Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47

Cake

"Hi, ex."

It was a short message, but I made sure that it would pierce him off-guard. I expected an awkward answer or even a scene that would burn him, but Wayto has his friends. A good set of accomplices, 'di ko sinasabing mga Ferell 'yon.

I rolled my eyes as Sean Owen Ferell snatched everyone's attention. He stood up so fast, raising a wine bottle and made a noise from it.

"Kanpai!"

Sumunod sa kanya ang napakaraming bisita kaya nawala na ang atensyon ng mga ito sa akin at kay Wayto.

"Edi wow, sabi sa'yo hindi magandang nandito ang mga 'yan." Iritadong sabi ni Tanya.

Kito chuckled. "Are you up to something again, Autumn? Kakauwi mo lang."

"Eh? Ano ka ba!" hinampas ko ang braso niya. "Nagbago na 'ko."

"Really?" he asked, I saw how he carefully scanned my whole body. Sa halip na mahiya ay mas umanggulo pa ako para hindi siya mahirapan.

Ito talagang si Kito shy type pa rin.

"See? I'm prettier now." He just nodded, as always.

"You too! You're handsomer now! Kumusta ka na at ang kapatid mo? Ikinasal na ba siya?" saglit akong lumingon sa paligid para hanapin si Lato. But he's nowhere on sight.

Umalingawngaw na ang malakas na tugtugan, hindi na kami bumaba ng stage ni Kito at dito na kami nagsimulang sumayaw, pati si Tanya at August ay dinala na rin ang kanilang mga boyfriend sa stage para rito magwala. May ilan na rin umaakyat sa stage para sumali rin sa amin, nagkalat na ang mga bisita sa buong dancefloor at wala nang pakielam sa isa't-isa kundi ang magsayaw, uminom at magpakasaya.

Party on!

Kapwa na kami may hawak na bote ni Kito habang sumasayaw at nag-uusap, ilang beses pa siyang mas yumuko at bumulong sa akin para magkarinigan kami.

"Kito! Tinatanong kita e! How are you na nga?"

"Still the same." Lumapit siya sa tenga ko para mas marinig ko.

"That's all? Walang ibang twist? Like, nakabuntis ka? Or napikot ka? Arranged marriage or something? Come on!" I asked him frustratingly.

Ngumisi siya at ilang beses na napailing. "You're still that silly girl, Autumn."

"I told you, nabago na nga-" I was cut off when one of my conniving friends pushed me. Kaya napasubsob ako sa dibdib ni Kito na agad umalalay sa akin.

"Ops, sorry!" kumindat sa akin si Tanya.

Hindi na ako nag-abalang humiwalay sa kanya, I snaked my arms around his nape, and I smiled at him.

"So... are you still single?" I asked him.

"Yeah?" tumaas ang kilay ko sa sagot niya.

"Hmm..."

"Hmm?" sagot niya sa akin. Ako naman ngayon ang natawa, he's now playing with me!

"Are you not going to ask me?" tanong ko sa kanya. Ngumisi na naman siya sa akin. Gosh, he's so handsomer talaga!

"I know that you're single."

"Eh? Stalker?"

"Nah, you're just easy to read."

"Hmm... akala ko itatanong mo sa akin kung pwedeng manligaw! Nakahawak ka na sa bewang ko, e!" agad umangat sa ere ang dalawang kamay ni Kito habang nakapulupot pa rin ako sa kanya.

Nakatitigan kami ni Kito, bago ako ilang beses na kumurap dahil saglit akong nakaramdam ng pagkahilo. Ano ba 'yong ininom ko at sobrang lakas agad ng epekto?

Hindi nawala ang ngisi sa labi ni Kito. Naramdaman ko ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko at iniyakap niya ang dalawang braso niya sa balikat ko. He exerted effort to slightly bent down for me.

"Kahit manligaw ako, 'di ka pa rin sa akin babagsak. He's been there, always there." Natigilan ako sa mahinang sinabi ni Kito pero agad ko rin pinilig ang sarili ko.

I pushed him and I forced a smile on him. "He? Sino?"

Bago pa siya makasagot ay inagaw ko sa kanya ang bote niya at dito na ako uminom. We continued dancing, my eyes wandered around, the numbers of guest doubled and the whole party went wilder!

"Itutuloy mo pa ba, Autumn?" sigaw ni August sa akin.

"Of course! Sayang naman kung hindi." Sagot ko.

"What is that?" tanong ni Kito.

"I'll perform!" sigaw ko para mas marinig niya.

"Ah," he nodded.

"But we have a problem-" mas lumapit sa akin si August, nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang problema.

"Nasaan na sila?"

"Di na nagrereply. Pero feeling ko nagback-out na sila, I heard nag-perform din sila last night, it was also a wild party, mas malaki ang offer sa kanila last night, it's easy to boycott now."

"That's unprofessional! Hindi ba at nagkausap na kayo?"

"Yeah, damn that cousin of mine." Iritadong sabi ni August. That's it, kaya malakas ang loo bhindi sumipot dahil pinsan niya lang naman pala. Maybe August decline to pay! Gosh!

"Di na ako tutuloy, parang tanga lang. But I like that song, really."

"The band back out?" tanong ni Kito. Sabay kaming tumango ni August.

"Can you sing, Kito?" I asked out of nowhere.

"A bit?" natatawang sagot niya. Agad akong napalingon sa kanya, "Rate that 'a bit' of yours."

He softly chuckled. "I can sing, Autumn. Remember, let it go..." he playfully sang Queen Elsa's signature song.

Umawang ang bibig ko, bakit ngayon ko lang ito nalaman. Of course, Queen Elsa has a powerful voice. "S-Seriously? You can sing talaga?"

"Yes."

"You have ukulele, Tanya?" tanong ko sa kaibigan ko na nakikipaghalikan na yata. "Tanya!"

"Yes, meron." She answered with her ruined lipstick.

"You prepare it, let's get this started." Tanya rolled her eyes. Kamot ulo lang ang nagawa ni Dylan bago nagkibit-balikat.

Hinila ko na si Kito sa backstage at sinimulan na rin namin paalisin ang mga tao sa stage. Hinintay lang namin si Tanya na may dalang ukulele bago ko ito ibinigay kay Kito.

"Can you play?"

"A bit."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, "Ikaw ha? May 'a bit' ka pang nalalaman." He shrugged his shoulder.

Pinaliwanag ko kay Kito ang kailangan niyang gawin at ilang beses akong humahanga sa 'a bit' niyang sagot dahil parang hindi lang ako ang nag-ready sa araw na ito pati na rin si Kito.

Habang nilalaro niya ang ukulele ay nakatitig siya sa akin. "You're still into him, right?"

"No way."

"Why bother for this? Para sa kanya ito, 'di ba?"

"This is for me."

"Revenge?"

"No, that's bad."

Dahil mukhang pansin ni Kito na ayaw ko nang pahabain pa ang usapan namin ay hindi na niya pinagpatuloy ang pagtatanong.

Kung dati ay sumasayaw ako sa stage na ako lang, ngayon ay nagawa nang kumuha ni Tanya ng back-up dancers. Sino pa ang magtutulungan? Kaming mga magaganda at hindi masyadong maaarte lamang.

Biglang nawala sa tono ang pagtugtog ng ukulele ni Kito nang makita nitong hantaran akong naghubad sa harapan niya. My dress tonight was double layered, I stripped the second layer, revealing my black fitted dress with my exposed sides.

"Am I pretty?"

Kito slowly strummed his ukulele with his nod. I smiled at him before I tucked a few strands of my hair on my ear. "Napilitan nga ako sa suot ko e..."

For the first time, I saw how Kito grunt in disagreement towards my kaartehan. I even heard him with his questioned word, "Napilitan..." na parang inulit niya ang salitang hindi kapani-paniwala.

Sa halip na hanapin niya pa sa hitsura ko ang salitang napilitan, humalik ako sa pisngi niya. "Let's go, frozen boy..."

Tanya got everyone's attention; she just announced my performance. Karamihan naman sa mga bisita ay sanay na sa akin. Ako 'yong tipo ng performer na hindi naman talaga kagalingan.

I was just too confident!

Panghihinaan pa ba ako ng loob? I am one of the prettiest girls in town and the most jowable!

And a beautiful Olbes!

Nang namatay ang ilaw, nagsimulang magsigawan ang mga tao lalo na ang pagtawag sa pangalan ko. Kito was already on his position as well as my back-up dancers.

I adjusted my cordless microphone, turned around to let the people savor my sexy back, positioned my body to emphasize my curves, took a deep breath and waited for the signal.

"Ladies and gentlemen! Let's all witness her comeback! One of the famous maartes in town! Autumn Stassi Olbes!" I silently thanked Tanya for her awesome welcome.

When the light's turned on, the grace of the spotlight overwhelmed my whole sexiness, the introduction of the seductive music lingered all over the place and my sweet voice mocked someone's ears.

"I love it when you call me señorita
I wish I could pretend I didn't need ya..."

I slightly leaned my whole body against the base of the wood stage with my most lingering move with every twitch of my mouth that would make someone thirsty.
But every touch is ooh la la la...

Ooh, I should be running
Ooh, you keep me coming for you..."

I turned my gaze at the corner of the stage, to be specific, to Kito. Patuloy sa kanilang pagsayaw ang mga back-up dancer pero ang spotlight ay laging sa aming dalawa ni Kito.

Muntik pa akong mapapalakpak nang marinig ang lamig at ganda ng boses ni Kito. Gosh!

"Land in Miami
The air was hot from summer rain
Sweat dripping off me
Before I even knew her name, la la la
It felt like ooh la la la
Yeah no..."

Nag-iiritan at nagsisigawan na ang mga tao, lalo na nang lumapit ako kay Kito na kita ko na ang pagkakagulat sa mga nangyayari. If my cousins were here, sasabihin na naman ng mga ito na minomolestiya ko na naman si Kito.

I got a glimpse from the enemies table, parang mga problemadong hilaw iyong mga Ferell habang si Wayto ay 'di na nakatingin sa stage at nagsasalin na ng alak. Hmm...?

Nang kumandong na ako kay Kito at ihagis ko ang ukulele niya, mas lalong nagwala ang mga tao. "Y-You're drunk..." bulong nito.

I cupped his face and when I was about to claim his lips, he moved fast enough to kiss my forehead. "Paasang Olbes..."

Namatay ulit ang ilaw at hinila na niya ako pababa ng stage. Sinalubong ako ng dalawa kong kaibigan, mas malawak pa ang ngisi ng mga ito sa akin.

"It's damn working!"

"Biyernes santo na do'n sa table ng mga Ferell at ni White. Umikot ka na sa bawat table, Autumn. Greet your guests, let's go!" inagaw na ako ng mga ito kay Kito.

"S-She's drunk already..."

"Nah, I'm good. Thanks, Kito!"

Sinadya ni Tanya at August na dumiretso muna kami sa ibang mga lamesa, wala akong tigi sa pagbeso, babae man o lalaki. Karamihan sa kanila ay humahanga hindi lang mga lalaki kundi mga babae.

"Mas gumanda ka."

"Mas sexy!"

"Boyfriend mo ba si Samonte?"

"Bagay kayo!"

All I did was to smile. Bahala sila sa buhay nila. Nasa pangatlong lamesa na kami bago ang sa mga Ferell nang bumulong na sa akin si Tanya.

"I'm good." Sabi ko.

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang natatapos kami sa paglapit sa mga unang lamesa, but I did my best to look fiercer and sexier.

Dinagdagan pa ni August at Tanya na kasing ganda ko rin maglakad. Nauna akong lumapit sa lamesa nila Wayto habang nasa likuran ko si August at Tanya na nakakrus ang mga braso.

"Hi boys!" I greeted them.

Hindi tumitingin si Wayto, he's just playing his glass with ice. Si Aldus na siyang crush ko dati ang sumagot sa akin. He flashed his innocent smile na akala ko ay tunay noon.

"Hey, Autumn, that was a hell of performance." Aldus said awkwardly. Pansin ko ang pagngiwi ni Nero.

"Hi, Autumn," bumati rin sa akin si Troy, umirap ako sa kanya. Euphie hated him so much.

Magkatabi lang si Wayto at Nero, bahagya pa ngang nakaakbay si Nero sa upuan ng gago, so sweet bestfriends. Katabi rin ni Wayto si Aldus na hindi mapawi ang pekeng ngiti habang ang nasa tabi naman ni Nero ay si Troy na katabi si Owen.

Tumaas ang kilay ko nang mapansin ko na bumulong si Troy kay Nero. Agad ko rin narinig ang mahinang sabi ni Tanya na hindi man lang gumalaw sa kanyang magandang pwesto.

Iritado na ang boses niya. "Nagbubulungan na ang mga abnoy..."

Hindi nagtagal ay bumulong na rin si Nero kay Wayto na saglit natigilan sa paglalaro ng kanyang baso.

"Baka naman pwede-" hindi na nila pinatapos si Tanya. Mabilis tumayo si Owen at Aldus, naghila sila ng upuan para sa aming tatlo.

"Why can't you join us? Pretty ladies for pretty boys." Sabay-sabay kaming ngumiwi sa sinabi ni Owen.

Nang maupo kaming tatlong halos sabay namin pinagkrus ang aming mga hita. Nagsimula na kaming magpakiramdaman.

"Can't talk, eh?" pilit kong sinalubong ang mata ni Wayto.

Muling natigil ang paglalaro niya sa baso at nang sandaling nagtama ang mga mata namin, sabay kumuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa. I felt it.

I tried to read him, pero wala akong makita. It was blank. Thought I made him jealous or something after the performance, but I couldn't see any. Damn him for hiding it good enough.

"So...how are you?" tanong niya sa akin.

"I asked you first."

"Fine. All same cars. Smuggled." He said with a shrug. I answered him with a fake laughter. Nang-iinis ang gago. "How about you?" tanong niya.

"Same. Labas pa rin ang tagiliran." I saw how he crooked his eyebrows. Tumawa ulit ko. "Joke. I'm fine now, happy and pretty."

"T!" natigil kami sa usapan nang biglang tumayo si Troy. He's calling his bestfriend, Triton.

Nagpaalam ito sa amin at nagmadali itong lumapit kay Triton at umakbay, 'di ko na sila tinanaw ng tingin at nagpatuloy ako sa pakikipag-usap kay Wayto.

"Kayo na ba ni Keaton, Autumn?" tanong ni Nero.

"Not yet, but soon." Mabilis kong sagot.

"He's a nice guy." Agad na sabi ni August.

"I like him for you." Tanya added.

Tumikhim si Owen, parang naiinis na napakamot sa kanyang batok si Nero at nagsalin na ng alak si Aldus sa baso ni Wayto.

"And you?" I asked Wayto innocently.

"Why do you ask?" tanong niya.

"I was just curious." I said nonchalantly.

Muntik nang mabitawan ni Wayto ang kanyang baso nang sadya kong iparamdam sa binti niya ang dulo ng sapatos ko. I was trying to tease him like before.

"Olbes, are you playing with me?" I gasped exaggeratedly.

"I was just being friendly, nilalagyan mo na ng malisya." Sumipol ang mga Ferell, while my friends felt so proud of me.

The game's on.

"Malisya..." inulit niya ang sinabi ko. Mas lalong sumalubong ang noo ni Wayto nang mas umangat ang paa ko.

"Tell me Arellano... paano mo nasabing naglalaro ako? Was it because of the performance? My greetings? Or how I approach you? Affected much?"

Nang hindi agad makasagot si Wayto, taas noo ako at alam kong ngiting tagumpay ang dalawang kaibigan ko.

"Gosh, it's been three---" I was cut off.

Biglang nagsigawan ang mga tao, not because of another party blaster but an abrupt power shut down. Patay lahat maging sa malaking bahay nila Tanya.

It was a total black-out.

I was about to move from my place when I felt a strong arm circled around my body, my first instinct was to shout but my damn mouth was covered. I heard his familiar voice whispering in my ear. "Game on, Olbes..."

I tried to struggle against him, but I never overpowered him, he's too strong... until I felt a hot touch... lick and bite on my right side. I convinced myself not to shout, hindi ako hihingi ng tulong, this was my game at tatapusin ko ito sa paraan ko.

But before he pulled away, sinigurado kong masasaktan ko siya. I clawed him, kahit hindi ko alam kung saan ito tumama. Wala akong tigil sa pagmumura sa sarili ko, I was caught off-guard!

That power shut down was a foul play!

Nanlambot ako at biglang napaupo pabalik sa aking upuan. My body's trembling, not with fear but with rage.

The lights went back, the wild music and the energy of the crowd. Wayto's neck was bleeding, there were three traces of nails on it. Hindi ko magawang igalaw ang pwesto ng kanang kamay ko.

Alam kong ramdam ng mga taong kasama namin sa lamesa ang tindi ng tensyon sa pagitan namin ni Wayto.

"I-I'll just get some cake." Paalam ni Aldus. I saw how they nodded somewhere, saglit ko itong sinulyapan.

It was Troy with his successful grin and Triton with his unpaintable face, kapapasok lang ulit ng mga ito sa entrance. I just saw the culprits.

Tumikhim si Nero at siniko si Owen na parang gusto na rin itong mag-isip ng palusot para umalis.

"Kukuha na rin kami." Owen forcefully said.

Nang tumayo na ang mga ito, saglit lang sumulyap sa kanila si Wayto.

"Nero, ikuha mo rin ako. Gusto ko iyong tagiliran..." kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Wayto. "The right side... mas masarap iyon kagatin."

My friends were not idiots for not to get the words, kahit nasa likuran ko sila alam kong nakatingin na silang dalawa sa nakalabas kong tagiliran. When both of them were about to burst out at Wayto, he just coolly leaned on his chair, arms crossed.

"Girls, it's just a cake. Huwag n'yong lagyan ng malisya ang lahat ng bagay. Right, babe? I mean... Olbes?"

Huminga ako nang malalim bago ako lumingon kay Nero at Owen. If you think that I'll let you win, then think again.

"Go on... grab him a cake... bakit kanan lang? Dapat pati iyong kaliwang tagiliran... ng cake... kapag kakagat, dapat lahat, babe, I mean... Arellano..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro