Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

Hindi pa tapos ang huling klase ko, nakikita ko na sa labas ng classroom si Wayto. Palakad-lakad lang naman ang gago at nakailang silip sa loob ng classroom na hindi man lang nahihiya sa professor.

Nakailang mura na ako sa aking upuan hanggang sa i-dismiss na ang klase. Padabog akong tumayo sa aking pwesto at malalaking hakbang akong lumabas patungo sa kanya.

"What took you so long? We're late." Bungad niya sa akin.

Wow! Hindi niya ba nakita na nasa loob ako ng klase? Gago ba talaga siya?

"Nasa klase ako, ikaw wala ka nang klase?" mahinahon kong sagot sa kanya. Kabaliktaran ng gusto kong gawin.

Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay hinawakan niya na ang kamay ko. Halos hilahin na niya ako sa paglalakad dahil sa pagmamadali niya.

"Wayto! Teka!"

"Mahuhuli na tayo, Olbes. Hindi ba sinabi ko sa'yo na aalis tayo?"

"Anong gusto mong gawin ko? Mag-cutting class para sa'yo? Wow."

"Yeah? Pwede rin, boyfriend mo ako." Tipid na sagot niya.

Feelingero ka namang gago ka!

Umismid ako sa likuran niya at hinayaan ko na siyang hilahin ako hanggang sa iharap niya ako sa smuggled niyang puting kotse.

Fuck boy material talaga itong si Wayto, 'yong mga klase ng lalaking estudyante na maganda ang kotse pero mababa naman ang grades.

Ano nga ba ang mga grades nito? Siguradong bagsakan.

"Sakay," binitawan niya ako bago siya nagmadaling umikot papunta sa driver's seat.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa kanyang kotse.

"Somewhere,"

"Somewhere illegal?" nakakunot ng noo nito sa akin nang lumingon siya.

"You really have this bad image towards me, not a good girlfriend." Ismid na sabi nito.

"Should I look at you like a saint? Hindi naman ako bingi sa balita." Nagkibit-balikat ito bago niya binuksan ang makina.

"Saan nga kasi tayo pupunta? We're still dressed with our uniforms Wayto! Ayokong gumala nang ganito. I should look presentable, like come on you're dating Autumn Olbes." Muling umikot ang aking mga mata habang sinisimulan ko nang buksan ang aking bag para hanapin ang suklay ko.

Muli siyang lumingon sa akin pero sa pagkakataong ito nakangisi na ang gago.

"Ang arte-arte mo Olbes,"

"So?"

"Not my type,"

"Huh? Akala mo type kita?"

"I don't care,"

I sarcastically laughed at him. If I know, this Wayto boy, pinagnanasaan na ako. Who wouldn't? I am the beautiful princess of Olbes clan.

"But what's with Wayto?" ngiwing tanong niya.

"Endearment,"

"Change it,"

"Oh? Mas gusto ko ang Wayto."

"It's White without To. What the hell?"

"How should I call you?" I rolled my eyes for the nth time.

"Olbes, just call me with my family name." Ngumuso siya at nabalot kami ng katahimikan.

"So what is your plan? You should make me fall in love with you and become your slave to corrupt my own family, that's your original plan right?"

Gusto ko siyang sigawan, paano niya nasasabi na parang simpleng usapan lang ang plano ko na agad niyang nabasa?

"Or you're planning to jump on my bed? That's a shortcut, baka bigla na akong kumampi sa mga Olbes."

"Fuck off, I am not a whore. Hindi kailangan ng pamilya ko ng isang Arellano." Gigil na sabi ko.

"Do you think I need you too?"

"Did I tell you that?" mabilis kong sagot sa kanya.

Hindi niya ako matatalo sa sagutan.

"We need each other, Olbes. Stop bitch talking me."

"Talo ka lang," bulong ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"We'll attend a party, my friends."

"What kind of party? May mga drugs?" lalong kumunot ang noo niya nang lumingon siya sa akin.

"Seriously? Gaano kasama ang tingin mo sa akin?"

"You can't even imagine. An enemy will stay an enemy." Natawa siya sa sinabi ko.

Akala ko ay sa isang bar na kami didiretso, but we stopped by to an expensive boutique.

"Why are we here?"

"You need outfit, right? Be my guest babe." Tumaas ang kilay ko. Hindi ko siya tatanggihan kahit gago siya.

"Ready your pocket then,"

"Always ready,"

"Anong klaseng party ba Wayto?"

Hindi na naman niya ako sinagot dahil nauna pa itong pumasok sa boutique.

"For her, make it fast. We're late." Mabilis na sabi nito sa mga saleslady.

Hindi na ako umangal nang alalayan na ako ng mga saleslady sa dressing room at naningkit ang aking mga mata nang puro chinese dress ang inaabot ng mga ito sa akin.

Saan ba kami pupunta? 

"What's with chinese outfit Wayto?" tanong ko sa likuran ng pintuan ng dressing room.

"Just move quickly, I'll explain later."

They gave me a silk red fitted Chinese dress with a circular opening near my chest, showing a bit of my cleavage. At hindi man lang umabot sa aking tuhod ang haba nito.

"Nice," kumento ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ko.

Binuksan na ng mga saleslady ang pintuan at sumalubong sa akin si Wayto na katulad ko ay nakasuot na rin ng chinese outfit.

Oh gosh, nagmukha siyang instsik. A bit handsome? No.

"Cover the boobs, what the hell is that? Change it. Find something longer!" Iritadong sabi nito.

Naalerto ang mga saleslady at mabilis akong ipinasok sa dressing room. They gave me another designed chinese dress, but this time it's longer. Still fitted but the high slit gives its elegance.

"That's better, let's go." Nagmamadali na niya akong muling inilabas ng boutique. Mukhang nabayaran na niya.

"We're going to a weird party, Wayto. May lahi ba kayong chinese?"

"Maybe?"

"What? Hindi mo alam?"

"Do I need to know?"

"What's with this? Kung costume party naman pala we could find something better. You could be in a doctor and I am the nurse."

"Come on, that isn't realistic. Chinita ka, chinito ako. Tayo instsik ngayon gabi Olbes. Wag na arte, ikaw dugo labi. Akin kagat. Isa pa sabi." Shit.

I should get annoyed or something, dapat batukan ko siya habang hinihila na naman niya ako.

But what were those words?

"Ikaw instsik Wayto? Ikaw instsik?" I tried to talk like him.

"We are," ngising sagot niya sa akin.

Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa parking lot ng event hall.

Kilala ko ang lugar na ito, resort na pagmamay-ari ng isa sa mga kapartido ng mga Arellano. Ibig sabihin, kampo ng kalaban.

Hinintay niya akong makalabas ng kotse, pansin ko na may kanya-kanyang suot na costume ang mga pumpasok na kasing edad lang namin ni Wayto.

"Birthday party?"

"Despidida," ngumiwi ako, bakit may mga ganito pa?

Hindi binitawan ni Wayto ang kamay ko hanggang salubungin kami ng mga kaibigan yata niya.

They're all have their girls clinging on them, pinagtaasan ko silang lahat ng kilay nang pagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa.

"Oh shit! So it's true? You're dating Autumn Olbes? Fuck Arellano, you're dating an Olbes."

"Yeah," tamad na sagot ni Wayto.

"She's definitely moving with her own business, like come on. Kilala natin ang mga Olbes. White is just looking for a challenge." Segunda ng isang babaeng naka-cat woman. Schoolmate bitch. I've seen her somewhere, saan nga ba?

"Do you have problem with that? You're that woman right? Making out with someone at the back of the gym, right? Who's with you? He looked different now." Sumulyap ako sa lalaking katabi niya na mukhang nagulat sa sinabi ko.

Napatayo ang babae at mukhang akma akong bubuhusan ng alak nang yumakap ako sa braso ni Wayto.

"Babe, I'm allergic to double used cats. They're gross." I leaned closer to whisper on Wayto's ear.

"Ako ayaw dito Wayto," I softened my voice.

Tumaas ang kilay ni Wayto nang marinig niyang ginagaya ko na ang paraan ng pagsasalita niya.

"Don't you dare, not my chinita." I gave the woman my evil grin while caressing Wayto's arms.

Pinigilan siya ng boyfriend niya.

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Wayto sa pagitan namin dalawa, basta ang mahalaga magamit ko siya kung kinakailangan.

"Excuse us,"

Sa huli, kaming dalawa lang ni Wayto ang magkasama sa isang maliit na nipa hut habang nagsasayawan na ang mga bisita sa tabi ng pool, may ilang nagkakatulakan pa.

"Why not joining them? I can wait here."

"I brought you here to explain our rules,"

"Rules? Cliche. Bakit dito pa? You can explain it inside your car." Tamad na sagot ko.

Hindi na kami magkatabi, pero ramdam kong mas lumalapit siya mula sa aking likuran.

"Listen Olbes, humarap ka sa akin."

"I'm listening, can't you see? I'm busy watching them."

"Humarap ka nga sa akin," napasinghap na ako nang maramdaman ko ang braso niya sa bewang ko at marahas niya akong inupo sa nasa gitnang lamesa.

Mabilis siyang tumayo at iniharang niya ang dalawa niyang braso para makulong ako sa kanya.

He leaned down, looking straight into my eyes.

"What?!"

"You talk to me seriously, Olbes. Or I'll break up with you. For sure, your brother will be disappointed, sasalihan ko ang lahat ng sasalihan niya hanggang sa magmukha na naman kayong talunang magkapatid."
"Fuck you,"

"We'll talk about the fuck sooner."

"Now you're blackmailing me? Sa tingin mo kawalan ka sa akin?"

"Do you think you can seduce other Arellanos? Sa tingin mo bibigyan ka nila ng pansin? Come on Olbes, I am your last card. Malapit na ang eleksyon, the time is ticking, wala ka pang nalalaman." Shit. He's right, kung susubukan kong lumapit sa mga pinsan niyang Arellano, uubos na naman ako ng oras.

This Arellano really knows how to dirty negotiate.

"Then tell me! Ano pa ba ang gusto mo?! Just don't break up with me!"

"I won't, I need you too. But be a good girl, ayoko ng maarte."

"I can't promise." Nagkibit-balikat siya at mas lumapit siya sa akin.

I can feel his damn hot breathing and it is not good for me.

"Ano?"

"Kapag sinabi kong lalambingin mo ako, lalambingin mo ako."

"I am not sweet, Wayto."

"Then be sweet for me, I am the boyfriend."

"Alright, space please." Gamit ang hintuturo ko ay itinulak ko ang noo niya pero hindi siya nagpatinag.

"But if you want to be sweet, you should talk to me in a chinese-like way." Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Childish, seriously?" pilit kong pinakakalma ang sarili ko. I can't, I really can't. Not that way of talking, minsan na ako naisahan ni Wayto. And the result wasn't good for my heart.

It's a no.

"Just do it,"

"No, what is that? Gago moves?" I can't agree. No.

"What the hell is gago moves, Olbes? Lalambingin mo lang ako kapag kailangan ko ng lambing. And then, maybe I can help you."

"Wayto moves? Gago moves." Matabang na sagot ko. Oh gosh, I can't agree with his chinese freaking talking shits. Saan niya ba natutunan 'yon?

"Hindi ako gago, Olbes. Itigil mo 'yan. Just do it, when I asked you. You've tried it a while ago." Pansin ko na seryoso na ang boses niya.

Nagsisi ako na ginawa ko ang pagbulong sa kanya kanina.

"No, I don't like it. Masyado ka nang gago, Wayto. I can't."

"Shit, I told you to stop that."

"Gago, gago, gago."

"Shut up Olbes."

"Gago, gago, gago. No, it's a no."

"Isang gago pa Olbes, makakatikim ka na sa akin!" malakas na sigaw niya sa akin na nakapagpatigil sa akin.

Rinig kong bahagyang natigilan ang tugtugan bago muling bumalik sa dati.

Bigla na lamang tumulo ang luha ko nang hindi ko inaasahan, hindi ako sinisigawan ng mga magulang ko, ng kapatid ko at maging ng mga kamag-anak ko.

I was a bit shock.

"I-Ikaw rude na, Wayto." Nangangatal na sabi ko. He looked shock looking at me.

"Oh shit, I'm sorry.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan niya ang takas na luha sa aking mga mata.

"Ikaw gago nang gago, ako galit na. Sorry na." Humigpit ang hawak ko sa lamesa nang marahang inaplos ni Wayto ang pisngi niya sa aking luha.

"D-Don't shout at me Wayto, hindi ako sinisigawan sa bahay."

"Hey, I'm really sorry. Just-- babe.." suminghap ako nang muli niyang pagdikitin ang tungki ng aming mga ilong at paglaruin niya ito.

"Stop calling me like that, Autumn. Hindi ako gago." Hindi ako sumasagot sa kanya at pilit kong inaalis ang kamay niya sa akin.

Bumuntong hininga siya.

"Sorry na, ako muna ang lalambing sa'yo."

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro