Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

Feathers or Glitters

Nagpatuloy ang parada habang inaasar ako ni Lonzo at Kaden. They've been telling me that I was the one responsible for corrupting Kito's innocence.

Na hindi pa naman daw handa iyong tao, gusto ko na raw dakutin.

My gosh! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang kalokohan nila. Hindi ko naman talaga intensyon na dakutin 'yon, e! I was just helping him to get his handkerchief. Kung ano-ano na agad pumasok sa utak ng mga walang hiya kong pinsan. Sila iyong tipo na sa halip na iligtas ako sa kahihiyan, mas pipiliin pa nila akong pagtawanan.

"Tapos naniniwala ka naman sa kanila? How dare you! 'Wag mo na nga akong payungan! Magpapayong na lang ako ng akin." Inagaw ko kay Kito ang payong at pinayungan ko ang aking sarili.

"Okay."

Ang isa sa nakakainis dito kay Kito, madali talaga siyang kausap. This Prince couldn't read between the lines.

Naglakad na siya sa tabi ni Kaden at Lonzo na tawa nang tawa. Wala man lang siya pakielam do'n sa dalawa kong abnoy na pinsan. Bakit nga ba ako ang kasama ng mga ito? Nasaan si Kuya na lagi nilang kasama?

"Let me." May umagaw ng payong ko.

Dahil half a minute na akong nagpayong napagod na ako kaya hinayaan ko na siya.

"Tell me, is your brother a virgin?"

Suminghap si Lato sa akin. "A-Are you trying to ask him to marry you?"

Naningkit ang mata ko sa kanya. "Seriously? Ikaw ba Lato, may kulang na turnilyo?"

He laughed. "You're funny."

Mas lalo akong nairita, bakit parang naka-default na ang sasabihin nito. Kung hindi tungkol sa kasal, lagi niya akong sasabihan ng you're funny.

Ang weird ng Samonte brothers, sa totoo lang.

"But you're pretty."

Bigla akong napangisi at wala sa sariling nahampas ng pamaypay ang braso niya. "Lato naman, e! Alam mo naman na 'di ako sanay na sinasabihan ng maganda."

Napapadyak ako at nagsumping ng hibla ng aking buhok kahit nakapusod naman pala ito. "Don't praise me too much, baka malagas 'yong feathers sa earrings ko."

"You're funny." Ulit niya na nagpatigil sa ngisi ko. Para siyang parrot!

"Ako ba niloloko n'yong magkapatid? Iyong isa parang robot, ikaw naman parang parrot! Kund 'di lang kayo mga guwapo, e!"

Umirap ako sa kanya. "Sorry, tagal na rin namin 'di nakisalamuha sa mga babae. You're the first one after a long time. Civil kami sa lahat ng mga nakaka-date namin, and mostly are for purely business. It's just that... malaki ang utang na loob namin sa Papa mo."

Halos matulala ako sa sinabi ni Lato. May nasasabi pala siyang makabuluhang mga salita.

"Y-You mean, itong paraan ng pakikisama n'yo sa akin ni Kito was your stereotype treatment for your girls?"

"Nah, let's say we're now removing the protective shell. Hindi mo kami makikita ni Kuya na kasama rito kung 'yong pakikisama namin sa'yo ay kapareho ng sa iba. We find you cute, pretty and interesting, bukod sa may utang nga kami sa Papa mo." Ngumuso ako.

Dapat ko na bang pasalamatan si Papa? Na sa halip na sasabunging manok ang inuwi niya ay dalawang prinsipe ang ipinakilala niya sa akin?

"Oh, okay. Now that you've confessed it to me, would you talk to me in normal way? Like, well, no marriage?" Ngayon ay napapaisip ako, sa lahat ba ng inalok niya ng kasal walang pumayag? Like, seriously? Lato is a good catch. But of course, kung matino ka namang babae, hindi ka naman basta tatanggap ng kasal kapag bigla ka na lang tinanong nito.

"My brother is a good guy, I'll allow you to marry him if you're serious with him." Ngumiti siya sa akin. Here we go again.

"Whatever." I rolled my eyes.

Binuksan ko na ulit ang pamaypay ko at pinaalis na si Lato sa tabi ko. Yes, kinikilig ako kay Kito, he's a boyfriend material at gusto siya ng pamilya ko. It's not hard to fall in love with him, and I like the idea. Kasi kung sa kanya, walang komplikasyon.

But it's too early for that, we're still knowing each other. At tsaka, I don't want to make him feel that I'm using him to forget someone. We're good friends, well yes, with few touches of flirting.

Hindi naman pwedeng mawala 'yon, because I am pretty raw and he's hot Chinese naman, so what?

And he gave me feathers, bagay raw sa akin.

"Kito, nangangalay na ako rito. Come here!" sabay-sabay silang lumingon sa akin kasama ng pinsan ko.

"Okay."

See? Ang bilis niyang kausap. Hinawakan niya na ulit sa akin ang payong at hinayaan niya akong magpaypay.

"'Wag ka masyadong maniniwala sa mga pinsan ko."

"Why?"

Napaisip ako kung anong pwede kong rason, ano nga ba? Well, those idiot cousins were always the bully, but they're also my saviors at kung iisipin, mabuti rin naman talaga silang kaibigan. Gosh, paano ko ba sila sisiraan na kapani-paniwala?

"Well... come closer..." yumuko si Kito para maabot ko siya at ibinulong ko sa kanya ang alam ko na maglalayo sa kanya pansamantala sa mga pinsan ko.

"Really?"

"Yes." I waved my hand on air in dismissal.

The morning parade was smooth, hindi rin namin nakasalubong ang mga Arellano dahil nagbago raw ang mga ito ng daan, siguro umiiwas na lang din sa gulo. Ano nga ba ang magandang mangyayari kapag bigla nagkrus ang mga float namin?

Baka magkaroon ng paglalabas ng baril at magpalitan ng putok ang dalawang pamilya, bagay na kinatatakutan ko.

Bumaba muna kami sa float, sa mga nakasunod na sasakyan muna kami tumigil nila Kito at dito kumain ng tanghalian. Masyadong malaki ang Enamel para maikot agad, kaya may pang-umaga at pang-hapon.

"What's your favorite food?" tanong ko kay Kito.

"Any pasta."

"Oh, mahilig din ako sa pasta."

"Good to know."

Mas nauna akong natapos kay Kito na kumain, hantaran akong tumitig sa kanya habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking pisngi at marahang iginagalaw ang aking ulo para gumalaw iyong dalawang blue feathers sa tenga ko.

"I so love these feathers, feeling ko mas lalo akong naging jowable."

"Jowable?" tanong niya.

"Hindi mo alam 'yon?"

"Sa'yo ko lang narinig."

"That means I am pretty and girlfriendable..." ibinuka ko ulit ang pamaypay ko. Well, dalawa lang naman ang dahilan kung bakit kanina pa akong may hawak na pamaypay, para malamigan ako at para mas maramdaman ko iyong pag-move ng new earring ko.

"Girlfriendable?" nag-angat ang kamay niya patungo sa akin. Inakala ko na pupunasan niya ang gilid ng labi ko katulad ng mga napapanuod ko.

But I just felt his thumb near the side of my eye.

"I don't think putting glitters in your eye is advisable, paano kung mapalagay sa mata mo?" tinanggal niya pareho ang glitters sa may gilid ng mga mata ko.

"There. You're jowable enough with just few feathers." Nagpatuloy na siya sa pagkain.

"Concern ka na sa akin, Kito. Ikaw, ha?" binuksan ko ulit ang aking pamaypay, sumandal sa upuan at tinakpan ang kalahati ng mukha ko.

Nasa driver's seat ako umupo at binuksan ko na ang bintana. It's so hot here, bakit ba kasi 'di na lang namin binuksan ang aircon nito?

"Is there a problem?" he asked after he finished the leaked sauce on his thumb using his lips in front of my face.

The fuck! Endorser ng sauce?!

Si Kito pa iyong tipong hindi alam ang nangyayari sa paligid niya. He could seduce tons of women with the fucking gesture.

Napahugot ako nang paghinga at mas nilaksan ko ang pagpaypay ko. This real blooded Chinese is killing me.

"Nah, nothing! P-Paano naman magkakaproblema. We're friends, of course you're concern."

Lumabas na kami ng kotse ni Kito. I asked him if we could take some selfies, hindi siya pumayag. Hindi raw siya mahilig sa picture, kaya ang nangyari ipinahiram ko lang sa kanya ang phone ko at siya ang kumuha sa akin ng maraming picture.

"Hey, magaling ka mag-picture! Thanks!"

"It's just the subject." Tipid na sagot niya habang nakasilip sa phone ko na parang hindi sya ang may hawak kanina.

Napapadyak na naman ako habang nakakagat ang labi. "Isa pa, Kito! Isa pa! Dinadaan mo ako sa mga pa-simple mong paandar, e!"

"What?"

"Isang lang, please? Para ma-post ko, you're my election buddy. We'll have a date next week, right? See? Ikaw na ang pipili kung saan tayo."

"But I don't know where to go."

"Ay, basta!" iniharap ko ang camera sa aming dalawa.

"I don't like that."

"Sige na, isa lang!" mas dumikit ako sa kanya pero umiiwas siya sa camera. That's why I positioned myself in front of him at isinandal ko ang sarili ko sa kanya.

"If you dare move, babagsak ako sa lupa! Sige na, Kito. Isa lang. Look, nagtatawag na sila, aalis na 'yong float. Wait! Saglit lang kami!" sigaw ko kay Kaden at Lonzo.

Dahil alam ni Kito na mahuhulog talaga ako kapag bigla siyang umalis, wala siyang pinagpilian. He didn't move, but he's too stubborn, hindi siya natingin sa camera!

"Ang kj mo, Kito!"

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Alright, just one."

Dahil sobrang tangkad niya sa akin, yumuko siya para hindi na ako mahirapan mag-adjust, but what made my face blushed was his swift movement. Both of his hands settled on my shoulder, played the big feather earrings and caress both of my cheeks it.

Lumabas tuloy sa camera na nagpipigil akong hindi matawa, habang 'di siya nakatingin sa camera kundi sa akin na pinapanuod kong tatawa ba ako hindi.

We're like a flirting couple! Alam ko naman na nang-asar lang siya sa picture, pero iyong tipo ng tao na nang-aasar na wala naman sa kanyang mukha at ekspresyon?

Ay, nakakaloka 'tong si Kito!

Inalalayan niya akong makabalik sa float, naka-ready na ulit ang lahat hanggang sa pinaka-unang float. Hindi na ako pinapayungan ni Kito dahil wala na namang araw, pero hindi siya umalis sa tabi ko.

Kapag may kumakaway sa amin mga tao ay kumakaway rin ako na parang isang Miss Universe.

"Why are you waving at them?" tanong niya.

"Excuse? Lolo ko ang susunod na governor, dapat ay polite ang susunod na first granddaughter of Enamel."

"Silly girl." Ramdam ko ang marahan niyang pagpitik sa mahaba kong ikaw.

Napatingin kami sa langit nang bigla itong kumulog. Shit. Uulan pa yata. My cousins got a message from the first float, at sinabi ng mga itong mag-iiba raw kami ng daan para mapabilis, hindi na raw maganda kapag aabutan pa kami ng ulan.

Mas mabuting umiwas na sa ulan o bagyo pa yata? Sobrang dilim ng paligid.

"Now, let's go. This parade is so successful!" masayang sabi ko.

Ilang minuto lang mula ng sinabi kong matagumpay ang aming parada, nais ko na ito agad bawiin. Why? Dahil may nakikita akong dapat ay hindi namin nakikita sa mga oras na ito.

Akala ko ba ay tapos na ang parada ng mga ito? Nais kong pabilisin ang float namin, pero katulad ng sa kanila ay bumagal na rin ang sa amin para maghagis ng kung ano-anong bagay sa mga nakaabang na mga tao.

Kumirot ang dibdib ko, nais kong parusahan ang aking mga mata dahil sa bilis nito sa pagkilala sa kanya. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko. I was moving on... hindi ko na siya naiisip, but seeing him right now from a far?

Looking like a real smuggler on their fucking float. Wearing his gray election shirt with his grandfather's name marked with his sweats, a white fedora hat and a sunglass on his eyes...

He's in the frontline on their second float, standing like he's literally ruling the people while both of his arms were on the railing gripping firmly on opposite sides.

May bumulong sa kanyang babae at tumango siya nang marinig ang sinabi nito. Muling ibinalik ni Wayto ang kanyang paninitig sa aking direksyon. Yes, he's wearing a shade, but that didn't hide the intensity of his stare.

Alam ko ang titig niya, kilalang-kilala ko.

Umakbay sa akin si Kito, ramdam ko ang marahang pagpisil niya sa balikat ko para pakalmahin ako.

B-But that didn't work as our floats started to get closer. Pero bago pa man magkrus ang mga float na sinasakyan namin, kaming lahat ay muling napatingala sa langit. Not because of another thunder, but a noise coming from a chopper.

Nagsigawan ang napakaraming tao nang makita nilang may bumabagsak mula rito.

It was raining...

Raining of glitters...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro