Chapter 34
Chapter 34
Lie
I was still dumbfounded when I entered the campus. Like seriously? The Samonte brothers! Those Chinese hotties are real!
Kailan pa sila bumalik sa Pilipinas? O baka nasa Manila lang sila? Parang nitong isang araw lang namin sila pinag-uusapan. And I was really surprised to see Langston, hindi naman kasi ito matagal na tumigil sa Enamel no'n, si Keaton lang talaga, akala nga ng marami ay nag-iisang anak ito, but they're wrong.
They're the Enamel frozen princes!
They're legit Mandarin speakers, fair complexion and even those eyes. Mga chinito talaga! Not like someone there, na fake ang salitang intsik. Hindi ko sinasabing Arellano ang apelyido niya, pero parang gano'n na nga.
I couldn't help but to giggle. I'm so pretty talaga, I just applied few glitters at the side of my right eye, pinaliguan ako ng mga chinito, paano kaya kung lagyan ko rin
ang kaliwang sulok ng mata ko?
I bit my lower lip. Baka mamaya bigla magpakita iyong magkapatid na De Mesa. Gosh... umuulan ng mga guwapo sa Enamel at sa sobrang jowable ko, dalawa ang bumagsak sa akin.
"Gosh... gosh..." pinagpayan ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay. I forgot to bring my portable electric fan.
"Autumn, hindi ka ba nahihirapan d'yan sa sapatos mo?" natigil ako sa pagpaypay nang lumingon ako kay Belo.
"Oh, Belo my dear bestfriend." Kunot ang noo nitong nakapamulsa habang naglalakad papalapit sa akin.
"Malaki ang kasalanan mo sa akin."
"Oh, why? Wala naman yata akong naaalala."
Mas lumapit sa akin si Belo at mukhang gigil ito sa akin. "Remember what happened during your spying last time?"
Nag-isip ako saglit. "Ah, yah! That one. Thank you for that, Belo. Don't worry, I won't forget that promise."
Lalong kumunot ang noo niya sa akin. "My family has debt on her family."
"Oh, really, edi bayaran?"
"Yes, of course. Utang binabayaran."
"That's good." Inangat ko ang kamay ko at tinapik ko ang pisngi ni Belo. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba niya ito.
"And you know what? I need to pay their family a one-year labor service, na dapat pera na lang."
"W-What? Why did you agree? Kung pwede naman na pera na lang."
"Tss. Bakit ko ba ito ipinaliliwanag sa'yo? Hindi ka naman magi-guilty." Umirap sa akin si Belo, tumuwid na siya ng pagkakatayo pero nanatili siyang nakapamulsa.
"What kind of labor ba?"
"Boy, Autumn. Isang taon akong magiging boy sa hacienda nila sa Dumary. Ikukulong nila ako sa hacienda."
Natulala ako kay Belo, his story was so familiar...
"Beauty and the beast..." mahinang sabi ko.
"Oh fuck, ayoko na rito..." tinalikuran na ako ni Belo at ilang beses niyang ginulo ang kanyang buhok habang naglalakad na siya papalayo sa akin.
I shrugged and continued to walk, but then I realized that I was already late for first class. Kaya nagmadali na akong tumakbo kahit five inches ang heels ko, well, mga jowable lang na may glitter ang nakakagawa ng ganito.
"Sorry po... I'm late."
Mabuti na lang at mabait ang professor sa unang period, kaya pinapasok niya pa rin ako. Ramdam ko ang titig ng ilan sa mga kaklase ko at kung inaakala nilang tutungo ako, nagkakamali siya.
Dahil sa tuwing nararamdaman kong may nakatingin sa akin ay tumitingin din ako pabalik at binibigyan sila ng pamatay na ngiti.
Habang nagdidiscuss ang professor namin, nag-iisip na ako ng paraan para masira ang araw ni Wayto. Well, he saw the Samonte brothers, pero 'di ko masyadong mabasa ang reaksyon niya.
I don't know if he's just a good artist or wala siyang pakielam. Well, I can always try. Now back with the Samonte brothers, what was my Aunt Mirabel's trick? Sa pagkakaalam ko ay mas mayaman pa ang mga Samonte sa pamilya namin. How could she pay their service?
Siguro nga ay mas sikat ang Olbes at Arellano sa buong Enamel at maging sa mga karatig-probinsiya, pero alam kong malaki rin ang impluwensiya ng mga Samonte.
"Whatever," bulong ko sa sarili ko.
Ang mahalaga, kakampi sila ng mga Olbes.
Pinakahihintay ko ang lunch break, pareho kami ng schedule ng vacant ni Wayto kaya sigurado akong magkukrus ang landas namin sa canteen.
Gusto ko sana na may queen bee effect ang pagpasok ko sa canteen, habang may dalawa akong kasamang babae na bitch face rin, kaso iyong dalawa kong masasabing malapit na sa kaibigan sa school na ito ay imposibleng maging bitch face. Aurelia and Euphie are saints.
So... ako na nga lang.
Ingay ng heels ko ang umagaw sa atensiyon ng lahat, taas noo ako at lumakad ako na parang may pageant. Agad nahanap ng mga mata ko si Wayto, nakikipagtawanan lang siya pero nang makita ako biglang nawala ang tawa ng gago.
Ako ang unang nag-iwas ng mata sa kanya na may kasamang pag-irap. Dahil syempre, mainit pa ang issue sa pagitan namin ni Wayto, iyong pagiging tahimik ng buong canteen kaming dalawa ang dahilan.
I confidently walked near the counter with my killer heels, habol ang tingin ng karamihan ng mga lalaki sa akin at bulungan ang mga insecure na babae. Of course, sino ba naman ang hindi matutulala sa akin.
I have imported hypoallergenic glitters on my legs. Kayo uhaw akin legs, lalo na gago d'yan sa tabi tabi, di ko sabi Arellano apelyido niya.
Ilang hakbang na lang sa may counter, tumigil ako sa paglalakad. I stepped my right leg forward and slightly inclined it to emphasize how flawless I was and I flipped my hair before I pulled my cash from my wallet.
Alam kong karamihan sa kanila nakanganga ngayon habang pinapanuod ang exaggerated movement ko, I don't care. This is me at matagal ko nang tanggap ang sarili ko, na sa minsang pag-arte ko nakakaagaw talaga ako ng atensyon.
Tahimik silang lahat ngayon habang pinapanuod ako.
"Bottled water, please... I'm slightly thirsty na kasi... gosh so hot here..." I elegantly fanned myself using my right hand.
Parang nag-echo ang boses ko sa loob ng canteen, well...the jowable way of buying mineral water.
Hindi na rin siguro napigilan ng ilan sa mga schoolmate ko, dahil narinig ko ang pagsigaw ng ilan. I even heard someone shouted, "Ganda mo, Autumn!"
Bumili rin ako ng sliced apple at pinili ko iyong upuan na makikita ako ni Wayto. Hindi ko na tinitingnan ang reaksyon niya, well, alam ko naman na hindi siya tanga, alam niyang inaasar ko siya. I was just afraid to check him and see nothing.
I crossed my legs and started to eat the apple. Nag-iisip na ako ng susunod kong gagawin, lalo na at tahimik lang sa likuran ko. Hindi na bumalik sa tawanan ang grupo ni Wayto. But I have this feeling that someone was really staring at me from the back, I hope it's him.
"Dwight, may pa-open party daw ang mga De Mesa mamaya, pupunta ka?" rinig ko. Speaking of the devils, nandito na nga ang mga guwapo ng Enamel.
"Depende."
"Depende kanino?"
"Yeah."
Dumiin ang hawak ko sa mansanas. "Isama mo na lang, ipakilala mo sa amin."
Did Wayto tried to introduce me to his friends? Pero 'di ba at wala siyang kaibigan dito? Belo's considered to be his closest friend. Wow, ilang araw lang ako nawala, naka-recruit na agad siya.
"Sure. I'll ask her."
Hindi rin nagtagal nauna nang umalis si Wayto at ang mga bago niyang friends. I was about to message my brother to ask the Samonte brother's number when I saw message from two unknown numbers.
I grinned. Napakabilis ng mga instsik na ito.
Hi, Autumn. I hope you'll like me more than my brother - Lants
Call me if you need me - Keaton Tirzo Samonte
Tumaas ang kilay ko sa magkapatid. I like Langston because he's funny, mga tipo niya iyong parang mga kasabwat sa mga kalokohan, but this Keaton, well... very boyfriend material.
I saved their numbers, then I messaged them. Informed them about the De Mesa party. Si Lants talaga iyong halatang party boy, kaya mabilis siyang nagreply na sasamama siya, ilang minuto pa ako nakatanggap mula kay Keaton.
Sure. Don't send Lan your messages. I am the boyfriend. Thanks - Keaton Tirzo Samonte
Bigla akong ngumisi at kinilig sa natanggap ko. Gosh, kapag nagtuloy-tuloy ito, pwede na si Keaton! Siya talaga iyong ideal man ko, maputi at hindi mukhang smuggler!
Natapos ko ang klase na good mood ako. Bago umuwi ay nagkasalubong pa kami ni Wayto, and I saw how his forehead creased when his eyes scanned on my legs. Siya ang unang nag-iwas sa akin at nagdiretso siya sa parking lot. Eksakto na nando'n na raw si Keaton.
Nagmadali akong maglakad para maabutan ko si Wayto, sinabi ko kay Keaton na magpark siya malapit sa smuggled car ni Wayto, and he said yes. Malayo pa lang ay kita ko na si Keaton na nakasandal sa kanyang sasakyan.
Wayto continued walking, sumigaw na ako ng malakas, "Kito! Hon!"
Walang emosyon si Keaton na tumingin sa akin, halos tumakbo ako patungo sa kanya at pilit ngumiti, I was giving him signals to be a sweet boyfriend.
Naglakad na rin siya para salubungin ako. Parang bigla akong nagsisi, mas mabuti yatang boyfriend iyong kapatid niya. Keaton is too stiff!
Mas nagmadali pa ako para maabot ko si Keaton at marinig ni Wayto ang sasabihin ko bago siya makapasok sa kanyang kotse. Pumulupot ang mga braso ko kay Samonte at ngumuso ako sa harapan niya.
"Hon... I think an ant bit my legs a while ago. Nakagat ako and it's quite itchy..." I waited for him to answer back, but the stiff hotty was just looking at me!
Ano ba 'to?! Mahahalata kami ni Wayto!
Muntik na akong mapatalon nang isang malakas na busina ang umabala sa amin ni Keaton, dito ko napansin na nakahara pala kami sa dadaanang sasakyan ni Wayto.
Ibinaba nito ang kanyang bintana at ilang beses niyang hinampas ang kanyang pintuan.
"Ano ba? Pahara-hara!" umirap lang ako. Si Keaton ang humila sa akin at itinabi niya ako.
"You're too obvious." Kumento ni Keaton, akala ko sa akin pero diretso ang titig nito kay Wayto.
"Huh?" sa akin lumipat ang mata ni Wayto. "Olbes, itigil mo na 'yan. It's not working. Accept it, wala na tayo. Sawa na ako sa kaartehan mo."
Nangatal ang katawan ko sa sinabi ni Wayto, bigla niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan at naiwan pa siya ng usok sa amin ni Keaton.
"He's lying." Agad na sabi ni Keaton.
Tumango ako sa kanya. "Yes, he's lying. Let's go."
Nauna na akong magpunta sa harap ng kotse niya. Ang bilis nag-init ng sulok ng aking mata, naiiyak na naman ako.
I know that he's rude. Nakilala ko siyang matalas ang dila, but saying those words?
Ano ba talaga ang dahilan niya? Bakit siya biglang nagalit sa akin? There's something in his eyes, na bigla na lang lumabas simula nang pumutok iyong balita. Siniraan na ba talaga ako ng pamilya niya?
Tahimik kami ni Keaton habang nasa biyahe kami pauwi.
"Should we postpone the-"
"No, pupunta tayo. Besides, I want to meet those guys. May itatanong lang ako."
"Who?"
"Ferells. Siguradong pupunta naman sila."
"Ah, them."
"Kilala mo sila?" tumango si Keaton. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho pero pansin ko na napapasulyap siya sa akin.
"So, what's the plan? I'm really sorry, this is my first time to have a girlfriend." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Seriously? H-Hindi kaya dapat ay si Lants na lang ang i-boyfriend ko?"
"No. He's an idiot. Baka totohanin niya at yayain ka agad magpakasal."
"Oh."
"Marami na siyang inalok ng kasal, he's crazy."
"And you're stopping him?"
"Always."
Humahanga ako habang napapatango. "Very frozen like." Bulong ko.
"Would you like me to kiss you?" he asked blatantly.
"W-What?"
"I mean, later? At the party. He's lying. Puputok ang ugat niya kapag hinalikan kita."
"Would you like to kiss me?" tanong ko pabalik.
"You're pretty. It's okay." Tipid akong ngumisi sa kanya. "You're weird."
"Yeah."
Ilang oras lang ang lumipas bumalik na si Keaton kasama ang kapatid niyang si Lants, sinabi ko sa mga kaibigan ko na sumabay na sa amin sa pagpunta sa mga De Mesa, hindi naman ako binigo ni Tanya at August.
"Are you ready?" tanong ni Tanya.
"Yes."
I stood up with my new jowable outfit, if both of my sides were exposed last time, then I should expose the other part of my flawless skin.
From chinito, dahan-dahan... let's see your reaction with this one.
"Let's go, girls. The stage is waiting for me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro