Chapter 5
Chapter 5
Kagat
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ilang araw pa lamang nang naging kami ni Wayto, stress na stress na ako.
Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na gago? Of course, stress is always in the house.
"How's the enemy?" kuya asked me. I rolled my eyes.
"Buhay pa," I looked at my fingernails. I need new color.
"Did I tell you to kill him? How's the update Autumn?" sumulyap ako sa kuya ko na abala sa phone niya.
Itinaas ko ang paa ko sa upuan at marahan kong niyakap ang binti ko. I rested my chin on my knees.
"Still gago and annoying, nagsisimula pa lang kami kuya. You don't expect me to give you any progress. Besides, come on we're talking about an Arellano kuya. Alam ni Wayto ang intensyon ko sa paglapit sa kanya."
"Should you back out? Alam na niya pala."
"I'll surrender? Just like that? Uuwi ako sa gitna ng giyera? Such a shame, hindi tayo pwedeng matalo dito kuya. Madaldal si Wayto, minsan ay nadudulas siya sa kagaguhan niya. He even told me that they're hiding something na kailangan kong malaman."
"Maybe it's a bait."
"Bait or not, I need to know. Hindi na ako uurong dito kuya, don't worry I can handle him. I should know more about his weakness. Kailangang may malaman na ako bago dumating ang campaign period."
"Yes, just be careful Autumn. Wayto is known to women."
"Alam ko, ako na ang bahala sa kanya."
"Don't let him kiss you." Natigilan ako sa sinabi niya.
"How is that possible for girlfriend and boyfriend nowadays?" We kissed last time.
"Ilang araw pa lang kayo, Autumn. Nakahalik na agad sa'yo ang gagong 'yon?"
"Oh, no, no kuya. Not yet--" nag-iwas ako ng tingin kay kuya. Buti sana kung halik lang lagi ang bukambibig ni Wayto, kaso gusto ng gago gaha-oh shit.
How I hate the term.
"Good, just play safe. Olbes don't fall for Arellanos, remember that. I'll sleep early today, matulog ka na rin." Lumapit na sa akin si kuya at hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.
"I love you kuya,"
"I love you more," kinurot niya ang pisngi ko bago niya ako iwan sa terrace.
Nang maiwan akong mag-isa, isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng text kay Wayto na hinihintay na ako ng smuggled niyang kotse sa labas. Sa ngayon ay si kuya pa lang ang nakakaalam na boyfriend ko na si Wayto, siguro ay saka ko na lang sasabihin sa parents ko kapag hindi na sila busy.
Kapapasok ko pa lamang sa kotse niya, sinalubong na naman niya ako ng tanong.
"What took you so long?" he started the engine.
"Maaga pa Wayto, natural nagpaganda muna ako. Look at me babe. I'm pretty right." Sumandal ako sa may pintuan at eksaherada akong umanggulo sa harapan ni Wayto na lumingon sa akin.
I smiled sweetly at him.
Bigla siyang tumawa at ngumisi sa akin.
"Ang arte mo talaga, of course you're pretty Olbes." Nawala ang ngiti ko sa labi, I was expecting that he'll annoy me or something.
Ramdam ko ang saglit na pag-iinit ng pisngi ko.
"Hindi ako maarte Wayto,"
"Oh? Pag-aawayan pa ba natin 'yan? Come here, just give me my breakfast kiss." Itinuro ni Wayto ang pisngi niya.
Mabilis akong lumapit sa kanya. And just like what he usually do, he immediately moved his head making our lips met in a snap.
He grinned.
"Good morning Autumn," bati niya sa akin. Lalo akong natigilan nang isumping niya ang buhok ko.
"Ikaw akin lamang, kahit ikaw sobra arte." Fuck. Should be annoyed, I should felt irritated, but my heart is damn beating so hard and fast.
What's with his chinese talk?!
I need to calm down, this is just the beginning of the day. Wayto's sending his poison, I should sting my poisons too!
"Good morning intsik ko," sagot ko sa kanya. Umangat ang mga kamay ko at kusa itong humawak sa mga pisngi ni Wayto.
Agad niyang nakuha ang gusto kong mangyari. That's why I closed my eyes as we sweetly played the tips of our nose.
"I'm loving this playful gesture with you Olbes." Nanatiling magkadikit ang dulo ng mga ilong namin habang nararamdaman ko ang biglang pag-init sa loob ng kanyang smuggled na kotse.
"Of course, matangos ilong ko." Muling umikot ang aking mga mata.
"Matangos rin ang ilong ko," he playfully made a biting act on my lips.
Hindi lumapat ang pagkagat niya sa labi ko at sinadya niyang sa hangin lang ito tumama.
Oh gosh, bakit may ganitong nalalaman ang intsik na ito?!
So I copied him and made a playful biting act. I can't be poisoned alone. Kumagat rin ako sa hangin na parang maabot ang labi niya.
Ngumisi siya sa ginawa ko.
"Ang landi mo Wayto." Hindi ko na napigilang sabihin.
"Ako lambing, hindi landi." Mas yumuko siya sa akin.
And my intsik pa-baby boyfriend just gave me a peck on my lips. Oh my gosh.
"Lambing lang tayo babe, wag away." Humiwalay na siya sa akin at hinawakan na niya ang manibela.
Mabilis kong pinakalma ang sarili ko at sumandal na ako sa aking upuan.
"I think we're late." Nakakaubos pala talaga ng oras itong lasunan namin ni Wayto.
"It's alright, atleast nakalambing ka naman sa akin."
"Excuse me Wayto? Nilambing natin ang isa't-isa, hindi lang ako."
"Oh? Bakit mataas na naman ang boses mo?"
"Kasi feeling gwapo ka na naman!"
"Hindi ba?"
"Please, Olbes sinisira mo ang magandang umaga natin."
"Uhuh?"
Akala ko maganda na ang simula namin pero nakarating kami ni Wayto sa school na hindi nag-uusap.
Hindi ako sinuyo ni Wayto pagkarating namin sa school at halos paulanan ko silang dalawa ni Belo ng mura nang makita kong nag-high five sila sa isa't-isa.
Hindi ba at sinabi sa akin ni Belo na hindi niya gustong makipagkaibigan kay Wayto dahil trouble ang gago?
What's with this? I felt betrayed. Belo is my bestfriend, inagaw ni Wayto.
"I heard-" ngisi ni Belo.
"You heard what?"
Nakaharap silang dalawa sa akin ni Wayto, hindi ko tinitingnan si Wayto dahil magkaaway na naman kami.
"Yeah, she's my girlfriend now. Isn't she pretty?"
"Mas maganda si Aurelia." Tipid na sagot ni Belo.
Ang sarap pag-umpugin nilang dalawa, ang lalakas ng loob nilang pag-usapan ang babae kung sino ang mas maganda sa mismong harapan nito.
"The nursing?" tumango si Belo.
"Nah, Olbes is prettier. Mas maarte nga lang." Dito ako napalingon kay Wayto.
"We have to go babe, I'll fetch you after class." Una nang tumalikod si Belo.
Before turning around, Wayto just gave me a playful bit on air before winking at me.
What the hell is that? Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko at tumalikod na rin ako.
Nang nagsimula na ang klase, hindi na mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa loob ng kotse. We didn't kiss intensely, we didn't even touch hotly but the effect his of small chinese cute gesture is damn making me insane.
Bakit may mga ganoong nalalaman si Wayto? Bakit hindi ko inaasahan na may ganoon siya?
Vacant namin ngayon, tumabi ako sa ibang classmate kong babae at kung hindi ako nagkakamali ay si Charmaine Ong ay isa sa malayong kamag-anak ng mga Arellano.
Narinig ko lang naman, I haven't done any research about Arellano's family tree or shits something.
"May chinese blood ba ang mga Arellano?" Hindi ba at Suarez ang mama ni Wayto?
Pakiramdam ko ay ang dugong instsik ni Wayto ang magpapahamak sa kinabukasan ko.
"Yes, White's grandmother in his mother side. Pure chinese."
"Oh," ilang beses akong tumango.
"Hindi ba at nililigawan ka ni White?"
"Actually kami na." Mabilis na sagot ko.
"Wow, hindi ka man lang nagpakipot Olbes?"
"Nah, para saan pa? Doon rin naman ang punta namin."
"Akala ko ayaw niya sa mga chinita."
"Nagbago siguro ang type niya," sagot ko.
"Or because you're an Olbes?" hindi na ako nagtaka sa tanong niya. Of course, alam kong marami nang nag-iisip na naglolokohan lang kami ni Wayto.
I don't care.
"Hindi rin, ramdam kong mahal na mahal ako ni Wayto." Ngumiwi na ako sa utak ko.
"You're making me laugh Olbes." Ngayon ko mas napagmasdan itong si Charmaine.
Nagsisi akong lumapit sa kanya, nararamdaman kong hindi maganda ang awra niya patungo sa akin. Another enemy kitten.
"Ako rin natatawa sa mukha mo." Sagot ko.
"I'll watch until he'll wreck you into pieces. You're just his flavour, magsasawa rin siya sa'yo." Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Ang drama mo naman Charmaine. Mag-aral ka muna, ang baba mo sa quiz kanina. Saka ka mag-gaganyan." I flipped my hair.
Tumayo na ako habang nakakunot ang noo niya sa akin.
"Atleast hindi ako kasing landi mo, hindi man lang nagpaligaw. Sunggab agad sa lalaki." Tumawa ako ng pagak.
"Excuse me? Anong pinaglalaban mo? Dapat gayanin mo nga ako, aral tapos landi. Aral, landi, aral, landi. Pasado sa quiz. Ikaw?"
"Bitch!"
"Olbes, nandito si Arellano!" sigaw ng isang classmate ko.
Ekasaherada akong lumingon sa may pintuan na parang excited akong makita ang gago. Ano na naman ba ang gusto nito?
"Oh my gosh! Babe, na-stress ako. Lambingin mo ako!" sinalubong ko si Wayto sa may pintuan.
Kitang-kita ko ang hindi niya maipintang mukha sa akin dahil sa paraan ng pagharap ko sa kanya.
Yumakap ako sa kanyang leeg at sinadya kong parang aping-api na naman ako. Lalong ngumiwi si Wayto.
"Ang arte mo," salubong niya sa akin.
"Aarte ako sa iba kung ayaw mo."
"Arte ka sa iba, kagat kita." Tinakpan ko ang bibig niya.
"That's bad,"
"That's evil," sagot niya. "Anong arte mo? May kaaway ka? Itigil mo 'yan Olbes makakagat na kita." Nang sumilip ito ay bahagya siyang natigilan.
Sinundan ko ang mga mata niya. He's looking at Charmaine Ong.
"Her, sinabi niyang malandi ako Wayto."
"Totoo naman," tipid na sagot niya.
"W-What?!"
"Sa akin, I don't mind. So let's go?"
"Feeling ko they'll report us, PDA na tayo masyado." Tinanggal ko ang braso ko sa kanya.
"Arte mo kasi, so let's go?"
"May quiz ako mamaya."
"Hindi ka mapipilit?"
"No,"
"Alright, sunduin na lang kita mamaya."
Dahil mukhang hindi kami magtatalo ni Wayto, we made our parting gesture. We played our nose and made a biting act on air.
Ngumisi kami sa isa't-isa na parang wala nang nasusukang mga tao sa paligid namin.
"What is that Wayto? Saan mo nakukuha 'yan?"
"It's my chinese bite, exclusively for you."
"Kagat intsik?"
Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay humalik siya sa ibabaw ng ulo ko. "I'll go now."
"What is that Wayto?" tanong ko pa rin kahit tinalikuran niya na ako.
"Kagat kay Olbes,"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro