Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4

Intsik

Isa sa pinaka-interesanteng bagay na nalaman ko ngayong gabi ay ang kahinaan ni Wayto. Tears of a woman.

Hindi ko akalaing bigla siyang matutuliro nang mapaluha ako sa pagsigaw niya. I didn't intend to cry but I was just a bit shocked.

Pinaka-ayaw ko nang sinigawan ako. Gago siya, sobrang gago.

Nakakailang irap na ako habang hindi ko pa rin pinapansin si Wayto, hindi na ako masyadong galit pero syempre gusto ko siyang mahirapan.

"Olbes talk to me," nanatili akong nakaupong nakatalikod sa kanya. Still pretending to be hurt.

"Olbes.." nakangisi na ako habang sunod-sunod ang pagtawag niya sa akin.

Dahil hindi niya na naman nakikita ang mukha ko, nagkunwari akong nagpupunas ng luha.

"Olbes.." mas lalo nang lumalambot ang pagtawag niya sa akin.

As if naman malalambing niya ako? Hindi niya ako madadala sa gago moves niya. Of course, he'll do everything to poison me.

Matatalo ang unang malalason sa amin at hindi ako masasabing Olbes kung magpapadala ako sa mga gago moves nitong si Wayto.

"Olbes, do you want something?" tanong niya sa akin.

Dahil nakaka-stress maging pabebe humarap na ako sa kanya. Pero bago ako humarap kay Wayto ay agad kong binago ang ekspresyon ko.

Something like a weak girl, gross. Come on, you can do it Autumn. Hindi lang mansanas ang nakakalason, isang Olbes rin.

"Wayto, wag mo na ulit. I hate loud voice." I tried to lower my head and make my fingers play with each other. Yung ginagawa ng mga inosenteng bata sa tv kapag na-iinterview dahil naabuso.

Parang ako lang, inosenteng Olbes kaharap ang Arellanong abusado.

"Hey, I said I'm sorry. Sorry na Olbes. What do you want?" Hinawakan ng isang kamay niya ang kamay ko at marahang hinawi ng isa ang aking buhok.

I felt something strange, but I immediately brushed it away. I can't feel a thing with this gago.

Hindi pa ako nakakasagot nang may tinawag na crew ng cater si Wayto.

"Give us your special menu and drinks please."

"No alcohol Wayto, you'll drive." Singit ko.

"Yes," sumulyap si Wayto sa waiter at tumango ito sa amin.

Nabalot kaming dalawa ng katahimikan bago siya muling nagsalita.

"Still mad? Ano pa gusto mo? Nag-sorry na ako. Sorry na, just don't call me like that. Alright?"

Dahil medyo nakayuko pa rin ako, si Wayto ang nag-adjust at yumuko siya para silipin ang mukha ko.

I pouted my lips.

"Kalong," halos bulong na sabi ko.

I should start spreading my poison, kung ang gago ginagamitan ako ng pagiging intsik niya then I'll start making my own move.

"W-What?"

"Kalong Wayto," itinuro ko ang kandungan niya.

"What do you mean? You want to sit on my lap?" tumango ako sa kanya. Pansin ko na saglit na kumunot ang noo niya sa akin pero agad siyang nakabawi.

"Alright, come." Tinapik niya ang kandungan niya at mabilis akong naupo dito.

Agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya habang kapwa na magkatitigan ang aming mga mata.

"Ako hindi na rude sa'yo. Sorry sorry." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan niyang binigyan ng halik ang aking noo.

Muntik na akong tumayo mula sa kanya kung hindi ko pinakalma ang sarili ko.

"Just stop the word gago."

"I can't promise," sagot ko.

"Isang gago, palit isang kagat. Dalawa gago, dalawa kagat. Tatlo gago, tatlo kagat."

"Tang ina mo!" hindi ko na napigilan. Humilaway na ako sa kanya.

"You really have a very foul mouth Wayto! Sa tingin mo ba maganda sa pandinig 'yan? Gago ka! Kaya ka nababaril ng tao! Ayusin mo ang ugali mo!"

"Minumura mo ako! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Tolerate you? You foul mouthed me, then I can give you too!"

"What the hell? Can't you just do this shit scene? Curse and I'll kiss you. Katanggap-tanggap pa Wayto, but oh my gosh! Yang bibig mo Wayto!"

"Weak, bakit halik? Kagat agad nang tumigil." Umawang ang bibig ko.

"Fuck you, Wayto."

"Same," matabang na sagot niya sa akin. "Come on, nag-aaway na naman tayo. Just sit on my lap, be a good girl. Kulang ka lang sa lambing."

Shit.

Kaysa mapagod ako at mas lalong maging kumplikado ang away namin ni Wayto, sumunod na lamang ako sa kanya.

I sat on my lap and pretended that nothing happened, that we didn't just cursed at each other a while ago.

Dumating ang pagkain at hindi kami naghiwalay ni Wayto. Feeding at each other, o tama ba na kapwa kami nagdadasal na sana mabulunan ang isa sa amin.

"Ako bait naman, ikaw lang ayaw sa akin."

"Ikaw bait?" I sarcastically laughed.

"Yes," sagot niya.

Kumuha siya ng ubas at isusubo niya ito sa akin. Tipid lang akong ngumunguya habang nakahilig na sa balikat ko ang mukha ni Wayto.

"Want more?"

"Ikaw rin," kumuha ako at sinubuan ko si Wayto.

"See? Okay naman tayo, kapag hindi nag-aaway. Kung ayaw kagat, wag sabi gago."

"Shut that word Wayto," mabilis akong kumuha ng ubas at sinubo ko ulit sa kanya.

Humigpit ang yakap niya sa akin at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ko ang tungki ng kanyang ilong sa aking leeg.

"Nalalason na yata a--,"

"Tang-ina nyo! Walang forever! Lumipat kayo ng pwesto! Ang lalandi nyo!" kapwa kami napalingon ni Wayto sa likurang nipa hut.

Sinalubong kami ng lalaking nag-iisa sa kabilang kubo, ang dami na niyang nainom na alak. He looked familiar.

"W-What the hell? What are you doing here Nero?" sigaw ni Wayto.

Right! Yes, he's Nero Ferell. Ang pinsan ni Aldus. Hindi na ako magtataka na magkakilala sila ni Wayto.

Mukhang nagulat rin si Nero nang mapansin na si Wayto pala ang minumura niya. Abala masyado itong si Nero, naglalasunan na kami dito ni Wayto.

"Dwight, bagong babae na naman 'yan? Hindi pa nakakaanak 'yong isa sa kabilang bayan."

"Fuck you! Why are you here?"

"Umiinom, by the way nice chick." Sasagot pa sana si Wayto nang tumayo na ito at lumapit sa kumpol ng mga babae sa may pool.

"Mas bet ko talaga ang pinsan niya. Aldus is the hottest among Ferells." Kumento ko.

Bigla na lamang akong napasigaw nang maramdaman kong itinulak ako ni Wayto.

"Go, pumunta ka sa mga Ferell. Sa kanila ka magpakalong." Matabang na sabi nito.

"Shit! Why are you so rude?! Paano kung hindi ako nakahawak?! Hindi lang balasubas 'yang bibig mo Wayto! Ang kilos mo nakakairita na!"

"Why? Do you expect me to be gentle? You're dating an Arellano, being a gentleman is not part of my bloodline."

"And you're proud of it?! Akala mo ba gusto kong magpakalong sa'yo talaga?!"

"Do you think I assumed? Hinayaan lang kita. Ang bigat mo nga." Suminghap ako sa sinabi niya.

"Napaka-gago mo!" Fuck!

Huli na ang lahat, bago ko naisip na mali pala ang sinabi ko. Marahas kong naramdaman sa aking palapusuhan ang dalawang mahigpit na kamay ni Wayto.

He immediately grabbed me and just found myself sitting again on his lap. But this time his arms were wrapped tightly against my body.

"Ano sabi ko sa'yo Olbes?" I shivered when his hot breathing touched the back of my ears.

"Ikaw gago," madiing sabi ko.

"Gusto mo talaga! Pagbibigyan kita! Tayo sa kotse ko!" wala akong nagawa nang biglang tumayo si Wayto at sapilitan niya akong hinihila palabas ng kubo.

"Magsasampa ako ng kaso! Bitawan mo ako Wayto! Gago ka na masyado! Let's break up!" sigaw ko habang nakahawak ako sa kubo para hindi tuluyang mahila ni Wayto.

"Okay then! Let's break up, bahala ka sa buhay mo! Ikaw na nga ang nilalambing kung sino-sino pang lalaki ang binabanggit mo! Maghanap ka ng ibang Arellano!" binitawan ako ni Wayto at mabilis itong tumalikod.

Dito na ako natauhan. Shit! No, I can't break up with him yet. Hindi pwede! No! Bakit ang bilis namin? Bakit hindi tumatagal ang isang oras na hindi kami nag-aaway?

"Wayto, wait!"

Hinabol ko siya hanggang sa makabalik kami sa parking ng mga magagandang sasakyan.

"Wayto, saglit lang!"

"Umuwi ka mag-isa mo! Ang arte mo."

"Saglit nga sabi Wayto! Hindi na ako makikipag-break! I'm sorry!" gusto kong murahin ang sarili ko.

Kanina lamang ay nasa akin ang magandang takbo ng laro, bakit parang nabaliktad? Shit.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap ang gago sa akin. Nakataas ang isang kilay at nakangisi habang nakakrus ang mga braso.

"Sinong maglalambing ngayon?"

"Ako," Tang-ina mo.

"So?"

Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay humakbang ako nang mas malapit sa kanya at tumigil lamang ako nang kaunti na ang distansya namin.

I extended my arms.

"Buhat,"

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Ako buhat mo Wayto,"

"No, Olbes. Kinalong na kita kanina."

"Buhat, please?" minumura ko na ang sarili ko.

"Ang sabi ko ako ang lambingin mo Olbes, don't use that." Pinitik niya ang noo ko.

"Ako buhat mo, ikaw lambing ko." Ngumisi si Wayto sa sinabi ko. Kaya wala siyang nagawa kundi buhatin ako.

I was expecting that he'll carry me in a bridal position, but I almost forgot that he's Wayto Arellano. The gago moves.

Paharap niya akong binuhat, kaya wala akong pinagpilian kundi ipulupot ang mga binti ko sa bewang niya.

"Expecting for a bridal position eh?" nang-aasar na tanong nito.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko na huwag siyang murahin at tawaging gago. Sa halip ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

At katulad nang ginawa niya sa akin, pinaglaro ko ang dulo ng mga ilong namin.

"Fuck," I heard him cursed.

Ramdam ko ang bawat paghakbang niya hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harap ng smuggled niyang kotse.

Humarang ang magkabilang braso niya sa pagitan ko, marahan siyang bumaba at sinalubong ang mga mata ko.

"Olbes, you're too good for games."

"Is that a compliment Mr. Arellano?"

"But I'm better," umismid ako sa sinabi niya. "Really?"

Dahan-dahan itong dumikit sa akin hanggang sa halos lumapat na ang labi niya sa tenga ko.

"Babe, you should remember that..." sinadya niyang bitinin ang sasabihin niya.

"That?"

"Basta instsik, matinik."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro