Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40

Ambush

I shouldn't let myself felt this way, because I promised to myself not to let him inside my system again. Kasi siya 'yong unang umayaw, siya ang nagtulak sa akin palayo, siya ang sumuko o tamang tanggapin na ginamit lang talaga ako.

He's the enemy and his whole family.

Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako aasa o maniniwala sa kanya. Kakalimutan ko na siya, kasi sawang-sawa na akong makaramdam ng sakit, sakit na kahit anong gawin ko hindi matanggal 'yong kirot. Hindi ko maaaring ihingi ng tulong o lalong pwedeng iinom ng gamot.

Wala akong pagpipilian kundi damhin 'yong sakit.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo yatang bumagal ang takbo ng float na sinasakyan namin, nangangatal ang aking kanang kamay na naglahad sa ere habang nakikita ang maliliit na butil na nakapagpapaaalala sa akin sa lahat ng pinagsamahan namin.

What's this? Why Wayto? Bakit hindi mo na lang ako patahimikin? Kasi aasa na naman ako... magbabakasakali na naman ako...

"Payungan mo 'ko... ayoko nito..." mahinang bulong ko.

Rinig ko ang pagbubukas ni Kito ng payong, pero hindi pa man nagtatagal ay biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Inabutan na kami, hinawakan ko ang kamay ni Kito at dahan-dahan kong ibinaba ang payong.

Pumikit ako at dinama ang ulan, kung pwede lang sanang dalhin ng tubig ang lahat ng sakit...

Wala na akong pakielam kung mabasa na akong tuluyan at kung ilang minuto pa ang itatagal namin bago makarating sa kabihasnan ng Enamel.

Hahayaan kong masaksihan ng dulong parte ng Enamel ang huling pag-iyak ko.

"Autumn..." akma sanang itataas muli ni Kito ang payong nang lahat kami ay biglang napayuko.

Agad nakalapit si Kito at yumakap sa akin para protektahan ako, nakalapit na rin sa akin ang dalawa kong pinsan na walang tigil sa pagmumura, nakayuko na rin si Lato maging ang mga kamag-anak namin na kasama sa float.

"W-Was that a gunshot?" nangangatal na tanong ko.

Hindi pa man nakakasagot ang mga kamag-anak ko ay nagtuloy ang sunod-sunod na putok ng baril.

Saan galing ang putok ng baril?

"Tang ina! May umaatake sa float ng mga Arellano! Alerto!" sigaw ng isa sa mga tiyuhin ko.

Kalalampas lang ng float ni Wayto...

Hindi ko alam kung saang lakas pa ako kumuha, dahil marahas pa akong nakawala sa yakap ni Kito at tumakbo ako sa dulo ng aming float para makita ang kasalukuyang nangyayari sa float ng mga Arellano.

"Autumn! Aatake ang mga iyan sa atin!" sigaw sa akin ni Kaden. Rinig ko ang mabilis niyang pagtakbo para makarating sa akin.

Kasalukuyang nakikipagpalitan ng putok ang mga Arellano sa mga nakatagong kalaban sa kakahuyan na siyang nasa makabilang panig ng daan.

"W-What's happening?"

"Autumn, let's go!" sinasalag ko ang kanyang kamay habang patuloy ako sa panunuod sa pakikipagpalitan ng putok ng mga Arellano.

I couldn't see him. Nasaan siya?!

"Fucking drive the float! Madadamay tayo!" sigaw ni Kaden habang pilit akong hinihila ni Kaden papalayo sa likuran ng float.

"B-Bakit may umaatake sa kanila?! That's fucking ambush!" nagtuluan na ang mga luha ko kasabay nang malakas na ulan.

"Hindi sa atin galing iyan!" sigaw sa akin Kaden. Marahas niya akong binuhat habang nagwawala ako para ibaba niya.

"S-Sino? Saan galing!?"

Hindi pa man ako nasasagot ni Kaden nang makarinig kami ng panibagong putok ng baril.

"Putang ina! Inaatake tayo ng mga Arellano!" sigaw ng isa sa mga tiyuhin ko mula sa kabilang float.

Marahas akong itinulak ni Kaden kay Kito. "Your family is not part of this. J-Just please protect her."

Nanlaki ang mga mata ko nang naglabas ng baril si Kaden at Lonzo, pansin ko na maging ang mga kamag-anak namin na kasama sa aming float ay kapwa na rin naglabas nito.

"W-What's going on? H-Hindi naman sa atin galing ang unang putok! This is a trap! They wanted us to kill each other!"

Pero walang gustong makinig sa akin, dalhin isa-isa nang bumaba sa float ang lahat ng mga lalaking Olbes na may dalang mga baril.

Humigpit ang yakap sa akin ni Kito, basang-basa na kami ng malakas na ulan, patuloy ang pagpapalitan ng putok ng baril, kumuyom ang mga kamay ko habang lumuluha sa dibdib ni Kito.

Wala na ba talagang pag-asa ang dalawang pamilyang ito?

Sa bawat putok ng baril at sa paglipas ng bawat minuto, isa sa mga kamag-anak ko ang sumisigaw para ipaalam kung sino ang may tama na ng bala.

Natatakot ako...

Nang marinig kong tinamaan sa hita at binti si Kaden at Lonzo na siyang isinigaw ni Kuya, halos magwala na ako sa yakap ni Kito.

"Shh..." pilit akong pinakakalma ni Kito habang seryosong nakikinig ng putukan ng baril si Lato na may nakakuyom na mga kamao.

"How I hate the politics in this province." Bulong nito.

Nagpatuloy ang putukan at pilit akong nagdarasag na walang mamamatay sa aming pamilya, pero rinig kong marami ng sugatan. Nagsisimula nang umaandar paalis ang mga unang float, walang tigil si Kito sa pagbulong sa akin na matatapos din ang lahat ng ito.

But what made my whole body suddenly felt numb was the announcement of my brother. White Arellano was shot, and the Arellano clan was retreating. Napuno ng sigawan ang iba't-ibang float ng buong pamilya ng Olbes.

Sa kabila ng kasiyahan nila, ramdam kong para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

I want him killed nang saktan niya ako, I want to hurt him like hell. Pero ngayong narinig ko, parang ako mismo iyong tinamaan ng bala.

'Di ko napigilan ang sarili kong mapahagulhol at di alintana ang sasabihin ng angkan ko.

Gusto kong tumakbo patungo sa kanya, pero alam kong itutulak niya lamang ako. This was a clear sight, galing sa amin ang putok ng baril. Isa sa kapamilya ko ang bumaril sa kanya.

Sobrang lalim pala talaga ng alitan ng dalawang pamilyang ito at ang isiping magkakaayos ito dahil sa pagmamahalan ay isang malaking kalokohan.

Ilang taon na mula ng nagkaroon ng huling engkwentro ang mga Arellano at Olbes sa probinsiya ng Enamel, bata pa lang ako noon at hindi ko akalaing aktwal ko itong masasaksihan ngayon.

And the magic? The Philippine news never had any touch of this incident, dahil kayang-kaya itong bayaran ng dalawang pamilyang nagpapatayan. It's like they wanted to play the law by themselves, sa pamamagitan ng pag-ubos ng kanilang mga kalabang lahi.

Hindi nagsalita si Kito o si Lato habang wala akong tigil sa pag-iyak, sa pagkakataong ito kasama na ni Lonzo at Kaden si Kuya sa aming float. Both of them got minor shot, si Kuya ay hindi man lang nagkatama.

"There's a fucking foul play. 'Di sa atin galing ang unang putok ng baril at 'di galing sa atin ang tumama kay Arellano."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Kuya. "I just claimed the hit, para tumigil na rin ang kampo natin. Mas sugatan tayo sa kanila, tinamaan lang si Arellano. Kaya umatras sila."

"S-Saan tumama?" nangangatal na tanong ko.

"I don't know. Pero 'di sila tatakbo kung simpleng tama lang ang natanggap niya."

Wala na akong pakielam kay Kuya, sa mga pinsan ko at sa mga Samonte, humikbi na ako sa harap nila.

"I want to see him. I will tell him na h-hindi sa atin galing ang unang putok. All we did was self-defense!" suminghap si Kuya sa sinabi ko at napahilamos siya sa kanyang sarili.

Kapwa nakakunot ang noo ni Lonzo at Kaden sa akin. "Sa tingin mo ba ay maniniwala siya sa'yo?! Tang ina naman, Autumn! Hindi mo pa rin ba nakikita? Impossible kayong magkatuluyan! Sobrang gulo ng mga pamilya natin!"

"Gano'n na lang? Habang-buhay na lang natin paulit-ulitin ang ganitong engkwentro? Na kapag may isang bagay na hindi magandang nangyari sa isang pamilya 'yong kalabang pamilya na agad ang sisisihin! Kuya, ikaw na rin ang nagsabi! H-Hindi sa atin galing ang unang putok ng baril!" angil ko.

"Isa kang malaking tanga kung aasa ka na sa simpleng paliwanag makikinig ang mga Arellano! They are the enemies and it will stay that way."

"I will tell him, I will explain." Paulit-ulit na sabi ko.

Sa unang pagkakataon ay pinagmasdan ako ng mga mata ng aking kapatid na punong-puno ng galit, akma itong lalapit sa akin na parang sasampalin ako, pero mabilis nakayakap sa akin si Kito habang pigil naman siya ni Kaden at Lonzo.

"Ano pupunta ka na naman sa mga Arellano?! Hindi ka na nadadala! Paano kung hindi ka na makalabas ng buhay? Mainit na ang mata nila sa atin!"

Nakarating kami sa compound naming mga Olbes, hindi na ako nakihalubilo sa kanilang lahat, hindi ko na rin nagawang makapagpaalam kay Kito at Lato. Tumakbo na ako sa aking silid at dito hinayaan ang sarili kong malunod sa pag-iyak.

May nasa likod ng lahat ng ito. I've witnessed how the Arellano's welcomed me, ramdam ko man ang hindi nila pagkagusto sa akin, saksi ako kung paano nila nirerespeto ang pagmamahal sa akin ni Wayto. I saw the genuine glimpse of Don Arellano's eyes habang pinagmamasdan niya kami ni Wayto.

May tao sa likod nito, gusto nila kaming magpatayan habang masaya silang nanunuod. At kung imposibleng magkaroon ng pag-uusap o koneksyon ang dalawang pamilya, maaaring kaming dalawa ni Wayto ito.

We shouldn't let someone play with us. Ginagawang tuta ang mga pamilya namin, ginagamit nila ang galit sa isa't-isa ng dalawang pamilya para masunod ang kagustuhan nila.

Pero para saan? Ano ang mapapala nila sa pagpapatayan ng dalawang pamilya? Mayroon pa bang pamilya sa Enamel ay may malaking interes sa politika? Sa tagal ng panahon ay tanging ang dalawang pamilyan ito lang ang nag-aagawan sa pwesto.

Sino ang mga taong ito?

Wala na akong pakielam sa basang-basa kong damit, sa nangangatal kong katawan na nagsisimula nang makaramdam ng lamig, sa ingay na nagmumula sa labas at paulit-ulit na putok ng baril na umiikot sa isipan ko.

Saan ba nagsimula ito? Bakit ba magkalaban ang pamilya namin? Wayto never mentioned it before, alam kong sinabi sa kanya ni Don Ferell...

Wala sa sarili kong kinapa ang phone ko, napamura ako nang makitang hindi na ito nabubuhay. Marahas ko itong inihagis at muli akong umiyak!

I told to myself that I was fine, I won't be affected no matter what happens, kahit makita ko siya o subukan niya akong kausapin. Kasi sinaktan niya na ako, but after this incident... iyong kaalaman na ako lang ang may alam, hahayaan ko pa ba na pangunahan iyong galit ko?

All we need was communication.

"Wayto..." nanghihina akong nagpunta sa lamesa ko para kunin ang isa ko pang telepono. Dialed someone close to him, na alam kong hindi ako pagbabaan ng telepono.

I waited for him to pick-up the phone. "Hello?" nagtataka ang boses niya.

My voice broke. "N-Nero... Wayto was shot... wala akong balita... siguradong ikukulong ako rito. I just want to know what's his situation."

"W-What?" narinig ko ang pagkakagulo sa kabilang linya.

"Nagkaroon ng engkwentro ang mga pamilya namin-he was shot, g-gusto ko lang ng balita. Please..."

"Alright. Saang hospital?"

"I don't know, but he was severely injured. Siguradong dadalhin siya sa pinakamalapit na hospital."

"I'll call you."

Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kanya, dahil pinatay na niya ang tawag. I hope he's safe... please let him survive...

Sobra niya akong sinaktan, pero kapag may nangyaring masama sa kanya... mas masasaktan ako. I thought I was healing... pero isang sulyap ko lang sa kanya... para akong baliw na gusto magtanong sa kanya ng bakit...

Nakarinig ako ng pagkatok sa aking pintuan. I never answered, but my mother had the key kaya nabuksan niya rin ako. We never talked about the incident, at hinayaan niya akong tulungang ayusin ang sarili ko. Halos siya na rin ang nagpaligo sa akin, kulang na lang ay siya na rin ang nagbihis sa akin.

She was combing my hair when my tears betrayed me again.

"Wala e... Ma... mahal ko talaga..." ilang beses kong hinampas ang dibdib ko habang nakaharap sa salamin.

"Mahal ko talaga... 'di ko maturuan... parang sasabog 'yong puso ko nang sumigaw si Kuya na tinamaan siya... para akong mamamatay... akala ko ayos na 'ko, hindi pa pala..."

My mother embraced me from the back. "I'm sorry, anak..."

Hindi ako nakatulog mag-isa, dahil 'di ako iniwan ni Mama hanggang akala niyang tulog na ako. Nang sandaling isarado niya ang pintuan ay agad kong inabot ang aking telepono.

Huli na nang maalala kong may isa pang tao na maaari akong bigyan ng sagot. I called her and waited for her to pick-up the phone. Nagdadasal ako na sana ay shift niya ngayon, her OJT.

"Autumn..." tawag niya sa pangalan ko.

"Nandyan ba siya?"

"Yes..." mahinang sagot ni Aurelia. Nasapo ko ang aking bibig at muli akong napahikbi.

"K-Kumusta na siya?"

"Operating room..."

"W-Will he survive?" natahimik ang kabilang linya.

"Aurelia..."

"I can't tell yet, I'm sorry, Autumn."

"G-Gusto ko siyang makita..."

"The Arellanos will not allow you, the security's tight. Ang dami ring bantay sa labas."

"Aurelia, please..."

"Baka 'di ako maka-graduate, Autumn..." tumango ako na parang kaharap ko lang siya.

"Sorry... at salamat na rin, Aurelia... pwede ba akong tumawag ulit?" narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"I'll help you. Sa sandaling dalhin siya sa recovery room. You can sneak into his room with my uniform."

"Thank you..." nagpaalam na si Aurelia sa akin at ibinaba ko na ang aking telepono.

This will be my last shot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro