Chapter 42
Chapter 42
Apology
I was nervous as hell, parang ngayon lang rumehistro sa akin ang lahat ng mga salitang binitiwan sa akin ng kapatid at mga pinsan ko. This situation made me realize that I just placed half of my body on graveyard. Na nagawa ko itong iisantabi para lang makarating dito at makausap si Wayto.
I was too desperate to reach him and prove my family the mistakes of this feud, na hindi ko na nagawang mas higit na pag-isipan ang lahat. Nabulag ako sa katwiran ko, dahilan kung bakit ako naiipit ngayon.
I've realized that it was not just my life, kundi pati na rin sa mga pinsan ko at kay Kuya at nagawa ko pang idamay ang inosenteng si Aurelia.
Shit!
Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa lababo, ramdam ko ang pangangatal ng tuhod ko, ang lakas ng pintig ng puso ko at maging ang pagputla ng mukha ko habang pinagmamasdan ito sa harap ng salamin. Tanging labi ko na lang ang nanatiling may kulay, sobrang pula pa rin nito na halos namamantal na.
Napahilamos ako sa sarili ko, akma ko sanang bubuksan ang tubig nang matigil ang kamay ko sa ere. 'Di pwede.
He's outside, ang puno ng pamilyang kalaban ng pamilya ko. Our last encounter might be considered as good, kung totoo nga iyong ipinakita niya sa akin, but sure enough, an encounter right now won't make any good.
I felt my phone vibrated. Laking pasasalamat ko na tinanggal ko ang ringtone kanina. I saw the messages from my brother and cousins, they were asking for a go signal. I immediately replied to them and explained my situation, 'di pwede na basta sugod na wala pa namang gulo.
I calmed them down and beg them to stay where they were, imposible naman na may dalang baril dito si Don Arellano at bigla akong barilin kung sakaling makita niya ako rito.
Ibinalik ko sa aking bulsa ang phone ko at humakbang na ako papalapit sa pinto. I want to hear something from their conversation, baka sakaling malaman ko kung ano ang iniisip ng mga Arellano sa nangyaring engkwentro.
I should know the point of view of both parties. Paano kung may nalalaman na naman talaga sila? But just like my own family, they're already closed ears and eyes for us.
I pressed my ears harder on the door, but I couldn't hear a single word!
Nag-uusap na ba sila? I unconsciously bit my lower lip, pero napapitlag ako sa ginawa ko. I gently touched it with my fingers, Wayto kissed me too hard...
"Oh my god!" I heard Wayto's mother.
"Bakit mo tinanggal ang dextrose mo?! A-Are you out of your mind, White?" I heard harsh footsteps. "Hello? Please send us a nurse, we need assistance. Quick."
"Ano ba ang nasa isip mo, White?" tanong nito kay Wayto.
"Got tired. Ayos na naman ako." Wayto answered with no interest.
"Ayos? Can't you look at yourself? Sobrang putla mo! Anumang oras parang tutumba ka na!" hindi sumagot si Wayto.
Hindi ko na mas nabigyan ng pansin ang hitsura kanina ni Wayto, it was like our lips need our own kind of conversation.
"Kailan daw ako lalabas?" tanong ni Wayto.
"Until you finally recover." His mother answered.
"I am fine now."
"Papa! Look at your grandson!" iritadong sabi ni Mama niya.
"Any regrets, White?" I eyebrows creased, 'di ito ang inaasahan kong sasabihin ni Don Arellano. I waited for Wayto's answer, but I never heard one.
"Pa, don't ask him that right now, he's still recovering."
"Half-regretting, lolo. 'Di ko na alam. Sometimes I just want to run." What?
"You've chosen that path, hijo. No one forced you." Sagot ni Don Arellano. Hindi ko na nakukuha ang pinag-uusapa nila.
"Please... 'wag na natin itong pag-usapan sa loob ng hospital." Pagsingit ng Mama ni Wayto.
What path? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Was it related with us? The feud? Pero bakit hindi ko magawang ikonekta?
"I just want to end this, napapagod na rin ako, lolo. If I just have enough power-" ito ang unang beses na narinig kong magsalita ng ganito si Wayto. It was like he's been carrying a heavy load of something very... I couldn't name it.
"Hey, stop that. You did a good job, son." Hindi na natuloy ni Wayto ang sasabihin niya when his mother comforted him.
"No, I don't think it's good, Mom."
Kahit hindi ko mahabol ang pinag-uusapan nila, 'di ko maipaliwanag kung bakit naninikip ang dibdib ko, nararamdaman ko iyong bigat ng mga salita ni Wayto. I've met him with a happy go lucky personality, gago at walang masyadong problema kundi ang pagpili ng gagamiting kotse sa susunod na araw, 'di ko inakala na makakarinig ako ng ganito mula sa kanya.
Silence overwhelmed inside their room, pakiramdam ko ay naririnig ko na ang paghinga ko sa sobrang tahimik.
When I heard that a chair creaked, I suddenly got alarmed. Iisa lang ang pwedeng puntahan nang nanggaling sa upuan, outside or comfort room!
"Lolo! naka-lock ang pinto. I t-think... sira?" nanlaki ang mata ko at napaatras mula sa pintuan. Don Arellano's going here!
"Sira? Ano ba naman 'tong hospital na 'to? Nagbabayad tayo ng malaki tapos-" her words were cut off when I heard Aurelia's voice.
"Sir, I g-got the call. On the w-way na po ang mag-aayos ng pintuan." Halata ang pangangatal sa boses niya. Aurelia's a bad liar.
Agad naman nakuha ni Wayto ang biglang pagdating ni Aurelia. "Thanks."
Narinig ko rin na nilagyan na ulit ni Aurelia si Wayto ng dextrose. "Tawag na lang po kayo kung may kailangan pa po kayo."
"Please send someone to fix the door." Ulit ng Mama ni Wayto.
"Yes po..." sagot ni Aurelia.
Nang makalabas na si Aurelia, muntik na akong mapasigaw nang makita kong gumalaw ang doorknob.
"But the light's on, pumasok ka na ba rito, White?" tanong ng Mama niya.
"Yes, na-lock ko pala."
"Or you're hiding something behind the door, hijo?" Don Arellano asked. Para akong kakapusin ng hininga sa narinig ko.
"W-What? Ano n-naman ang itatago ko sa banyo?"
"You tell me, hijo."
"N-Nothing!" tumaas na ang boses ni Wayto.
"White, your respect!" sita ng kanyang ina.
"I am sorry."
"Lynn, go outside and tell them to open this door quick." Umawang na ang bibig ko. Nangangatal akong lumingon sa bawat sulok ng banyo kung may pagtataguan pa ako, pero wala na!
I am dead.
"Seriously? Just for a locked door? Magkakagulo pa tayo?" may kasama nang galit sa boses ni Wayto.
"I know when you're lying, hijo." Mabilis na sagot ni Don Arellano na wala man lang pag-aalinlangan. Kilalang-kilala nito ang kanyang apo.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, kinakabahan na ako sa susunod ko pang maririnig.
"Lynn-" hindi na natapos si Don Arellano dahil sa nakagigimbal na sinabi ni Wayto.
"Right! Yes! S-She's there! I am hiding an Olbes inside, happy?"
Suminghap ang Mama niya. "W-White, alam mong dahil sa- I'll call your father!"
"Don't you dare, Mom! She will leave here in peace, j-just let us talk. Lolo... please... just let us talk..." his voice was begging.
"Come out." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Don Arellano.
"No need. Just leave us alone for a minute."
"Come out."
"Lolo! She will not-" sa nangangatal kong kamay ay binuksan ko ang pintuan. Pilit kong itinago ang matinding takot at kaba habang nakataas ang aking noo.
Wayto's mother showed unpleasant welcome after seeing me, but Don Arellano remained passive.
"Why are you here, hija? Do you know what's the situation right now?" huminga ako nang malalim at mas sinalubong ko ang mga mata ni Don Arellano.
"I am here to tell him that it wasn't us. Hindi po sa amin galing ang balang bumaril sa apo n'yo, hindi sa amin galing ang unang putok ng baril. Someone's framing us up, someone's trying to light up the fire at gusto tayong magpatayan. I just want to tell you that we shouldn't let ourselves be their puppet."
Don Arellano's lips curved, na parang may nakawiwiling bagay siyang narinig sa akin. I was expecting a confusion look or even a conflicted one.
"Did you tell it to your own family?"
Umawang ang bibig ko sa katanungan ni Don Arellano na parang nababasa nito ang pag-aalinlangan ko sa mga sinabi ko.
"Tell those words to us again, if your own family can already see worth on your words. Lynn, let's go."
Hindi na ako hinitay nitong sumagot dahil tumalikod na siya sa akin at hindi man gusto ng Mama ni Wayto na umalis ay wala itong magagawa. Don Arellano's always the superior.
Ilang minuto akong napatulala sa nagsaradong pintuan. W-What was that all about? H-Hinayaan na lang ba talaga nila ako rito? O anumang oras ay may iba nang Arellano ang dadating para sa akin?
Should I now call my brother and cousins for him?
Sa isang iglap ay naiwan kaming dalawa ni Wayto. He's still sitting on his bed, staring at me... like he's in some sort of conflicted choices.
"W-Wayto... what now?"
"Come here..." ibinuka niya ang mga braso niya para sa akin. Kusang sumampa ang buong katawan ko sa kama at niyakap ko siya. He embraced me too tight, ramdam ko ang paulit-ulit niyang halik sa ibabaw ng ulo ko.
"What's wrong with our family, Autumn?" humigpit lang ang yakap ko sa kanya. Umiling na ako sa kanya, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Sobrang gulo na at kung iisipin ang salitang pag-aayos ang huling mangyayari sa pagitan ng mga pamilya namin.
"I'm sorry for what I've said before... you know that I love you... sobra..." humikbi na ako sa dibdib niya. Bumalik na naman ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.
Sobrang sakit...
Ramdam ko na mas humigpit ang yakap niya sa akin. "I love you so much... that I couldn't stand with my own decision to hurt you and let you push me away..." napakuyom ang mga kamay ko sa damit niya.
I could feel the pain on his words. "Selos na selos na selos ako...sabi ko sa sarili ko, ayaw ko na. Tang ina, ayaw ko na. Babalik na ako, magpatayan na sila. Babalik na ako... akin ka lang... akin ka lang... Autumn..." naghihimutok na sabi niya.
Tinanggal ni Wayto ang pagkakayakap niya sa akin at sinalubong niya ang mga mata ko. He was about to pull his dextrose again when I stopped him. He wanted to touch me so freely, pero dahil dito ay hindi niya magawa.
Yumakap ang isang braso niya sa bewang ko at mas kinabig ako, ramdam ko ang mabigat niyang paghinga sa tenga ko.
"I love you... I'm sorry..."
Parang may kung anong pumiga sa puso ko sa sobrang lambot ng pagkakasabi niya. I could feel it, ramdam na ramdam ko.
"I'm sorry for hurting you..." hindi ko na napigil ang sarili ko, sumandal na ako sa balikat niya at dito humagulhol ng pag-iyak.
"Sobrang sakit ng sinabi mo, Wayto..."
"That's why I'm sorry..." hindi ko na siya napigilan, tinanggal niya ulit ang kanyang dextrose.
He cupped my face, his face lowered and when he's about to claim my lips I made a swift move. Kahit umiwas ako, nanatiling magkalapit ang mukha namin. "I'm sorry..."
Mas lumambot pa ang boses niya. "I'm sorry..."
Hahalik sana ulit siya nang umiwas pa akong lalo. "Autumn, I'm sorry..." pahina na nang pahina ang boses ni Wayto.
Mas lalo akong nanlalambot, mas lalong natutunaw itong puso ko. God, I am so in love with this man. Pinunasan ko ang luha ko, inagaw ni Wayto ang kamay na ginagamit ko sa pagpunas ng mukha ko at pinalitan niya ito ng kanyang labi.
"I'm sorry..."
Nang sumubok ulit si Wayto ng halik, tinakpan ko na ang labi niya. "M-Masakit pa..."
"I know... kaya paulit-ulit akong humihingi ng tawad..." umiling ako sa kanya. I wanted his kisses so badly, pero alam kong may limitasyon ang labi ko.
"I-I mean my lips..."
Natigilan si Wayto, hinawakan niya ang baba ko at mas inangat niya ang mukha ko. Few of his fingers carefully traced my lips.
"Pumantal..." he whispered, and I slowly nodded.
Akala ko ay titigil siya, but Wayto gave me a kiss on the side of my lips. And then he whispered, "Gandang babae... magtanan na tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro