Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

Visitor

"At hindi ko siya hinihingi, kinukuha ko."

Silence overwhelmed us. Of course, who would expect sharp words from me? Siguradong inaasahan ng mga Arellano na magiging mahina ako sa harap nila at magkukunwaring isang anghel para makuha ang boto nila para kay Wayto.

No way.

Nangako akong walang gagawing gulo, pero hindi ko sinabing ipagkakaila kong isa akong Olbes. Bago ako pumasok sa kanilang mansion, itinatak ko na sa sarili ko na Olbes akong pumasok, isa pa rin akong Olbes sa sandaling lumabas ako.

Nagsisi ako na minsang inisip ko na bigyan ang mga ito ng pagkakataong magkaroon ng sariling impresyon mula mismo sa aking mga mata na walang bahid na impluwesiya mula sa galit ng aking pamilya.

But after this? Siguro matatanggap ko pa na ganito talaga ang pagtanggap sa akin ng mga babaeng Arellano, insecure bitches. Pero ang makitang walang kibo ang mga lalaking nakatatanda na parang hinihintay na lang ng mga ito na patayin ako ng mga babae para sila na lang ang maglinis ng kalat pagkatapos, hindi na bumaba ang pagtaas ng kilay ko.

Ngayon ko masasabi na wala nang kahit anong pag-asa para makasundo ko ang pamilya ni Wayto.

What was this dinner all about again? Well, at least we tried. I can still love Dwight Alcerous Arellano without anyone's approval.

Isa pa... why do I need to get their fucking approval? Sila ba ang kakagat sa tagiliran ko? Duh, it's Wayto, my babe smuggler.

Nang sulyapan ko si Wayto ay titig na titig ito sa akin. Pero sa kabila ng pagiging moreno niya, pansin ko ang pamumula ng dalawa niyang tenga.

I suddenly want to bit my lower lip.

Kinilig yata ang gagong smuggler sa sinabi ko. Ikaw galing dapat sa akin kagat tagiliran mamaya, I'm stressed na with your family...

Did I apply few glitters?

Muli akong humarap sa mga kamag-anak niya, ramdam kong tahimik pa rin si Wayto at nakatitig sa akin. Ano ba itong naisip niya na ipakilala ako? Mabuti na lang at hindi ako masyadong nag-ayos. Masasayang ang effort ko.

Nang makabawi na sila sa pagkakatulala dahil sa binitawan kong salita, narinig ko ang pagtawa ng ilan sa kanila.

Probably lack of common sense, was that a joke?

Sasabayan ko sana sila sa pagtawa nang biglang nangibabaw ang isang maiksing salita na nakapagpatahimik sa lahat.

A single word yet with power.

"How?"

Nangatal ang pagkaka-krus ng tuhod ko nang sandaling marinig kong magsalita sa unang pagkakataon ang puno ng kanilang pamilya. Governor Alcerio Arellano.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi nakasagot. Umarko ang kilay ng mga babaeng Arellano sa akin, nakangisi na si Leiden at Gilbert Arellano habang ang ilan pa ay seryosong nakatitig sa akin.

"Lo-" nang magtama ang mata ni Wayto at ng kanyang lolo ay nakita ko kung paano rin siya natahimik.

I've been hearing a lot of information about him, hindi ko man ito gustong marinig pero tulad ng aking lolo ay marami rin itong mga tagahanga na walang tigil sa pagpapapuri sa kanya. His words and actions in every political meeting, kung paano ito tumulong sa mga tao at ang nag-uumapaw na awtoridad nito kahit nasa kaswal na selebrasyon lamang ito.

The power of Don Alcerio Arellano, ganito rin ang kapangyarihang hawak ng aking lolo sa sandaling siya ang magsalita sa aming pamilya.

I opened my mouth to answer him, but in the end, I chose to close it again. Parang may kung ano sa matandang ito na maghuhubad sa totoong nararamdaman ng isang tao. Kung kanina ay nagagawa ko pang itago ang kaba at takot ko, ngayon ay unti-unti na nitong naglalabasan.

It was just single word, pero bigla nang nawala ang lakas ng loob ko. Sa huli napatungo na lang ako at napatitig sa aking plato. No, this can't be happening.

J-Just tell him the answer! B-But how? Ano? Na blangko na ang utak ko.

"Well... well... well..." nawiwiling boses ni Melody Arellano ang narinig ko.

"Melody." Matigas na tawag ni Wayto sa pangalan ng pinsan niya.

Hindi ko pinansin si Melody at Wayto na mukhang magtatalo na naman, hinarap ko si Don Arellano sa kabila nang takot ko.

"It's should be when, Don Arellano... I'm done with the how."

Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niyang how, should I tell him na inakit ko ang apo niya? Inartehan at pinakitaan ng tagiliran ko na sobrang kinis kaya naulol sa isang Olbes? Of course, I won't say that!

"Then, when?"

Gusto ko nang magmura sa maiksing mga salita niya na pinipilit akong mag-isip! What is wrong with this old man?

"Lolo, stop questioning her." Mahinang sabi ni Wayto.

"I just want to talk to my favorite grandson's girlfriend. Hindi mo naman siguro dinala siya rito para kumain lang?"

"But everyone's intimidating her!" gigil na sabi ni Wayto.

"Hindi plastic ang pamilya natin, White. Of course, we'll welcome her in Arellano's way." Sagot ng isa na naman niyang tiyahin.

"Like hostage taking?" sabat ko.

"Well, you're an Olbes. And you know? It's foolish to enter voluntarily inside the enemy's lair." Sabi ni Sherill.

Ngayon ay hindi na ito hawak ng kanilang mga pinsang lalaki. Dapat na ba akong huminga nang maluwag?

"I think it's more foolish to take me..."

"As bait? Are they even aware that you're here?" tanong ni Melody.

Pansin ko na wala na sa amin ang atensyon ng ibang Arellano dahil kumakain na ang mga ito.

"Possible, paano kung alam naman pala talaga nila? She's a good bait. Our idiot cousin, White is drooling over her." Nagsalita na si Leiden Arellano.

"Just please... lessen the violence, ladies." Nagsalita na ang isa sa mga tiyuhin ni Wayto.

"Mga apo, tapos na ba kayo?" tanong ni Don Arellano na nagpatahimik muli sa amin. Tumango ang magpipinsan.

"Now, where are we?" muling nagtama ang mga mata namin ni Don Arellano.

May itinatanong pa nga pala ito sa akin! When...

Huminga ako nang malalim at hinayaan ko ang sarili kong mag-isip. Until I remembered something from my grandfather.

"Years after his graduation... hintayin ko muna sigurong mas yumaman si Wayto. If you can see... marami akong luho sa katawan..." nagsinghapan ang mga babaeng Arellano sa sinabi ko.

"Y-You gold digger!"

"Bitch!"

"Narinig mo ba, White ang sinasabi ng babaeng dinala mo rito?"

"Richness through his own sweat...na walang manggagaling kahit singko mula sa inyo." Pagpapatuloy ko.

"Arellano ka man o kahit nanggaling ka sa magandang angkan, you're not worthy enough to claim an Olbes if you have the power just from your family influences. Baka ibalik ko pa sa inyo si Wayto... so that when? If he's already successful enough. So... don't worry Don Arellano, I don't have plans to snatch your grandson this early na walang natutunan mula sa inyo."

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Don Arellano sa mga sinabi ko. Kailan ba nga dapat kuhanin si Wayto sa kanila?

Of course, that's when he's already successful. Yung tipo na hindi na siya umaasa sa smuggled cars ng pamilya niya. And I don't want to ruin Wayto's future, gusto ko naman makatapos kaming dalawa ng pag-aaral bago kami lumandi sa isa't-isa.

"That's not love, kung ganoon, hindi mo mamahalin si White kung hindi ito magtatagumpay sa buhay?" talagang hindi matatapos ang mga pinsang ito ni Wayto para maghanap ng butas sa mga sinasabi ko.

"Eh? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I was prioritizing Wayto's future, would you like me to snatch him this early? And ruin his life?" tanong ko.

"Bitch, you just told us about the stability of your leisure through our cousin's future money."

Sarkastiko akong tumawa sa mga pinsan ni Wayto, pansin ko na nakikinig na ulit ang matatandang Arellano sa amin. But what made me glimpse twice to Don Arellano was the amused look on his face.

Kanino siya natutuwa? Sa mga apo niyang insecure sa akin o sa akin?

Hinawi ko ang buhok ko, sinulyapan ko si Wayto, tulala pa rin ito sa kagandahan ko. Siya ayos kagat akin both tagiliran later, ako super stress na talaga...

"Oh, I have my own golds to dig. Sinabi ko ba na si Wayto lang ang may kakayahang gumawa ng sariling pangalan? I'll strive hard too, so we're both worthy of each other."

Humarap ako kay Wayto at sinadya kong palagkitin ang titig ko sa kanya sa kabila ng mga mata ng mga kamag-anak niya.

"Kung paliliguan ako ni Wayto ng kanyang yaman, paliliguan ko rin siya. Magliliguan kami." I giggled exaggeratedly. "Right, babe?"

Ngumisi lang sa akin si Wayto. "Arte..."

Pansin kong napalitan ng ngiwi ang reaksyon ng mga babaeng Arellano, umiiling ang mga pinsang lalaki ni Wayto na may ngisi rin, nakakunot ang noo ng ilang tiyuhin.

Pero ang mas nakagulat sa aming lahat ay ang pagtawa ni Don Arellano. Sa pagkakataong ito, ako naman ang mas napatitig sa matanda. Bakit siya natatawa?

"He likes you... that's my jowable girlfriend..." bulong sa akin ni Wayto.

"Really?" I whispered back. Wayto nodded at me.

Kung sinabi lang sa akin ni Don Arellano na gusto niyang pinaliliguan ko ang apo niya, hindi na magiging mahirap ang bagay-bagay.

"Everyone, enjoy the food." Ito ang huling sinabi ni Don Arellano na nagpatigil sa mga pinsan o tiyahin ni Wayto para batikusin pa ako.

Naging kaswal na ang buong hapag na parang isa na lamang ito normal na hapunan sa kanila. Minsan ay isinasali ako ni Leiden at Gilbert sa usapan, pero pinipili ko nang huwag nang mas makisali sa kanila.

Pero hindi pa rin maaalis ang matatalim na titig sa akin ng mga kababaihan.

"So tell us, paano nakuha ng isang Arellano ang atensyon ng isang Olbes?" tanong sa akin ni Don Arellano, nakikita ko ang kawilihan sa kanyang mukha habang tinatanong ako.

"It's not that hard to notice him, come on, matagal nang nagpapapansin sa kanya si White." Natatawang sabi ni Leiden. Kumunot ang noo ko sa narinig ko.

"Shut up, Leiden." Matigas na sabi ni Wayto.

Nagsimula nang mag-asaran si Wayto at ang dalawa niyang lalaking pinsan. Hindi ko na ito napansin dahil narinig kong nagvibrate ang phone ko. And when I opened the message, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Your brother is here. Alam niya kung nasaan ka. Please go home, he will inform your family."

Bumalik sa alaala ko ang naging panaginip ko. No!

"I need to go, Wayto."

"Why?" nang sumulyap si Wayto sa phone ko ay agad ko itong itinago.

"We need to go." Paalam ni Wayto sa pamilya niya.

"White, you need to stay. May darating tayong bisita, kailangan ka rito." Sabi ng mommy niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Wayto, kung kanina ay matindi na ang kaba ko, mas higit sa mga oras na ito. Hindi ko pa nahahanda ang sarili ko na malaman ng pamilya ko ang relasyon kay Wayto.

If Wayto's right that his grandfather likes me, hindi na ito magiging masyadong mahirap sa partido niya. But in my case? Posibleng ilayo ako ng pamilya ko sa kanya.

Not now, hahanap ako ng tamang panahon para ipakilala siya.

"Pwede naman siguro akong ihatid ng driver n'yo?" mahinang tanong ko kay Wayto.

"No, ihahatid kita."

"White, ihahatid na lang si Autumn ng mga driver natin. We need you here, dadating na rin sila." Pagsingit ng mommy niya.

"Who are they? Bakit kailangan ako? Iuuwi ko lang si Autumn, babalik agad ako."

"Wayto, it's okay." Tumayo na ako sa pagmamadali ko.

"I love the food. Thank you. Though, I am not expecting a second dinner with you. Good evening." Tipid akong ngumiti sa kanila at nagmadaling tumalikod. Hindi ko na hinintay si Wayto.

I need to go home!

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang paulit-ulit na mura at puna sa akin ng mga pinsang babae ni Wayto, maging ng kanyang mga tiyahin.

I disregarded them in my most elegant way. I swayed my hips like I was in some catwalk, flipped my curly hair and walked with my high heels with its super annoying noise for their ears.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nagsisimula na rin akong mag-dial kay kuya. Shit. Natatakot ako na baka biglang sumugod dito ang mga kamag-anak ko. Yes, kanina halos sumigaw ako ng tulong sa kanila, but everything went smoothly. Hindi na kailangan pa ng gulo.

Wayto said that he'll bite me raw in my both tagiliran, but this is emergency!

Malapit na ako sa main door ng mansion ng mga Arellano nang matigil ang mga paa ko sa babaeng mahinhing pumapasok na wala man lang tagilirang nakalabas, may kasama itong isang babae na nakakilik sa kanyang braso at mag-asawa na nasisiguro kong mga magulang nila.

Nagtama ang mga mata namin ng pamilyar na babae. Maging siya ay nagulat nang makita ko, biglang natigil ang mga paa ko sa paglalakad.

"Autumn!" rinig kong tawag ni Wayto mula sa likuran.

What is she doing here? That woman named, Summer...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro