Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35

Encounter

Gusto ko sana na kasama ang mga kaibigan ko sa sasakyan, but their overprotective boyfriends complained and snatched them away from me, that was a last-minute cancellation!

Marami na dapat akong sasabihin sa kanila habang nasa biyahe. But the boyfriends, duh? Mga kill joy!

I just really want to talk with them, hindi naman kasi kami nakapag-usap nang nag-aayos kanina. Of course, I should focus myself with my outfit, hindi naman kasi pwede na pumunta ako sa party na hindi prepared.

Pinauna ko na ang mga kaibigan ko at hindi na ako pumayag na mag-convoy na lang, para saan pa? Malapit lang naman ang mansion ng mga De Mesa.

Bigla akong na-stress kaya ng retouch muna ako.

Ngayon ay nasa likuran ko ang dalawa kong pinsan na kanina pang nakangiwi sa suot ko.

"I told you, kung hindi n'yo gusto ang suot ko, 'wag na kayong umattend ng party."

"Saan ba galing ang suot mo, Autumn? Parang nauubusan na ng tela sa Pilinas, ah?" umirap ako kay Kaden.

"Labas ang likod, labas ang tiyan, labas pusod at labas hita. Very good. Nakaka-proud ang ganyang pinsan, iyong hindi nilalamig sa klima."

"Whatever, Lonzo! 'Wag nga kayong maingay d'yan, my glitters are fading." Tumayo na ako sa sinimulan kong lagyan ng konting glitters ang tummy ko. Sinilip ko rin ang may sulok ng mata ko kung ayos pa, pati sa legs ko.

"Can you see the glitters on my back? Visible ba?" tanong ko sa dalawa kong pinsan.

"Kaden, ako nagkaroon ng girlfriend, marami. Pero first time kong maka-encounter ng babaeng obsess sa glitter, itong pinsan lang natin. Saan ba uso ang glitters?"

"Eh, shut up na kasi! Naghihintay na sa akin si Keaton. Kung okay na ba glitters ko?" sabay tumango si Lonzo at Kaden.

"Great!"

I was about to let go of my bottled glitters nang may napansin pa ako sa repleksyon ko. My eyebrows arched.

Should I put on my cleavage?

Binuksan ko ulit ang bote at nasa akma na akong maglalagay nito nang may umagaw nito sa akin. Ang bilis ng dalawa kong pinsan na nasa magkabila ko na at kapwa na sila nakahawak sa mga glitters ko.

"Tama na! Kung saan-saan ka pa naglalagy!" napapikit ako nang nagbibirong ihahampas sa akin ni Lonzo ang bote.

"Kung tirisin na kaya natin 'to, Lonzo?"

Itinulak ko na silang sabay at naglakad na ako, my usual model walk.

"Aattend ba kayo?"

"Sino magbabantay sa'yo? Wala naman si Wynter."

"Samonte brothers?"

"Sa sobrang dami ng glitters mo baka umatake na rin sila sa'yo. Don't worry, we'll be behind the shadows."

"Whatever."

Hinatid ako ng mga pinsan ko sa labas, naghihintay na si Keaton na katulad ko ay black din ang suot.

Gosh, he's so boyfriend material talaga.

Bumaba na si Keaton sa kanyang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Damn, he's so boyfriend material talaga! I can't feel the smuggler vibe on him, siya talaga iyong tipo na legal sa lahat ng bagay, walang nilalabag na batas. Hindi katulad ng iba sa tabi-tabi na puro illegal na lang talaga.

Kumbaga sa mga Chinese product, siya iyong high class, hindi katulad ng iba mga class A lang, Mandarin pa lang sablay na. Siguradong kapag kinausap ko ng Mandarin itong si Keaton, intsik din ang sagot niya sa akin.

Gosh, bigla akong na-stress! Hindi naman siya guwapo. At ang mestiza na kagaya ko ay bagay lang sa mestizo na katulad ni Keaton.

I forced a smile in front of Keaton. Good vibes, Autumn.

"Wanshang hao!" I greeted Keaton. Pansin ko na saglit kumunot ang noo niya.

"Nakainom na ba si Autumn?" tanong ni Lonzo sa likuran.

"Ei, shen me shi?" Keaton answered back. I gasped in amazement at napapadyak ako sa kilig kahit 'di ko alam ang sinabi niya.

He's legit! Gosh, siya hindi smuggler talaga!

"Wei go niao?" mas lalong kumunot ang noo ni Keaton.

"What? It's been a while when I last-"

"Keaton, it's not Mandarin. It's 'we go now'. Ipasok mo na sa sasakyan 'yan, baka buhatin pa namin 'yan ni Lonzo pabalik dito sa mga kaartehan niya." Iritado akong lumingon kay Kaden.

"Ang kj mo! Nag-chinese talk pa kami, e!"

Hinawakan na ni Keaton ang siko ko at inalalayan niya na akong pumasok sa sasakyan. He's not the aggressive type, hindi agad siya humawak sa bewang ko, 'di tulad ng iba na-

Oh shit, I won't think about him! Hindi naman siya marunong magmandarin.

"You look great." He whispered in my ear.

I smiled. "Thanks."

Akala ko ay kami lang, pero naghihintay din sa likuran ang kapatid niyang si Lants.

"Hi, Autumn!" sobrang lawak ng ngiti niya sa akin.

He has this do you wanna build a snowman vibe talaga.

"Hey," tipid na bati ko.

Nang tumabi na sa akin si Keaton ay ikinawit ko ang braso ko sa kanya. Hindi naman siya umangal, tingin lang siya sa akin ng ilang segundo, walang emosyon at walang sasabihin.

Ngumisi ako. Okay lang! Ang mga ideal boyfriend ay iyong mga cold talaga.

"Wow, parang maiksi lang ang buhok mo kanina." Puna ni Lants.

"Ah, it's just an extension. Bagay ba?" I flipped my hair.

"Of course, you look sexy with long hair and your dress." Ngumiti ako at bahagyang hinampas ang balikat ni Lants.

"Napilitan pa nga ako isuot 'to e..." inilabas ko ang maliit kong salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Humiwalay muna ako kay Keaton at inabala ko ang sarili ko sa aking pagiging jowable.

"Can you see the glitters on the sides of my eyes?"

I couldn't help but to giggle as I angled myself in front of the mirror. "How's my lipstick? Oh gosh, 'yong pagkaka-curl ng eyelashes ko medyo may mali yata."

Ilang minuto kong kinakausap ang sarili ko sa salamin, nang hindi na ako makuntento ay kapwa ako lumingon kay Keaton at Lants na kanina pa pala nakatitig sa akin.

"Am I pretty?" I asked them with my softest voice.

Lants smiled at me. "Pretty and funny, right, Kuya?" lumingon ako kay Keaton.

He just looked at me and nodded.

Wala naman silang sinabi sa akin na masama, they even appreciated how beautiful I was, pero bakit parang may kulang? Bakit parang may hinahanap ako sa sagot nila?

And looking at them right now, they didn't seem to notice how slightly maarte I was. Iisa lang ang reaksyon nila, si Lants na ngingiti at tatawa ng konti tapos sasabihin na maganda ako at itong si Keaton na tititig ng isang minuto saka tatango.

"Aren't you annoyed or something? Hindi ba kayo naaartehan sa akin?"

"Nah, you're good." Sagot ni Lants. Tiningnan ko ang reaksyon ni Keaton, isang minuto ulit siya tumitig sa akin.

"You're fine. What's wrong?"

Gosh, ang weird nila. Kung si Wayto ang kasama ko, labas na ang ugat niya sa kanyang noo, dahil gigil na siya sa akin. Or he'll just threaten me of his bite bite bite...

Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko nang bigla na naman pumasok sa isip ko ang pangalan niya. Shit!

"By the way, can I call you, Kito?" tumitig ulit sa akin si Keaton, iyong titig niya talaga walang emosyon. Ano ba 'tong boyfriend material na 'to?

"Sure."

"And you, Lants, can I call you, Lato?"

He shrugged, "No problem."

"Good. And hey, give me a kiss later." Tumango lang si Kito.

Kung pag-umpugin ko na kaya ang magkapatid na ito? Umiinit na ang ulo ko sa kanila. Because they were just giving me the same expressions!

Sumandal na ako at pinagkrus ang aking mga braso at hita. Kung hindi ko mapapakinabangan itong dalawang intsik na ito, wala na talaga akong pagpipilian.

Nakarating na kami sa mansion ng mga De Mesa, sobrang ingay na nasa labas pa lang, kita na rin ang pagpapatay buhay ng mga ilaw.

Let's get wild!

Nakayakap ako sa braso ni Kito nang naglalakad na kami sa may pool side, mas umarko ang kilay ko nang makita sa malayo si Wayto kasama ang mga Ferell, katabi niya rin si Summer.

Matalas ang mata ni Tristan dahil nakita niya ako, bumulong ito kay Nero na lumingon sa akin. Ngumisi sa akin ang best friend ni Wayto.

I made face na talagang makukuha ni Nero ang ibig sabihin ko.

I was planning to asked for their fucking help, pero naunahan ako ni Wayto! Kung sabagay, kakampi ba naman sa akin ang mga walang hiyang Ferell na 'yon? Hindi rin nagtagal ay bumulong na rin si Nero kay Wayto.

"Stop staring, you're too affected." Bulong sa akin ni Kito.

Hindi nag-abalang sumilip sa direksyon ko si Wayto nang marinig niya ang bulong sa kanya ni Nero, sa halip ay mas binigyan niya ng pansin si Summer. May pangisi pa sila sa isa't-isa at pagbulong-bulong pa!

Ah, tang ina mo. Selosan pala?

"Autumn!" nakahinga ako ng maluwag nang magpakita sa akin si August at Tanya. Iniwan kami ni Kito at sinamahan niya si Lato at iyong mga boyfriend ng kaibigan ko.

"Nanggigigil ako kay White, sa totoo lang." Kumento ni Tanya habang may hawak na wine glass.

Syempre ako iyong nasa gitna, ako ang bitch face habang nakakrus ang mga braso. "Selosan ang gusto ng gago."

"Nakita ka na ba?" tanong ni August na may hawak din baso.

"Hindi pa, ayaw tumingin sa akin. Well, natatakot. Gandang 'to?" hinawi ko ang buhok ko.

"The stage is ready, you know."

"Mamaya na ang stage, we need to drag him on the dancefloor and I'll kiss Kito there." Sabay ngumuso si Tanya at August sa akin.

"Are you sure?"

"Yes. Kito is my boyfriend now. It's okay." Sabay silang nagkibit-balikat.

Humiwalay muna ako sa dalawa kong kaibigan para kumuha ng dessert, nakakadalawang kuha pa lang ako ramdam ko ang biglang paglapit sa akin ng isa sa mga alipores ni Wayto.

"Mas maganda si Summer, share ko lang."

"Umitim ka yata lalo, Nero? Share ko lang din." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Nakakatawa kayo ni White."

"Tapos?"

"Pikon ka, nandito nga ako para tumulong. Now tell me the trick."

"Eh? Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?"

"You're such a racist. Now, tell me... you know... sa bahay namin dito natulog si White. Alam mo ang binubulong habang natutulog?"

"Stop. Don't talk."

"Afraid?" he chuckled. "Come on, I will help you."

Umirap ako sa kanya. "Bahala ka na d'yan, magsama kayo ng best friend mong gago."

Tinalikuran ko na si Nero kasabay ng paghawi ng buhok ko.

"Glitters... he's been whispering glitters. At tagiliran..."

Hindi ko mapigilang ngumisi sa sinabi ni Nero. Gusto kong pumadyak at biglang himatayin. He's so gago talaga! Tang ina niya.

Eh, sino pa ba ang nag-iisang babaeng may glitters sa Enamel? Oh gosh...

Nagmamadali akong lumapit sa dalawa kong kaibigan at sinabi ko sa kanila ang plano.

"Si Nero, sabihin n'yo sa kanya na dalhin sa dance floor si Wayto."

"Eh? Si Nero? Sigurado ka ba na mapagkakatiwalaan 'yon?" ngiwing tanong sa akin ni Tanya.

"Hindi, but we can try. I'll just pee."

Tinapik ko ang balikat nina Tanya at August bago ko sila iwan, nagdiretso na ako sa cr. Pero sa kamalas-malasan nga naman.

Nag-auto bitch face ang mukha ko. Hindi muna ako pumasok sa cubicle at tumabi ako sa kanya at humarap sa salamin.

"So... kumusta ka na?"

Syempre, siyang iyong mga api-apihan na character, ako iyong kontrabida.

"Ayoko ng gulo, Autumn."

"Uhuh? Sa tingin mo, sino kaya ang nagtanim ng bomba sa mga Arellano?" tumagilid na ako sa humarap sa kanya.

"Hindi ba't ikaw? Ginamit mo lang si White."

"Wow, paano ko ginamit? Sige nga."

Natapos siya sa paghuhugas ng kamay niya saka siya humarap sa akin ng diretso.

"Nahuli ka na, ano pa ang hinahabol mo kay Arellano?"

Mas lumapit pa ako sa kanya at lalong pinatalim ang aking mga mata.

"Sa tingin mo, kailan ka kaya mahuhuli?" sarkastiko siyang tumawa sa akin.

"Are you really blaming me on that bomb? Do you think I want to be part of this? Masyado ka pang inosente sa bagay-bagay, Olbes. At kung ako sa'yo, titigilan ko na si Arellano. Bakit? Hindi ko na para habulin ang lalaking kayang sikmuraing sirain ang pangalan ng babaeng sinasabi niyang mahal daw-weird 'diba?"

"W-What do you mean?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

She shrugged. "Let's say... he's already expecting that your name will be ruined. At wala siyang ginawa ro'n. Pretty sweet, right?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro