Chapter 33
Chapter 33
Rescue
Pumayag ako sa plano ni Tita Meribel. My parents tried to disagree, my brother and even my cousins pero nagdesisyon na ako. Sinimulan ng mga Arellano, tatapusin ng pamilya namin. Kung gusto nila ng maduming laro, pagbibigyan namin ang gusto nila.
To hell with Wayto and his broken promises. Wala na akong balak umasa sa kanya, ilang araw na akong hindi pumapasok hindi man lang ba siya nag-alala man lang sa akin?
Inaamin ko, kahit gaano ako kagalit sa kanya sa sulok ng puso ko, umaasa ako na bigla na lang siyang magpaparamdam at magpapaliwanag sa akin. Kahit ibinaba ko na ang desisyon ko na talagang kalabanin siya at ang pamilya niya, alam ko na sa sandaling magbigay siya ng paliwanag... bibigay ako, patatawarin ko siya, yayakapin ko siya...tatanggapin.
I just realized how effective his poison was. Ako iyong sobrang nalason, na sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, mahal na mahal ko pa rin ang gago, he's still my jowable babe.
Isang paliwanag mula sa kanya... magugulo ang sistema ko.
Pero ang malaking tanong? Magpapaliwanag ba?
Ilang beses kong ipinilig ang sarili ko. I should wake up and treat this fucking poison. Dahil nangako na ako, pamilya muna, ang mga tao munang hindi ako iiwan sa ere, ang mga taong kailanman ay hindi ako sisirain o sasaktan.
Thinking about him, giving him a chance, waiting and still loving him was foolish. Dapat sa mga oras na ito ay mas isipin ko ang bagay na makatutulong sa aking pamilya, hindi ang bagay na sisira rito.
I should hate him. Love was foolish.
Paulit-ulit ko itong idinidikta sa sarili ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalaro ng yelo sa aking baso habang hinihintay na lang itong matunaw dahil sa kaunting juice na itinira ko rito.
Mabuti na lang talaga at nakumbinsi ni Tita ang buong pamilya na manatili ako rito sa Pilipinas. Ako ang sentro ng eskandalong ito, tapos iiwan ko lang sila sa ere at hahayaang ayusin ang gusot ko?
Anong klaseng kadugo naman ako?
I should clean my own mess.
"I told you, dapat bombahin na lang natin ang mga Arellano. Wala nang magagawa ang mga matatanda kapag nabomba na natin." Tumalim ang mga mata ko sa pinsan kong si Kaden.
Kagabi pa siyang paulit-ulit sa bomba niya!
"Are you insane, Kaden?" tanong sa kanya ni Kuya.
"Matagal na talaga akong asar d'yan kay Dwight Arellano, sarap basagin ang mukha." Gigil na sabi ni Lonzo.
"Tang ina, 'wag nga muna nating pag-usapan ang mga hayop na Arellano, hindi pa ba kayo nagsasawa? Kagabi pa sila. I need a fucking peace of mind." Iritadong sabi ni Kuya. Nagsalin siya ng juice sa kanyang baso at mabilis nila itong ininom.
Hindi pa rin ako pumasok ngayong Lunes at napag-usapan na bukas na lamang, hindi ko na alam kung anong susunod na hakbang ng mga kamag-anak ko. Basta sinabi ng mga ito na pumasok na lamang ako.
They asked me if I was really sure about this, syempre hindi maiiwasan ang bulungan sa sandaling pumasok ako sa klase. Siguradong maraming langaw ang sisira sa araw ko.
But I already had the flirty image inside our school, hindi ko na namalayan no'n na malandi na ang tingin nila sa akin. Paano nga ba? Hindi ko naman kasalanan na type ako ng mga boyfriend nila at masyado silang threatened sa akin, kahit nakakasalubong ko lang sila sa daan.
Kaya siguro maraming nakahinga ng maluwag nang kumalat ang balita na naging kami ni Wayto no'n, ibig sabihin wala ng Autumn Stassi na pwedeng mang-agaw ng boyfriend. But sadly, after everything that had happened, mukhang kakabahan na naman ang mga tangang paranoid.
Siguradong iyong mga haters ko, mas dadami. The boyfriend protection squad, Arellano's blinded supporters, iyong mga tanga lang talaga, mga tsismosa na nakikiuso at mga insecure na hindi jowable.
Pathetic creature.
"Kami na ang maghahatid sa'yo bukas." Sabi ni Kaden.
"Sigurado ka ba? No class? Di ka uuwi sa Manila?" nagulat din ako nang makita ko sila kagabi. Basta talaga gulo, hindi magpapahuli ang mga ito.
"Malapit na ang bakasyon, Autumn. Magpapasa na lang ako ng requirements." Sagot niya sa akin.
Pumapasok pa lang itong si Kaden pero may koneksyon na sa mga gumagawa ng bomba. Seriously? Ano pa ba ang inaatupag ng mga pinsan ko?
"How about you, Lonzo?" I asked him.
"Same. Kahit maghalinhinan na lang tayo sa paghatid sundo sa kanya. Bakit kailangan tatlo pa tayo?" tanong nito kay Kaden at Kuya.
"Kayo lang dalawa, I'm going to be Aunt Mirabel's driver, may pupuntahan kami." Sagot ni Kuya.
May tatlo pa akong pinsan na lalaki na hindi na rin nalalayo ang edad sa amin, nasa Manila pa yata o nasa ibang bansa. Si Lonzo at Kaden lang talaga ang napapansin ko na parang hindi nahihirapan magpabalik-balik dito at sa Manila.
"Where?" nagtatakang tanong ko.
"Powerful accomplice." Tipid na sagot nito.
"Autumn's new boyfriend? Seryoso ba talaga kayo? No offense, cousin, but I don't really trust your emotion. Alam namin ni Lonzo ang kalokohan n'yong magkapatid." Nanlaki ang mga mata ko kay Kaden bago ako nag-aakusang lumingon kay Kuya.
"Bakit mo sinabi sa kanila?!"
"I slipped my tongue, I'm sorry." He shrugged.
Umirap ako bago ko isa-isang sinamaan ng tingin si Kaden at Lonzo. "Wala kayong sasabihin sa mga oldies."
"May sinabi ba kami? Come on, Autumn. Alam mong kakampi mo kami. But really, I am still against with the boyfriend revenge wannabe. Parang tanga lang, kilala n'yo si Tita Meribel, dating artista, masyadong na-expose sa mga pelikula." May pagngiwi pa si Kaden habang sinasabi ito.
"Kung kasama naman si Wynter sa paghahanap, hindi na siguro magkakaroon ng problema." Sabi naman ni Lonzo.
"Do you think there's a willing family? Sinong matinong pamilya ang gustong sumingit pa sa gulo?" tanong ko.
"Money has a good explanation." Sagot ni Lonzo.
"If they are powerful enough, bakit kailangan pa ng pera? I think... hunting a prospective boyfriend will take time."
"Powerful or not, Autumn, iisa ang amoy ng pera. Don't worry, when in terms of negotiation, Aunt Meribel and Wynter is a good pair." Kumindat sa akin si Lonzo.
"So, you're not against-" hindi pinatapos ni Lonzo si Kaden.
"May magagawa pa ba tayo? Utos na ng nakatataas. All we need to do is to support. Kung magkaproblema tayo sa magiging boyfriend, saka mo ipabomba, samahan pa kita pinsan."
Napailing na lang ako sa usapan ng kapatid ko at ng mga pinsan ko. Tumayo na ako, pero bago ko sila iwan nagbilin ako kay kuya.
"Kuya, choose someone with fair complexion, chinito or someone with Chinese blood."
"Eh? Similar features?" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Lonzo.
"Hindi siya maputi and he's not a pureblooded Chinese. He's damn fake..." sa maraming bagay...
"Alright. Noted, sister."
**
I checked my whole reflection for the last time. Perfect! Kung inaakala nila na magmumuka akong stress sa lahat ng nangyari, nagkakamali sila. I will double my effort to look pretty and jowable.
Pinalitan ko ang usual na sapatos ko, kung dati ay iyong minimum inches lang ng heels ang gamit ko, ngayon ay mas mataas ang suot ko. From two inches to five inches heels. Hindi ko naman kinapalan ang make-up ko dahil maganda na naman ako kahit wala nito, I just applied a new shade of lipstick. I perfectly curled my hair, applied some glitters on my legs, pulled my skirt upward to make it sexier and also few glitters at the side of my right eye.
Nagkakape si Lonzo ng pumasok ako sa kusina. Naibuga na nito ang kanyang kape nang makita ako.
"Good morning, my handsome cousin. How's the coffee?" ngiting tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at kumuha siya ng tissue para punasan ang kanyang labi. Ilang beses pa siyang tumingin sa damit niya kung may kape ba rito.
"Saan tayo? Papasok ka ba?"
"I'm wearing my uniform, can't you see?"
"I can't feel the school vibe."
I waved my hand in dismissal. "It's just the heels."
Tatlong beses nang bumubusina ang sasakyan ni Lonzo, nauna na siya sa aking lumabas. Kinuha ko na ang bag ko at nagsimula na akong maglakad palabas. Nakasalubong ko pa si Kaden na dalawang beses akong sinulyapan hanggang sa mapatigil na ito.
"Di ka papasok?"
"Naka-inform ako." Natawa siya sa akin.
"Mas mataas pa ang heels mo sa prof."
"Excuse me, dapat ba ay mas mataas ang heels nila?"
"I don't know. Goodluck, pinsan." Lumapit sa akin si Kaden at humalik siya sa aking noo.
"Kill them in Olbes way."
"I will."
Tinalikuran na ako ni Kaden, akala ko ay wala na siyang sasabihin nang mapangiti ako sa narinig ko.
"By the way, I like the glitters near your eyes."
"Thanks, Kaden."
Nakabukas na ang sasakyan ni Lonzo, nakatitig pa rin ito sa sapatos ko na parang wala siyang tiwala rito.
"May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala, ako na rin susundo sa'yo mamaya. Bukas na si Kaden."
"Okay."
Tahimik kami ni Lonzo, inilabas ko ang aking maliit na salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko.
"Do you want me to-"
"Spill it, Lonzo." Agad kong sabi kahit ramdam ko ang biglang pag-iiba ng tibok ng puso ko.
Hindi man niya natapos ang sasabihin niya sa akin, alam ko na tungkol ito kay Wayto.
"After that controversial news, no disappearance happened. Hindi siya nag-absent kahit isang araw. Same life, same routine, the only difference is--"
"Me. Of course. Nawala ako sa routine niya. Anything else?" dumiin ang pagkakahawak ko sa salamin.
"Summer, they're now dating. It's now circulating in your campus that the woman saved him from the fucking heartache." Gusto ko nang ibato ang salamin na hawak ko.
"What else?" I asked.
Lumingon na sa akin si Lonzo, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at humarap sa daan.
"I'm sorry... sinabi ko lang dahil ayokong magugulat ka." Agad kong pinunasan ang pasaway na luha sa mata ko.
"It's okay. I am fine."
"We can still go back."
"I am fine, Lonzo."
Sampung minuto yata akong nanatili sa sasakyan kahit nakaparada na ito malapit sa school namin, hindi ako kinausap ni Lonzo at hinayaan niya muna akong mag-isip at ihanda ang aking sarili.
"I need to go."
Bumaba na ako, sumundo si Lonzo sa akin. "Call if you need us."
Tumango ako sa kanya. "Thank you."
Iniwan ko na si Lonzo, ilang hakbang lang ang ginawa ko, lumingon na ako sa kanya, dahil inaamin ko parang gusto kong bumalik... pwede bukas na lang? Paano kung makasalubong ko siya?
Akala ko ba ay kaya ko na 'to?
He's still there na parang nababasa niya iyong nasa isip ko. Huminga ako nang malalim, ako ang nagdesisyon nito. Ngayon pa ba ako aatras? Paano ko matutulungan ang pamilya ko kung naduduwag na ako sa simula?
I need to save my pride, our family pride.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, marami na rin ang papasok na estudyante at karamihan sa kanila ay napapasulyap sa akin. Pinilit kong itaas ang aking noo.
Uglies.
Buong akala ko ay magagawa kong maganda ang pagpasok ko sa campus, akala ko mamaya pa, akala ko mas makakapaghanda pa ako.
But I just heard the familiar exaggerated car sound, lalo na ang pagdi-drift nito na akala mo ay laging nasa race track.
Hindi ko gustong lumingon, pero ang sarili kong katawan ang mismong nagdikti sa akin. Kasabay nang pagbagsak ng pintuan ng dilaw niyang kotse ay ang pagtatama ng aming mga mata.
We stared at each other. Sinubukan kong hanapin iyong Wayto na minahal ko, iyong nag-iisang smuggler na hindi ko isusuko sa kahit anong batas, ang lalaking pinili ko bago ang pamilya.
But I found a stranger... someone else... he's not my Wayto.
Inihagis niya sa ere ang kanyang susi bago niya ito ilagay sa bulsa ng kanyang uniporme.
Nagsimula siyang maglakad, para akong tanga na nanatiling nakatitig sa kanya. Dapat tumalikod na ako at huwag siyang pansinin, bakit puro na lang ako salita?
Patungo siya sa direksyon ko o tamang sabihin sa likuran ko kung saan ang entrance.
I need to move... I need to fucking move, but I just can't... parang napako na ang mga paa ko.
When he was just a step away from me, another disturbing car noise interrupted us. Wala akong planong tingnan ang sasakyan, but when I heard that someone called me... I felt relieved.
I got help.
Kahit si Wayto ay napatigil at napalingon sa boses na tumawag sa akin. Dalawang lalaki ang bumaba sa magandang asul na sasakyan, halos lakad takbo ang isa sa kanila.
Both of them looked familiar.
Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at nagmadali akong lumapit sa dalawang lalaki. Sigurado akong sila na ang nakausap ni Tita at Kuya.
"Autumn... I'm sorry, we're late. Blame me, kaya hindi ka naihatid ni Kuya." Kumakamot sa kanyang ulo ang lalaking chinito na medyo may pagka-blond ang buhok.
"This won't happen again. Sorry, sweetheart." Umawang ang bibig ko nang mas lumapit sa akin ang sinasabi niyang kuya.
Them... really? I was just expecting for one.
I Just got one of the powerful brothers here in Enamel. Keaton Tirzo Uy Samonte and Langston Tirzo Uy Samonte. Ang magkapatid na may-ari ng pinakamaraming sabungan sa Pilipinas (based from my father's information). Alam kong marami pa rin ang mga itong ibang business.
"Dwight!" nangatal ako nang tawagin ni Keaton si Wayto. What the fucking hell?
"I can pay, I think I ruined your car." Naguluhan ako sa sinabi ni Keaton, when I looked at Wayto's car, napansin ko na may gasgas ito.
Nagkasabitan ba sila sa daan?
Tumitig lang si Wayto kay Keaton, sa kapatid nito at huli sa akin.
"No thanks." He said in a flat tone.
Narinig kong sumipol si Langston. Tumalikod na si Waytos kasabay nang pagtunog ng bell. Pero agad din nawala ang pagtitig ko sa likuran niya nang mas lumapit sa akin ang mukha ng nakababatang Samonte.
"Kuya, she's pretty. I told you, I want to play the boyfriend part, then I'll marry her." Ngumisi sa akin si Langston.
W-What?
Kumunot ang noo ni Keaton sa kanyang kapatid, bago ito lumingon sa akin. They're the total opposite, palangiti si Langston at seryoso naman itong si Keaton.
Marahang minasahe si Keaton ang kanyang noo.
"Lan...you can't just marry a woman you just met."
This was when I realized that I just met the Prince version of Ana and Queen Elsa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro