Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

Bomb

Maaga pa lang ay nasa harap na ng bahay namin si Belo. At ang lawak ng ngisi ng kapatid ko nang malaman niya na hindi si Wayto ang sumundo sa akin.

He's just too confident that we're already over. Duh?

Maarte na nga ako, inaamin ko na. But I am not that dramatic, para message lang na walang reply? Para tawag lang na hindi sumasagot?

Padabog kong isinarado ang pinto ng sasakyan ni Belo. Itapon ko sa likuran ng sasakyan ang bulaklak na hawak ko. Iritado kong hinawi ang buhok ko at ilang beses kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Are you going to ruin my car, Autumn?" salubong sa akin ni Belo.

Oh my gosh, Belo's car didn't smell like smuggled! Gosh, naiiyak na ko. Bakit ang aga-agang epal ng kuya ko?

Wala naman kaming problema ni Wayto, hindi ba? Maybe he's just low battery or maybe he lost his fucking phone! Or probably he's just sick.

O baka someone had reported that all his cars were smuggled at hanggang ngayon ay nanlulumo pa rin siya. Of course, his cars were everything for him. Oh babe... dapat nasa tabi mo ako, kayakap habang nakikita mong hinihila na ng malalaking truck ang sasakyan mo.

Maybe Wayto was just traumatized! Kaya nakalimutan niyang may girlfriend siya.

"Hypoallergenic tissue, please?" inilahad ko kay Belo ang isa kong kamay.

Nag-abot naman siya sa akin ng tissue at marahan kong idinampi-dampi sa sulok ng aking mata.

"I am not affected! Okay?! Hindi ako affected! And I am not being dramatic!" sigaw ko.

"Yeah. I couldn't even see any hint of drama in you." Belo said with sarcasm. He started the engine while shaking his head.

Sa huli nagsuot ng earphones si Belo habang nagrereklamo na ako sa sarili ko.

"Gosh, I think I got wrinkles near my eyes! And oh shit! Look at my lips, this liptint is for Wednesday! Today is Friday!" lumingon ako kay Belo, wala itong naririnig at nagheheadbang pa siya habang nagmamaneho.

Sa pagkairita ko ay hinablot ko ang earphones niya.

"Focus on driving!"

"I am! Kailangan ko ng earphones, Autumn. You're hysterical now, sumasakit na ang tenga ko."

"W-What?"

"Yeah. Buti na lang talaga hindi kita niligawan." Ngising sabi nito.

"Like, excuse me? Sa tingin mo ba ay sasagutin kita?"

"I don't know. But at least I didn't try."

"Wow."

"'Hanga na ako sa pasensiya ni White. I should help you fix this, para hindi na ako ang pagbutungan mo ng stress. God Autumn, simula nang tumakbo ang sasakyan mo 'yung mga problemang binanggit mo... nakamamatay." Natatawang sabi niya.

"So, you're listening!" ilang beses ko siyang hinampas sa kanyang braso.

"Hey! stop hitting me. Baka maaksidente tayo!" inirapan ko si Belo bago ko buksan ang phone ko.

"I did a background check."

"You did?"

"Tanya hired someone, okay?"

"Oh, the accomplice. Bakit hindi ka na lang sa kanila humingi ng tulong?"

"Lalaki nga ang kailangan, Belo. Ano ka ba?"

"Tuwing Friday walang pasok si Summer. Lagi siyang nando'n sa coffee shop kung saan namin siya nakita ni Wayto."

"Oh, nagkita na pala kayo bukod sa-" tumango na lang ako. Ayaw kong pag-usapan ang una naming pagkikita.

She got more apples. Annoying.

"Tanya tried to dig something about her connection with Arellanos pero wala siyang nakalap. So, to continue Tanya's mission ikaw ang lalapit sa kanya para malaman natin kung anong plano ng mga Arellano."

"Her complete name?" tumaas ang kilay ko.

"Interested?"

"Come on, I just want to know if her surname does ring a bell, paano kung malaking pamilya 'yan?"

"Summer Montoya."

Suminghap si Belo nang marinig niya ang buong pangalan ni Summer.

"Why?"

"She could be from Montoya Clan in Dumary!"

Dumary is our neighboring province. Mas malayo ito sa Leviathan, pero alam ko mas malaking probinsiya ang Dumary, isa pa mas develop daw ito kumpara sa Enamel at Leviathan. Malay ko bas a mga bigating pangalan sa kanila?

"So what?"

"Can't you understand? Dalawang pamilya ang babanggain natin. Montoya and Arellano!"

"Are you not confident with your family, Belo? Don't worry, I have your back."

"Seriously? I am not even close with your family! Paano kung magkagipitan? Ako ang maiipit ng walang dahilan. Shit. Mabuti na lang natanong ko ang pangalan. I am out Autumn."

"What? You told me that you'd help me! Ano ka ba? There's no turning back! Kakausapin mo lang naman, e!"

"Nakakainis ka naman, you agreed! What was that? Walang isang salita? Hindi kaibigan? Grabe."

Nagsimula na si Belo ibaling ang kanyang sasakyan, mukhang wala na talaga itong balak tumulong sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi magsalita nang magsalita, gusto ko siyang makonsensiya.

"Isang malaking paasa!"

"Fuck! Oo na! Fine!" he stopped his car.

"Thank you..." I quickly changed my mood and gave him my sweetest smile.

"Now, for our first plan." May kinuha akong red roses sa likuran at inabot ko ito kay Belo.

"What is that?"

"Flowers at ibibigay mo ito sa kanya." Belo took a deep breath. "Seriously?"

Tumango ako. "My story is snow white, 'wag siyang epal at nakikimansanas siya sa amin ni Wayto. Wayto promised me the he would just bite my apple. Since you're Belo, you should give Summer flowers."

Sapilitan kong ibinigay kay Belo ang bouquet ng red roses. Nagsuot na ako ng shades at pilit kong tiningnan ang sarili ko sa rear mirror.

"I'll spy here."

"You're impossible, Stassi." Nagkibit-balikat lang ako. Iniwan niya iyong flowers sa upuan niya.

Tinanaw ko na si Belo habang naglalakad papuntang coffee shop, masyado pa kaming maaga. Tuwing 9 am nagpupunta rito si Summer, pansin ko na hindi pa rin pumapasok si Belo.

Waiting outside, huh?

Abala na ako sa pagtingin ng kulay ng fingernails ko nang marinig kong may kumakatok sa bintana. A kid selling sampaguitas.

Nang makita ko ang bata parang may biglang pumasok sa isipan ko. Lalo nan ang maalala kong may bola akong nakita sa likuran, mabilis ko itong kinuha at hinawakan muna.

Matamis akong ngumiti sa bata.

"Bibilhin ko lahat 'yan." Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa.

"Kung susundin mo ang ipagagawa ko sa'yo."

"Nako, Ate, sabi mo ni Nanay kung-"

"No! Hindi masama itong ipagagawa ko sa'yo. Sa katunayan ay makakatulong ka sa relasyon ng kaibigan ko."

Sinabi ko ba na si Wayto lang ang kaya kong artehan? I could always use my acting skills, kapag kinakailangan.

"Nakikita mo ba ang lalaking 'yon? Look at him, mukha na talaga siyang malaki ang problema sa buhay." Sobrang kunot na kunot ang noo ni Belo, syempre ikaw ba naman ang gumawa ng bagay na labag sa'yong loob?

"He's my friend. At hinihintay niya ang girlfriend niya ngayon. Gusto niya nang makipagbalikan sa kanya, pero nahihirapan siya sa babae. Kasi nagkaroon sila ng kaunting hindi pagkakaintindihan." Tumango ang bata sa sinabi ko.

"Ang gusto ko lang gawin mo," inabot ko ang bola sa kanya.

"Kapag dumating na iyong girlfriend niya, batuhin mo ng bola."

"Ano po? Hindi ko po magagawa iyon. Sabi ni Nanay, huwag manakit ng kapwa."

"Hindi naman siya matatamaan, dahil iyong boyfriend niya ang kikilos para maprotektahan siya. Kapag nangyari iyon siguradong magkakabalikan sila. Hindi ka mananakit, tutulungan mo lang sila. Sige ka, sayang din, para makauwi ka na ng maaga at makapag-aral ka na. Bilhin ko na 'yan lahat."

He looked hesitant at first, pero sa huli ay pumayag na rin siya. Sinabi ko na rito muna siya sa tabi ng kotse at sasabihin ko sa kanya na tumakbo na siya at batuhin ang babae kapag dumating na ito.

We waited for more than five minutes, bago namin nakita na may pumarada ng sasakyan.

"That's her."

Sinulyapan ko si Belo, tumayo na ito ng maayos at mukhang pauunahin niya pa yatang pumasok si Summer.

"Go. Basta ibato mo lang. Then run." Utos ko sa bata. Ibinigay ko na rin naman sa kanya ang bayad kaya, pwede na siyang tumakbo pagkatapos niyang bumato ng bola.

Inaayos ko ang pagkakasuot ko ng aking shades habang habol ang tingin ko sa bata at sa bola nitong hawak. Agad siyang napansin ni Belo, kahit sa malayo ay kita ko ang pagbuka ng bibig nito.

Masyadong mabilis kumilos si Belo, dahil ilang segundo lang pagkatapos ibato ng bata ang bola ay agad niyang nayakap si Summer para sa kanyang tumama ang bola.

"Perfect! That's my Belo boy!"

Gulat na gulat si Summer at napatitig ito sa bola na muntik nang tumama sa kanya, halos hindi na niya napansin ang lalaking nakayakap sa kanya. Pero agad din siyang natauhan nang magsalita sa kanya si Belo.

She pushed Belo away from her. Humikab na ako nang magkaroon na sila ng pag-uusap at tumuloy sila sa coffee shop.

I messaged Belo. "Extract everything."

Hindi ko na hinintay pa si Belo na magreply dahil alam ko naman na hindi na rin siya sasagot.

Susubukan ko pa sanang tawagan ulit si Wayto nang makita ko ang pamilyar na sasakyan ng lalaking halos isang linggo ng hindi nagpaparamdam sa akin.

So, he's now dating Summer. That gago. Alam ko naman na ginigipit siya ng pamilya niya. But could he just tell me? Hindi iyong ganito.

Bumaba na sa kanyang kotse si Wayto, katulad ko ay nakasuot din ito ng shades. But he's still my usual babe, bakit mukhang guwapo pa rin siya ngayong halos isang linggo na kaming hindi nagkikita?

Gusto kong lumabas ng kotse, harapin siya, sigawan at magalit sa kanya. Pero hindi ko magawa, kasi nangako siya sa akin na hindi siya bibitaw, nangako siya sa akin na malalampasan namin ito.

That's why I'm here, helping him. That's why I'm here, waiting for him.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa phone ko at pinatuloy ko ang panunuod sa kanya hanggang sa makapasok siya ng coffee shop.

I thought I would wait for half an hour, pero ilang minuto matapos pumasok ni Wayto, lumabas na rin si Belo. Kung kanina ay halos hindi na maipinta ang mukha ni Belo, ngayon ay mas lumala na ito.

Kapapasok niya pa lang sa kotse ay agad na niya itong inistart. "Ano'ng nangyari sa loob?"

"I don't know."

"Anong I don't know, Belo?" mas lalo na akong kinabahan nang lumingon sa akin si Belo.

"Why did you do that?"

"Ang alin?"

"Iyong pinagawa mo sa bata!"

"I was confident that you-"

"Autumn, you underestimated that woman. Alam niyang sinadya ang pagbato ng bola, alam niyang magkakilala tayo, alam niyang may naghahanap ng impormasyon sa kanya. We had a debate inside the coffee shop. She's pissed."

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Belo. "But what was her reaction earlier?"

"Ikaw lang ba ang marunong umarte? Damn, bakit ba kakaunti na lang ang babaeng katulad ni Aurelia?" sinabunutan niya ang kanyang sarili.

"Then your fucking boyfriend just appeared from nowhere. Nagsumbong at alam niyang nandito ka. He's angry. The fuck just happened?" wala sa sarili akong napatingin sa labas.

Ilang beses akong napalunok nang makita ang seryosong mukha ni Wayto. Hindi ko agad ibinaba ang bintana nang kumatok siya, naghintay ako ng ilang segundo bago ako huminga nang malalim.

I forced a smile in front of him.

"Babe..."

"Let's talk."

"Hindi ako makikipag-usap sa'yo ng galit ka, Wayto."

"Autumn, kilala kita, alam ko ang ugali mo. But that one? You even hired an innocent kid just to hurt someone? You know that I'm trying so hard to fix this, inaayos ko na. But why can't you just wait?"

Ngayong mas malapit na sa akin si Wayto, gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya. Mukha siyang kulang na sa tulog, he looked so tired and too stressed.

Anong pinagagawa sa kanya ng mga Arellano?

"Can't you just inform me? Kasi Wayto, bigla ka na lang nawala. Parang tanga lang."

"I'm sorry..." maiksi niyang sagot sa akin.

"White..." kapwa kami lumingon ni Wayto sa babaeng tumawag sa kanya. Gusto ko biglang lumabas ng kotse at sabunutan siya.

How could she act like a timid sheep when in fact she's a damn poisonous viper?

"I'll explain to you everything, tomorrow."

But it was his last words for me after a huge scandal shattered us apart...

A bomb was found inside the Arellano's residence. And the clan was only pointing their fingers to the one and only culprit.

The Princess of the enemy. Autumn Stassi Olbes, who just played with Don Arellano's favorite grandson's heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro