Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43

Speech

I stared at him, surprised. If I was not mistaken, I've asked him the same thing before at siya mismo ang hindi pumayag sa ideya ko. I didn't even expect that he would ask me to elope in this situation, sa mas magulo.

"W-Wayto... a-are you sure about this?" my voice was shaking. Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko. Kaya na ba namin? Are we ready enough? May plano ba si Wayto? How about our studies?

"I am sure, Autumn. There is no way that our families would end this fucking feud. Hindi nila tatanggapin ang relasyon natin. Habangbuhay nila tayong iipitin. I don't want that for us."

"B-But we can't just-" pinasadahan ko ng titig ang kabuuan ni Wayto. "Y-You're still wounded!"

"I will stay here, and you go home for now. I will recover and we will run."

"D-Do you have plans? Wayto, kinakabahan ako."

"I will make a plan."

"Wayto, my grandfather and I had an agreement, I told him that I would try to reach your family and tell that the first initiative of the previous encounter was not from us. K-Kung hindi raw kayo makinig, it's the end for me. They will send me out of the country."

This time it was Wayto's turn to stare at me, I could see how his eyes filled with conflicted thoughts, alam kong kapwa kami maraming iniisip, sa aming dalawa, sa pamilya, sa hinaharap at sa anumang problema pa na pwedeng mangyari.

"Y-You try to hold it a little bit longer, Autumn..."

I cupped his face and leaned my forehead on his. "I will. J-Just recover yourself, babe."

Tumango si Wayto. "I'll message you." He whispered.

Putol man ang komunikasyon namin ni Wayto, alam ko na gagawa siya ng paraan para makarating ang mensahe niya sa akin. We have friends, na hindi kayang hawakan sa leeg ng aming pamilya.

Bumaba na ako sa kama at ibinalik ko na ang surgical mask ko. I turned my back at him, ayoko nang humarap kasi baka bumalik na naman ako at yakapin siya. We need time to prepare, siya para muling lumakas at ako para ihanda ang sarili ko sa unang desisyon ko na labag sa pamilya ko.

I was about to open the door when I heard his soft words, "Autumn... no matter what happens... I love you so much, remember."

"I love you too, Wayto."

Hindi na ako humarap sa kanya at nagmadali na akong lumabas, ilang hakbang ko lang sa hallway ay sumabay na sa akin si Aurelia. Rinig ko ang maluwag nitong paghinga, para itong mas nabunutan ng tinik sa akin.

"Thanks..."

"H-Hindi ko na uulitin ito, Autumn." She's stuttering, mas maputla pa ito sa akin. I was still thinking on how the hell did I manage to get myself a saint like friend like her.

"There's no second time, Aurelia. Ikaw ang ninang kapag nabuntis ako." I told her because I left her with her half-opened mouth, probably thinking that Wayto and I had passionate reunion.

I am still Autumn Stassi Olbes, magtatanan kami ni Wayto and I am still jowable. Kami lang dalawa, of course, marupok ako, marupok si Wayto, saan ang bagsak? Kagat. We will kagat each other.

Kung may giyera ang pamilya namin, may sarili rin kaming giyera ni Wayto.

I giggled with my thoughts. 'Di ko mapigilan hindi matigil sa paglalakad at mapapadyak at isumping ang buhok na nakapusod habang kinikilig. I saw how the janitor creased his forehead when he passed by.

Sa huli kahit nasa mabigat akong sitwasyon, nagawa kong ngumiti ng tagumpay. I used the fire exit, pulled my hair net, played the surgical mark on my forefinger and swayed my hips as I looked at the brother's car.

Una kong nakita si Kaden at Lonzo na mukhang nagtatalo na. "Hey, cousins!" bati ko.

Hinawi ko pa ang buhok ko at namaywang ang isa kong kamay sa bewang ko. "Mag-nurse na lang kaya ako?"

"Hindi bagay sa nurse ang sobrang arte." Matabang na sagot ni Lonzo.

"What happened?" biglang sabat ni Kuya na bahagyang inilabas ang sarili sa bintana.

Ngayon ko naalala na dapat ay hindi ako mukhang masaya, I shouldn't let them think that I will elope with Wayto. I should look lonely, sad, devastated and slightly less jowable because I was stressed.

Tinanggal ko ang ngiti ko at pagkakapamaywang ko. "I'm so sad... it didn't work... oh gosh..."

I tried to wipe my fake tears, but my cousins and my brother were just staring at me with their annoyed look.

"Kami ba, Autumn, niloloko mo? What happened?" tanong ni Kaden na may kasama pang pagkumpas sa ere.

"Stop the act, cousin. We knew when you're acting or not." Umiiling na sabi ni Lonzo.

"Autum Stassi." Madiing sabi ni Kuya.

"'Di nga sila nakinig sa akin! Ano ba kayo?" padabog na akong pumasok sa sasakyan. Sa harap ako umupo, sumunod na si Kaden at Lonzo.

"Alam mong ipapatapon ka ni lolo sa ibang bansa kapag 'di sila nakinig, Autumn."

"I know..." mahinang sagot ko.

Tumanaw na lang ako sa bintana at hindi na pinahaba ang usapan. I should think about something that would make my flight slow down.

Nakabalik na kami sa mansion ng mga Olbes, I was glad when one of my cousins that our grandfather was out. 'Di pa rin ako masanay sa dami ng armadong lalaki sa paligid.

Humalik ako kay Mama. "How's your day, anak?" I just smiled at her.

Umakyat na ako sa kwarto, humiga sa kama at sinimulan isipin ang mga pwedeng mangyari kinabukasan.

I woke up early in the morning, hindi na sana ako maghahanda para pumasok nang sabihin ni Mama na pwede na raw, may mga magbabantay naman sa akin. I was hesitant at first, makakapag-aral pa ba ako nang maayos? Sobrang daming chismosa sa mundo!

But I want to let my life flow, I shouldn't let this crisis ruin my education and---

Natigilan ako sa iniisip ko, ito ang isa sa naging rason kung bakit hindi pumayag si Wayto na makipagtanan sa akin noon, our education.

Pwede naman siguro kaming mag-aral sa ibang school, sa malayo. Malayo sa gulo.

I went to school looking unbothered, showed them the usual Autumn Olbes, bahala sila sa mga buhay nila, basta ako maganda na, matututo pa? Sila mga pangit na nga mas problemado pa sa problema ko.

Gusto sana akong sabayan ni Aurelia at Euphie sa pagkain but I rejected them, ayoko pa na madadamay sila sa gulo at tsismis, isa pa I can still handle myself naman. Sanay rin naman akong kumain mag-isa dati nang hindi ko pa boyfriend si Wayto.

"I will join you." Matigas na sabi ni Belo. Nagkibit-balikat lang ako habang kumakain.

"Tell me, what's the news?"

"'Di ko alam, kung anong balita ang kumakalat ngayon. Iyon na lang siguro?"

"I mean, kayong dalawa ni White. I'm quite worried, you and White are my friends." He leaned on me, and I saw how the sincerity in his eyes.

"Someone's framing us up, someone wanted our family to kill each other and I'm quite confident that Summer's family has something to do with it." He gasped, disbelieved.

"Hell, no way, Autumn." Automatikong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko yata gusto ang ihip ng hangin.

"Kinakampihan mo ba siya, Belo? Oh my gosh!" eksaherada kong pinaypayan ang sarili ko.

"It's just impossible, trust me."

"Ano'ng pinakain niya sa'yo? Kayo na ba? Nabilog ka na ba niya? Isa kang malaking traydor!" ngumiwi sa akin si Belo.

"I like Aurelia, alam mo 'yon."

"Alam natin na may boyfriend na si Aurelia."

Natahimik si Belo at nag-iwas ng tingin sa akin. "That's foul, Autumn."

"That's reality, idiot. I like you to move on, but not with that woman. I don't like her." He tried to open his mouth, but he chose to close it again.

Hindi na ulit kami nag-usap ni Belo tungkol sa pamilya ko o sa problema namin ni Wayto, it's rare that we talked about studies.

I went home with my grandfather waiting for me, sinabi niya sa akin na kinausap na nila ang school ko para sa mga papel na kailangan kong ayusin para sa pag-transfer ko. All I did was to nod at him. May usapan kami at kailangan ko itong panindigan.

All I need to do was to wait for Wayto's message, tatlong linggo pa naman bago ako umalis ng bansa. But I didn't wait for too long, dahil matapos ang isang linggo ay biglang nagpakita sa akin si Nero, sa harap ng school ko.

"Nero..." I unconsciously looked around to see my bodyguards, 'di ko sila makita. Siguro ay wala naman silang gagawin kay Nero, they were ordered to keep me safe away from the Arellanos, Nero's not on the list.

But we need to be safe. "Tell me quick."

Pansin ko na nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya o hindi, pati ba si Nero ay naapektuhan na sa gulo ng pamilya namin ni Wayto?

"Enamel's middle basketball court, 7 pm on Sunday. He'll be using a black Montero."

Ngumiti ako kay Nero. "Thank you."

He didn't reply, he just nodded and turned around.

Pagkarating ko sa bahay, agad na akong nag-lock ng kwarto, nag-ayos ng aking maleta at mga gamit na pwede kong dalhin, ilang beses pa akong umiyak dahil ang dami kong dress at sapatos na maiiwan dahil 'di kasya sa maleta ko. Tatlong maleta ang nalagyan ko ng gamit, dapat ay bumili pa ako ng anim para sana madala ko. Gosh.

Nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto, nagmadali kong tinulak ang maleta sa ilalim ng kama ko, dahil sumasayad naman ang bedsheets ko sa sahig, hindi ako kinabahan na makikita ito.

I opened the door widely, "Yes?" bati ko sa kapatid ko.

"Let's eat."

"Great!" sagot ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto, isinarado ito at ikinawit ang aking braso sa kanya.

"What's wrong, Autumn?"

"Hmm? Ano ba ang problema?"

"Your actions."

"Guni-guni mo lang siguro, Kuya."

"Sana..." makahulugang sabi niya.

Nang makarating na ako sa baba, laking gulat ko nang makita ang halos lahat ng kamag-anak ko. They all greeted me with smile on their faces, pansin ko na wala na rin ang mga armadong mga lalaki.

"What happened?" nagtatakang tanong ko. Parang noong isang araw lang ay gusto na nilang makipagpatayan. What's with this Christmas like ambiance?

"We just got the previous survey, lamang na tayong mga Olbes. Nadawit ang mga Arellano nitong nakaraang linggo sa isa na namang eskandalo sa isang probinsiya." Balita ni Tita Mirabel.

What issue again? Pero nawala ang katanungan ko nang marinig ang tawanan ng pamilya ko. Even my grandfather and my parents, nawala iyong stress sa mga mukha nila.

Kuya Wynter pressed my shoulders. "You should be happy with us, pamilya tayo, Autumn."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Kuya, of course, sila iyong pamilya ko. Pero-hindi ko matuloy ang iniisip ko, nahihirapan akong huminga, lalong sumisikip ang dibdib ko.

Inagaw ako ni Kaden kay Kuya at inikot niya ako dahil sa sobrang tuwa, dahil ako ang bunso at nag-iisang babaeng apo, mas madalas ay ginaganito nila ako. Gusto ko na lang maiyak...

Magtatanan na ako... iiwan ko ba talaga sila? But I love Wayto so much...

Sobrang init ng salo-salo ng buong pamilya ng Olbes ng araw na iyon, na parang naramdaman ko ang pasko, puno ng pagmamahalan at malasakit sa isa't-isa. We talked about our previous reunions, the funny moments, the unforgettable past and such na parang wala kaming problema.

Wala akong ginawa kundi maging masaya at tumawa ng gabing iyon. That I thought of not coming with Wayto...

But I was too in love with him, too in love that I neglected my own family twice na siyang pinagsisihan ko.

I was half-running, with my ruined make-up, sweats and aching feet, I even left my luggage just to come on time, para tumupad sa pangakong sinumpaan namin.

Magtatanan kami, iiwan na namin ang nagkakagulong pamilya namin. We will live happily after, away from war, away from conflicts and away from this political idiocy.

I thought he was my prince...

But he's not...

He's a villain...

The huge crowd chanted their name, the name I would despise forever.

"Arellano! Arellano!"

The basketball court was filled with Arellano's supporters as they watched and listened to Wayto, who was having his speech against my family. Wearing a shirt with Arellano's name, malayo sa suot ng lalaking makikipagtanan.

"Olbes family is a huge farce."

My tears flow like a river and cursed myself not to let it fall again for him... not again Arellano... not again...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro