Chapter 44
Chapter 44
Result
I did not stay, I couldn't even fathom to hear his voice filled with insults and humiliation towards my family. I'd expected that my tears would soon betray me, but no traces of it did overwhelm me.
Iyong sakit na naramdaman ko kanina, iyong tipo na parang sasabog ang dibdib ko, na parang may bumubulong sa akin na magsisigaw at manakit ng kapwa, bigla na lang itong nawala. Namanhid na ako. Napagod na ako.
Nagsasawa na rin siguro itong mga luha ko, sino ba ang hindi?
I'm so foolish! Inaamin ko na. Ilang beses na akong tumakbo sa pamilya ko para sa kanya, ni minsan ba ay inabangan niya ako sa pagtakbo ko?
Sa tuwing tatakbo ako sa kanya, lagi niya akong tinatalikuran... lagi niya akong sinasaktan at pinapaasa.
I thought we would be fighting together, pero ibang laban pa rin talaga ang gusto niya. I felt his words, he's too determined to overpower us, to crash my family and to win.
Mga hayop kayong mga Arellano kayo.
'Di ko na alam kung paano pa ako nakabalik nang maayos sa mansion. Inaasahan ko nang sasalubungin ako ng aking angkan na kasalukuyan nang nakahanda para sa anumang pagsugod sa kabilang kampo para sisihin sa pagkawala ko.
I ran away, it was my fault. But everything was default now, kaunting problema namin ay sa Arellano ang sisi at alam kong ganito rin ang nasa isip ng kabilang kampo sa sandaling magkaroon sila ng problema.
Nahihiya na akong humarap sa kanila, ang lakas ng loob kong tumakbo sa kanila at ngayong naloko na naman ako, ito na naman ako at bumabalik sa kanila. Hindi na ako natuto!
"Autumn!" lumuluhang tumakbo si Mama sa akin at mahigpit niya akong niyakap. I waited for my tears, pero wala na talaga.
Wala na talaga akong maramdaman, gusto ko na lang tumulala sa lahat nang nangyayari.
I felt so numb and weak. "Ma, kailan ako aalis? Should I go now?"
Si Mama ang naunang nag-alis ng yakap sa akin, she looked at me, worried. "W-What happened?"
Umiling ako. "I need to leave now. Please." My voice was pleading.
"It should be next week, right?"
"I want now, Mama. Please. Where's lolo?"
Inalalayan na ako ni Mama sa pagpasok sa bahay, nasa harap ng pintuan si Kuya, Kaden at Lonzo na kapwa naniningkit ang mga mata sa akin, I didn't mind them. They could stare at me with their accusing look forever, I don't care anymore. Gusto ko na lang talagang umalis.
Nagdiretso ako sa library ni lolo kahit alam ko na may kausap siya. Sasamahan pa sana ako ni Mama pero pinigilan siya ni Kuya, he told her that it wasn't a good idea to tolerate me by helping to explain my faults. I agreed with him.
Alam ko naman na nakarating na kay lolo ang pagtatangka kong paglalayas, I just want to apologize and wrap things up at tuluyan ko nang ibinibigay ang lahat ng desisyon para sa akin sa kanila.
It's hard to accept that my every decision was a mistake.
Pagsasarado ng pintuan ang nakaagaw sa atensyon ng lahat. "Autumn, hija..."
I was a bit surprised, buong akala ko ay si lolo lamang ang nasa loob. May mga bisita si lolo at hindi pamilyar ang mga mukha ng mga ito sa akin. But their presence didn't shake me off.
Hinanap kong muli ang mata ni lolo at sinalubong ito.
"They did not consider my words, tumutupad po ako sa usapan, lolo. But if you're going to send me away, please make it now. Ayoko na rito." I almost begged him. Wala na akong pakielam kung marinig ito ng mga lalaking kausap niya.
Makahulugang sumulyap si lolo sa mga kausap niya na agad nakuha ang nais niyang mangyari, yumuko ang mga ito bilang pamamaalam bago nila kami iwan ni lolo.
"Have a seat, hija."
Sumunod ako sa sinabi niya, "I want to leave now."
"Why so sudden? The last time I checked you want it delayed."
"I changed my mind, lolo. I just realized that political conflict is not my cup of tea. Gusto ko nang matahimik."
"Was that all?" masusing tanong ni lolo, agad akong tumango.
"I just got a news a moment ago, hija." Huminga ako nang malalim. I wouldn't deny it, dahil parang sarili ko lang ang niloloko ko kung magdadahilan pa ako.
Alam na ng buong angkan ko na binalak kong makipagtanan kay Wayto.
"I was fooled. I'm sorry for being weak, I'm sorry for being a disgrace and I'm sorry for the endless trouble... I am not helping... sorry po talaga, lolo. H-Hinding-hindi na po ako uulit... lalayo na lang po ako..."
This time tears fell from my eyes again, agad ko itong pinahid, ayoko nang ipakita sa buong pamilya ko, lalong-lalo na kay lolo kung gaano ako kahina.
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang bumuntong-hininga. "What has he done to you? That young Arellano. Come here, apo..."
Akala ko ay tuluyan na akong magmamanhid pero nang marinig kong lumambot ang boses ni lolo, halos tumakbo na ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hinayaan ko ang sarili kong humagulhol na parang batang paslit na nagsusumbong.
"N-Nagmahal lang naman ako, lolo... nagmahal ako ng isang Arellano... sobrang sakit, lolo...ayoko na... 'di na po ako uulit... 'di na po ako uulit... lolo ang sakit sakit na..." paulit-ulit akong umiiling para higit mapaniwala at ang sarili kong hindi na ako muling magkakamali.
Ramdam ko ang marahang paghaplos ni lolo sa aking braso. "I'm sorry, apo... I'll send you away from here as soon as possible."
"But before I leave this country, promise me... lolo. Win the election, clean our name, kasi sobra na tayong sinisiraan ng mga Arellano. I don't know kung saan ba talaga nagsimula ito and I am no longer willing to dig from the past, dahil ayoko na talaga. Promise me to win this election clean... promise me not to let the third party made our own family as their puppet. Tayo na ang umiwas sa kanila, we should concentrate on the campaign instead of throwing Arellanos our daggers. Hayaan na lang natin silang gumawa ng maduming laro, huwag na natin silang tularan. Election over our war against Arellanos." Mahabang paliwanag ko.
Mas maganda kung ang kampanya rito sa Enamel ay walang halo ng paninira, kung hindi ito kaya ng mga Arellano, kaya ito ng pamilya namin. Our family should show this province the real campaign.
"I promise..." sa kabila ng kirot sa didbib, hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa sinabi ni lolo.
"Salamat, lolo." I kissed his cheeks.
Bago ako tuluyang tumayo ng tuwid ay hinaplos muna ni lolo ang pisngi ko. "Be a good girl, hija. My favorite granddaughter..."
**
"Bakit sumama ka pa?"
"Kakapagod na rin ang election, Autumn." Sagot sa akin ni Lonzo.
Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa mga kaibigan ko, gusto ko nang umalis sa lalong madaling panahon, siguro ay saka ko na lang ang mga ito kakausapin. Gusto ko munang putulin ang komunikasyon ko sa Pilipinas.
"Sobrang toxic sa Pilipinas." Lonzo complained. Siya ang isa sa huling aakalain kong magsasabi nito. Dahil kung hindi ako nagkakamali ay sa tuwing may gulo ay saka lang sila sumusulpot ni Kaden sa Enamel.
"I'm still wondering kung bakit ka sumama. Alam kong gustong-gusto mong tumulong sa eleksyon, Lonzo. We have relatives in States, 'di mo na ako kailangang samahan." Mahabang sabi ko.
Hindi naman sa ayaw kong kasama si Lonzo, pero pakiramdam ko ay may nagbabantay pa rin sa akin habang nandyan siya.
"Nah, it's not you."
Hindi ko na pinili pa na pahabain ang usapan kahit hindi ako naniniwala sa kanya. Sino pa ang dahilan niya sa pag-alis? Simula nang dumating sila ni Kaden sa Enamel ay sila na ang inuutusan ni lolo na magbantay sa akin.
I considered myself half as dead when we finally arrived at LA, with a non-stop flight, sobrang draining talaga. My relatives welcomed us, I was so thankful that no one dared to ask anything about the Philippine election, dahil baka matuluyan na talaga ako.
Hindi na ako nakakain at nagpaalam na akong magpapahinga, it was so tiring, and the pillow was just my comfort.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi muna ako makikibalita sa buong pamilya ko sa Pilipinas hanggang 'di pa natatapos ang eleksyon, ganito rin daw ang gagawin ni Lonzo na hindi ko pinaniniwalaan.
We were biking when he suddenly asked me, "What's the score between you and Keaton?"
Saglit akong natigilan sa pagba-bike, I've felt the sudden guilt. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya o nag-thank you man lang.
"There's no score, he's kind. Ayokong maipit siya sa gulo. Remember what happened during the encounter? Paano kung may tinamaan sa isa sa dalawang Samonte? Madadamay lang sila ng hindi naman dapat."
"That's all?"
"Yeah."
"Sayang, ang alam ko ay pupunta rin sila rito sa LA, next month."
"Really?"
"Yes."
Nagpatuloy ulit kami ni Lonzo sa pagpedal. Simula nang dumating ako rito ramdam kong mas gumaan na ang pakiramdam ko. I felt the freedom and peace, lugar na malayo sa sakit.
"Malapit na ang eleksyon, Autumn. Ilanga raw na lang ay malalaman na natin ang resulta ng lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin."
Dalawang linggo na simula nang makarating kami rito at ngayon lang ulit ito binuksan ni Lonzo sa aming usapan.
"I changed my mind, I'll view the results as well as the news after two to three days after the election result."
"Mas pinapakaba mo lang ang sarili mo, Autumn."
"Nah, I am just preparing myself."
"Kapag nanalo tayo, what is your plan?" tanong ni Lonzo sa akin. Dapat ba ay nakadepende ang sagot ko sa magiging resulta ng eleksyon?
"What do you mean by plan? Marami akong plano sa buhay, Lonzo." Mas binilisan ko ang pagpedal kaya mas nauna ako sa kanya, pero mabilis pa rin humabol sa akin si Lonzo.
"I mean, will you come back and convince, lolo?" ngumisi ako sa tanong ni Lonzo.
"No, I will stay here. Saka na lang ako babalik. And what do you mean by convince?"
"Na sa Pilipinas na lang? Alam kong hindi ka masa--" hindi ko siya pinatapos. "Masaya na ako rito, Lonzo."
"Siguro sa ngayon, pero alam kong hahanap-hanapin mo pa rin ang Pilipinas." Hindi ko na siya sinagot at nabalot na ng katahimikan ang pagbibisekleta naming dalawa.
I considered everything good in States, masaya ang mga kamag-anak ko rito, hindi malaki ang problema, madalas nagtatawanan, malayang nakakagala na walang mapanghusgang mga mata at higit sa lahat walang mga armadong lalaki. A best place for forgetting and healing.
Pero sa bawat paglipas ng araw at sa paglapit ng araw na kinatatakutan ko, ang resulta ng eleksyon ang unti-unting nagbabalik ng matinding kaba sa dibdib ko. Lonzo and my relatives respected my decision, kaya katulad ko ay naghintay na rin sila ng ilang araw bago maki-balita sa Pilipinas.
Lahat kami ay sama-sama na sa sala habang kasalukuyan nang tumatawag si Uncle Elbert sa Pilipinas, ramdam ko ang mahigpit na akbay sa akin ni Lonzo at ang bigat ng tensyon sa pagitan naming lahat. Naka-loud speaker ang tawag ni Tito kaya maririnig naming lahat ang magiging pag-uusap nila ni Tita Mirabel.
Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko, ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pangangatal ng magkadaop kong mga palad.
"I-I'm nervous, Lonzo..."
"Hush..." mahinang sabi nito sa akin na may kasamang paghaplos sa braso ko para pakalmahin ako.
Nangako si lolo na mananalo kami sa eleksyon, pamumunuan ng pamilya namin ang Enamel at pababagsakin namin ang mapanirang pamilya ng mga Arellano.
We will win this battle.
Nang sagutin na ni Tita Mirabel ang telepono, napahugot ako ng malalim na paghinga.
Everyone was all ears when we heard Aunt Mirabel's cries. Sa una ay mahinang iyak pa lang ito ngunit hindi rin nagtagal ay humahugulhol na ito.
"B-Bakit ngayon ka lang tumawag, Elbert..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mukhang hindi ko na magugustuhan ang susunod kong maririnig.
"We were ambushed right before the election result was announced. Nadaya tayo, desperado na ang kampo ng mga Arellano. Wala na si Papa... they killed him...it was all because of the Arellanos! White Arellano accused him as one of the biggest drug lords in the Philippines! Sobra-sobra na ang paninira nila sa atin..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro