Chapter 41
Chapter 41
Visitor
Pabalik-balik ang lakad ko sa aking kwarto habang hindi mapakali kung ano ang dapat gawin o isipin.
Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong natatanggap na kahit anong balita tungkol kay Wayto. Pinutol lahat ang komunikasyon ko sa labas.
Wala na rin akong balita kung ano na ang nangyari matapos ang engkwentro. Pinagpipiyestahan na ba ng media ang pamilya namin? Nagkakagulo na ba sa Enamel? O baka naman may sumunod pang engkwentro?
Halos mangatal ang buo kong katawan sa mga naiisip ko na hindi malayong mangyari. I've witnessed it, at hindi ito imposibleng mangyari ulit.
I went to check my doorknob again, hoping that someone missed to lock it, pero halos mapasigaw ako sa pagkairita nang hindi ko na naman ito mabuksan.
My family locked me inside my own room, pinilit ni Mama na hindi pumayag, but my damn traitor brother, Kaden and Lonzo insisted. Sinabi ng mga ito ang gagawin ko na siyang nagpawindang sa lahat.
I raised my concern, alam na nilang hindi sa amin ang unang putok ng bala. Our family didn't intend to flick a war, pero may taong gustong-gusto kaming magpatayan. To fight the Arellano means we're pleasing that fucking third party.
And are we going to let it that way? Na may manggamit sa amin?
All I want for them was understand the value of communication! Kasi kahit kailan ay hindi magkakaintindihan ang mga pamilya namin kung sa halip na bibig ay nguso ng baril ang itinatapat sa isa't-isa.
Buong akala ko ay pakikinggan ako ng buong pamilya ko, pero matagal nang sarado ang isipan ng mga ito sa pangalang Arellano.
Malakas kong kinatok ang pintuan ng kwarto ko. "Open the door! Please!"
Nakailang sigaw ako pero katulad pa rin ng dati, walang nagbubukas sa akin. Kung may papasok man ay bibigyan lang ako ng pagkain. Para na akong preso sa sarili kong pamamahay!
"J-Just tell me what's happening? Mababaliw na ako rito habang iniisip ang nangyayari sa labas. I am an Olbes too..." nangangatal ang boses ko habang nakahawak ako sa pintuan.
Nanghina ang tuhod ko hanggang mapasalampak ako sa malamig na sahig. Nasapo ko ang aking mukha at muli akong humagulhol ng pag-iyak.
B-Bakit kailangang maipit kami sa ganitong sitwasyon?
**
Kinabukasan laking gulat ko nang hindi na naka-lock ang pintuan ng kwarto ko. I was hesitant at first to take my few steps, pero nang makasalubong ko si Kuya na mukhang papunta sa kwarto ko, nakumpirma kong sinadya na nilang buksan ang pinto.
"Lolo's here." Maiksing salita pero punong-puno ng kahulugan. Bumalik ako sa kwarto ko at inayos muna ang aking sarili.
Pababa pa lang ako ng hagdan pero ang kaba sa dibdib ko mas lalong nagwala, lalo nang makitang ang daming naka-unipormadong lalaking nakaitim na may dalang malalaking baril. Ang ilan sa kanila ay kausap ng mga tiyuhin ko na saglit lang sumulyap sa akin, napansin ko rin ang iba ko pang mga pinsan na mukhang mga matagal nang dumating.
I went directly to the dining area, 'di ako nabigo, sumalubong sa akin ang mga magulang ko, si Kuya, si Kaden, Lonzo at si lolo. I silently sat on the last unoccupied chair.
"Anak, we're planning to send you out of the country." Panimula ni Mama. Hindi na ako nagulat.
"W-Why?"
"Dahil delikado na sa'yo ang manatili sa Pilipinas."
"So, aalis din si Kuya? Aalis din si Kaden at Lonzo? Pati 'yong mga pinsan ko sa labas?"
Hindi sila nakasagot sa akin. "B-Bakit ako lang? Paano ang pag-aaral ko?"
"Sabihin mo, paano si Arellano? For pete sake! Autumn, itinulak ka na ng Arellano na 'yon! Tumigil ka na! Kung tumino ka, hindi ka namin itatapon sa ibang bansa! Hindi ka namin ikukulong!" asik na sagot ni Kuya.
"You mean, keep myself blind? Allow my own family to fight for stupidity? Ikaw na rin ang nagsabi na 'di galing sa atin ang unang putok! I told you, we need damn communication! Look outside! Hindi na normal ang buhay natin, puro baril! Lagi tayong kabado! Lagi tayong alerto! Enamel is our home, yet we couldn't breathe well..." umiyak na naman ako sa harap nila.
Hindi ako pwedeng umalis ng bansa, lalo na at ako na lang ang nakakakita ng sagot sa gulong ito. It wasn't just about my damn conflicted love with Wayto, kung mayroon pa ba talaga. But all I want is peace, kung aalis ako? Kailan ako babalik? Kapag okay na? Kailan 'yon?
"Tell me, how are you going to communicate with them, Autumn? Through the young Arellano?" biglang tanong ni lolo na nakapagpatahimik sa amin.
Hindi ako sigurado kung makikinig sa akin si Wayto, but I want to try again. Gusto kong linisin ang pangalan ng pamilya ko. I want to give this a shot. 'Di dapat puro sa amin ang sisi, dahil inosente ang pamilya ko.
"How? He's half-dead, hindi pa rin siya gumigising." Para akong sinaksak ng sarili kong kapatid sa narinig mula sa kanya.
"N-No..."
"That's why we've been locking you, dahil alam ko na pupunta ka sa kanya. And you're willing to risk yourself just to see him. Mainit ang mata ng mga Arellano sa atin, once an Olbes is on sight, automatically shoot to kill."
"W-What?!" halos sigaw na sabi ko. "G-Ganito na ba talaga kalala?"
Hindi na sila makasagot sa akin. Kumuyom ang mga kamay ko, habang nakakulong ako sa kwarto ganito na pala ang nangyayari sa labas, anumang oras ay may Olbes na bigla na lang mababaril, Wayto's still-
Pinunasan ko ulit ang luha ko. I want to see him badly...
"Please, let me... just allow me to wait for him to wake up... kakausapin ko siya. 'Di pwede na ganito tayo? Nakikita n'yo ba ang sitwasyon natin? This is worst! Magkakaubusan tayo ng lahi!"
"Edi, magkaubusan! Mga tang ina sila!" malutong na sabi ni Kaden. Mabilis na sumang-ayon si Kuya at Lonzo. Si Mama ay umiiyak na rin habang inaalo siya ni Papa.
"Allow her." Marahas napalingon ang lahat sa sinabi ni lolo.
"What the hell!" hindi makapaniwalang sabi ni Kuya.
"Lolo! Papatayin siya ng mga Arellano sa sandaling makita siya." Sabi ni Lonzo na may pagturo pa sa akin.
"I am not going to allow her, ako pa rin ang ama mo, Autumn. Dito ka lamang!" sabat ni Papa.
Tumayo na si lolo at nagsimula siyang maglakad patungo sa bintana. Humarap siya rito habang nasa likuran niya ang dalawa niyang kamay.
"She reminds me of your late grandmother, sobrang tigas din ng ulo niya."
"This is not the best time to compare her with grandmother, this is foolish, lolo! Alam natin na 'di magdadalawang isip ang mga Arellano kapag may isang Olbes na naligaw malapit sa kanila."
"They will not see me!"
Bumuntong-hininga si lolo. "Just give her what she wants. Wala nang ikukulong, pero sa sandaling bumalik ka rito at walang nangyari, susundin mo ang lahat ng sasabihin ko."
Mariin akong tumango kay lolo. "It's settled then. Infiltrate the hospital and don't get killed."
**
Ilang araw muli ang lumipas bago kami nakarinig ng balita na gising na raw si Wayto. Halos maiyak ako sa tuwa nang marinig iyon, I'm glad he's safe. Dalawang araw ang hinintay ko simula nang magising siya nang sabihin sa akin ni Aurelia na nagsisimula nang tumanggap ng bisita.
The security's still tight, pero magagawan ito ng paraan kung alam namin ang galaw ng mga tao sa loob.
"Autumn, I want to graduate." Kinakabahang sabi ni Aurelia habang nag-aabot ng uniform sa akin.
"You will." Sabay na sagot ni Lonzo at Kaden sa unahan ng sasakyan. 'Di rin sila nakatiis, dahil sinamahan na nila ako. Tulad ko ay magsusuot din sila ng nurse uniform. Malaki ang hospital na siyang naging tulong sa amin. Habang si Kuya naman ay naka-park sa labas gamit ang ibang kotse, na siyang aabang sa amin kapag lalabas na kami.
Civilian kami nang pumasok sa hospital, sa restroom na kami nagpalit ng uniform. Sinabayan ako ni Aurelia sa paglalakad habang nakasunod sa amin ang dalawa kong pinsan.
"Mabilis lang siya magpadalaw, hindi pa tumatagal ng five minutes ay lumalabas na iyong dumadalaw sa kanya." Tumango ako sa sinabi ni Aurelia.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng ginagawa kong ito. But I should give this a shot, bago ko pa ito pagsisihan.
"Today he instructed that no visitors allowed. That's why this is the best opportunity to talk with him. Ako ang magra-rounds ngayon, mamayang hapon na ulit ang sunod."
"P-Paano ang bantay niya?"
"Wala siyang bantay ngayon, pinalabas niya rin, kagabi pa."
"Pero paano siya nagagalaw?"
"Nakakatayo na siya, kahit hindi pa ina-advise ng doktor. He's been forcing himself."
Inabala ko ang sarili ko sa pagtatanong ng sitwasyon ni Wayto sa akalang matatanggal ang kaba sa dibdib ko. But I was wrong, dahil ngayong nasa harap na ako ng pintuan, para na akong hihimatayin sa kaba.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago ko unti-unting binuksan ang pintuan.
And he's there, standing in front of the window, silently looking outside with a metal stand and dextrose attached on him. Dwight Alcerous Arellano.
The enemy's favorite grandson, the man who pushed me away, the man who wounded me like hell--- the man I loved the most.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang marahang isinasara ang pintuan na siyang nasa likuran ko. Hindi man lang siya lumingon kahit alam kong rinig niyang may pumasok.
"Nurse, how many times do I have to tell-" 'di ko na siya hinayaang makatapos.
"W-Wayto..." my voice just broke.
Halos matumba ang stand na nasa tagiliran niya dahil sa biglaan niyang pagharap sa akin. He was too dumbfounded that I could see how his mouth fell half open, his eyes widened and he's out of words to say.
Isang minuto kaming nagtitigan lang ni Wayto, ako na kaunti na lang ay iiyak na naman at siya na halos 'di makapaniwala sa nakikita. Pero nang sandaling makabawi si Wayto, mabilis niyang ibinaba ang blinds ng bintana.
"Lock the door."
Hindi agad ako makagalaw. "Lock the door, Autumn!"
Tatalikod na sana ako para sundin ang sinabi niya pero 'di na siya nakapaghintay, marahas niyang tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanya at lakad takbo siya para makarating sa pintuan.
He immediately locked it, napasandal siya rito at napahinga nang maluwag.
"What are you doing here, Autumn?"
Bumuka ang bibig ko para sabihin ang mga ipinangako kong sasabihin, pero walang lumabas dahil naunahan na ito ng luha ko. God, he's safe! Gising na talaga siya...
"W-Wayto..."
Napailing na siya na parang wala na siyang pagpipilian. It happened fast, unbelievable, unexpected... but I am claiming it.
Wayto's hand were cupping both of my cheeks as his lips hovered mine with intense hunger.
"W-What are you doing here?" ulit niya bago niya akong muling siniil ng halik. Umiiyak na ako habang dama ang labi niya.
"Tell me... what are you doing here?" tanong niya ulit habang magkadikit ang noo namin. He doubled his effort at mas yumuko siya, nang 'di siya makarinig nang sagot sa akin ay muli niya akong nilunod ng halik.
He drowned me with his kisses as he pushed me on the wal. "What are you doing here?"
Paghikbi lang ang nagawa ko. Napamura siya nang mas marinig ito, we ended up kissing each other, halos iyong halikan na lang namin ang narinig ko sa loob ng kwarto.
We were out of breath when our lips parted. "Sobrang tigas ng ulo mo, Autumn."
"Were you hurt? 'Di ka ba tinamaan sa engkwentro?" umiling ako.
"Tell me what's happening, Wayto. I will give you chance, 'wag na tayong gumaya sa kanila. This is wrong, 'di sa amin galing ang unang putok. 'Di galing sa amin ang tumama sa'yo. Are you doing this to save me? You're not saving me, Wayto... sinasaktan mo ako."
Sa halip na sumagot siya sa akin muli niya akong pinaulanan ng halik. Tanggap lang ako nang tanggap, I missed him so much and it's hurts so much na hindi ko na talaga alam ang mangyayari sa amin.
Marahan kong itinulak ang dibdib niya para matapos ang halikan namin, pero sa pagkakataong ito ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Are they threatening you? Tell me..."
"You need to go, Autumn."
Magsasalita pa sana ako nang kapwa kami natigilan ni Wayto sa narinig namin sa labas.
"White, anak, your lolo's here. Saglit lang kami, please, honey?" malambing na sabi ng Mama ni Wayto.
Wayto immediately pulled me inside the comfort room. Iniwan niya ako rito bago siya sumagot. "Ma, I want to rest... please..."
"White, open the door." Nanlamig ako nang marinig ang boses ni Don Arellano. Nagmadali ulit pumasok ng banyo si Wayto, 'di na siya mapakali.
Ilang hakbang ang ginawa niya bago niya ako maabot at saka mariing hinalikan. "Don't come out."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro