Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

Message

I didn't wait for Wayto, nagtuloy ako sa paglabas ng kanilang mansion at taas noong nilampasan ang kanilang bisita.

What's her purpose now? I should really trust my jowable instinct. Those apples on the floor last time was a very bad omen for me.

I rolled my eyes. I returned my confidence on air as I continued to walk again with my killer heels, flipped my hair and swayed my hips.

Tumigil na ako sa harapan ng smuggled car ni Wayto na inihanda na ng kanilang driver. Namaywang ang aking kanang kamay and positioned myself in sideways again, while waiting for my smuggler boyfriend.

Gosh, stressful night!

I slightly glanced at his direction to look on his reaction nang makakasalubong na niya ang kanilang bagong bisita, kumunot ang noo niya na parang hindi niya inaasahan ang mga ito. I expected that he would just greet them, pero tipid lang siyang tumango sa kanila at lakad takbo siya para magtungo sa akin.

Good move, because if you dared entertain them in front of me there's no way that I would let you taste my sexy sides. Hmm, hindi na maganda ang nararamdaman ko sa mga susunod pang mangyayari. Buong akala ko ay mas mahihirapan kami ni Wayto sa partido ko, but I didn't know that Arellano's had their own kind of move.

A very evil move.

Nakapagtataka nga naman na gano'n na lang talaga? Kahit gaano pa ako kagandang sumagot sa lahat ng ibinabato nilang tanong, kung gaano ako kaganda at ka-jowable sa kanilang mga mata hindi nito maaalis na dala ko ang dugo ng kanilang mortal na kalaban.

And using this girl, huh? My damn opposite, na hindi naglalabas ng tagiliran, mahinhin at hindi makabasag ng pinggan. Sa tingin ba nila ay matatakot ako?

Duh? Mukhang hindi yata nila nakikilala si Wayto?

Simple lang ang tipo ni Wayto sa isang babae, hindi kasing exaggerated ng babaeng dumaan kanina. Look at her over covered dress? Gosh... halatang pinaghandaan ang dinner lang, look at her hairstyle? Sa sobrang natural parang fake na rin.

Duh? I am not threated or even worried! Seriously? It's impossible for me to even think that she's gonna be a problem in the near future.

Now back with my babe chinitong smuggler's type, paano ba siya napili ng mga kamag-anak niyang maging karibal ko?

Alam ba nila ang tipo ni Wayto? Gusto ni Wayto ang mga tipo ng babae na hindi masyadong maarte just like me, mahilig kumuha ng sedula, flawless skin with maintained milk bath from virus free cows with rose petals without caterpillar bites or any insects and with glitters on her back. A woman who could still love him even if he had tons of smuggled cars, a woman that would keep her silence and won't report him to authority kahit sobrang dami na niyang hino-hoard na cars. That woman? Mukha siyang sumbungera.

Duh? Who's threatened? Siguro ang mga insecure na pinsan na naman nitong si Wayto ang nagsuggest ng ganito sa pamilya nila, palibhasa hindi bagay sa kanila ang may glitters sa back! And their tagilirans are not that flawless.

Gosh... nakaka-stress talaga ang mga babaeng hindi jowable!

My poisons were already contaminating Wayto's system, bago pa man sila makahanap ng kamandag na ilalason kay Wayto mula sa ibang babae, tumatanggi na ang katawan nito. Because my poisons dominated him enough to accept cheap poisons. But well... I'd like to see how the Arellano clan try.

Taas noo kong tinanaw ang napakalaking mansion ng mga Arellano, itinaas ang isang kilay at hindi ibinaba ang pamamaywang ng aking isang kamay.

Game on, Arellanos.

"Babe, let's go."

Nasa harapan ko na si Wayto, he looked worried, siguradong iniisip na nito na nagseselos na ako o kaya ay kung ano-ano na naman ang iniisip ko.

"Let's go." Hinayaan kong si Wayto ang magbukas ng pintuan para sa akin.

Time really flies, parang noon lang ay hindi ito marunong magbukas ng pinto para sa akin. Well, we were not official back then, isa pa getting to know each other pa ang drama namin noon and he's being rude pa back then. But right now, he's super sweet and gentle.

Pero alam ko na bina-backstab ako ng gagong ito kapag nakatalikod ako dahil sa minsan kong pagiging maarte sa kanya.

Ilang minuto kaming tahimik sa loob ng smuggled car niya, inaasahan niya siguro na magtatanong ako tungkol sa nakita ko pero bahala siya sa buhay niya.

"What emergency?" he asked.

"Si Kuya, hinahanap na ako."

"I'll talk to him."

"No, ihatid mo lang ako pagkatapos umuwi ka na. They need you there."

"Wala akong alam do'n." He answered coldly. I shrugged my shoulders.

"What was all about, Autumn Stassi?" saglit siyang lumingon sa akin.

"Nothing, wala akong masabi."

"It's their move. Wala talaga akong alam, Autumn."

"Alam ko. Hindi naman ako nagselos or something. I am not even affected, so don't worry." Saglit natawa si Wayto sa sinabi ko.

"Not affected, huh? Nang makasalubong mo 'yong bisita kanina, mas gumanda ang lakad mo. What was that all about, Autumn? Alam kong bawat kilos mo o lakad mo may kasamang kaartehan, but god! The movement of your hips, para ka laging nagpa-fashion show." Umiiling na sabi nito na may kasamang ngisi.

"Should I change my walking style, ayaw mo? Gago ka." Ngumuso si Wayto habang nakatitig sa kalsada.

"Hindi, gandang babae nga, e..."

Bigla akong humalik sa pisngi niya. "I knew that you'd say that..."

Muli siyang sumulyap sa akin at sa pagkakataong ito ay nakangiti sa akin si Wayto na halos hindi na makita ang kanyang chinitong mata.

"Hindi ko na alam, Autumn. Naaasar ako sa kaartehan mo, nakakagago pero nakakatuwa..."

"You're just in love with me. Simple explanation."

"Yes."

Sabay kaming ngumiti sa isa't-isa bago kami muling humarap sa unahan ng sasakyan.

"Just promise me to hold on tight, kahit anong gawin nila para paghiwalayin tayo walang bibitaw sa ating dalawa, Autumn."

"Promise." Mabilis kong sagot. "You should promise too, Wayto!"

"Yes. I won't let go."

"Kahit mawala lahat ng smuggled cars mo po?" nanlaki ang mga mata niya sa akin.

"Hindi nga smuggled ang mga kotse ko! Ano ba, Autumn?!"

"Promise me, babe..."

"Oo na! Oo na, kahit magcommute pa ako!"

I stuck my tongue out to annoy him more. "Pogi mo naman po..."

"Sobrang arte mo..."

Nagtawanan kami ni Wayto hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tanya, malayo pa lang kami ay nakikita ko na ang tindig ni Kuya ko na parang kaunti na lang ay susugod na sa mga Arellano.

"Huwag ka nang bumama, Wayto."

"No, hindi ako takot sa kapatid mong hilaw."

Nauna na akong bumaba ng kotse para pigilan ang kung anumang atake na pwedeng matanggap ni Wayto mula sa kapatid ko. Pero nagbabalak pa lang akong humarang ay agad nang nakalapit si Kuya kay Wayto at binigyan ito ng isang malakas na suntok sa mukha. Natumba si Wayto sa lakas ng suntok ni Kuya.

"K-Kuya!" sigaw ko.

Tumakbo ako para daluhan si Wayto na kasalukuyan nang nakaupo sa lupa.

"Are you fucking out of your mind, Autumn? Nagpunta ka talaga sa loob ng teritoryo ng mga Arellano?! Paano kung-"

"Ito na ako! Wala namang nangyari sa akin! Kuya naman! Ibinalik ako ni Wayto nang maayos!" mas hinigpitan ko ang yakap kay Wayto nang akma na namang aatake si Kuya sa kanya.

Nanatiling walang kibo ang dalawang kong kaibigan habang pinagmamasdan ang eksena namin.

My brother stopped in the mid-way, raked his messed-up hair with frustration and stared at us with his creased forehead.

"Alam n'yo naman sigurong paghihiwalayin kayo. Walang patutunguhan ang relasyon n'yo."

"But this is all your fucking fault! Hindi ba at ikaw ang nagtulak sa akin na gawin 'to? I fell in love with him, Kuya... there's no backing out. Paninindigan namin ito ni Wayto."

Biglang sumipol si Wayto, huli ko itong narinig nang mga panahong iniinsulto pa naming dalawa ang isa't-isa.

"So... it was really your idea? Should I thank you, brother in law?" pinunasan ni Wayto ang bahid ng dugo sa gilid ng labi niya.

Hindi na kami umalis ni Wayto sa aming posisyon, nanatili kaming nakalugmok sa lupa at hinayaan niya akong mariing nakayakap sa kanya.

"Shut up, Arellano." Sinalubong ni Kuya ang mga mata ko. "How did they treat you?"

"Quite nice." Tipid na sagot ko.

Alam kong agad nakuha ni Kuya ang pagiging sarkastiko ko, he's my brother afterall. Kilala niya ang bawat bitaw ng aking mga salita.

"They insulted you." He stated.

"Of course, should they welcome me with smile? Mas nakakatakot yata iyon."

"And?"

"Don't worry, Kuya... I answered them well. Olbes way..."

"Yeah, very Autumn Olbes way." Wayto snorted. "Can we stand now?" bulong ni Wayto sa akin.

Nauna akong tumayo sa kanya, bago siya sumunod sa akin. Nagsimulang pagpagan ni Wayto ang kanyang tuxedo.

"Kalmado ka na, Andres? Pinagbigyan kita ng isa, babawi na ako sa susunod." Hindi sumagot si Kuya sa sinabi ni Wayto.

"I need to go, Autumn." Walang pakundangang humalik si Wayto sa aking noo sa harapan ng kapatid ko. Tinanaw din niya ang dalawa kong kaibigan.

"No tears, ladies..." sabay umirap sa kanya ang mga ito.

Bigla akong hinila ni kuya papalapit sa kanya, ang braso nito ay yumakap sa bewang ko at bumulong siya sa akin.

"Ano na naman ang suot mo, kapatid?" I gave him my sweetest innocent smile.

"Hindi ko napansin na medyo labas ang tagiliran, my bad." Lalong kumunot ang noo ni Kuya.

"Liar."

Hindi pa man nakakapasok si Wayto sa kanyag kotse ay nagsalita na ulit si Kuya.

"Arellano, I don't like you and I will never approve you for my sister. But thanks for bringing her safe."

"Nah, no problem, brother in law."

Kumindat muna sa akin si Wayto bago siya pumasok sa kanyang smuggled car, habang nakailang mura si kuya rito.

Bago kami umuwi ni kuya ay pinagbihis muna ako nito ng ibang damit. Pinagalitan niya pa ang mga kaibigan ko dahil sa ginawang pagsisinungaling ng mga ito para sa akin, pero tulad ko ay pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga ang lahat ng mga sinasabi niya sa mga ito.

"Kailan mo ipapakilala sa atin o baka naduduwag? Mas malakas pa ang loob mo." Nasa biyahe na kaming magkapatid.

"Malakas ang loob ni Wayto, Kuya... ako lang ang natatakot na ipakilala siya. Kilala ko si lolo at ang pamilya natin, kung hindi man nila galawin si Wayto siguradong sa akin sila aaksyon."

"Buti alam mo."

"Pero ayaw kong mahiwalay sa kanya... seryoso ako."

"Ewan ko sa'yo. Ang sakit mo sa ulo, Autumn. Binalaan na kita."

"You should help me."

"Help you? No way."

"Pero ikaw ang-"

"I told you to play and not to take everything seriously! Ang layo ng sinabi ko sa ginawa mo."

Natahimik kaming magkapatid at hinayaan namin mamayani ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada.

"How about your mission, Kuya? Hindi ba at may Arellano ka rin na-"

"I stopped, okay? 'Wag mo sa akin ibalik ang usapan."

"Paano kung ipadala ako sa ibang bansa?" ito ang nangyari sa panaginip ko at hindi ito malayong mangyari.

"Malamang, ano pa ang gagawin ng mga kamag-anak natin?"

"I don't want to go."

"May magagawa ka, sa tingin mo?" nanghihina akong umiling sa kanya.

"How was their approach, Autumn? Sigurado akong hindi basta papayag ang mga Arellano na may relasyon si White sa isang Olbes. Isang malaking kalokohan."

"I am not sure yet, but I think another woman is going to be involved." Sumulyap sa akin si kuya.

"Gagawing karibal mo?" tumango ako sa kanya.

"Mas maganda sa'yo?"

"Of course not!"

"Then don't be threatened."

"Hindi nga."

"Pero kung mas maarte ka sa kanya, malamang ipagpapalit ka ni Arellano."

"K-Kuya!" nagkibit-balikat siya sa akin.

Nakarating na kami sa bahay ni kuya na hindi na pinag-usapan ang tungkol sa relasyon namin ni Wayto. I kissed our parents a good night, nang makitang nanunuod pa sila ng tv sa sala.

Hindi na naman sila nagtanong dahil kasama ko si kuya umuwi. Nagdiretso ako sa kwarto ko, pick-up my phone and texted Wayto.

"I'm home."

But I didn't expect his reply. It was short yet frightening.

"Sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro