Chapter 38
Chapter 38
Feathers
"Did you inform them? Baka bigla ka nilang hanapin."
"Yes. Nag-usap na kami ni Lonzo. Don't worry, I'll message them na kasama kita."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho. Pinagkrus ko ang mga braso ko at halos sumandal na ako sa pintuan para mas mapagmasdan si Kito.
"Alam mo mabibilang ko sa kamay 'yong mga ngiti mo sa isang araw, ang iba parang pilit lang. Sobrang opposite talaga kayo ni Anna."
"Anna?" he glanced at me.
"Ah, nothing. I mean si Lato."
"Why Anna?"
"Are you aware of the Disney movie, Frozen? Wala lang parang navi-vistualize ko lang sa inyong magkapatid iyong dalawang bida."
"You mean the Disney Princesses?"
"Bingo!"
"You're weird."
"But!" I said as I placed both of my hands below my chin with its pulse together at the middle. Mas pinapungay ko pa ang mga mata ko sa kanya. "So... pretty."
Sumulyap siya, but that's all. "Come on! Just smile! Hindi ba talaga ako maganda?"
"You are. It's just that I can't embrace distractions while driving."
"Hmm, palusot mo."
Nakarating kami ng Walter Mart. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at sabay na kaming naglakad papasok ng Walter.
"Are you sure about this? Hindi na ba kita naabala?"
"It's fine."
"Hmm, I think I just found my mission. I'll try to make you laugh."
"Acting to be my clown?"
"Hell, no way! This face? For clown?"
"That's my point. You are no clown."
"But I want to make you laugh, kasi e."
Kukuha na sana ako ng basket nang unahan niya ako. "Ako na."
"Eh? Gentleman." Hinampas ko ang braso niya.
Our initial plan was to get more candies, but as a solid maarte and a woman who easily got distracted. Nakarating kami sa linya na maraming cute stuffs at mas napagmasdan ko iyong magagandang ballpen na may iba't-ibang design.
"Ballpen din kaya ang ipamigay?"
"You mean, ballpen with feathers and glitters?"
"Yes!" I nodded with a grin.
May hawak akong dalawang ballpen na kapwa may feathers na magkaiba ng kulay at may glitters sa dulo. Lumapit ako kay Kito and showed him the two ballpen, I placed it near my face.
"They're cute! See? Should I ask Lonzo and Kaden?"
Kumuha si Kito ng ballpen din na may feathers, it was color blue. "This one is better."
Inagaw niya sa akin iyong yellow pen at ibinalik niya sa tray. "So... should we buy this?" I asked him.
Sa halip na sumagot ay kumuha ulit siya ng isang ballpen. It was black, plain with no design. He playfully used it to touch the tip of my nose.
"Not a good idea. Sa'yo lang naman bagay ang glitters at feathers..."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya bago niya ako iwan dala ang basket na may dalawang ballpen na pareho ng hawak ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ibinalik ko na ang dalawang ballpen para habulin si Kito, but as I made my first two steps, nakarinig ako nang ingay sa likuran ko.
Nalaglag iyong unang ballpen na hawak ko.
The yellow one. I shrugged and turned back to follow Kito. May kukuha naman sigurong iba.
"Kito, wait!"
He glanced at me again, iyong mga sulyap niya parang may pare-parehong segundo lang talaga. He doesn't stare too much at para siyang laging bored na hindi naman. But when he reacted once, gosh!
"Ano'ng sabi mo sa akin kanina?"
Simula nang tumigil na kami sa pagpapanggap, hindi na ako masyadong humahawak sa kanya. I just realized that I assaulted him before. Kahit iyong mga previous date raw ni Kito dati, hindi raw nakakagawa ng gano'n sa kanya. He never liked PDA. I had my source, Kaden and Lonzo just told me that I molested Kito.
Whatever, maganda naman ako. And he just told me that I was pretty with glitters and feathers.
"Nasaan ba 'yong mga candies?" tanong niya sa kanyang sarili na parang hindi niya ako napapansin.
"Kito..."
"Candies, we need to find the candies."
"E, may sinabi ka nga sa akin, diba?"
"Yes. 'Di ko uulitin."
Nauna na ulit siyang naglakad sa akin na parang siya na ang may kailangan ng mga candy at hindi ako. He was joking, I know, kaso wala nga lang ekspresyon.
Nakarating na kami sa linya na maraming candies, pinapili niya na ako hanggang sa dalawang pushcart na ang ginamit namin.
Nang magbabayad na ako sa counter, inunahan niya na ako.
"But that's not mine!"
"Hindi nga."
"That's-" mas lumapit ako sa kanya para hinaan ang boses ko. "For the float on weekends. Campaign, 'di sa akin."
"I'll take the sponsorship."
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Tumawag siya ng isang crew para mag-assist sa amin, ayaw niya kasi akong magtulak ng cart. Inilagay namin iyong mga candies sa likuran ng sasakyan niya.
"Ano'ng oras ng parade sa Sunday?"
"We'll start at 7:30 am."
"May required car? Or color?"
"Wala, kahit ano. We'll just put some balloons, para alam nila na kasama sa parade 'yong sasakyan." Tumango siya.
"But if it's okay with you, sama ka na lang sa float namin. We'll be having five floats kasi..."
"That's for relatives." Sagot niya.
Ngumuso ako bigla. "My family kinda like you. Sige na do'n ka na lang sa fourth float, sama ka na sa akin. Isama mo na rin si Lato. Please?"
Siguro mas tumagal ng dalawang segundo ang pagtitig niya sa akin ngayon. "Fine."
"Alright, ipapadala ko na lang kay Kaden or Lonzo iyong shirt niyong dalawa bukas."
"No, it's okay. I'll fetch you tomorrow."
"Again?"
"Yes."
Nakarating na kami bahay, sumalubong sa amin si Kaden at Lonzo na siya nang naghakot ng mga candies sa loob.
"Are you sure? Ayaw mo talaga na mag-dinner?"
"Next time."
"Oh, okay. Ingat ka." He nodded.
Tumalikod na siya at nagsimula nang bumalik sa kotse niya. "Kito, thank you."
Tumigil siya sa pagbukas ng pintuan. I saw how he shook his head before he turned back with one of his hands inside his pocket.
"I think... I should give this..." mabilis siyang naglakad at may inabot siya sa akin.
To my surprise, it's an earring with blue feathers. My eyes widened in surprise, 'di ko 'to nakita sa walter! It's cute!
"It's not from Walter."
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Ibig sabihin, nabili na niya 'to bago kami nagkita kanina?
Isinumping ko ang ilang hibla ng buhok ko sa aking kanang tenga habang nakangisi sa kanya. "Kinikilig ako... hindi na konti."
Ngumisi siya. "When I saw that... I just thought about you, konti lang. Good night, Autumn Stassi."
Hindi na ako nakaalis sa pagkakatayo ko kahit wala na sa paningin ko ang sasakyan ni Kito.
"Konti na lang, maaartehan na rin siya kay Autumn."
"Konting araw na lang."
Magkasunod na sabi ni Kaden at Lonzo sa magkabila ko. "Bullies!"
**
It's Sunday, maaga na akong gumising para ayusin ang sarili ko. I immediately find my phone for text messages, akala ko ay maganda na ang bubungad sa akin lalo nan ang makita ko ang pangalan ni Kito.
But I opened Tanya's message first. Gusto kong mapasigaw sa galit ng mabasa ito, because the Arellano's were having their preparation for the parade!
At mas maaga pa sila sa amin! Paano nalaman ng mga Arellano? Tahimik kami ng mga pinsan kong kumilos!
Tinawagan ko agad si Kaden, bungad pa lang ng boses niya alam kong alam na niya.
"Let's go with the same plan, Autumn. Hindi natin pwedeng sirain nila ang mga plano natin."
"Yes."
Nagmadali na akong maligo, picked the white shirt with my grandfather's name, used a high waist skirt, pinili ko iyong may pinakamaraming sira, chose my white shoes, made a messy bun and lastly... the feathery blue earring, naglagay rin ako ng glitter sa tabi ng magkabilang eyes ko.
Perfect!
Pagbaba ko sa hagdan, muntik pa akong madulas nang makita ko si Kito at Lato na nanunuod ng tv sa sofa namin.
"You're early!"
"Come on, anak... Keaton, Langston, kumain na muna tayo ng breakfast. Dadating na mamaya iyong float."
Lumapit na ako sa dalawang magkapatid. "Let's go."
Katulad ko ay nakasuot na rin sila ng puting tshirt na may pangalan ni Lily. Nakasuot ng khaki shorts si Lato, signature shoes and a black shade hanging on his shirt. While Kito's looking young and fresh, kahit ilang taon ang tanda niya sa akin para lang din siyang college student na katulad namin ni Lato. He's wearing black shorts, signature shoes and a nerdy glass!
"Ang guwapo n'yo namang dalawa, e!" hinampas ko ang mga braso nila habang naglalakad na kami sa kusina.
"She's funny, Kuya." Kumento ni Lato habang hinihimpas ang braso niya na ilang beses ko nang nahampas.
"Yeah."
Nasa gitna ko silang dalawa, pero ramdam ko ang titig ni Kito sa akin. It was first time, kaya 'di ako nagpapigil at lumingon sa kanya.
"You're wearing it. Isn't heavy?"
"Nah, my ears can tolerate heavy earrings. Sanay na rin naman ako." Humarang ako sa nilalakaran ni Kito.
"Lato, una ka na sa kusina. May sasabihin lang ako sa Kuya mo."
"You'll ask him to marry you?"
"No." Halos sabay na sabi namin ni Kito. Mukha na siyang kasal, kung ako kay Kito hahayaan ko na itong magpakasal.
"Alright."
Humarap muli ako kay Kito. "Am I pretty?" I asked him with my similar gesture yesterday.
Hindi siya sumagot sa halip ay gumalaw ang kamay niya at nagtungo ito sa may balikat ko. His hand settled there, and I felt his forefinger player with my feather. He slowly held the feather, until I felt it slightly caressing my cheeks.
Nag-init ang pisngi ko.
"Silly girl."
Umirap ako sa kanya bago ko kuhanin ang kamay niya at hilahin siya sa kusina. "You should eat, Kito!"
**
Nakasakay na kami sa float, maaga pa lang ay sobrang tindi na ng araw. Kito was holding the umbrella for us, habang wala akong tigil sa pagpaypay.
"I should have brought my portable electric fan!" reklamo ko.
Nasa mga unang float ang mga tito at tito, maging ang parents namin at si Kuya. Hindi naman ako iniwanan ng dalawa kong pinsan.
Pumaparada na kami at wala nang tigil sa paghagis ng candy iyong naka-assign sa float namin, may mga tshirt din, payong at kung ano-ano pa na ipinamimigat sa eleksyon.
Sinabi sa akin ni Tanya na posible na makasalubong pa namin ang mga Arellano dahil kakaikot pa lang ng mga ito sa kanila. Simula nang mangyari ang party sa mga De Mesa, hindi pa kami nagkikita ni Wayto. Alam kong kapwa na kami umiiwas sa isa't-isa.
Kahit ako ay ngayon ko lang ulit ipinasok sa aking isip ang pangalan niya. He's not worth thinking.
Nang makita ko na pawisan na rin si Kito ay pinaypayan ko rin siya. "Sobrang hot mo!"
Hindi niya ako pinansin, sa halip ay ngumiwi siya, hindi dahil sa papuri ko kundi sobrang init na rin siya. Ilang beses niya pa hinawakan ang tshirt at bahagya itong inihiwalay sa katawan ng paulit-ulit para may pumasok na hangin.
"Ang init."
Si Kito iyong tipo na walang pakielam sa papuri sa kanya ng tao. Well, I admit, most of my words were exaggerated, pero 'diba dapat ngumingiti man lang siya.
"Hmm," mas lumapit ako sa kanya at siya naman ang pinaypayan ko.
"May panyo ka ba? Pupunasan kita."
"Nah, ako na." Tatanggalin niya dapat ang pagkakaakbay sa akin nang biglang nagbako-bako ang daan. Muntik na akong matumba kung hindi niya ako inakbayan ulit.
"I told you, ako na. Saan ba? Ako na ang dudukot." Sabay lumingon sa amin si Kaden at Lonzo na nasa unahan lamang na kapwa nakakakunot ang noo.
"Ano na naman ba ang dudukutin mo kay Keaton, Autumn?" tanong ni Kaden.
"Basta sa dukutan, nagvo-volunteer ang pinsan natin. Ingat, Keaton. Baka iba ang madukot niyan."
Nag-init ang pisngi ko at marahas kong isinara ang pamaypay ko. "Excuse me? Handkerchief lang naman ang dudukutin ko. Right, Kito?"
Wala na ang kamay nito sa balikat ko, nakita kong kinukuha na niya ang panyo sa kanyang bulsa.
My cousins laughed. "Takot madukutan si Samonte."
Hinampas ko ng pamaypay si Kito. "'Di naman 'yon ang dudukutin ko, e!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro