Chapter 46
AN/ Hi readers, I am still sick until now. I can't return the regular update (pinilit ko lang ngayon) please refrain yourself from posting rude comments, demanding for fast updates na parang isang buwan akong 'di nag-update. It's okay naman to demand update, okay lang sa akin noon pa, but to demand rudely? Yung iba kasi sobra na.
I am not a full time writer na ito lang ang ginagawa, 'wag akong igaya sa iba. Please. Thank you for those patient readers. *Coughs*
Happy reading!
Chapter 46
Back
After 3 years...
"Sad, akala ko sabay kaming magka-comeback. Kailan daw ang uwi niya?" I asked Tanya on phone.
"A year after your arrival? Nasa ojt pa si Euphie." Ngumuso ako at mas binigyan ko ng atensyon ang paglipat ng channel.
"And what? Come back? Seriously? Hindi ba at magbabakasyon ka lang naman? Come back, huh? Arte mo Autumn."
"Whatever." Natatawang sagot ko sa kanya.
"Bakit ba sa akin ka nagtatanong? 'Di ba at pareho naman kayong nasa US? Hindi man lang kayo nagbalak magkita?" bumuntong-hininga ako sa sinabi ni Tanya.
"Alam mo naman siguro kung bakit kami nagpunta rito? We both want to heal, to breathe. 'Di yata magandang magsama pa kami. Besides, malaki ang US at abala rin kami sa mga bagay-bagay."
"Damn Triton and White for breaking my girls' heart." Umirap ako sa sinabi ni Tanya.
"By the way, how are you? Going strong pa rin ba kayo ni Dylan?"
"I think so..." walang buhay na sagot niya. "Don't change the topic. What about you? I heard Euphie's dating a dentist now."
"Good for her."
Natahimik ang kabilang linya, hinihintay niya siguro na sabihin ko na may nakita rin ako rito. But I was busy chasing my career, siguro simula nang umalis ako ng bansa mas na-realize ko 'yong mga bagay na mas dapat pinahahalagahan ko.
"Nah, wala. Nag-aral lang ako."
"Hindi ka pa ba graduate? Bakit ang tagal?" tanong ni Tanya.
"Come on, I need to take the Ph.D, I want to have an independent research and better position." Kahit hindi ko siya kaharap ngayon, alam kong umikot ang mga mata niya.
"'Di talaga ako makapaniwala na mag-aaral ka nang mabuti, Autumn. Well, I expected Euphie, pero ikaw? Just a few steps away, you'll be a certified Biochemist." Natawa ako sa sinabi niya.
"Of course, people change."
"For better."
"Yeah, for better."
Marami pa kaming pinag-usapan ni Tanya bago ito nagpaalam, narinig ko sa kabilang linya ang katulong nito at sinabing nasa baba ang boyfriend niya.
"See you next week, Autumn."
"See you."
Pinatay ko na ang tv, lumabas muna ako sa kwarto ko, nagtungo sa kusina at binuksan ang refrigerator. I picked the reddest apple, seductively sat on the table with my crossed legs, kahit may upuan naman. I let the tiny strap of my silky red nighties slide on my shoulder. I didn't even bother to pull it up to cover my cleavage.
For change? Yes, I did change.
Wickedly changed.
I slowly bit the apple, munch it elegantly while savoring its sweetness.
Am I up for revenge? Nah, that's too bad.
Mag-aalok pa nga ako ng mansanas, ihahain ko ng buong-buo... bigay na bigay kahit anong pwesto...
Pero ang tanong...
Ipakakagat ko ba?
I giggled with my thoughts. Kakagat pa sana ako ulit sa mansanas nang marinig ko ang malutong na mura ni Lonzo na mukhang nawala ang pagka-antok nang makita ako sa lamesa.
"What the fuck, Autumn! Anong oras na!? Nakasakay ka pa dyan sa lamesa!" umirap ako sa kanya.
"Grab a camera, please... mag-post lang ako sa insta or facebook. Come back picture." Ngumiwi siya sa sinabi ko.
"Just grab a camera. Sige na."
Padabog lumabas ng kusina si Lonzo, ilang linggo na rin siyang nandito sa hindi ko maintindihang dahilan, sinabi niya sa akin na sabay na raw kaming umuwi, nang una siyang bumalik dito ay ilang araw ko siyang hindi pinansin dahil sa ginawa niyang pagdeadma sa akin noon, but that happened in the past. Okay na kami ngayon.
Dala niya ang phone niya nang bumalik siya. "Just few shots, cousin. Okay?"
'Di siya sumagot, sa halip ay itinapat na niya sa akin ang camera, bawat flash nito ay iba't-ibang anggulo ang ginagawa ko.
"Wala na bang ibababa ang damit mo, Autumn?" sarkastikong tanong nito sa akin. Inabot niya sa akin ang phone niya bago niya sabay hinila ang damit ko pataas.
Kumuha siya ng kahon ng gatas at dito na siya uminom, umupo na rin ako sa umupuan, nahiya na ako sa kanya.
I activated all my social media accounts na deactivated for almost three years, deleted all my previous photos together with him before posting my new picture.
With my ruined hair, slide down nighty straps, exposed flawless skin, sinful cleavage and a red apple on lips. I put a caption. Bite the apple.
Wala pang ilang minuto ay na-flood na agad ang picture ko ng reactions at comments. Nag-log out na agad ako at ibinalik kay Lonzo ang phone niya.
"You're excited."
"Sinong hindi? Tatlong taon din akong nawala sa Pilipinas, duh?"
"It's just a vacation, Autumn. Baka bigla mong makalimutan."
"Bakit ko naman makakalimutan?" hindi siya sumagot sa akin sa halip ay nagkibit-balikat lang siya.
Nabalot kaming dalawa ng katahimikan bago siya tumayo at talikuran ako. "I hope you're not into him anymore. Look what happened to you without him? You're a successful woman now. Good career and all, don't let him wreck you again."
Ngumisi ako sa sinabi ni Lonzo. "That won't happen again, good night, Lonzo!"
***
Halos tumakbo ako kay Kuya nang nasa airport na kami, muntik na kaming matumba nang itapon ko ang sarili ko sa kanya. Simula nang mamatay si lolo ay siya na lagi ang nagiging abala sa bawat negosyong iniwan ni lolo. As the eldest grandson of Olbes, siya talaga ang inaasahan ng lahat, kaya wala na siyang pagkakataon na dalawin ako sa ibang bansa.
"How are you?"
"Maarte pa rin?" tanong ni Kaden sa likuran ni Kuya.
"Mas malala." Tipid na sagot ni Lonzo.
"Na-miss talaga kita, Kuya!" I cupped his face and kissed his forehead. "Mas guwapo ka ngayon!"
"Indikasyon na pagtandang bintana!" natatawang sabi ni Kaden.
Sabay namin siyang sinamaan ng tingin ni Kuya. "Never!"
Yumakap na rin ako kay Kaden. "Where are the others?"
"Naghihintay na sila sa mansion."
Nag-init ang pakiramdam ko nang marinig ko ang salitang mansion. Tatlong taon na rin... gosh, ang bilis ng oras. Tinanong ako ni Kuya kung gusto ko na raw dumalaw sa puntod ni lolo, pero sinabi ko na saka na lang. Mas gusto kong pumunta kay lolo na mag-isa.
Nang makarating ako sa mansion, halos maiyak ako sa pagsalubong ng mga kamag-anak ko. Kahit may mga kamag-anak naman ako sa states, iba pa rin talaga ang pakiramdam sa Pilipinas. Something you can call home no matter what.
Tuluyan na akong umiyak nang yakapin ako ni Mama at Papa, katulad ni Kuya ay hindi rin nila nagawang dumalaw sa akin dahil kapwa rin sila mga abala sa buong angkan namin. It's just that our family has the biggest contribution in our clan, parang ako lang iyong walang naitulong.
"Ang ganda-ganda naman ng anak ko..." natutuwang sabi ni Papa.
"But still our baby." Hinaplos ni Mama ang pisngi ko.
Wala akong ginawa kundi yumakap nang yumakap sa kanila, parang ayoko nang bumalik sa ibang bansa, dito na lang ako magtutuloy ng pag-aaral, dito na lang ako magtatrabaho, parang 'di ko na kayang humiwalay.
Damn, I missed family so much...
Nang nagsimula na kaming kumain, halos hanap-hanapin ko ang presensiya ni lolo sa dulo ng lamesa, na kahit mapuno kami ng tawanan, may kulang pa rin na hindi mapupunan.
I forced a smile for I continued eating. Mukhang napansin ni Mama ang ilang beses kong pagsulyap sa blangkong upuan ni lolo, hinawakan niya ang kamay ko.
"He's peaceful now with your lola, and I know he's proud of you." Tumango ako sa sinabi ni Mama.
I spent my first few days with my family, kahit paulit-ulit na akong kinukulit ni Tanya at August na makipagkita sa kanila. It was Thursday night when I finally decided to meet with them. Sa coffee shop na madalas namin tinatambayan noon.
When I opened the door, both of my friends arched their eyebrows. Nagdiretso ako ng lakad patungo sa kanila.
"Hi girls," nagbeso muna kaming tatlo sa isa't-isa. Typical maartes in Enamel.
"Sorry, I am more on family time muna. Kaya 'di ko kayo agad nareplyan." I explained.
"Nah, it's okay." Sagot ni August.
"So what's up?" Sa totoo lang hindi ko rin alam ang pag-uusapan namin, dahil nitong nakaraang buwan ay madalas ko na rin naman sila nakakausap.
"We will prepare a welcome party for you." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Tanya.
"Sure."
"Totoo, okay lang?" hindi makapaniwalang tanong ni August.
"Yes? Bakit naman hindi, 'di ba?"
"Sabagay." Sagot nito na parang hindi na gustong pahabain ang usapan.
"We will send invitations, do you want to-" hindi ko siya pinatapos.
"You may send invitations to anyone, I don't mind."
Sa pagkakataong ito, pare-pareho na ang ngisi naming tatlo. Old habits die hard.
Simula nang dumating ako sa Enamel, masyadong maingat ang mga taong nakakasalamuha ko. They never mentioned any Arellano o kung anumang issue ang nangyari noon.
"Do you want to ask something about him?"
I waved my hand with my dismissal. "Nah, it's okay. Malalaman ko rin mula sa kanya."
Halos maibuga ni Tanya at August ang iniinom nila. "Nag-uusap na ulit kayo?"
"No way. But maybe soon?"
Kapwa naningkit ang mga mata ng mga kaibigan ko sa akin. I thought they already got my idea nang sabihin ko sa kanilang ayos lang sa akin na magpadala sila ng imbitasyon sa lahat, pero mukhang hindi na nila ako nababasa katulad ng dati.
"Are you up to something, Autumn?" tanong ni Tanya.
"Uuwi ba ako rito kung wala?" napasinghap silang dalawa sa sinabi ko.
"Thought you just want to show him how you moved on."
"I will, of course! But a bit different." Tumango lang sa akin ang dalawa kong kaibigan.
I told them not to inform everyone about the theme of the party, some might have the inkling but it's better not to have a confirmation. Kasi malaki ang posibilidad na hindi pumunta si Arellano kapag nalaman niya na para sa akin ang party.
"We should invite the Ferells, feeling ko talaga 'di aattend si White. But with Ferells around? Siguradong hihilahin nila si White." Sabi ni August.
"Alam mo naman na ayaw ko sa limang 'yon!" iritadong sabi ni Tanya.
"But we don't have a choice." Sagot ni August.
"Alright, I'll invite them. But I don't have charms now, may girlfriend na si Owen, 'di ko alam kung ise-seen niya agad ako."
Hindi na ako nagsalita sa usapang Ferell, dahil katulad ni Wayto ay malaki rin ang kasalanan sa akin ni Nero Ferell. Well, same birds flock together. Sinusumpa ko, luluha silang dalawa, malala pa sa ginawa kong pagluha.
**
Marami nang dumadating na mga bisita, ang iba ay mga pamilyar na, sila iyong madalas talaga na umaattend sa mga pa-house party ni Tanya at August. Karamihan ay sanay na sanay na rin, si Tanya at August lang naman kasi ang pinakamadalas magpa-party sa Enamel.
I even saw Kito and Lato! Gosh, I missed the frozen brothers. I saw Triton and his new girl Patricia, I rolled my eyes. Nakita ko rin si Ahmed na mag-isa, Nash and Kairo, si Belo nakamove-on na yata kay Aurelia at ang ilan pa sa mga kilalang pangalan dito sa Enamel.
Nasa harapan si Tanya at August na sumasalubong sa mga bisita, nagsimula nang lumakas ang music, nagkalat na ang mga waiter na may dalang mga alak, lamesa na may nakapakaraming pagkain. Nang mapansin ko na ang pagngiwi ni Tanya sa malayo, nakumpirma ko na ang dumating na bagong grupo.
The Ferells and Wayto.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Nero at Wayto na parang napilitan lamang. Malamang, malaki ang atraso nila sa akin. Dahil masyadong supportive sa akin ang dalawa kong kaibigan, nakipag-beso silang dalawa kay Wayto na agad kumunot ang noo. Natigilan ang mga Ferell, pero patay malisya si August at Tanya na itinuro ang unahang lamesa na malapit sa stage.
Itinigil ko na ang pagsilip sa kurtina nang makita kong papalapit na sila. I need to prepare myself, the show will start now.
I was about to send a message to Tanya when I noticed someone at the corner of my eye. Muntik na akong mapatalon nang mapansin ko ang bahagyang nakasilip na si Keaton sa tagiliran ng stage habang nakapamulsa.
"Hey, runaway girl..."
"Kito!" ibinaba ko ang phone ko.
Nagsimula na siyang humakbang papalapit sa akin, but when I was about to make my few steps toward him, 'di ko namalayan na sobra ang pagkakatusok ng heels ko sa sumasayad na kurtina sa stage. Kaya bigla akong nawalan ng balanse.
"Oh shit!" nanlaki ang mata niya.
"Gosh!" nakita ko siyang patakbo na sa akin.
His reflexes were so fast, that it happened... buong akala ko ay sasakit ang katawan ko, but he made a swift movement making his whole body received the impact. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa ibabaw niya habang natatakpan kami ng makapal na kurtina ng stage.
Biglang natigil ang music habang pilit kong tinatanggal ang kurtina na nagtatakip sa amin ni Kito. "Gosh, paano ba 'to?"
"Pull it." Natatawang sabi ni Kito.
"Ang dilim! Nasaan ang dulo, Keaton!?" natatawa na rin ako sa nangyayari sa amin.
"I can't move, bumigat ka yata?"
"W-What?!" sa halip na ayusin ang kurtina ay hinampas ko muna ang dibdib niya.
Sa huli naramdaman kong may humila ng kurtina. It was August and Tanya, both were grinning. Pawis na pawis kami ni Keaton.
Hindi ko na napansin na nakaupo pa rin ako sa hita niya habang siya ay nakaupo na at ang mga kamay niya ay nakasuporta sa kanyang likuran.
"Welcome back."
Sabay tumikhim si August at Tanya sa akin, before I finally realized that we have our audience. Tumayo na agad ako at si Keaton.
"That was epic, hi everyone!" nagsigawan ang mga tao. The usual party people, but not all. Dahil may isang grupo ang nanatiling tahimik at diretsong nakatitig lang sa stage.
Ferells awkwardly sipped their drinks, habang nagsisimula nang mang-asar ang karamihan sa mga tao at tinatawag ang pangalan ni Wayto. Of course, alam ng lahat na naging kami.
He has no reaction, nakatitig lang siya sa akin.
I smiled sweetly at him at mas lalong umalingawngaw ang sigawan ng tao ng magsalita muli ako.
"Hi, ex."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro