Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Chapter 45

Closed door

"S-Sasama ako, Lonzo..." my voice was pleading. He was now packing his things with his wrecked expression.

Bakas rin sa kanyang mga mata ang luha, sobrang gulo na rin ng kanyang buhok at halos itapon niya na ang lahat ng kanyang gamit na parang may hinahanap na hindi makita.

Pare-pareho kaming nawalan. It was not just our grandfather's lost, maraming sugatang Olbes ang ngayon ay nasa hospital, lalo na si Kuya at Kaden na nasa kritikal daw na kalagayan.

The whole family of Olbes was on chaos.

One of my uncles was now in coma, most of our aunties were in shocked and other cousins were injured. Parang binalak talagang ubusin ang buong lahi ng Olbes sa nangyaring pag-ambush.

Nang marinig ko ang usapan sa pagitan ni Tito Elbert at Tita Mirabel, parang anumang oras ay mawawalan ako ng malay. Pero sa kabila ng sakit, pighati, matinding galit at sasabog na emosyon, pinilit kong makinig ng balita. Lahat.

Pinakinggan ko lahat kahit parang naririnig ko ang bawat putok ng bala laban sa buong pamilya ko. Ginawa raw ng buong pamilya namin ang lahat para lumaban, but unluckily, our grandfather didn't survive. Siya mismo ang puntirya ng mga nang-ambush, who else? Sino ba ang gobernor na dapat uupo na sa pwesto?

Our family tried to put the blame to Arellanos pero pinalabas ng mga ito na dawit ang pamilya namin sa droga at ito ang siyang matinding dahilan kung bakit daw kami pinunterya ng mga sinasabi nilang sindikato.

There were investigations, pero mapaniniwalaan pa ba namin ito? Hawak na ng mga Arellano ang buong Enamel at mas malawak na ang impluwensiya nito lalo na at mas napaniguro na nila ang kanilang kapangyarihan at pwesto.

Kami na lang lagi ang pinalalabas nilang masamsa sa mga tao!

Are they dumb or something? Eh, sila nga ang puro illegal ang gawa sa Enamel!

Sa talambuhay ko ay kailanman ay hindi ako nakarinig man lang ng pagkakaroon ng koneksyon namin sa lahat ng illegal na bagay, lalo na si lolo! Binaliktad lahat ng mga Arellano ang sitwasyon. Isinisisi nila ang kanilang kasalanan sa iba!

Bakit kung kailan eleksyon pa kami sinugod ng mga sindikato? Bakit hindi pa noon?

"Tang inang mga Arellano!" sigaw ni Lonzo.

Sinipa nito ang kama dahil sa matinding galit, halos mapapikit ako habang naririnig ang paulit-ulit niyang pagmumura. Hindi na ako makagalaw at nanatili na lamang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya.

If this was his way of releasing his frustration, sadness, anger and pity for our own family, I will not stop him. I will let him burst out.

Hinayaan ko siyang magbasag nang magbasag ng kung anumang mahawakan niya.

Pare-pareho kaming nawalan, nasaktan, nahihirapan at higit na nagagalit. Sobrang sakit makita na unti-unting bumabagsak 'yong pamilya na pinahahalagahan mo.

Ang sarili mong pamilya kung saan nasaksihan mo 'yong lahat ng pinagdaanan, sakripisyo at ang magagandang plano. All we wanted was a good government for our province, pero bakit laging may lumalabas na masama? Why couldn't they just accept the fair play of election? Why do they need to kill lives?

Wala na ba talagang pag-asang maging malinis ang eleksyon sa Pilipinas?

Nang makita kong sinasaktan na ni Lonzo ang sarili niya sa pagsuntok ng kanyang kamao sa pader ay agad akong tumakbo at yumakap sa kanya mula sa likuran.

I could allow him to break things, but not to hurt himself. Marami nang nasaktan sa amin at hindi na ako papayag na may madagdagan pa.

"S-Stop... please... tama na... don't injure yourself. Tama na, Lonzo..." I whispered, I tightened my embrace against him, para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Isinandal niya ang kanyang noo sa pader, until I felt his shaking body, he was crying again. We were crying again.

"Ano ba 'tong nangyayari sa pamilya natin, Autumn?" he asked me with his weak voice. Sino pa nga ba ang makakaroon ng lakas, pagkatapos ng lahat-lahat?

We've lost the election, na matagal na panahon naming pinaghandaan, our family was ambushed, we were wrongly accused of something that we wouldn't even think possible for us. I couldn't even think on how we are going to get through with this, sobrang laki ng nasira sa buong pamilya namin, sobrang laki ng nawala.

"Hindi ko na alam... hindi ko na rin alam..." nahihirapang sagot ko.

Humarap sa akin ang pinsan ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Let me go with you, please..." I begged.

"I'm sorry, Autumn. You can't..."

Aunt Mirabel as well as my parents ordered me to stay. They informed our relatives here right away. Hindi na ako magugulat kung makakaranas na naman ako ng pagkakakulong mula sa sariling pamilya.

"Please... Lonzo... I want to go h-home..." humiwalay sa akin ng yakap si Lonzo at mariin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"No, Autumn. Sobrang gulo pa sa Pilipinas. Hindi natin alam kung kailan ulit sila susugod sa atin. One of our grandfather's last wish was to keep you safe. Ikaw ang huling pangalang binanggit ni lolo bago siya malagutan ng hininga. Do you think we would allow that last wish to get ruined?" bahagyang yumuko sa akin si Lonzo para higit na masalubong ang aking mga mata.

Nagpatakan muli ang luha ko nang maalala ko si lolo.

"L-Lonzo... I just want to see his funeral, at least... s-sobrang bilis nang pangyayari, k-kausap ko lang siya, he promised me that he would win the election, s-sabi niya paborito niya raw akong a-apo..." my just voice broke.

"I'm sorry..." umiling sa akin si Lonzo.

The decision was final, but I want to take the risk. Baka mabago ko ang isip niya, baka maawa siya sa akin...

"Uuwi rin ako, I will not stay... just let me have a glimpse of our grandfather... kahit saglit lang..." sobrang sakit na ng lalamunan ko sa walang tigil na pag-iyak.

Lonzo brushed his hair frustratingly, he heaved a deep sigh and looked straight into my eyes.

"The decision is final. You will stay here, Tito Elbert will be your guardian."

"L-Lonzo... please..." hinawakan ko ang braso niya.

"Hindi nga pwede sabi, Autumn!" marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"I-Ikaw lang ba ang apo? I-Ikaw lang ba ang may gustong makita sila?" nangatwiran na ako habang nagpupunas ng luha.

"I didn't say that I was the only one who wanted to see them! We just couldn't take the risk! Mahal na mahal ka ni lolo na kung may mangyaring masama sa'yo, kawalan na ito ng respeto sa kanya. Please... listen, Autumn."

Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay hinayaan ko ang mga mata ko na ang magmakaawa sa kanya. I was looking at him with my eyes... pleading.

"Autumn, please... listen. Wala pa rin silang kasiguraduhan kung may pwedeng umatake ulit sa kampo natin, we're now weak, hindi tayo agad makakalaban, we should look at the possibilities, delikado sa Pilipinas..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, wala nang pag-asa. Hindi niya na ako isasama, hindi ko man lang maihahatid si lolo sa kanyang huling hantungan, 'di ko man lang siya mayayakap sa huling pagakakataon...

"This is all for you. You will stay here, babalitaan kita."

Isinarado na ni Lonzo ang kanyang maleta, nakita niya na rin ang kanyang passport, he turned around to face me, made a few steps and gave me a soft kiss on my forehead.

Nanatili kaming nakatayong dalawa na walang salita hanggang sa hawakan ko ang laylayan ng damit niya. Nakayuko ako habang pilit pinigilan ang aking hikbi para masabi ang kahilingan ko bago siya umalis.

"W-Will you give lolo a beautiful daisy? S-Sabihin mo sa kanya galing kay Stassi... sa paborito niyang apo... tell him that I'll miss him, tell him that I love him... saka na lang ako dadalaw..." tumango si Lonzo sa akin.

"I will give him daisy."

Hindi na siya nagpahatid sa airport kaya hanggang sa labas na lang ng bahay namin siya inihatid ng tanaw ni Tito Elbert.

"Tito..." nanlalambot na tawag ko sa tiyuhin ko na tulala na rin sa may pintuan. He didn't say a word; he just patted my head before he went back inside the house.

Hindi tumupad sa usapan si Lonzo, isang linggo na ang nakararaan nang umalis siya, wala man lang kaming natatanggap na tawag mula sa Pilipinas. 'Di ko alam kung wala ba talaga o hindi lamang ito ipinapaalam sa akin ni Tito Elbert. Hindi ko na pinagpilitan ang gusto ko, I just go with the flow. Kung ano ang gusto ng pamilya ko para sa akin ay ito na ang sinusunod ko.

It's just that I felt so numb and empty, para mag-isip pa ng mga gusto kong gawin. I had this feeling that a part of me just died.

Yakap ko ang mga binti ko habang nakaupo ako sa sofa at nanunuod sa mga pinsan ko. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga bata kong pinsan na kasalukuyang naglalaro sa malaking carpet habang naglalaro ng Lego. Mabuti pa sila ito lang 'yong problema habang ako, hindi ko na alam kung ano at saan ako magsisimulang gumawa ng solusyon.

Pwede bang bumalik na lang ako sa dati? Iyong liptint lang ang problema, kung paano iku-curl nang maayos ang buhok at kung anong damit ang isusuot. But as I grew up exposed with Philippine politics, unti-unti akong namumulat sa totoong problema ng buhay.

And I just learned something, hatred is the very root of evil. Kahit kailan ay walang dinalang maganda ang galit. Siguro nga ay may mapagtatagumpayan ka dahil sa matinding mong galit, pero darating ang panahon na babawi sa'yo ang pagkakataon.

A goal motivated by hatred would not bring you a permanent success, instead it would create a trap to your own grave.

Masaya sila ngayon, ngunit ang tanong, hanggang kailan?

"Ate Autumn, why can't you join us?" anyaya sa akin ni Enzo.

"I don't know how to play Lego."

"We will teach you, come here." Inilahad sa akin ni Enzo ang maliit niyang kamay. Tipid akong napangiti, bumaba na ako mula sa sofa at naupo na rin ako sa carpet para makipaglaro sa kanila.

"Papa told us not to bother you. But you're always lonely and crying, Enzo and I should make you happy." Inosenteng sabi ni Nile.

"Thank you."

I saw how Uncle Elbert smiled when he witnessed how I genuinely enjoyed playing with my younger cousins, sabi nito ay saglit na nagkabuhay ang hitsura ko.

"See? Ate Autumn is pretty again, right boys?" Uncle Elbert joined us.

Enzo and Nile nodded. "She's pretty when she's not crying."

Hanggang sa mag-start na ang pagpasok ko, hindi na ako binalitaan sa nangyayari sa Pilipinas. It was like they wanted me to live freely na hindi sila iniisip, pero paano naman kaya iyon?

I tried to ask information from Uncle Elbert, pero iisa lang ang lagi nitong sinasabi sa akin. "They are doing fine now."

No details at all.

Inasahan ko na tanging mga kaibigan ko na lang ang pwede kong tanungan tungkol sa nangyayari sa Pilipinas. Pero katulad ng pamilya ko, mas giniit nilang huwag na lang akong maki-balita.

They wanted me to live completely away from something that would wreck me again.

I sighed. Pumangalumbaba ako sa harap ng bintana ng aking kwarto, katatapos ko lang mag-review para sa quiz namin bukas, biglang umulan.

Sinimulan kong isulat ang apelyido ko sa harap ng bintana.

"Olbes." Binasa ko ito nang malakas.

Ang bilis ng panahon, parang nitong isang araw lang kami dumating dito ni Lonzo pero ngayon ay halos magkakalahating taon na ako rito.

Bumalik sa alaala ko ang tanong sa akin ni Lonzo, kung may balak pa ba akong bumalik sa Pilipinas.

Hindi ko maitatanggi na gusto ko pa rin bumalik, kahit gaano kasakit ang lahat ng pinagdaanan ko, dahil kahit pagbali-baliktarin ang mundo sa Pilipinas ako lumaki at nagkaisip, nandito ang pamilya ko at maging ang mga kaibigan ko.

No matter how painful... it was still my home.

Babalik-balikan ko pa rin.

I will go home, but it will take years. I need time to heal and to forget.

At sa sandaling bumalik ako... hindi na ako basta-basta malalason... because I was immune.

No. Because I am not Snow White, and I will not accept the apple.

I will close the door.

Wala ng daan... wala ng daan para malason.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro