Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32

Betrayed

Bigla na lang nangyari, bigla na lang sumabog ang problema na akala ko kaya pa namin ayusin ni Wayto. Na akala ko dalawa pa kaming gumagawa ng paraan, dalawa pa kaming humahawak sa pangako, dalawa pa kaming lumalaban.

But I was wrong, it was just me.

Dahil hindi siya tumupad sa pangako. I was waiting for him for that talk. Alam ko naman na maiintindihan ko siya, alam ko ang sitwasyon namin. Pero hindi siya nagpakita, hindi na naman siya nagparamdam.

I waited for him for the whole Saturday, but Wayto never showed his face. Sabi ko sa sarili ko, maghihintay pa ako ng ilang araw. I could understand, of course, sa aming dalawa siyang iyong mas mahihirapan kumilos dahil alam na ng pamilya niyang may relasyon kami.

Ako ang kailangang magkaroon ng malawak na pasensiya, iniisip ko na lang na kung si Wayto nga sobrang haba ng pasensiya para sa akin, ako pa ba pagkakaitan siya?

And he told me to wait. Yes, I will wait for him.

But the news made everything worst.

I thought it was just Summer. Pero mahirap pala talaga kung iyong mga pamilya n'yo ang mahigpit na magkakalaban. Hindi sapat na nagmamahalan lang kayong dalawa.

It was Sunday when the big news hovered the whole province of Enamel. Walang nangyaring demandahan dahil wala naman silang sapat na ebidensiya, pero ang usapan, ang chismis at ang panghuhusga ng mga tao, hindi ito matitigil may ebidensiya man o wala.

It was like Arellano's trick to totally get rid of me or some move that would provoke my family. And yes, it was a success.

The whole clan of Olbes was on fire. Alam na ng buong angkan ng Olbes ang relasyon namin ni Wayto.

Halos hindi ko na mabilang kung ilang dasal ang ginawa ko na sana ay walang sugudan ng angkan ang mangyari. Ayokong makakita ng dagat ng dugo na ako ang matinding dahilan.

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school at ngayong gabi na mangyayari ang biglaang pagpupulong ng aming pamilya.

What happened to Wayto? I don't know. Isa siyang malaking gago kung maniniwala siyang ako ang naglagay ng bomba o kung may bomba nga talaga? Saan ko ilalagay ang bombang iyon? Napaka-tanga naman ng mga Arellano kung iisipin nilang baka sa dibdib ko itinago.

I couldn't remember that my boobs looked like fake during that fucking dinner. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na ako naglakas ng loob pumasok sa teritoryo nila.

It was like a damn trap, at si Wayto ang ginawa nilang bihag. Ako naman itong si tanga, kumagat.

Pugto na ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak, bigla akong iniwan sa ere ni Wayto. Tang ina niya at ng pamilya niya.

Kung tunay man na may bomba, dapat ay pinigilan niya ang mga walang hiya niyang kamag-anak na ituro ako, nag-isip naman sana siya. At kung wala naman talaga, bakit hinayaan niya?

Shit. Of course, he's powerless compared to his whole family. Ano ba 'tong iniisip ko? But he could have done something to save my damn ass. At hindi sumabog ng ganito!

Tang ina niya.

Puno na ng galit at kaba ang nararamdaman ko. Ilang oras na lang ay darating ang buong pamilya ko, nagkatotoo ang panaginip ko. Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng sampal galing sa aking ina.

All I did was to say sorry.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Wayto's not moving an inch, wala na talaga akong alam na gagawin. All I have now was my family na... iyong mga taong sumuporta sa akin simula ng magkaisip ako, iyong mga taong humubog sa akin, nagmahal sa akin simula nang ipanganak ako. Mga taong pinili kong hindi sundin para sa lalaking bigla na lang akong iniwan sa ere.

Wala na akong makakapitan sa problemang ito. Sila na lang, ang mga Olbes na lang. Ang aking pamilya.

It was my greatest lesson, pamilya muna pala dapat talaga. Wala nang iba, dahil sa huli, sila lang iyong tutulong sa'yo.

The whole province of Enamel has their eyes on me. Ako iyong nagmukhang masama, ako ang nagmukhang nanggamit, ako ang malandi at kung ano pang masasamang bagay na maaaring ibato sa akin.

Sumabog na lang bigla. Nagpunas na ako ng luha habang nakaupo ako sa aking kama habang yakap ang mga binti ko.

What if Wayto just really played? Na hindi talaga tunay ang lahat? That he was not really in love with? Was it just for his family? Gano'n na ba talaga? Ako ba ang naloko?

Pero alam kong minahal niya ako, ramdam ko. But what's happening now?

Iyak ako nang iyak hanggang sa magdatingan na ang buong pamilya ko. Iniharap ako sa mga kamag-anak ko, gusto ko nang lamunin ako ng lupa at itago sa matinding kahihiyan.

Wala na akong pakielam sa iisipin ng ibang tao, they could go to hell and judge me, pero iyong mismong mga kamag-anak mo?

It was the most terrible torture. Ang isipin na nagtraydor ka sa sarili mong pamilya. It wasn't my intention, nagmahal lang ako, nagmahal lang ako mula sa kampo ng mga kalaban.

Hindi man sila nagsasalita, iyong mga mata nila... nakakalusaw na ng pagkatao.

"I'm sorry... hindi ko po sinasadya...I'm such a disgrace..." yumugyog na ang mga balikat ko at 'di ko na napigil ang paghagulhol.

Bakit ganito? Sa halip na tumulong ako sa pamilya ay hinihila ko sila pababa.

"Sorry... sorry po..." paulit-ulit na sabi ko. Sobrang sakit ng dibdib ko na parang sasabog na.

Sa bawat luhang pumatak mula sa akin, bumabalik iyong mga alaala namin ni Wayto. P-Paano niya ito nagawa sa akin? How could he allow his family to ruin me? Or was it really his intention?

Kasi ako... kung sa akin nangyari ang panggigipit, ipaglalaban ko siya at hindi ko hahayaang humantong sa pagkasira ng pangalan niya.

I love him and I am willing to save him... pero siya? Ano itong ginagawa niya sa akin?

Did they lock him? Did they torture him?

I was expecting a terrible chain of scolding, malapit na ang eleksyon tapos gumawa pa ako ng ganitong problema. But their approach ached my heart more, lalo na nang si lolo na lumapit sa akin at niyakap ako.

Napahagulhol na ako ng pag-iyak sa harap nilang lahat. Walang tigil sa pagmumura ang mga pinsan ko, maging si Kuya. They all wanted to kill the whole Arellano's clan for framing me up.

For ruining my image.

They wanted to torture Wayto for wrecking my heart. Galit man ako sa kanya, may sumisigaw pa rin sa sarili ko na mas masasaktan ako kapag may nangyaring masama sa kanya.

Ako iyong tipo ng babae na hindi basta magagalit kung wala pa namang naririnig sa paliwanag ng lalaki lalo na't may problema, I gave Wayto time and I waited for him. Pero parang sobra na... sobra na siya. Dapat ay ipinaliwanag niya na muna kung ano ba talaga ang nangyayari, hanggang nagsunod-sunod na.

I cried hard in my grandfather's arms.

"Alam na namin, Autumn. Matagal na." Kumalas ang ng yakap kay lolo nang marinig ko ang sinabi ng tita ko.

"Pero hinayaan ka namin, sa politika natin sila mahigpit na kalaban, labas dito hija ang nararamdaman mo. So, we keep our silence and let you be happy." Suminghap ako sa sinabi ni tita.

Matagal na rin akong nagtataka kung bakit nga halos hindi sila makatunog sa koneksyon ko kay Wayto. So this was the reason? Nagpapanggap lang sila para mapasaya ako.

All this time my family was supporting me, kahit alam nilang galing siya sa kalabang pamilya. Ngayon ko sasabihing higit na mas mabuti ang pamilya ko kaysa sa kanya. Sa halip na umatake sila kay Wayto at pigilan itong mapalapit sa akin, hinayaan nila ako sa kasiyahan ko.

The Arellanos are the true evil.

"Buong akala namin ay kaiba siya sa mga Arellano, that he wouldn't care about the feud between our families, at mamahalin ka niya talaga. But blood is really thicker than water, Autumn. Tingnan mo kung ano ang ginawa niya sa'yo. We're very sorry that we didn't intervene. Kung nakielam sana kami, hindi ka niya naloko, hindi ka niya nasira. We just did that and step away because we don't want you to feel suffocated, we want you to feel the freedom of choice." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at lalong tumulo ang mga luha ko.

I just realized how fool I was for ruining this great family, sobrang perpekto na ng pamilya ko, kung sana ay pumili lang ako ng lalaking mamahalin na hindi nakakabit sa pamilya ng mga demonyo.

After what I've heard from Aunt Molina, I just realized that I was really betrayed, used and fooled.

Dahil kung totoo ang Wayto na nakilala ko, he wouldn't allow me to suffer in this kind of spotlight. He wouldn't allow me to get hurt like this, he wouldn't allow me to cry and he wouldn't let me looked terrible.

Everything was a lie. Magsama sila ng mga hayop niyang kamag-anak.

"I'm sorry...I'm really sorry, h-hindi ako nag-isip. Hindi ko muna inalam ang pwedeng mangyari, I was not careful. Naging makasarili ako..." panay na ang punas ko sa aking luha.

"Sagutin mo kami ng totoo, Autumn. Malinaw at totoong sagot. Nagalaw ka ba ng hayop?" tanong ni Tita Meribel.

Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong mansion, nag-igting ang bagang ni Kuya, kumuyom ang kamao ni Papa, nakailang mura ang mga pinsan ko at halos makita ko na ang ugat sa ulo ng mga tiyuhin ko.

Hindi ako makasagot agad dahil sa tensyon.

"Autumn, did he fuck you already?!" sigaw ng pinsan kong si Lonzo.

"Lonzo!" sigaw ni Mama.

"Autumn!" sumigaw na rin si Kuya. "I swear, kung nagalaw ka na ng hayop, tang ina na ng eleksyon, magkakapatayan na."

Nang makita kong magsasalita na si Tatay ay agad na akong sumigaw.

"H-Hindi! Walang nangyari sa amin... maniwala po kayo..." nakita kong napahinga nang maluwag si Mama.

"Sigurado ka ba?!"

"My daughter is not a liar! Sinabi na niyang wala, tumigil na kayo!" sigaw ulit ni Mama. Hindi na siya nakatiis, lumapit na siya sa akin at siya ang yumakap sa akin.

"Napakasama ng mga Arellano... why my poor daughter?" marahang hinaplos ni Mama ang buhok ko.

Iba pa rin talaga ang isang ina, nagawa man niya akong sampalin kanina, siya at siya pa rin ang taong hindi magsasawang yakapin at ipagtanggol ako.

"Sorry..." bulong ko.

"The damage has been done. We play their dirty game." Uncle said coldly.

Humiwalay ako kay Mama, pinagdaop ko ang aking mga kamay at pilit kong sinalubong ang kanilang mga mata. Alam ko na ang sunod nilang gagawin, ipadadala nila ako sa ibang bansa habang mainit pa ang problema.

Ayokong gawin ito.

"I won't run. Please don't send me away and let me look a fucking guilty. Alam natin lahat na hindi ko iyon magagawa, ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng bomba!"

"That news is a fucking joke, Autumn. Mga tanga lang ang maniniwala na ikaw ang maglalagay ng bomba sa kanila." Iritadong sabi ng isa sa mga tito ko.

"Bakit hindi na lang kaya natin totohanin? Bombahin na natin ang mga Arellano. Gusto pala nila ng bomba, e! Pagbigyan. I have connections, just give me your signals, abuelo." Sabi ni Kaden na isa rin sa pinsan ko.

"And put us all in jails? Don't let hatred get into your head. Maduming maglaro ang mga Arellano, we play their dirty fucking game." Sabi ni Tito Enrico.

"Kung gusto n'yo po akong ipadala sa ibang bansa dahil sa kumalat na tsismis tungkol sa akin, hindi po ako papayag. The Arellanos made their first attack using Way-White Arellano. He is their pawn. Now, use me as your pawn."

"B-But are you sure? You literally fell for him. Not a nice move." Umiiling na sabi ni Lonzo.

"I won't fell twice. Once is fucking enough."

"We could ride with their own farce. Get Autumn a new boyfriend. Sundan natin ang ginawa nilang kwento sa gusto nila, ginamit ni Autumn si White Arellano? Then slap it to their faces. 'Wag natin silang hayaang isipin na naapi si Autumn, naipit at naloko. Let it sink to their dirty mind na may ibang gusto pala talaga si Autumn." Nagsalita ang isa kong tiyahin.

"Are you trying to make my daughter a slut?" sabat ni Mama.

"No, we are just saving her pride. The Olbes pride. At kung totoo man na nagkaroon ng kaunting interes sa'yo ang batang Arellano, hayaan mong mabaliw sa kaiisip na hindi lang siya ang nanloko at totoong naglaro." Paliwanag ni Tita Meribel.

Tumango ako bago ko punasan ang huling patak ng aking luha. "An eye for an eye, a tooth for a tooth."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro