Chapter 37
Chapter 37
Other Prince
Malakas na pagkabasag ng baso ang umalingawngaw sa buong sala. Kumalat ang mga piraso nito kahalo ang pulang alak sa sahig. Lahat ng mga mata ay nagtungo roon at kay Tito Enrico na siyang nagbato rito.
I glanced at my grandfather who's holding his glass of wine too firmly, hindi na ako magugulat kung ibabato niya na rin ang hawak niya.
Isang malaking balita ang aming natanggap, masamang balita, rather. The election survey result was in favor with the Arellanos.
Ang laki ng agwat ng mga sumusuporta sa kanila kung ikukumpara sa amin at kung magpapatuloy ito, siguradong mapupunta na naman sa kanila ang pamamahala ng buong Enamel. That bomb incident just ruined our stable image and position.
It was all my fault. At ang masakit pa, ni isang salita ay wala akong narinig na paninisi mula sa mga kamag-anak ko. Kahit ang totoo, ako naman talaga ang dahilan kung bakit nagsunod-sunod ang problema.
Ano pa nga ba ang maitutulong ko? My initial motive on dating White Arellano was to seek for any bad leakage from their family, but it ended up as a disaster. Sa halip na makatulong ay nakasira pa ako sa mga plano.
I felt like I've been a burden for my own family.
Yumuko ako, nanatili akong nakaupo sa mahabang sofa habang nakayakap sa aking binti. I feel really bad, gusto kong makatulong pero wala man lang ako magawa.
"Hindi pwede na ganito. We need to do something!" sabi ni Tito Enrico habang naglalakad nang pabalik-balik.
Halos lahat kaming Olbes ay nababahala na, hindi na kami maaaring pumayag na sa mga Arellano na naman mapunta ang Enamel, because from the very beginning this province was originally reigned by our ancestors at nagpasalin-salin ito. Ang mga Arellano talaga ang nagpagulo.
"How about a parade?" Kaden suggested.
Maganda nga iyon, hindi pa rin naman pumaparada ang mga hayop na Arellano. Mas mabuti na unahan na namin, bago pa nila malaman ang balak namin at agawan kami ng plano.
"Pwede rin na magbahay-bahay? You know the usual." Lonzo said with a shrug.
"Or a debate?" biglang sabi ko.
Napatingin silang lahat sa akin. Ngayon pa lang ulit nila ako narinig na nagsalita, isang linggo matapos iyong nangyari sa party ng mga De Mesa. I had this feeling that Lonzo and Keaton informed them right away, dahil hindi man lang nagtanong ang mga kamag-anak ko sa akin tungkol sa kakaiba kong ikinikilos.
I was thankful for that. At ngayong medyo nahimasmasan ako sa nangyari ng gabing 'yon, malaki rin ang pasasalamat ko dahil walang nangyaring sugudan.
"Debate is a good suggestion. Hindi hamak na mas matalino naman si Papa kay Don Arellano." Sabi ni Tita Meribel.
Pinagmasdan ko ang reaksyon ni lolo sa sinabi ni Tita, pero wala man lang akong nabasa sa kanya. Simula nang mag-campaign period ay hindi na kami masyadong nakakapag-usap. How I missed my bonding with him, pero wala akong magagawa.
This province needs a good ruler and a better leader, handa akong ibahagi ang lolo ko para sa mga nangangailangan.
"Alright. I like the suggestions. Lonzo, Keaton and you, Autumn. Settle everything about the parade, it should be this weekened, para nasa bahay ang mga tao." Tumango kaming tatlo sa sinabi ni lolo.
Sinabi niya rin na si Kuya at ang iba ko pang pinsan na uuwi na rin ang mag-aasikaso ng debate.
"But the question here is, papayag ba sila?" tanong ni Lonzo.
"We should invite them publicly, tutal do'n naman magaling ang mga Arellano, iyong bawat kibot ay alam ng publiko. At least, this one is legit. Totoong galing sa atin ang imbitasyon." Mabilis kong sagot.
Ramdam ko ang mariing titig sa akin ni Lonzo at Kaden. They were the witness of my madness, alam nila kung gaano ko kamahal si Wayto and hearing this from me would sound so unbelievable.
I still love him, yes. Hindi naman kasi pwede na pagkatapos ng isang linggo, matapos magalit at ma-realize ang mga bagay-bagay mawawala na agad iyong nararamdaman mo.
I still love him, pero sa ngayon isa lang ang masasabi ko. Mas lamang ang galit ko sa kanya at sa pamilya niya. Kahit anong mangyari.
At pagod na rin ako, pamilya muna bago katangahang pag-ibig.
"Then, it's settled. We invite them publicly." That's our grandfather's final words for the meeting.
**
After that incident, lumapit na ako kay Tita Meribel and informed her that I want to stop. Pride saving wasn't really a good idea, sa halip ay mas dinurog ako nito. I should move on without any trick, madali lang naman kausap si Tita at sinabi niya na siya na ang kakausap sa mga Samonte.
Inakala ko na titigil na rin sa paglapit ang mga Samonte sa akin, pero hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin ako sa kanila. Nagugulat pa nga ako na si Kito minsan ang sumusundo sa akin.
"How's work?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang seatbelt ko.
"Fine. How's school?"
"Fine."
"Do you want to eat something?" humarap ako sa kanya at pumungay ang mata ko.
"I want sweets!"
"Sure."
Nagsisimula na akong masanay sa paisa-isang salita niya. Ganito pala talaga si Kito, buong akala ko noon ay napipilitan lang siyang samahan ako dahil binayaran siya ni Tita o kaya ito rin ang dahilan kung bakit kahit isang beses ay hindi siya nairita sa kaartehan ko.
But I just realized that he's just being himself.
Hindi rin nagtagal ay nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit sila tumulong magkapatid. I thought it was because of the money! Buong akala ko ay si Tita Meribel talaga ang may dahilan, but later on, Kito confessed to me. Kasi baka raw iniisip ko na mukha silang pera magkapatid.
I got a glimpse of his family history, naunang namatay ang Mama nila ni Lato and few years ago, iniwan na rin sila ng Papa nila. Kito just graduated a year ago, pero bigla na lang bumagsak ang responsibilidad sa kanya. As a well oriented son and with the guidance of some relatives, mabilis siyang nakapag-adjust, but this one single business was out of the line. Kasi hindi naman ito ipinakilala sa kanya ng kanyang Papa.
And what was that? Iyong marami nilang sabungan.
Kito was hesitant to let go of the business, kahit iyong mga kamag-anak niya raw ay ito na ang suggestion sa kanya, but someone almighty went inside the picture. And that's my father.
My wonderful father just saved Kito's sabungan. Kito and my father are business partners! What a good reason!
"You're staring too much, Autumn." Sabi ni Kito na nakapagpaalis ng pagkakatulala ko.
"Ah, because I was still thinking about your reason for helping me. Iyon lang pala!"
"Hey, that's big enough."
Dinala niya ako sa isang ice-cream parlor, pero hindi naman siya bumili para sa kanya, ako lang ang kumakain.
"But that's not cool, though. Sabihin na natin na malaki ang kita ng isang sabungan, still that's not cool! That's gambling." Sumubo ulit ako ng ice-cream.
"But that's my Dad's."
Saglit akong natahimik, well he got a point. "Whatever."
Tipid siyang ngumisi. "Let's go. Hinahanap ka na sa inyo."
**
Naging abala na kaming tatlo nila Lonzo at Kaden sa mga sumunod na araw, simula sa mga sasakyan namin, mga damit na susuotin na dapat ay pare-pareho, the campaign posters, the sound system and many more.
Hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Kito dahil bukod sa busy ako, ay nagiging abala na ulit ito sa trabaho.
Wala na akong balita kay Lato, baka nagpakasal nang tuluyan.
"Should I buy candies? You know? The traditional? Pang-hagis habang dumadaan ang float natin?" I asked Lonzo on the phone.
Hindi na rin ako makasunod ni Kaden sa akin dahil kapwa na rin sila abala. Halos mapamura pa ako nang makita kong madilim na nang lumabas ako ng library, napahaba yata ang pagbabasa ko.
"Yes, pwede ba na mag-utos ka na lang? Bakit ikaw pa? Gabi na."
"Nah, it's okay. Malapit lang naman dito iyong Walter-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may bumusinang sasakyan sa harap ko.
"Kito?"
Bumaba ang bintana niya. "Who else?"
"Akala ko ay hindi ka susundo?"
"Mabilis akong natapos. May hinihintay ka ba na iba?"
"What? No. Sasabay ako sa'yo." Binuksan ko na ang sasakyan niya at sumakay ako rito.
"May dadaanan ako, I need to buy candies."
"Sweets again, huh?"
"Nah, I just need it for the parade this weekend."
"Parade?" he slightly glanced at me.
"For my grandfather, part of the campaign. Sama ka?" tanong ko.
"Fine."
"That fast? You'll not ask something in return?"
"Kailangan ba 'yon? Your father is my business partner. It's okay." He shrugged.
"You won't ask for a date or something? I have this feeling na wala talaga akong karisma sa'yo." Nagbibirong sabi ko.
"I know my place, Autumn."
"It's just a friendly date, Kito. Ano ka ba?!" natatawang sabi ko. Gusto ko sanang hampasin ang balikat niya na nakasasanayan ko nang gawin, muntik ko nang makalimutan na nagmamaneho nga pala siya.
Muli siyang sumulyap sa akin, bago niya ibinalik ang kanyang mata sa daan. "Even your laughter is not genuine. That asshole."
Ngumuso ako sa sinabi niya. "Stop that, Kito. Kinikilig ako." I used my thumb and index finger to measure my silly feeling. "Konti nga lang."
Tipid siyang ngumiti. "Silly girl."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro