Chapter 30
Chapter 30
Fear
For the first in my life I left home early for school. Hindi dahil maaga akong nagising, kundi hindi ako nakatulog sa text ni Wayto. I replied at him and I even called him twice, pero hindi ito sumasagot.
Paano ako makakatulog pa? And what was that sorry about? That gago! Sinira niya ang beauty sleep ko.
Dahil malaki ang eyebags ko, pumasok akong may shades. Wala akong pakielam sa mga estudyante na napapatingin sa akin. Parang hindi na sila nasanay sa kagandahan ko?
Sa halip na magpunta agad sa classroom, pinili ko munang pumunta sa coffee shop para magkape. Hindi na ako nakapag-almusal dahil sa kalokohan nitong si Wayto!
Since hindi ko schoolmate si Tanya at August, dalawang babae lang ang kilala ko na masasabi kong kaibigan dito. Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin o baka assuming lang ako dahil parang napipilitan lang silang sumama sa akin, sobrang layo ng ugali ko sa kanilang dalawa. But I find them harmless, kaysa naman sumama ako sa mga insecure na babae rito sa campus.
At isa pa, sigurado akong nandito na silang dalawa sa school, masipag at nag-aaral talaga sila. I messaged Euphie and Aurelia na kung pwede ay samahan nila ako, silang dalawa ang masasabi kong model student. Hindi ko yata nakita ang mga itong lumandi kahit may mga boyfriend na.
Though, I was not really expecting na pupunta sila. Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng kape at habang nakatanaw ang mga mata ko sa may pinto ng coffee shop, biglang napataas ang kilay ko. Sabay pa na dumating si Aurelia at Euphie, kung sabagay nasa iisang building naman yata sila. Aurelia's taking nursing while Euphie's dentistry.
Sila ang kilala ko na kahit medyo maarte ako hindi nila ako bina-back stab, hindi gaya ng mga babaeng insecure na nagkalat, well... kung sabagay kahit iyong boyfriend ko alam ko namang bina-back stab din ako.
"This is rare..." naunang magsalita si Euphie.
Naupo silang dalawa ni Aurelia sa harapan ko, sobrang pino ng kilos nila, napakahinhin talaga ng dalawang ito.
"I'm sorry, Autumn, if this is all about the election. Hindi ko masasabi kung sino pa ang iboboto ko." Ngumiwi ako sa sinabi ni Aurelia.
"It's not about the election. Kakainis naman kayo, e. Palibhasa magaganda ang love life n'yo." Umirap ako kay Aurelia. Tipid siyang natawa sa reaksyon ko, gano'n din si Euphie.
"About White? That bully." Ngusong sabi ni Euphie. I remembered during our school foundation, nakita kong nagpa-picture si Wayto kasama si Euphie no'n. Sinabi sa akin ni Euphie na ginamit daw siya ni Wayto para magselos ako.
Pretty bad, hindi ako nagselos no'n. Gago siya.
"Ano ba ang problema?" tanong ni Aurelia.
"We're starting to inform our families about our relationship, nagsimula na kami sa mga Arellano."
"Hindi pa ba nila alam? Buong campus alam na kayo ni White, hindi ba?" tanong sa akin ni Aurelia.
"Talaga? Gano'n kami ka obvious?"
Pansin ko na kapwa nagkatinginan si Aurelia at Euphie bago sila sabay na ngumisi. Alam ko naman na marami nang nakakaalam na kami na ni Wayto, pero buong campus talaga?
"Anyway, may itatanong pala ako, kapag ba nag-sorry sa inyo ang mga boyfriend n'yo ano ang ibig sabihin?"
"May ginawa siyang mali." Mabilis na sagot ni Aurelia. Tumango lang si Euphie.
Hindi na ako nakapagsalita pa sa narinig ko. Alam ko rin naman kung anong ibig sabihin ng salitang sorry, ang hindi ko lang maintindihan o tamang sabihin na hindi ko kayang tanggapin ay kung bakit siya nagsabi sa akin ng ganito si Wayto lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
Gosh, uminom ulit ako ng kape. Inalok ko silang dalawa kung gusto ba nila, pero tinanggihan nila ako.
Dahil hindi ko na gusto pang pag-usapan ang problema namin ni Wayto, I tactically changed the topic, agad naman nila itong nakuha. Hindi na rin nagtagal ang usapan namin bago kami nagpaalam sa isa't-isa.
Buong maghapon na hindi nagparamdam sa akin si Wayto, kahit text o tawag ay wala. Nagulat pa ang kapatid ko nang tumawag ako sa kanya at sabihin na siya na ang sumundo sa akin.
"Saan na ang boyfriend mo?"
"Don't start. Just drive."
"I told you, hindi basta papayag ang mga Arellano sa relasyon n'yo. What more pa kung sa atin na umabot 'yan?"
Hindi pa rin ako nagsasalita. Kung dati ay halos magmahalan ako sa kami ni Kuya, ngayon ay wala na yatang araw na hindi ako naiinis sa kanya. We started this thing as allies, but we ended up as enemies.
"Shut up, Kuya."
Pinalampas ko ang isang araw na hindi pagpaparamdam ni Wayto, pero umabot ng ng dalawa hanggang apat na araw. Kahit anino nito ay hindi ko na makita.
"Belo, napapansin mo ba si Wayto?" sinadya kong abangan si Belo sa paglabas niya ng gym ng basketball.
Pansin ko ang pagkagulat niya nang makita ako. Kailan na ba ang huli naming pag-uusap?
"Sa'yo dapat ako magtatanong, mag-iisang linggo na siyang absent. Hindi na biro iyong mga naiiwan niyang lesson."
Inangkla ko ang aking braso kay Belo at inagaw ko siya sa mga kasama niyang kapwa basketball player.
"Sabay kaming uuwi." Mataray kong sabi sa mga ito. Kumaway siya sa mga kasamahan niya bago kami naunang maglakad sa mga ito.
"I have a date, Autumn."
"Ditch her. I need your company, hindi ba at tayo ang magbestfriend?"
"Girls. Naalala lang ako kapag wala ang mga boyfriend! Ano ba ang nangyari sa inyo?" He asked while scratching his forehead.
"I don't know. Bigla na lang siyang hindi nagparamdam matapos ang dinner namin sa kanila." Halos manlaki ang mata ni Belo sa akin.
"Dinala ka na niya sa kanila?"
"Yes."
"Shit, what happened? Mabuti at walang nangyaring world war? Walang nangyaring sugudan? Nagpaalam ka sa inyo?"
Nakuha ko na ang atensyon niya, kaya naupo kami sa isang bench na nadaanan namin.
"It was not that bad, nalusutan namin ni Wayto. Walang nangyaring sugudan ng teritoryo, pero muntik na. But the problem here is the Arellanos used an old trick."
"Old trick?"
"They used another woman. Gumagamit sila ng babae para ihiwalay ako kay Wayto." Mabagal na tumango sa akin si Belo.
"Is she pretty?" he asked with his arched eyebrows.
"I am prettier!"
"Maarte?"
"Uhm... well..."
"Ipinagpalit ka na," natatawang sabi niya. Naaasar kong hinampas ang braso niya.
"You useless bestfriend!"
Tinatawanan lang ako ni Belo habang namumula na ako sa inis sa kanya.
"Ano ba ang sabi sa'yo?"
"Sorry nga raw! Sorry!"
Belo exaggeratedly gasped, na parang katapusan ko na.
"I think... iiwan ka na niya."
"Y-You bitter!" pinigilan na niya ang paghampas ko sa kanya.
"Kaya hindi na ako nagtataka sa mga reklamo ni White sa akin, lagi na lang masakit ang ulo ng gago." Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Belo.
"See? See? My boyfriend and my best friend are back stabbing me! Pag-uumpugin ko kayong dalawa ni Wayto!" pinagpatuloy ko ang paghampas kay Belo.
"Nakakainis kayo!"
"Iiyak na 'yan, iyak na." Tumatawang sabi ni Belo.
"Excuse me? Ako yata ang hindi basta na lang iiyak kung wala namang dahilan. I'm just worried, pero hindi ako iiyak. Besides, we did promise."
Pinagmasdan ako ni Belo na parang sinusukat niya ang mga sinabi ko and I answered his staring contest.
He sighed in defeat. "Alright, dadaan ako sa mga Arellano. Happy?"
Umiling ako sa kanya. "As a bestfriend, you need to do something for me."
"And what is that? Autumn, marami pa akong gagawin. Dadaan ako sa kanila mamaya, I'll check White and I'll message you. That's all."
Hinawakan ko ang dalawang balikat ni Belo at sinalubong ko muli ang mga mata niya.
"Shit, I don't like that stare of yours, Autumn." Ngiwing sabi nito.
"But you need to do it, I promise, kapag ikaw naman ang nangailangan hindi mo na kailangang magdalawang sabi sa akin. Gagawin ko lahat ng gusto mo." Tinanggal ni Belo ang mga kamay ko sa kanya.
"No."
"Please, Belo... para saan pa ang pinagsamahan natin? I always thought you as the handsomest guy here in Enamel, but of course... medyo na-smuggled ni Wayto ang mata ko...so you're just the second now, but hey that's a good spot."
Parang biglang nagka-dysmenorrhea si Belo sa sinabi ko.
"What the hell? J-Just spill it. Buong akala ko ay tapos na ako sa mga maaarte mong salitaan, Autumn."
Ngumisi ako sa kanya, isa si Belo sa taong hindi ako kayang tanggihan. Mas lumapit ako sa kanya para bumulong, saglit siyang dumistansya sa akin.
"Bakit may pagbulong ka pa? Just tell me."
"Nah, gusto kong ibulong, e!"
"Sige, sige na. Perwisyo kayong dalawa ni White Arellano!" marahang yumuko patagilid sa akin si Belo at hinayaan niya akong bumulong sa kanya. Nakailang mura siya habang pinakikinggan ang gusto kong gawin niya.
"I can't do that!" he snapped.
"Why not?"
"B-Because I don't like that!"
"Please? Kahit ngayon lang, Belo..."
"I don't want. I might hurt her. Ayokong manakit ng babae, Autumn."
"Bakit mo naman sasaktan? I just told you to divert her attention from Wayto to you. 'Yung atensyon niya lang, bakit kailangan mong saktan? I am not telling you to seduce the woman!"
"No."
"Sige na, Belo. This will help you too, alam ko namang-" sinabunutan na ni Belo ang kanyang sarili.
"B-But I don't want to-"
"Just try please?"
"No. I'm sorry, Autumn."
"But you're a playboy! Hindi na madali sa'yo ang pinagagawa ko."
"What? Anong playboy? Sa buong Enamel ako ang ang pinakamatinong lalaki!" lumaglag ang mga balikat ko.
Ito na lang ang naiisip kong paraan, dahil kung hindi kayang kumawala ni Wayto sa babaeng inihahain sa kanya ng mga kamag-anak niya, ako ang gagawa ng paraan para hindi na siya mahirapan.
And asking a good boy to help me was not a good idea. Of course, I shouldn't forget about the fact that Belo was not the literal player of town, sikat ito sa mga kababaihan pero wala pa akong nababalitang babaeng pinaiyak nito.
Sino pa ba ang lalaki rito sa Enamel na pwede kong hingan ng tulong? I tried to think of the famous names, pero kung may pumapasok man ay hindi ko mga ka-close.
Iritado akong sumandal sa bench at inirapan ko si Belo. Saana ko makakahanap ng pwede kong kasabwat?
How about those... idiot Ferells? Kung mang-e-epal na lang din sila sa amin ni Wayto dapat ay may pakinabang na rin.
"Kung ayaw mo akong tulungan, bahala ka na nga dyan." Padabog akong tumayo, tinalikuran ko na si Belo pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay narinig kong nagsalita si Belo.
"Autumn, I changed my mind. I'll do it."
Tumaas ang kilay ko at agad lumabas ang ngisi sa mga labi ko, pero bago ako humarap kay Belo ay mabilis ko itong binago.
I made myself looked like a helpless woman na ngayon lamang nagkaroon ng pag-asa.
"Alam kong hindi mo ako matitiis, Belo. What's bestfriends for?" yumakap pa ako sa kanya.
"Tigilan mo nga ako, Autumn." Kumalas ako ng yakap sa kanya.
"We'll start tomorrow, wala akong klase, nasa seminar lahat ng professor ko."
"Anong gagawin mo sa akin? Absent?"
I rolled my eyes. "Belo naman, alam kong wala ka ring klase, halos pareho tayo ng professor."
"Fetch me tomorrow morning." Hindi na nakaangal pa sa akin si Belo.
Inihatid niya na rin ako sa pag-uwi, sinubukan kong magmessage ulit kay Wayto, pero wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya.
Humiga na ako sa kama, halos itapon ko na ang phone ko sa pagkaasar sa kanya. Pwede niya naman sabihin sa akin na ginigipit siya ng mga kamag-anak niya at wala siyang mapagpilian kundi sumunod sa kanila. That he needs to entertain that woman, para wala nang gulo at mapagbigyan sila.
We're both aware of our situation, maiintindihan ko naman siya. Oo, aminado na ako! Inaamin ko na maarte ako, nang sandaling nagsabog ang diyos ng kaartehan, gising na gising ako.
But being maarte doesn't mean being shallow! He shouldn't keep me on the dark. Kasi mas nag-iisip na ako, kinakabahan at natatakot.
Kung ang mga unang araw ay nagagawa ko pang mag-isip ng ibang dahilan at balewalain ito, ngayon ay nakakaramdam na ako ng paninikip sa aking dibdib.
He should give me good excuse, sa sandaling magkita kami. I'll hold with our promise. Alam kong hindi niya nakakalimutan ang sakripisyo at sugal ko para lamang ipagpatuloy ang relasyon naming ito. I betrayed my own family just for him. Kinalimutan ko ang makapal na pader na nakapagitan sa aming mga apelyido.
Huwag na huwag niyang sisirain iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro