Chapter 51
Chapter 51
Olbes-Arellano
If we're talking about counterattacks that would be Wayto's words, because no matter how I tried to push him, it was like his words were weaving a kind of rope, not to save him from falling but a rope that would pull me together with him.
I took a sip of my wine while thinking for my next move.
Naghiwalay na kami ni Wayto at inihatid niya ako sa mansion, I never entertained my cousins or even my brother when they called me. Nagdiretso na ako sa kwarto ko at ibinababad ang sarili sa tub.
I came back motivated to hurt and wreck him, I want to get even... and yes, revenge na lagi kong sinasabing hindi ko gagawin. But it was really the reason why I plotted this everything. Alam kong hindi ako makukuntento kung hindi ko ito gagawin.
He made me this way, he created a beautiful monster, a woman full of hatred.
Ibinaba ko ang aking baso at pinunasan ko ang luha ko. Ibinigay ko sa kanya ang lahat noon, betrayed my family at hinayaang paulit-ulit na saktan but I tightened my grip on him. Pinangako ko sa sarili kong hindi bibitaw sa kanya dahil alam kong kapwa kami naiipit sa sitwasyon, but instead of holding my hands, he took a knife to hurt my hands para ako mismo ang bumitaw sa kanya. He's coward.
At ngayong bumalik ako, gano'n na lang? Maayos na ang lahat sa mga pamilya namin? What the fuck? Ginagago nila akong lahat!
Gagawin ko ang lahat ng gusto ko!
Kung ginawa nila akong tanga sa loob ng tatlong taon, gagawin ko silang tanga sa pagbabalik ko!
Hindi ko na alam kung kanino na ako magagalit, kay Wayto lang ba? Sa buong pamilya ko na parang walang nangyari? Sa lahat ng kaibigan ni Wayto!
I only have Tanya and August with me.
I will never accept explanations anymore! Para saan pa? Naging tanga na ako sa loob ng tatlong taon, nasaktan na ako, nagdusa tapos ngayon lang nila lilinawin ang lahat?
For fucking what? Para ako na naman ang lumabas na masama?
Nagmahal lang ako noon, but I put my whole family's image into danger, at ngayong sinunod ko ang gusto nilang lumayo ako, ang impormasyon na kailangan ko ay siya namang ipinagkait nila sa akin.
What the hell is that?
They kept me in the dark, na parang hindi ako marunong mag-isip at makaintindi ng sitwasyon.
Nangangatal kong hinawakan ang bote ng wine at nagsalin muli ako sa aking baso. Wala na akong pakielam sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. I just want to burst out all my frustrations.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I threw the glass on the wall. "They're unfair..."
I hugged my legs under the water and hid my face on my knees, I sobbed with my aching heart.
I renewed my composed self after a night, hid the darkened circles under my eyes through make up and I faced Wayto confidently.
Hindi ko na alam kung saan kami pupunta, it's all about the wedding preparation that needed our assistance. I should present myself, kung mayroon man alam si Wayto sa plano ko, bahala siya sa buhay niya at maging ang pamilya niya na alam kong hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sa biglaan kong pagpayag.
His jaw tightened when he saw my face. Kahit gaano ka-chinito si Wayto, alam kong malinaw ang mata niya and make-up won't ever fool him, lalo na at ngayong nalaman ko na sa kahit manipis na liptint ay natatandaan niya pala.
I was affected, yes! I was hesitant, yes! But I will push this! Kahit anong mangyayari, magkakaroon ng pinakamalaking eskandalo ng kasal sa Enamel!
"Where are we going?"
Hindi siya agad sumagot, sa halip ay ini-start na niya ang sasakyan. Tatlong minuto muna ang lumipas bago niya binasag ang katahimikan.
"Tell me... anong gusto mong gawin ko, Autumn?" mahinang sabi nito.
"Magpapakasal na tayo, ano pa ba ang gusto ko?"
"About the election and my—"
"Fuck off, Arellano! Kung gusto mong samahan kita kung saan man tayo pupunta, wala kang sasabihin tungkol sa kagaguhan mo noon! Dahil ayoko na. Wala na akong pake sa eksplanasyon mo! Just fucking marry me! That's all!"
He was hurt, I saw it through his eyes. And my damn tears just betrayed me. Nag-iwas ng tingin sa akin si Wayto at humarap na siya sa unahan.
"A bride with eyes full of hate, how lucky am I."
"You made me this way. It's not luck, it's foolishness, Arellano."
Bago ako umalis sa bahay, ilang beses kong ibinulong sa sarili ko na galit ang hayaan kong mamayani sa akin. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko kung bigla na lang akong lalambot sa kanya.
Natiis niya ako noon, bakit hindi ko ito magagawa sa kanya ngayon?
Ngayon ko lang napansin na patungo pala kami sa Leviathan, to be specific sa Montenegro Hotel na Resort. Dito ang magiging reception ng kasal namin, siguro ay siya na ang pumili. I don't care. As if our wedding would reach a reception, bahala siya.
"Bakit hindi na lang wedding organizer ang pinapunta mo rito?" nagkibit balikat lang siya sa akin.
He tried to hold my hand, pero inilag ko ang kanyang kamay sa akin. Wala akong amor makipaglandian at magpanggap ngayon, thought I would be feeling okay after a good sleep, pero mas bumigat na talaga ang pakiramdam ko.
One of the staffs welcomed us, si Wayto lang ang bumati sa kanila. Nakasunod na lang ako sa paglalakad habang nagpapaliwanag ang staff tungkol sa iba't-ibang function hall na pwede naming piliin.
I was completely fine, walking and pretending to listen, hinayaan kong si Wayto ang mahirapan not until I accidentally bumped into someone, o tamang sabihin na sinadya niya akong banggain.
She's wearing a white summer dress, a sling bag, a fiercely make-up na parang kagagaling lang niya sa set na may role na kontrabida, pinagkakrus niya ang kanyang mga braso at pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Oh," maarteng sabi nito.
Kahit si Wayto ay saglit na natigilan nang makilala ang babae.
"Summer! How are you?" hindi siya sinagot nito sa halip ay nasa akin pa rin ang buong atensyon niya.
"Long time no see, Olbes."
"Who are you again?" I asked her.
"Summer, your soon to be husband's ex-girlfriend. Yung ipinalit sa'yo. 'Di ko akalain na magkakabalikan pa pala kayo."
Narinig kong nasamid ang staff na kasama ni Wayto, nakakaagaw na rin kami ng atensyon sa ibang guests. Baka inaakala niya na magpapatalo ako sa kanya?
"Seems like nagsawa siya sa'yo." Her lips curled.
"Nah, he got a bad taste." Pinasadahan niya ako ng tingin simula ulo hanggang paa.
Humakbang ako papalapit sa kanya at mas itinaas ko ang noo ko. Narinig kong napapamura na si Wayto, hindi naman ako nito mahawakan dahil kanina niya pa pinipigilan ang kanyang sarili na huwag akong hawakan.
"Eh? Why did he wince when he tasted you?" mas lumapit pa ako sa kanya at hininaan ang aking boses. "Kasi ako... nang makatikim, nakalimutan nang tumikim...gusto nang kumain..."
Tumaas lalo ang kilay niya sa akin. When she was about to open her mouth to fight back, I saw how arms locked around her waist and pulled her away from me. I heard her curse.
"The witch is lost, sino na naman inaaway mo?" rinig ko mula sa pamilyar na boses. I heard how sweet his voice was, na kailanman ay hindi ko narinig na ginamit niya.
Muntik na akong matumba nang magtama ang mga mata namin ni Belo, he jumped a little when he recognized me. M-May relasyon sila ni Summer! I felt betrayed, he's my bestfriend and—and he's dating my enemy! Wayto's ex! Shit!
"Don't touch me, you are just my gardener." Marahas tinanggal ni Summer ang braso ni Belo sa kanya.
"Nandito pala kayo. Dating, eh? Layo sa atin." Wayto said in his amused tone.
"Hi, Autumn," kumindat sa akin si Belo. Umirap ako sa kanya, wala na ba talagang mapagkakatiwalaang lalaki sa mundo?
"Kayo? Early honeymoon?" tanong ni Belo.
"Early honeymoon your face." Sagot ko. Belo chuckled.
"Buntis na nga, may pa-honeymoon pa." Kumento ni Summer.
"Seriously, sa tingin mo ba seryoso sa—" pinaghiwalay na kami ni Belo at Wayto.
"I think we should go." Hinawakan na ni Belo ang braso ni Summer. Nauna nang naglakad sa akin si Wayto para agad ko siyang sundan.
"Ilang taon kayo ng babaeng 'yon?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na papatulan siya ni Belo. She's not his type! Sobrang layo nila ni Aurelia sa isa't-isa!
"Summer?"
"Who else?"
"Hindi naging kami."
"Oh come on, don't fool me." Baka nakakalimutan niya na simula nang makilala niya si Summer nagkanda-leche leche na ang relasyon namin.
"It was just complete business. She's a complicated girl, glad that Belo's with her now."
"I am not glad."
Minsan lang humingi sa akin ng opiniyon si Wayto, sa huli ay siya na rin ang pumili ng reception hall. Thought we would be eating in one of the finest restaurants, but he prepared something that I did not expect.
It was a dinner near the sea. The light on the coconut trees were quite dim, the waves were calming as well as the sea breeze. Ngayon ko pinagsisihan na mahaba na ang buhok ko, nahihirapan akong pagsalikupin ito.
Naunang maupo si Wayto sa puting latag na may iba't-ibang handang pagkain. He's was not looking at me, his eyes were focused on the sea.
We remained quiet for a while, until he looked up on me with his forced smile. "Let's eat, babe..."
I sat next to him, stared at the food and speak nothing. Gusto ko nang umuwi, I don't want to spend this thing with him.
Hindi ako gumalaw at hinayaan ko siyang ipaglagay ako ng pagkain, hawak ko pa rin ang buhok ko habang nakatanaw na ako sa dagat. Gusto ko nang hilahin ang araw, gusto ko nang dumating ang araw ng kasal.
The longer it takes, the difficult for it to accomplish.
"Let me fix that, babe... but this is just a rubber band. I'll be careful." Hindi ko agad nakuha ang ibig sabihin niya.
And my protest was too late, Wayto gentle hands brushed my long hair and he started tying my hair with his sincerest touch. I suddenly felt so deaf, the waves went in silence, the howling wind, the dancing trees and even the noise coming from the other guests from a far.
All I could hear was my fast beating heart, damn hurting, damn aching for him. Nakagat ko ang labi ko. Why did you hurt me? Why did you allow me to grow like this? Full of hate and vengeance?
I couldn't just forget, kasi sobrang nasaktan ako Wayto...
Gustong-gusto ko nang mawala itong bigat sa dibdib ko, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I couldn't just love him again like nothing happened, dahil sa totoo lang, natatakot na ako.
I have doubts, paano kung ibigay ko na naman ang lahat? What if my eyes would look at him again? And when something happened again? Ganito na naman ang gagawin niya sa akin? Nila?
Hindi ko pinunasan ang luha ko, ayokong malaman niya na umiiyak na naman ako. Kasi inaamin ko! I am still affected! Hindi ako magkakaganito kung wala pa rin akong nararamdaman sa lahat...
I could be successful, excel in different fields! Pero kailanman ay hindi ko nagawang isabay ang puso ko rito.
How could I possibly do that? My heart was still here, wrecked and waiting for me to get healed. But how?
Kahit ilang taon kong itago iyong lason na matagal nang nakahalo sa puso ko, alam kong darating ang araw na lalabas ulit ito. I was afraid... because there's only one antidote.
Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko. What what if the poison and antidote were the same thing? Paano kung parehong nakakasakit?
He carefully tied my hair up with his fingertips trying to soothe me with his message, until I felt his forehead on one of my shoulders.
"S-Should I beg? Should I kneel? T-Tell me what to do, Autumn... I love you so much... this is killing us together..."
"I begged Wayto, I almost kneeled. Anong ginawa mo sa akin? You pushed me away. Y-You wrecked me."
I felt the hesitation in his arms, but he braved it away until he wrapped it carefully around me. My heart squeezed intensely when warm tears poured down on my shoulder.
"Then allow me to beg, kneel, push me away... wreck me...when you're done babe... hahabol ako sa'yo... I will show you... I will show them that an Arellano could kneel in front of an Olbes. I will surrender to you na hindi mo nakikita noon pa..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro