Chapter 36
Chapter 36
Enemies
Walang nangyaring sabunutan sa banyo, pero muntik na. But I calmed myself down, my outfit will be ruined, my flawless skin will be scarred, and my make-up will melt.
And my glitters will scatter! Mas hindi ko yata makakayanan 'yon?
Instead, we had a staring battle and she gave up first. Wala kasi siyang glitters sa both sides ng eyes niya kaya gano'n, pathetic. Hindi naman maganda.
Nauna siyang lumabas ng cr. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako lumabas. I looked for my friends at nando'n na nga sila sa tabi ni Nero. Good.
Eksaktong may dumaan na waiter, dalawang baso agad ang kinuha ko sa tray niya at mabilis kong inubos ang laman nito. Bago ko pa siya iwan ay kumuha pa ako ng isang baso.
Naglakad na ako patungo kay Kito at Lato, well, Samonte brothers were now having some of the crowd. Of course, hindi lang naman ang mga De Mesa ang nagbabalik kundi sila rin, malamang aagaw sila ng atensyon. Plus the fact that they're both handsome chinito.
Pansin ko ang daming chinito rito sa Enamel.
I straightened by third glass, at may dumaan na naman na waiter, magaling ang timing niya, pansin ko lang. Uminom pa ako ng dalawang magkasunod at kumuha pa ako ng isa.
Ilang beses akong umiling dahil sa init at guhit na dala ng alak sa lalamunan ko. Kailan baa ko huling nag-inom ng ganito?
Karamihan ay babae ang mga nakapalibot sa kanila.
"Excuse me, excuse me please..." dumaan ako sa gitna ng maraming tao habang hinahawi sila.
"Hon! I've been looking for you." Umangkla agad ang braso ko kay Kito. Inagaw ang boteng hawak niya at inubos ito sa harapan niya.
I confidently faced his admirers. Umasim ang mukha nila sa akin. Who wouldn't be? Noong isang araw lang ay ganito ako kay Wayto, ngayong may bagong dating ay sa kanya naman ako pumulupot.
Sa mas maputi si Kito, e! Nag-talk pa siya ng Mandarin, how about Wayto from the other side? Gago pa rin, tapos siya 'di alam salita instik.
"What?" tanong ko sa kanila.
Mas lalo pang humigpit ang pagkakapulupot ko kay Kito na parang maagawan. Ako talaga iyong tipo ng girlfriend na binabash ng karamihan, iyong grabe makapulupot na parang laging aagawan.
Well, ako wala pake, sila ba jowable?
"Dance floor." Ngising sabi ko kay Kito.
He answered using his Elsa like gesture, few nods and go. He doesn't complain talaga. Hinayaan niya akong hilahin siya hanggang makarating kami sa gitna ng dancefloor.
Ilang beses pa kaming nakakabangga sa sobrang wild na ng mga tao. Humarap ako sa kanya at ikinawit ko ang aking braso sa kanyang batok at mas idinikit ko ang aking sarili sa maganda niyang katawan.
"Ai tienk... uie yeimi...hon..."
"You're drunk, and your Mandarin is getting deeper." Isinumping niya sa kanang tenga ko ang ilang hibla ng aking buhok.
"Mei lay leim?"
"Translate. Translate." He chuckled.
Napamulat ako bigla nang marinig ko iyon. Tumatawa naman pala siya!
"I said... I think you're yummy, hon..." bulong ko habang tumitingkayad sa kanya.
"You are funny, Autumn."
"How funny? Bihira ka nga lang matawa." I asked.
"I don't laugh much."
Ngumuso ako. "Is he looking now?"
Pansin ko na sumulyap siya sa direksyon nila Wayto. "Translate the second word."
"Malalim?" sagot ko. Ibinalik niya ang kanyang mata sa akin.
"Should I kiss you now?"
"Nah, I think he's not looking." I waved my hand.
"You should teach me on how to speak Mandarin." Sabi ko, gusto ko talagang matuto.
"Really? I think... you're better than me." Hinanap ko ang ngisi niya o pagtaas ng kilay, alam kong nagbibiro siya! He's joking! But no expression, really.
"They're coming." Bulong niya.
Agad ko itong nakuha. Pinagpatuloy ko ang pagsasayaw kasama si Kito, nakita ko na rin sa dancefloor ang kapatid niyang si Lato na posibleng nag-aalok na naman yata ng kasal sa isang babae. Maging iyong mga kaibigan ko at ang mga boyfriend niya, pati ang mga Ferell.
I couldn't see him. At isa lang ang ibig sabihin nito, nasa likuran namin sila. Yumakap na ako kay Kito, hinayaan niya ako at inalalayan niya ako dahil hindi na rin ako makatayo nang maayos.
But what my eyes rolled was the two figures near the mini bar counter located at the left side. Kaden and Lonzo.
I will kiss, Kito! Bakit ba extra itong dalawa kong pinsan? They will ruin my plans.
"Tanya! August!" sigaw ko habang nakayakap kay Kito.
Nakailang tawag ako sa dalawa kong kaibigan bago sila lumapit sa akin. They're both drunk, ako na lang yata ang hindi lasing dito.
"Shit! Ilan na ang nainom mo, Autumn?"
"Desyeis tou..."
Kumunot ang noo ni August at Tanya sa akin. "What?"
"I think... I can translate that." Kito said confidently. "Just two."
"Bingo! You're so smart talaga, hon!" may pagtalon-talon pa ako habang nakayakap sa kanya.
"But it's not just two, girls. She's drunk."
"Ano'ng gusto mo, Autumn?"
"Get rid of my cousins there. We'll be having a kissing scene here. No relatives intended for the audience."
Since I have super supportive friends, they easily vanished with their boyfriends. Hinila na nila ang mga ito para gamitin at palayasin sa magiging kissing scene namin ni Kito.
Ngayon ko nasabing matalino rin si Lato, because he gave me a thumbs-up when everything was cleared.
Mas pinagmasdan ko si Kito, emotionless as always, but pwede na, guwapo at maputi e. I tiptoed, closed my eyes and locked my lips against his lips.
It was calm, really. First, there was no movement at all, but I urged him and teased him to open wide and play with me. His arms around me tightened, then his tongue finally dominated mine. He's fine, no, he's actually a good kisser.
Gusto kong malunod, gusto kong makalimot... o di kaya gusto kong may pumigil sa amin. I was waiting... umaasa... but as our kiss gets deeper and deeper, as our body started to tangle, dahil sa pagbuhat niya sa akin walang nagagalit-walang umaalma...
Ako lang ang nasasaktan... napaka-hayop niya.
Ramdam kong gusto niyang tapusin ni Kito iyong halikan namin, but I never stopped. Wala na akong pake kung mapunit ang labi ko. I wanna kiss him! I want him to erase everything, I want him to make this fucking hope stop!
Kasi... oo! Tang ina! Inaamin ko na.
From the very beginning it wasn't all about my damn pride or the Olbes pride! Dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalikan niya pa rin ako. That it was just he's game na hindi niya kayang panindigan. Because, he's my Wayto, si Dwight Arellano na hindi ako kayang tiisin, na sa kaunting kibot lang ng kaartehan ko magrereact na siya, kaunting selos lang ay magkukumahog siyang bumalik sa akin. Yung boyfriend ko na marupok, na gagahasain daw ako kapag kasal na kami, na lagi akong tinatakot sa mga kagat niya.
He's my Wayto and he promised me...
Hindi ko kayang isara iyong isip ko na wala na kami dahil alam ko na ginigipit siya, mas mahigpit iyong pamilya niya sa akin, mas gagawin nila ang lahat para mapaghiwalay kami. Hindi ako nagagalit kay Wayto, it was his family and they're manipulating him.
Malaki iyong tiwala ko sa pagmamahal niya, alam ko na hindi niya ako matitiis, na agad siyang mapapagod at siya pa rin iyong boyfriend kong gago, smuggler at seloso.
He will come back...
"Shit! Get a room, guys! Ano ba 'yan, Dwight!" sigaw mula sa likuran ko. Nagtatawanan ang mga babae.
Si Kito mismo ang nagtigil ng halik namin, agad niya akong kinabig nang makita niyang lumuluha na ako. "Sorry..."
Umiling ako, hindi naman siya ang dahilan ng luha ko.
"Arellano! Fucking get a room!" sigaw ulit sa likuran.
I tried to move, pero mas humigpit ang yakap sa akin ni Kito. "I wanna see."
"No. Let's go. Tang ina mo, Arellano." Napatingala ako nang marinig ang malutong na mura ni Kito.
He's always the demure and compose type of boyfriend, hindi siya iyong gago at trash talker, but when I looked at him right now with his clenched jaws, ngayon ko napagtanto na nagagalit din siya.
Huli na ang muli niyang pagyakap sa akin, dahil nakita ko na si Wayto. And he's french kissing another woman. Our eyes met, wala siyang pake. Ngumisi pa siya at ipinagpatuloy ang paghalik sa babae.
Tumalikod na ako, halos 'di ko masikmura ang nakikita ko. Nasaan ang inaasahan ko na magseselos?
"I want to see my cousins. I want him killed."
Inalalayan ako ni Kito na lumabas sa dance floor.
"We should go home." Tumutulo na ang luha ko, 'di ko na mapigilan.
It's not really the pride, humahabol pa rin ako. Ako iyong gumagawa ng paraan na bumalik siya, pero wala na.
"Why? Bakit hindi siya lumaban? Gano'n na lang ba iyon, Kito? Alam kong minahal niya ako. Hindi naman ako maghahabol ng ganito kung hindi ko naramdaman 'yon, e. Pero bakit gano'n? Iyong pagmamahal ko bas a kanya mas higit? Ako lang ba iyong sobrang nahulog?"
Hindi ko na pinapahid ang luha ko. "I want to see my cousins, call them. Please..."
"And you will inform them? Autumn, magkakapatayan dito. Literal."
"I don't care. Get him killed." Halos sabunutan ko ang sarili ko.
Hindi pa rin kumikibo si Kito. "Kaden! Lonzo!" sumigaw na ako.
May ilan tumingin sa direksyon ko, tang ina n'yo. "Hey, stop. I will message them. Stop shouting."
Tumahimik ako sa sinabi ni Kito, 'di rin nagtagal ay dumating na nga ang dalawa kong pinsan. Halos sabay silang lumapit sa akin nang makita nila ang hitsura ko.
"What happened?!"
Hindi pa rin natigil ang luha ko, pero sa pagkakataong ito ay pinahid ko na ito sa nangangatal kong kamay.
"Kill him please... do something... sobrang sakit na..."
Ilang salita lang ang binitawan ko, sabay tumuwid ang pagkakatayo ng dalawa kong pinsan at iisa lang ang direksyong tiningnan nila.
"What the hell? No way. Lants!" rinig kong sumigaw si Kito. Agad nakuha niya Lato ang tawag ng kuya niya, kapwa na sila ngayong pumipigil sa dalawa kong pinsan para atakihin si Wayto na walang pakielam.
"Are you out of your mind? Wala kayo sa inyo, this is De Mesa's residence! Magpatayan kayo kung nasa mga teritoryo n'yo kayo." Matigas na sabi ni Kito.
"Besides, ang daming nagkalat na Arellano. I saw Leiden and Gilbert Arellano, may anim pang Arellano akong nakitang pumasok lang. Mapapatay lang kayong dalawa."
"Hey, what's happening?" sabay-sabay kaming lumingon sa kadarating lamang. Nash Lei, the older De Mesa.
"Nash!"
Bumitaw na si Kito at Lato sa dalawa kong pinsan na pareho pa rin nakatitig sa direksyon ni Wayto. Mukhang naarleto na ang mga Arellano at napansin na ang pagkakagulo rito, dahil magkakasama na sila ngayon sa dancefloor, 'di sumasayaw kundi masama na rin ang titig sa direksyon namin.
Nash sensed the atmosphere, dahil lumingon na rin siya sa direksyon ng mga Arellano.
"Our residence is packed with armed bouncers, ayusin n'yo ng mga Arellano ang kilos n'yo. I don't want trouble in this party." Sumulyap sa akin si Nash, his expression softened.
"Hi, Autumn, it's been a while. Still single?"
"The cousins are still here, not because you're the host you can-"
"I can," simpleng sagot ni Nash kay Kaden. Tinapik niya ang balikat ng pinsan ko.
"Mainitin pa rin ang ulo mo, bro."
"She's my girlfriend, back off, Nash."
"Alright." Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa ere. "Enjoy the party. And, no killing, please."
"Cr lang ako..."
"I'll-"
"No!"
Tumakbo na ako para humiwalay sa kanila, pero hindi ako sa cr dinala ng mga kamay ko, kundi sa parking, hinubad ko ang mataas kong takong at halos tumakbo ako sa sasakyan niya at marahas ko itong ginasgasan.
It was a different woman, hindi si Summer. That means he's just playing! But that mere fact that he could-
Tang ina mo!
Sa bawat patak ng luha ko ay ang paghampas ng sapatos ko sa kotse niya. Wala akong tigil hanggang sa ang kamay ko mismo ang manakit, napasalampak ako sa semento at napasandal ako sa kotse niya habang humahagulhol ng pag-iyak.
He's so cruel...
Nangangatal ang mga kamay ko sa aking sapatos nang makarinig ako ng tili ng babae at pamilyar na pagtawa.
At segundo lang ang naging pagitan bago nagtama ang aming mga mata. Nawala ang ngisi niya at nagtangis ang kanyang bagang.
"You go first." Sabi nito sa babaeng kasama niya na sumakay sa unahan. That's my place.
"Autumn, stop this. Tapos na tayo."
Ibinato ko sa kanya ang sapatos ko. "Why?! Hayop ka!"
"Nakuha ko na ang gusto ko. I framed you up, ruined your family's image. Tapos na ako sa'yo. Wala ka nang pakinabang. Mananalo kaming mga Arellano sa eleksyon."
Natulala ako sa mga salitang binibitawan niya. Hindi siya iyong Wayto na minahal ko.
"Ano'ng ginawa nila sa'yo? Did they threaten you? Wayto, hindi hadlang iyong pamilya ko sa atin. They're happy that I am happy."
Napahilamos na si Wayto sa kanyang mukha na parang naiirita na siya sa akin.
"Autumn naman, ayoko na. Ayoko na sa'yo. 'Di kita minahal, sawang-sawa na akong magtiis sa tang-inang kaartehan mo. I don't want to see your face again. Olbes ka sa paningin ko at mananatiling Olbes 'yon."
Nangangatal ang buong katawan ko habang tumatayo ako. Hindi ko na pinahid ang luha ko at naglakad ako patungo sa kanya.
At nang sandaling lampasan ko siya, nag-iwan ako ng salitang dapat ay kailanman ay hindi ko kinalimutan
"Arellano ka nga pala, kalaban. I will always remember from now on."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro