Chapter 53
Chapter 53
Cover
The beautiful wedding dress got ruined from the dirt. The white petals of flowers were scattered terribly on the ground, the guests turned into series of tombstones, the bride was weeping not from joy but from undying pain.
The bride.
I cried louder. Every bride should feel happy during her wedding, but I chose this path. I shouldn't feel this pain...
The wind blew, and it carried my veil with rhythm. Wala sa sarili kong pinagmasdan ang aking mahabang belo na nakatali sa aking buhok. I was hoping that the pain would be blown away, na sa bawat pag-ihip ng hangin mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"Tama na man ang ginawa ko, hindi ba, lolo?" I asked my grandfather just like the old times. Na parang nasa tabi ko lang siya, nakikinig at magbibigay ng kumento sa akin. He would pat my head with a gentle smile on his face, and he'd say wonderful words that would soothe me.
We were that close before but was shattered apart when we've met the Arellanos. Naging abala siya sa eleksyon at lumayo ang loob ko sa kanya nang makilala ko si Wayto.
I couldn't help but to blame myself, it was all because of me. Dahil pinili ko si Wayto noon, kaysa kay lolo o sa pamilya ko. That he used my love for him to tear our family apart.
What now? Ngayong bumalik ako na sinisisi pa rin ang sarili at pilit nagkukunwari na ayos na sa akin ang lahat, I would discover that everything was already settled?
Paano naman si lolo? Paano naman ako?
They kept me in the dark for what? Kung nabubuhay lang si lolo, hindi siya makakatiis sa akin, he would gladly tell me everything. I was spoiled by him, and he won't let me feel this way for years.
Siya na lang talaga ang natitirang kakampi ko, nag-iisa na lang siya pero ngayon ay tuluyan nang nawala. I feel so alone.
I continued to cry while tightly hugging his tombstone.
Siguradong nagsisimula nang magkagulo sa simbahan. I was almost three hours late, and their eyes would turn white waiting for the bride. Sigurado akong hindi lang buong Enamel ang mabubulabog sa malaking eskandalong ito, it could also occupy the country's news, lalo na't nagsisimula nang magkaroon ng mabangong pangalan si Governor Arellano Pilipinas.
Wayto and the whole Arellano's a mess right now, na siyang matinding hinarap namin noon. Masasabi ko na ba na talagang nakabawi na kami?
Was everything a success? They deserved it! Our family experienced the most, at wala pa ito sa kalahati ng sakit na naramdaman ko o ng pamilya ko noon.
I didn't restrain myself from my own voice, malakas akong humagulhol ng pag-iyak. I don't care if the corpses would wake up from my voice.
This was my plan, it was a success but I couldn't lie to myself. Ramdam na ramdam ko ang sakit. I should be happy and satisfied, nagawa ko ang matagal ko nang gustong gawin. Ang makabawi. Pero bakit umiiyak ako? I should fucking laugh and celebrate! Pilit akong tumawa habang umiiyak.
I might look crazy, but I forcefully laughed with tears in my eyes.
Siguradong sa sandaling may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon, they would think that I was some kind of ghost weeping for her early death. But I don't care! Isipin na nila ang gusto nilang isipin sa akin!
Simula umaga hanggang hapon ay nanatili akong nakaupo sa puntod ni lolo. Hindi ko alintana ang panghihina ko at nararamdaman kong gutom, I just want to stay here. I want to feel the presence of my grandfather, sa nag-iisang taong kakampi ko.
I felt betrayed hindi lang para sa akin kundi para na rin kay lolo. How could our family turn their back against him? Paanong sa isang iglap ay nawala ang galit nila sa mga Arellano? The feud between our family caused grandfather's life!
Papaanong parang nakalimutan na nila ito?
I hugged my legs and hid my face on my knees, ganito ang posisyon ko hanggang sa sumunod pang mga oras. I don't care if they would go crazy looking for me, hindi ba at ganito rin ang ginawa nila sa akin?
Pinag-mukha nila akong tanga sa loob ng tatlong taon.
It's getting dark, mas niyakap ko ang sarili ko. Kung sa ibang pagkakataon, siguro ay kanina pa akong umalis dahil sa takot. This was still a cemetery afterall, but after what happened I felt numb, at ang matakot sa multo ang huling magiging problema ko. Mas isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga tuhod at hinayaan ang sariling makinig sa kuliglig.
Nagsisimula na rin akong makaramdam ng lamig.
I closed my eyes, and I might sleep here. But I suddenly heard footsteps, my whole body tensed. Pinilit ko man gumalaw o tumayo man lang sa kinatatayuan ko ay hindi ko nagawa. I was too weak to move fast and run.
Sa halip ay ikinuyom ko ang dalawang kamay ko habang sinusubukang kilalanin ang papalapit na pigura patungo sa akin.
I flinched by the sight of him. Mas yumuko ako para hindi na siya bigyan pa ng pansin. Kung inaakala niya na may mangyayari sa pagsunod niya sa akin dito, isa itong malaking pagkakamali.
He stopped at the right distance. Nanatili akong nakatingin sa baba na tanging sapatos at binti niya lang ang nakikita ko. I could say that he's still wearing his wedding suit.
Too ironic, right? Sa halip na sa simabahan kaming dalawa magtagpo ay sa sementeryo pa. A very good place to bury our heart.
"Leave me alone." Nauna na akong magsalita sa kanya.
I heard him sigh. "It's cold. I'll send you home."
Marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Are you fucking insane? I ran away from our fucking wedding! Ipinahiya kita sa maraming tao! I made a scandal na pagkakatuwaan ka ng mga tao! Why are you still here? Leave me alone. Tapos na, tapos na ang kailangan ko sa'yo."
When our eyes locked, I finally got a full glimpse of him. He's as wrecked as me... anong karapatan niya? He made me this way! Siya ang naunang gumawa ng sakit sa aming dalawa.
"A-Ako, Autumn... hindi ako matatapos sa'yo..."
"Shut up! Leave me alone!"
Wayto didn't keep the distance between us, yumuko na ito na halos lumuhod para mahawakan ako. He held my face gently, pero marahas kong tinanggal ang kamay niya sa akin.
"D-Don't touch me!" I felt my trembling lips, and my tears just started to flow again.
"Y-You ruined my dream wedding Wayto... hindi ganito... hindi ganito kasakit... but you pushed me to do this..."
"A-Autumn... b-babe... please allow me to explain..." when he tried to touch me again, I put all my will to move.
Nakatayo ako at nakagawa ng distansya sa pagitan namin. Ngayon naman ay siya ang nakaangat ang paningin sa akin.
"Ayoko! Wala na akong pakielam! J-Just fucking leave me alone! I am done, don't worry, hinding-hindi na ako lalapit sa'yo, hinding-hindi mo na ako makikita. Tapos na ang gusto kong mangyari! Tapos na tayo." Marahas kong pinunasan ang luha ko.
I gathered all my damn strength to carry my heavy gown, I made my few steps, aalis na ako sa bansa at tuluyan ko na siyang kakalimutan!
Nagawa ko na ang gusto ko, nakabawi na ako! I am happy! I should be happy! Pilit akong ngumiti habang patuloy sa paghakbang pero luha ang nag-uunahang lumabas sa akin.
I was hoping that he would allow me to leave peacefully, but I just felt his arms around me.
"N-No... you are not leaving... hate me more... gumanti ka pa sa akin... I will accept that. I will accept all from you, huwag kang aalis... you can fool me... you can hate me with your fake smile... continue to humiliate me... I will accept everything if it is the only way you'll stay by my side..."
Hindi ako sumagot at pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
"N-No... Autumn... please... yes, I did wrong... but I love you, always..." I felt his whole body tremble. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at isiniksik niya ang kanyang sarili sa leeg ko.
I felt tears on my shoulder. "I love you..."
Nagpatuloy ako sa pagtanggal ng braso niya kahit alam kong imposibleng matanggal ko ito sa akin. Ilang beses nang umiiling si Wayto habang nakasiksik ang sarili sa akin.
He's like a lost boy who's too afraid to be alone. "N-No... please... babe... hear me out..." his voice broke.
Habang tumatagal hindi lang dibdib ko ang sumasakit, kahit ang lalamunan ko ay nasisimula na rin manakit, sobrang hapdi na rin ng mga mata ko.
"Wayto... tama na... hindi na kita mahal. Tapos na tayo..."
"Autumn..."
"Bitiwan mo 'ko..."
Nang kumalas ang yakap sa akin ni Wayto mula sa likuran ay inakala kong hahayaan niya na ako. But I was wrong, he faced me with his eyes same as mine.
He kneeled.
Hinawakan niya ang kamay ko. "You hate me... yes... but I know deep down-" umiling ako sa kanya.
Yumakap na siya sa binti. "I'm sorry... I love you, Autumn... I did everything because I love you..."
Suminghap ako sa sinabi niya. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Wayto? You did what? Kung mahal mo ako, hindi mo ako hahayaang masaktan nang ganito, ikaw ang kauna-unahang magpu-protekta sa akin! But it turned out that you hurt me the most!"
Hindi ako tumigil sa pagpilit kumawala sa kanya. "Kayong lahat! Magsama-sama kayo! Magsama-sama kayo!"
Nagsimula na akong hampasin ang balikat niya. "Kasalan mo 'to! Kung ipinaglaban mo ako noon, hindi tayo ganito!"
Sinapo ng mga palad ko ang aking mukha at humagulhol muli ako sa pag-iyak. I never wanted this scene! A wedding dress inside a cemetery! Endless cries!
Bumigay muli ang tuhod ko, agad umalalay sa akin si Wayto at ramdam ko ang pagpatong ng noo niya sa ibabaw ng ulo ko.
"I'm sorry..."
Muli akong umiling. "Palayain na natin ang isa't-isa Wayto..."
"Autumn... I can't..."
"Tatlong taon tayong walang komunikasyon! He pushed me away! How come you can't do it right now?"
"Then allow me to explain... please..."
"No." Mariing sabi ko.
Hindi ko na gustong marinig pa ang mga salitang matagal ko nang hinihingi sa kanya. Buong-buo na ang desisyon ko, I won't let his explanation ruin my future. Kusang umangat ang kamao ko at paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib niya.
I was too weak that I couldn't put my strength to hurt him. Pero sa kabila nang paulit-ulit na pagsuntok ko sa kanya, hinayaan niya lang akong gawin ito sa kanya.
"Hayaan mo na ako... just leave me alone, Wayto... ayoko na sa'yo."
This time he didn't breathe a word. Nanatili pa rin nakapatong ang noo niya sa ibabaw ng ulo ko. I continued to push him away from me, but he held me tight.
"They're coming... ibabalik din kita... j-just allow me to feel you, babe..."
Hindi ako tumigil sa paghampas at pilit na pagkawala sa kanya hanggang sa marinig ko ang boses ng kapatid ko at ng mga pinsan ko. Si Wayto na mismo ang kumalas ng yakap sa akin.
"Kuya! I am here!"
Wayto stepped away from me. Nang sandaling makita ni Kuya ang posisyon ko, agad niyang nakuha ang sitwasyon ko. He immediately scooped me, I hanged my arms on his nape and hid my face on his chest.
"Let's go... Kuya..."
Hindi ko man nakikita, alam kong kasalukuyan nang nag-uusap sa kanilang mga mata ang mga pinsan ko, maging si Wayto.
"I said... let's go..."
Bumuntong-hininga si Kuya. I saw Kaden and Lonzo who nodded at Wayto. Gusto ko silang sigawan lahat at kalmutin ang mga mukha nila. I fucking hate them all!
Naunang tumalikod si Kaden at Lonzo na kapwa nakapamulsa, sumunod na rin si Kuya na hanggang ngayon ay buhat pa rin ako.
Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalayo kay Wayto ay narinig ko ang mga salita niyang ipinangako kong hindi ko paniniwalaan.
"I was one of the most trusted informants of this secret agency before... but I was too in love with this beautiful girl... that I chose to cover up her grandfather's mess... to keep her away from heartbreak and disappointment... but everything turned complicated."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro