Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49

Poisonous Apple

I spent my next few weeks with my Tanya and August, from one party to another. It's been years when we had our last night out together, though we never failed to have our video chats, iba pa rin talaga ang totoong magkakasama.

"Oh my gosh! That's my eighth glass!" sabay-sabay namin ibinaba ang shot glass namin.

"Nahihilo na 'ko!" natatawang sabi ko habang hawak ang noo ko.

"Oh, nanghihina ka na yata, Autumn?" Tanya arched her right brow.

"It's a mixture of liquor! Come on!"

"Reasons!" they said in unison.

"Whatever!" I rolled my eyes.

Kapwa kami nakaupong tatlo sa stool bar, halos maligo na kami sa sarili naming mga pawis dahil kagagaling lang namin sa dancefloor. We're quite lucky tonight, dahil mga abala raw ang mga boyfriend nila kaya wala kaming mga bantay, Kuya's also busy as well as Lonzo and Kaden, na may inaasikaso raw sa Manila.

"May nakita na kayo? I told you, we can hunt our boytoy!" Tanya said excitedly. Inaasahan ko na hindi papayag si August, but my dear friend was totally fired up.

"Seriously?" lumingon silang dalawa sa akin, eyes trying to access me.

"Autumn, are you a good girl now?"

Tumaas ang kilay ko. "Me? No way. Actually, naghahanap na ako."

We swirled our stool chairs together with our flawless crossed legs and our eyes raking every guy on sight. Hawak na ni Tanya ang bote ng alak at pinagsalin na niya kami ni August.

"Oh, look who's here again. Pinansin mo na ba iyan?" tanong sa akin ni Tanya.

Sa ngayon ay hindi mga Ferell ang kasama niya, it was Belo, kumaway pa ito sa akin dahilan kung bakit nagtama ang mga mata namin ni Wayto.

Hindi ako nag-iwas ng mga mata sa kanya, sa halip ay dinala ko sa aking mga labi ang baso at sumimsim ng alak dito.

Sa lumipas na ilang linggo, hindi iilang beses na nagkrus ang landas namin ni Wayto. Kilala ko siya, he's a party person, kahit noong mga panahong hindi pa naging kami. But after that incident, I didn't initiate any intense flirting acts on him.

I would give him headaches, sa kakaisip kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko.

"He's everywhere, really." Sabi ni August.

"Or probably, sinasadya niyang magpakita kay Autumn. Did he try to approach-"

"Yes." Mabilis kong sagot. "I treated him like it never happened."

"You mean the almost-" I nodded.

Kung ang unang pagkikita namin ni Wayto matapos ang tatlong taon ay may habulan at may nangyaring saglit na pagkakahuli, ibang-iba ang nangyari sa mga sumunod na engkwentro namin. It was fun.

Two days after the almost bed scene incident we attended another party, hindi naman ako nabigo dahil agad kong nakita si Wayto with his hilaw friends.

Tanya and August were both busy making out with their boyfriends on the dancefloor, ilang beses akong sumusulyap sa table nila Wayto until our eyes met, tumayo ako bigla at nagsimulang maglakad papuntang restroom.

Alam kong susunod siya, lalo na at nagkunwari pa akong hindi makapaglakad nang maayos. Nang makapasok ako sa restroom, agad kong inayos ang sarili ko at mas itinaas ko ang push-up bra ko, ngumiti ng tagumpay sa salamin bago lumabas.

And voila! White Arellano's outside waiting for me. Nagkunwari akong matutumba kaya agad siyang nakalapit at nasambot ako.

"Autumn..."

Agad akong humiwalay sa kanya, I almost pushed him to distance myself. "Excuse me."

Pangalawa naming pagkikita ay sa parking lot, parang hinihintay na niya ako dahil kabababa ko pa lang ng kotse ay sinalubong niya na ako. "Autumn, allow me to-" I stared at him blankly. "Move. Marami pa akong gagawin."

Next was another party. "Autumn, please..." and I answered him. "Who are you?"

Hanggang sa nagsunod-sunod na. The last one was near a pool side, it was another party. "B-Babe... I'm sorry..."

He was not looking at me, nakatitig lang siya sa pool habang mahigpit ang hawak niya sa bote ng alak.

"Why?" tanong ko.

Napalingon sa akin si Wayto, nag-aakalang handa na akong makinig sa anumang sasabihin niya. But what he saw was my face with uninterested look.

"Allow me to explain..."

"Mabubuhay si lolo?"

Natigilan siya sa sagot ko. "May mababago?"

Tumayo na ako at hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. "Sarap maghabol Arellano, 'di ba?"

Inagaw ko na ang bote kay Tanya at dito na ako uminom. Buong akala ko ay si Belo lang ang magiging kasama ni Wayto ngayon, but I just saw the great entrance of the enemies.

"Ba't andito na naman ang mga kumag na 'yan?" iritadong tanong ni Tanya.

"Wala talaga akong magandang nararamdaman kapag nasa malapit ang mga 'yan." Sabi naman ni August.

Sa halip na masira ang gabi namin dahil sa pagdating ng mga kontrabida, bumalik na kaming tatlo sa dancefloor. Hindi rin nagtagal ay may mga ka-partner na kami na halos yumakap na sa aming tatlo.

Ilang beses umikot ang mga mata ko habang naririnig ang pagtili ni Tanya at ang pagtawa ni August, ramdam ko ang pagbaba ng kamay ng lalaking kasayaw ko pero agad ko itong hinawakan at pinigilan.

"Not so fast..."

He chuckled. Hinayaan ko siya sa paminsan-minsan niyang paghaplos, pagyakap at pagtatangkang paghalik sa akin, pero pinanatili kong hanggang doon lang siya. Sa salitang bitin.

I don't have plans to make-out with someone else tonight, lalo na at buo na ang desisyon ko sa mga oras na ito.

Inaakala ko na mas tatagal pa ang pagsasayaw ko kasama ang lalaking partner ko nang bigla na lang itong nawala sa tabi ko. Instead, I saw five familiar figures who were dancing innocently around me, kapwa ang mga ito nakatalikod sa akin na parang hindi ko mahahalata ang ginagawa nila.

I left the dancefloor irritated, hindi ako nagdiretso sa lamesa namin sa halip ay nagpunta ako sa lamesa kung nasaan si Wayto na alam kong kanina pang nakasunod at mata sa akin.

He's pissed, salubong na salubong ang noo nito at alam kong kung hindi niya pipigilan ang kanyang sarili ay bubugahan niya na ako ng apoy. He just sent his amazing friends on the dancefloor to guard me.

"Upstairs." I said firmly.

I pulled something from the side of my left breast, I slid it under his hand on the table. Alam kong hindi niya na kailangan tingnan kung ano ang ibinigay niya sa akin.

"You'll seduce me and run again." I could sense his irritation.

"Ayaw mo? Ibibigay ko na lang sa iba." Akma ko nang aagawin ang condom sa kamay niya nang kinuyom na niya ang kanyang kamao.

"10 minutes, babe..." I said after flipping my hair.

Hindi nagsalita si Wayto at nanatili siya sa kanyang upuan, nagpaalam na ako kay Tanya at August na hindi na ako sasabay sa kanila sa pag-uwi. They asked why, nagsinungaling na lang ako.

"J-Just be careful..." paalala sa akin ni Tanya na parang nababasa niya ang nasa isip ko.

I talked with the host and I asked her a free room, malisyosa pa ako nitong hinampas sa balikat pero sa huli ay ibinigay niya rin sa akin ang susi.

"Thanks."

"Use protection, Autumn." I rolled my eyes.

Nang akma na akong papasok ng bahay, malakas na kamay ang humawak sa braso ko at marahas akong hinila papalayo sa pintuan at dinala ako sa bandang likuran ng malaking bahay na may kaunting liwanag lamang.

"W-What the hell! Bitawan mo 'ko! W-Who are you-"

"Stop the fucking game and listen to him!" agad kong nakilala ang boses ni Nero, marahas kong hinila mula sa kanya ang braso ko pero hindi siya nagpatinag.

"Leave me alone, pakielamero!"

"Are you happy?! Natutuwa ka ba d'yan sa ginagawa mo, Autumn! This fucking push and pull is nonsense!"

"Yes! Yes! Fucking yes! Tuwang-tuwa ako, can't you see? Push and pull? 'Di ba ganito ang ginawa sa akin ng magaling mong kaibigan? Ang saya pala."

"Listen! He wanted to explain!"

"Para saan pa? Bakit hindi noon? Bakit kung kailan hindi ko itinatanong? Mga gago pala kayo. Bitawan mo 'ko!"

"And what are you up to? Sa tingin mo ba ay hindi alam ni White itong pinaggagagawa mo?"

"So?"

"And he's allowing you to do it! Hinahayaan ka niya sa lahat ng gusto mo, even if it is all foolish!" hindi ako sumagot kay Nero sa halip ay mas pumiglas ako sa kanya.

"Susunod siya sa lahat ng gusto mo. He did those things for you-"

"My ass! He did everything for his trash family! He used me! He killed my grandfather! And you helped him! Mga hayop kayo!" hindi ko na napigilan ang luha ko.

Nero's grip loosened. "Autumn, he's as wreck as-"

"Fuck off, Ferell! Ayusin mo muna ang babae mong iniwan ka!" dito na ako tuluyang nakawala kay Nero na natigilan sa sinabi ko.

Duh? Anong tingin niya sa akin? Walang alam sa tsismis. Pasalamat siya hindi ko binanggit ang pangalan ng lalaking ipinalit sa kanya.

Kinuha ko muna ang gamit ko bago ako pumasok sa kwarto, I instructed some of the guest kung sakaling makikita nila si Wayto na papasok na ituro kung saan ang kwarto.

Wala na akong pake kung pag-usapan nila kami ni Wayto, afterall, it was really my goal. Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng kitchen knife and a small plate, placed it inside my bag before I walked inside our room.

Ini-lock ko muna ang kwarto bago ko buksan ang bag ko, inilabas ko ang mansanas na may turok na pampatulog at hiniwa ito ng ilang gayat. Nang matapos ako, pumasok muna ako sa banyo para ayusin ang sarili at maghilamos.

"You can do this, Autumn."

Nang lumabas na ako sa banyo, I started to strip my dress, basta ko na lang ito iniwan sa sahig bago ako nagtungo sa kama, kinuha ko ang kumot dito at ibinalot ko sa sarili ko.

My heart was drumming so fast with a small plate of apples on my hands as I waited for him to come. I bit my lower lip when I heard a knock.

Maingat ang mga naging hakbang ko papalapit sa pintuan at nang unti-unti kong binuksan ito, tumambad sa akin si Wayto. I heard him curse, lalo na nang maglandas ang mga mata niya sa akin.

Quickly, he stepped inside our room. Mabilis niyang isinarado ang pintuan habang ang kanyang mga mata ay hindi iniwan ang kabuuan ko.

"What is this now?"

Hindi ako sumagot sa kanya, sa halip ay isinubo ko sa kanya ang mansanas. "Eat this before you eat me..."

Mas lalong naningkit ang mga mata sa akin ni Wayto, pero hindi siya nagsalita, he swallowed every apple that I shove to his mouth.

Hinayaan ko siyang yumakap sa akin habang nakadikit ang buong katawan ko sa kanya na tanging kumot lang nagbabalot.

"Did you miss my apple, Wayto?"

Hindi pa rin siya sumagot, sa halip ay ibinuka niya ang kanyang labi at tinanggap niya ang isinusubo ko sa kanya.

Nang sandaling kainin niya ang huling hiwa ng mansanas, inagaw niya na sa akin ang platito, inilapag niya sa malapit na lamesa, bago niya ako nabuhat at mabilis inilapag sa kama.

Agad akong dinaluhan ni Wayto sa kama at mainit akong nilunod ng kanyang mga halik. The last kiss we shared was full of thirst, lust and hunger... but this one was different. It was soft, tender.... begging, ramdam ko ang pagsuyo niya sa mabagal niyang paghalik sa akin, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha.

I hate him, wala akong dapat maramdaman na ganito.

I should stop him, hindi dapat ganito ang paraan ng paghalik niya sa akin, not this one...

Akma ko nang tatanggalin ang pagkakabuhol ng kumot sa katawan ko para mas maging aggresibo siya, pero ang kamay mismo ni Wayto ang pumigil sa akin. He was looking at me... with... no it's not love...

Hindi niya ako minahal, niloko niya lang ako.

"I love you..." bulong niya bago tuluyang bumagsak ang talukap ng kanyang mga mata.

Wayto's now sleeping with my poisonous apple.

But that was just the beginning...

Dahil nang sandaling nagbukas ang aking mga mata at salubungin ako ng liwanag ng umaga na tumatagos sa puting kurtina, isang malaking eskandalo muli ang pumutok sa bayan ng Enamel.

Autumn Stassi Olbes and White Arellano were found on bed, naked. It was the party host's mother, Mrs. Macaraig who discovered us, she happened to be my mother and Wayto's mom common friend.

Ilang pares ng mga mata ang ngayon ay nakatitig sa amin ni Wayto, I pulled the white blanket on my body to cover myself. Nagsisimula nang maluha si Mama habang pinagmamasdan ako.

Napahilamos sa kanyang sarili si Wayto.

"Don't worry, I'll marry her."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro