pero lagi mong tatandaan, na kahit ano pa ang ginawa mong pagkakamali at handa mo itong pagsisihan, pamilya ang unang tatanggap at susuporta sa'yo. We are here not to pull you down, but to pull you up." Nakagat ko ang ilalim ng labi ko.
Of course, I knew that! At hinding-hindi ko iyong kakalimutan.
"Because the true essence of a family is the way they pull each other up, and not the other way around." Tumango ako sa sinabi ni Mama.
"I am happy that I was born in this family, maraming salamat po." I said. Sinalubong nila ako ng ngiti at mainit na yakap.
Myself, family and him.
Ilang linggo pa lang simula nang umuwi ako sa Pilipinas ay marami na akong natatanggap na tawag mula sa iba't-ibang kumpanya. I got a recommendation from the previous university!
"Nakakatuwa ka talaga, sa ating tatlo ikaw ang inaasahan kong hindi na magkakapagtrabaho. You know? Ikaw iyong tipo na parang manganganak ng taon-taon at titigil na lang sa bahay." Kumento ni Tanya sa akin matapos niya mabasa ang alok sa akin ng isang kumpanya.
"Agree." Tipid na sagot ni August.
"Akala ko rin..." I shrugged my shoulders.
"So are you going to accept this? Pangatlo na ito." Tanong ni Tanya.
"Maybe next week? I'll just check the options, hindi ba mas mabuti iyon?" they both nodded at me.
"What about Arellano? Hindi pa ba kayo nag-uusap?" tanong ni August.
"We will soon. Siguro ay abala rin siya."
Simula nang dalawin niya ako sa ibang bansa ay wala na ulit kaming naging pag-uusap.
"Sabagay kahit nitong nakalipas na anim na buwan ay hindi na siya madalas tumigil dito sa Enamel, he's now busy with their business in Manila." Hindi na ako nagulat, hindi gusto ni Wayto ang mundo ng politika.
"Kayong dalawa? Kailan kayo ikakasal?" I asked them.
Sabay lang silang bumuntonghininga.
**
Linggo nang matagpuan ko ang sarili ko sa palengke. Kahit sabihin nilang ako na ang pinakamaarteng babae sa Enamel, hindi nito maaalis ang bagay na iminulat sa akin ng mga magulang ko. Our ancestors started in selling apples, at hindi ito pinakawalan ng mga Olbes kahit malaki na ang aming kamayanan.
Hindi na si Mama ang nagbabantay rito ngayon, isa ito sa aming katiwala.
"Ma'am Autumn!"
I smiled at her. "Napadaan lang ako, kumusta kayo?"
"Madaming bumibili ng mansanas ngayon, Ma'am."
"Good to know."
Hinawakan ko ang isang mansanas at tipid ko itong pinagmasdan, hindi ko maiwasang hindi maalala ang unang beses na bigyan ako ni Mama ng mansanas na may pampatulog.
It was all because of my father's gambling habit! Kung hindi siguro siya natalo sa sabong noon ay hindi lalagyan ni Mama ng pampatulog ang kanyang mansanas para mapatigil siya...
Hindi ko maiwasang muling ngumiti. Unluckily, an idiot bit the apple flock with his seven bodyguards.
"Pwede ba akong kumuha?"
"Sige lang, Ma'am! Kahit ilan."
"Nah, I will pay."
Binigyan pa ako ng tagabantay ng isang basket para rito ilagay ang napakaraming mansanas. I can't explain why I suddenly felt like bringing home a basket of apples.
Binayaran ko ang tagabantay namin, pilit man siyang tumanggi pero hindi ako nagpatinag. Sumakay na ako sa kotse at nakangiti akong hawak ang basket.
"Ma'am, saan po tayo?" tanong ng driver.
"Let's go home---" I was cut off when my phone rang.
"Yes, hello?" I answered with a smile.
But that smile wavered in an instant when I heard Belo's crooked voice.
"Autumn, he's poisoned..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro