Chapter 56
Chapter 56
Apple
Lumulukso ang dibdib ko sa tuwa nang sandaling abutin ko ang aking diploma. Talaga palang walang imposible kung paghihirapan ang isang bagay, sino nga ba ang mag-aakalang makakapagtapos ako?
Autumn Stassi Olbes na kilala ng lahat bilang maganda. People would not expect something more from me, bukod sa paniniwala nilang nabubuhay lamang ako sa pangalan at impluwensiya ng pamilya, an achievement like this would surprise a lot of people.
The hell I care!
I positioned myself like a model while moving my diploma on air. "Graduate na 'ko!"
I almost jumped to my friends. "Autumn, we're so proud of you!" salubong sa akin ni Tanya at August. We hugged each other and made a circling movement with smile on our faces.
Hindi ko akalaing lilipad pa sila patungo rito para lang makadalo sa graduation ko. It was just few months of waiting, pero hindi nila ako natiis.
My parents were also present as well as my brother and my favorite cousins, Kaden and Lonzo. Ang bilis ng oras! Ang lahat ng pinaghirapan ko, puyat at dasal, sa wakas natapos ko na rin.
Sobrang sarap sa pakiramdam! I couldn't help but to cry, tears of joy! Sino ba ang hindi? Ang hirap kayang mag-aral! I almost forgot my liptint schedule for that six months!
"Kahit medyo haggard ka ngayon, maganda ka pa rin sa paningin namin." Kumento ni Tanya na nagpaalarma sa akin.
"I did? Seriously?" nagpatuloy kaming tatlo sa pag-ikot. But my body tensed, what about my pictures? Gosh.
"Yeah." Sagot ni August.
"Oh my gosh-" they both giggled.
"Hell no! You look stunning now! Mas gumanda ka pa nga!" sabay kong hinila ang buhok nila, akala ko ay totoo na.
Nang marinig ng mga kaibigan ko na tumikhim ang dalawa kong pinsan saka ang mga ito humiwalay sa akin. My parents automatically hugged me, namumulang napatungo ang dalawa kong kaibigan. Nauna pa sila sa mga magulang ko.
I rolled my eyes. Nahiya pa sila!
"We're so proud of you, anak." Naiiyak na sabi ni Mama. Ngumiti naman sa akin si Papa.
Of course, after all that had happened. Sa lahat ng naranasan ko sa nakalipas na tatlong taon, who would have thought that I could possibly recover? I was wrecked before, empty and had nowhere to go. I was lost without any sight of future. I was in the darkness with no signs of light from a door, I was a ticking bomb that was about to explode... I was a poison...
Lason sa sarili kong pagkatao.
But as time passed by, I'd realized that it wasn't anyone around me who I needed the most... not my parents, brothers, cousins, my family, him... or even my grandfather. It was actually myself, the only responsible for picking up the pieces of me...
Kailangan kong tanggalin ang sarili kong lason. Hindi ako uusad kung hindi ko sisimulan sa sarili ko, if I started to move forward broken, how could I possibly push other's back forward? How could my hands help if I was still holding a knife?
Ako ang makagagamot sa sarili kong lason, isang bagay na unti-unti kong napagtanto sa nakalipas na anim na buwan. It helped me a lot. At hindi ko ito pinagsisihan. Mas masarap pa rin talaga sa pakiramdam iyong walang dinadalang mabigat na bagay, sakit at galit.
I gave my parents a kiss, ganoon din si kuya. Kumindat ako kay Kaden at Lonzo. Nagtungo kami sa isang restaurant para i-celebrate ang graduation ko.
"You should eat a lot, pumayat ka." Sabi ni Tanya.
"Papayat nga 'yan, iyong ba naman na hindi sanay mag-aral." Pang-aasar ni Kaden sa akin.
"Excuse me, Kaden?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Napuno ng tawanan ang buong lamesa.
Nagsimula akong asarin ni Lonzo at Kaden, nakikisali rin si kuya at nagbibigay ng kumento si Mama at Papa habang pinagtatanggol naman ako ni Tanya at August.
Our table was filled with laughter and funny experiences. Habang nag-uusap kami napapansin ko na may iniiwasan silang pag-usapan. Or were they still calculating my reaction?
Hanggang ngayon ay wala pa rin silang nalalaman tungkol sa mga balak ko sa buhay. They never asked na siyang kanina ko pang hinihintay. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko, I'm still going back to Philippines at dito magtatrabaho.
Hinayaan nila akong magkwento tungkol sa pinagdaanan ko sa nakalipas na anim na buwan at maingat pa rin silang dalhin ang usapan patungo sa Pilipinas. Alam kong nag-aalangan pa rin ang mga ito sa posible kong maging reaksyon.
Sinadya kong huwag alamin ang nangyayari sa Pilipinas sa loob ng anim na buwan, hindi para magkimkim ng sama ng loob o gumawa na naman ng bagay na mas magpapabigat sa nararamdaman ko. But to heal, accept, move forward and to breathe...
"Next week I'll fly back to Philippines." Natahimik silang lahat sa sinabi ko.
"A-are you sure?" my brother asked hesitantly. He looked afraid, hindi ko sila masisisi. They all witnessed it, kung paano ko winasak ang sarili ko dahil sa matinding galit at paghihiganti sa mga Arellano. They're just afraid that I might do the same.
I heaved a deep sigh. "First of all, I want to apologize for the damages-" umiling si Mama at hinawakan niya ang kamay ko.
"Tapos na 'yon, anak." I smiled.
"At least, I want to apologize-"
"Save that to our whole family. They're all willing to listen." Kumindat sa akin si Lonzo.
"And I am also willing to listen." I said shortly.
Nang dumating na ang pagkain namin, iyon na ang naging sentro ng aming atensyon. We enjoyed the foods together with my friends and cousins' story. Sinabi rin nila sa akin na nakapanganak na raw si Aurelia with a very pretty baby girl.
My friends stayed for only two days as well as my parents, sinabi ko naman sa kanila na susunod na rin ako. I just need to settle things before I finally leave the states.
Isa pa, gusto ko rin munang samantalahin ang panahong mag-isa ako. Dahil sa sandaling bumalik na ako sa Pilipinas, kailangan ko na muling sanayin ang sarili ko sa mata ng napakaraming tao.
I am still the Olbes Princess, hindi matatanggal ng ilang buwan ang lahat ng ginawa kong eskandalo sa pangalan ko o sa aking pamilya. I am still the walking scandal of Enamel.
It took six months before I finally had the courage to think about my dreams and memories of my grandfather. His words giving me traces... the explanation of my mother and even his...
Alam ko sa sarili kong handa ko nang pakinggan ang magiging eksplanasyon niya. It took six months for me to gather all the courage, because I was afraid... inaamin ko natatakot ako sa pwede kong malaman. I loved my grandfather and it would literally break my heart if---
Ipinilig ko ang ulo ko. Kung may bagay man akong malalaman tungkol sa kanya, alam kong may malalim itong dahilan. He's the greatest man I'd ever met at ipinapangako ko sa sarili kong hindi ito magbabago marinig ko man o hindi ang magiging eksplanasyon niya...
But how was he after the scandal? Everyone was careful not to mention his name. Hindi ko rin magawang banggitin ang pangalan niya sa harap nila, paano ko ba ipapasok iyon nang hindi kami makakaramdam ng tensyon?
Bumuntonghininga ako. Mas isinandal ang sarili ko upuan, pumikit sa harap ng kalangitan.
"How are you, Arellano?" I whispered.
I took my phone and opened my social media. Kinakabahan kong binuksan ang profile niya, it was last active years ago, bago pa man ako bumalik para maghiganti sa kanya.
Halos sabunutan ko ang sarili ko. I was ready to hear him, pero kinakabahan pa rin ako! P-paano kung-
I bit my lower lip. Of course! He's White Arellano, kaya niyang makahanap ng babae sa loob ng anim na buwan. He could easily find a replacement para hindi siya mapahiya sa mga taga-Enamel. That he could justify to them that he was not broken, hindi talunan...
My mind went back to what happened, his silence when people humiliate him, the unbothered movement of Arellanos after that wedding-hinayaan ni Wayto ang mga taong pagpiyestahan siya na hindi man lang nagbibigay ng kahit anong pahayag. Naging ganito pa rin ba siya sa nakalipas na anim na buwan?
Didn't he fight back for his name and Arellanos?
Napahilamos ako sa sarili ko. I will come back to fix everything, I will apologize, listen and move forward, na siyang dapat kong ginawa noon pa man.
Pero paano kung hindi na niya nais magpaliwanag sa akin? Paano kung wala na siyang pakielam kung gusto ko pang malaman ang naging dahilan niya sa nakalipas na tatlong taon? Should I insist katulad ng kung paano niya ako pilit na nilalapitan noon para sa magpaliwanag?
No. Sa sandaling sabihin nitong hindi na niya nais magpaliwanag sa akin dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya, hindi ko na ipipilit. Hindi na lang siguro-
Muli akong tumanaw sa kalangitan. I crept a smile on my face, the cloud resembles an apple.
Kung bibigyan kaya ako ng pagkakataong pumili ng kwento, would I pick Snow White again?
I wouldn't be Cinderella, hindi niya ako kasing sipag, api-apihan at lalong hindi ako mawawalan ng sapatos! I won't lose my expensive shoes. Napapailing ako sa iniisip ko.
How about Aurora? She was pricked by a needle. Malayo akong matusok nito o kahit anong bagay na pwedeng makapanakit sa akin, I was born as an Olbes, trained to hurt people back. Hindi ako makakatulog para lang maghintay ng lunas na halik sa isang prinsipe.
Hindi na ako lumayo sa ibang kwento dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko makikitaan ang koneksyon sa buhay ko. I was destined to be a woman with an apple filled with poison.
Isang mansanas na may lason, ang bagay na siyang nagsimula ng lahat. Our story had a twist, na ikinala kong ang lason ay tanging nasa mansanas lamang. But as we unravel our own story, we realized that everyone could be a good origin of a poison... mula sa mga salita, kilos, nakaraan o maging sa pagmamahalan.
That if we couldn't put a certain thing in a right place, slowly... it would create a poison na mananakit, magpapaluha at magpapahirap sa aming lahat. Our love was toxic for both of us, na naging dahilan para saktan namin ang isa't-isa.
"Will you bite the apple again, Arellano?" tanong ko sa hangin.
"Kukunin ko ba iyong mansanas para kay Papa sa sandaling bumalik ang oras?" tanong ko muli.
"Will you play the Snow White again?"
"Would you kiss your huntsman again?"
Natawa ako sa sarili ko. Kinakabahan na ako, papaano ko siya lalapitan? Anong magiging reaksyon niya sa akin sa pagkakataong makita niya akong muli? Would he hate me? Would he curse me?
Anong magiging reaksyon ko sa sandaling magkita kami?
Kinuha ko ulit ang phone ko. I opened my messenger to chat Tanya or August but my heart drummed fast when I saw him online. I tried to blink a lot of times to make sure myself, shit! He's online!
Biglang nangatal ang mga kamay ko habang nakatitig sa pangalan niya. Ngayon ko mas napansin ang dp niya, it was one of his smuggled cars. Natawa na naman ako.
Damn, I miss his car. Him...
I clicked his name and I tried to type something, pero binubura ko lang ito. I should probably call him not this one.
Sumandal muli ako sa upuan, should I make plans? Paano ko siya lalapitan? Should I ask help? Sinabi ko sa sarili ko na babalik akong aayusin ang lahat bago ako magpatuloy at alam kong kailangan kong magsimula sa kanya.
I spent another one hour sitting on the same bench alone, nakakarinig pa ako ng ilang batang nagbibisekleta.
At least now, kahit kinakabahan at may iniisip ako hindi na ito ganito kabigat, iba talaga ang nagagawa ng galit sa tao. It could make someone terrible, na sa huli talagang pagsisisihan.
Nag-inat na ako at ngumiti. I should go. Nasa akma na akong aalis sa aking pwesto ng mga kumulbit sa akin.
"Hey," I said, anak ito ng kapitbahay namin na Pilipino rin. Mahilig din siyang mag-bike sa lugar na ito.
"Ate Autumn, may kuya na nagpapabigay nito sa'yo." May itinatago siya sa likuran niya at nang sandaling masigla niyang iniharap sa akin ang bagay na hindi ko inaasahang makikita sa oras na ito, bigla akong napatayo.
A red apple.
"W-where is he?" I started to stutter. Kinuha ko ang mansanas at nagsimulang gumala ang mga mata ko.
"He went there." May itinuro siya sa aking direksyon, hindi na ako nag-alinlangan, agad akong sumakay sa bisikleta ko at ipinedal ito.
"Thank you, Camille!"
Sinundan ko ang sinabi ni Camille pero wala akong makitang lalaking may parehong katawan niya. Nanghihina kong ibinagsak ang bike, inilagay sa makapal kong jacket ang mansanas at nagpatuloy sa paglalakad.
He's here. Katulad ng mga nakita kong pictures noon, he's everywhere near me.
"Wayto!" wala sa sariling sigaw ko sa kabila ng mga taong naglalakad sa paligid. I was in a park filled with different people.
Unti-unti kong inilabas ang mansanas, tied with small ribbon and a small card with his note.
Happy graduation, runaway bride.
Napaluha ako at wala sa sariling kinagat ang mansanas. I'll go home...
Nang sandaling akma akong kakagat muli sa mansanas nakarinig ko ng pamilyar na pagsipol mula sa aking likuran. I immediately turned my back until I saw a familiar figure wearing a yellow hoodie. Kapwa nasa bulsa ng makapal na jacket niya ang kanyang kamay habang pasimpleng pasipol-sipol.
"W-wayto..."
Natigil siya sa pagsipol, mas lalong lumakas ang tambol ng puso ko. At sa bawat paggalaw niya at unti-unting pagpapakita ng kanyang mukha ng ilang buwan kong hindi nakita, hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng sulook ng aking mga mata.
I bit my lower lip. Gosh... my hot smuggler has the guts to wear yellow! But he's still so gwapo!
He awkwardly looked at me and he said the few words like he was actually snow white who was about to get lost inside a forest.
"I-I think I'm lost... will you guide me back?" he grinned at me.
My heart melted like it was the first time. Umiling ako sa kanya at dahan-dahan kong inangat ang mansanas na galing sa kanya.
"Will you bite the apple?"
Tinulay na ni Wayto ang distansya sa pagitan naming dalawa at inagaw niya ang mansanas na hawak ko at hantaran niya itong kinagat sa harapan ko tulad ng unang beses niyang kinagat ang mansanas mula sa akin.
Lalong sumingkit ang kanyang mga mata sa bawat galaw ng kanyang mga labi, nangatal ang aking buong katawan pero iyong puso ko, halos magtatalon sa tuwa.
"Always, Olbes..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro