Chapter 27
Chapter 27
Welcome
Wayto knew me too well, he immediately held my hand the moment we entered their gate. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at ang nagsisimulang pangangatal ng tuhod ko.
Buong akala ko ay matatakpan ng pagiging jowable ko ang kaba, but for the very first time in my life... I suddenly forgot how jowable I was. For the first time of my life, I want to cover my exposed flawless body kasi nilalamig ako sa kaba.
May bumubulong sa akin na tumakbo, tumawag ng kamag-anak at humingi ng tulong. I want out... I want help.
I felt so hopeless... yet so pretty, beautiful and sexy...gosh... I couldn't even praise myself well.
How could I feel so cold with sweats on my forehead? Binitawan ko ang kamay ni Wayto at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.
"Do you have tissue, babe?" tanong ko.
There's something wrong with Wayto's smuggled car's aircon, hindi niya yata ito pinalinis. Inabutan ako ni Wayto ng tissue. Pero bago ko idampi sa noo ko ang tissue ay humarap ako sa kanya. "Is this hypoallergenic, babe?"
"What?"
"I couldn't risk my-" inagaw na ni Wayto ang tissue at siya na mismo ang marahang nagpunas ng pawis ko.
"Calm down, Olbes."
Sino nga ba ang hindi kakabahan? Simula nang magkaisip ako ay ipinamulat sa akin na kalaban ang mga Arellano, na kaya ng mga itong gawin ang lahat laban sa amin. At ngayong nasa loob na ako ng teritoryo nila, masisisi ba ako kung ganito ang maging kilos ko?
Yes, I felt secured... Wayto's here with me. Pero paano kung igapos siya? Paano kung ilayo siya sa akin? Tapos they do bad things on me?
"W-Wayto... let's go back."
"You're just nervous..."
"Of course! Sinong hindi kakabahan? Malaki ang galit nila sa akin."
"But my love is bigger. Don't worry, hindi ka nila sasaktan." Humalik si Wayto sa kamay ko.
"B-But Wayto-"
"Shh... just calm down. I'm here."
Huminga ako nang malalim at pinanatili ko ang sariling tahimik hanggang sa makarating kami sa harap ng mansion nila.
Agad kong nakilala ang dalawang security guard na naka-abang sa smuggled car ni Wayto. They were one of the seven bodyguards.
Bubuksan na dapat ng isa sa kanila ang pinto nang mauna si Wayto lumabas, siya na mismo ang umikot at nagbukas para sa akin.
"Welcome to Arellano's residence, Miss Olbes." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Halos hindi ko na magawang pagmasdang mabuti ang magandang disenyo ng kanilang mansion.
Kahit gaano pa ito kaganda, mas maganda pa rin ang mansion ng mga Olbes.
"Nang-aasar ka ba, Wayto?"
Ngumisi siya sa akin bago niya hinapit ang bewang ko at bumulong na naman. "Gandang babae..."
Hindi ko napigilan ang sarili kong isumping ang buhok ko at hampasin ang balikat ni Wayto. Pinag-iinit na naman ni Wayto ang pisngi ko.
I don't know if he's doing it on purpose just to remove my nervousness, but damn it! It's actually working, well, yes...slowly.
"Don't praise me... alam mo namang hindi ako masyadong nakapag-ayos..." I played with his bowtie.
Sa sulok ng aking mata ay pansin kong nanunuod sa amin ang dalawang security guard na kapwa naka-puting uniporme, mabilis nag-iwas ang tingin ng mga ito nang lumingon sa kanila si Wayto nang nakakunot ang noo.
Ibinalik ni Wayto ang kanyang atensyon sa akin at agad nawala ang gusot nitong mukha. He showed me his silly boyish grin, nakapulupot pa rin ang kanyang mga braso sa akin.
"Hindi ka ba kinakabahan, Wayto? P-Paano kung ayaw nila sa akin?"
"Bahala sila. I love you..." Mas lalo nitong pinalambot ang kanyang boses na halos makapagpasandal sa akin sa smuggled car niya.
Inaasahan ko nang papasok na kami sa loob ng mansion, but we stayed with the same position, kahit nasa tabi lang ang mga bodyguards niya.
Wayto and I can always create our own world from different places. Isa pa, hindi naman kami masyadong malandi.
"Any regrets, Arellano?" I asked him while tracing my finger on his right ear. Pansin ko na may hikaw siya rito, kailan kaya nagpabutas ng tenga ang gagong 'to? I remembered someone from Ferells with earring. Hmp, bad influence.
"Regrets, what is that?" mas lalong humina ang boses ni Wayto. Kung ang ilang daliri ko ay abala sa kanyang tenga, ang kanya naman ay malayang nakikipaglaro sa tagiliran ko.
"Hey, it tickles babe..." I use my most dramatic voice. Ikinawit ko na ang mga braso ko sa balikat niya.
Rinig kong nakakailang tikhim na ang mga security guards ni Wayto, hindi ko alam kung bingi lang si Wayto o wala siyang pakielam. They were literally wanted us to stop and come inside.
Pero walang epekto. Naglalambingan kami ni Wayto, mga istorbo.
Napasinghap ako nang mas bumaba ang labi ni Wayto sa leeg ko.
"Hmm, saan pa ako makakakita ng babaeng katulad mo? Tang ina ang bango, tapos labas pa ang dalawang tagiliran. Ang gandang babae... amoy rose petals without caterpillar bites... smooth skin touched with milk from virus free cows... Autumn Olbes lang, maarteng Olbes ko lang. So... no regrets. Gandang babae... sinong may sabi na maarte ang girlfriend ko? Ako hindi ikaw kagat... pero ako kagat tagiliran mamaya..."
I want to shout, "Kagat me now!"
I giggled in front him. "Will you be gentle?" marahan kong hinaplos ang kanyang buhok.
Wayto nodded with a grin.
I received a short kiss on my neck. I was waiting for another kiss on my lips, but my teasing boyfriend just showed me his signature gesture. Kumagat siya sa hangin sa mismong harapan ko na hibla lang ang distansya sa mga labi ko.
What a tease!
"Let's go, here in Arellano's territory we don't tolerate public flirtation. Right?" malakas ang boses ni Wayto. Kapwa siya lumingon sa dalawang security guard na matikas na nakatayo sa harapan namin na kanina pang nasasaksihan ang pag-uusap namin ni Wayto.
"Y-Yes sir!" sagot ng dalawa sa amin.
Tumayo na kami nang tuwid ni Wayto, inilahad niya sa akin ang kanyang braso na tinanggap ko.
"Was that an act of flirtation, Mr. Arellano?" I playfully asked him.
"Not at all, Miss Olbes. We were just talking decently. And I never admired public flirtation."
"Indeed." Malaki ang ngising sagot ko kay Wayto.
Natawa kami ni Wayto sa isa't-isa. Yumuko siya at saglit niyang pinagdikit ang noo namin, we smiled at each other.
"I love you, maarteng jowable..."
Pumasok na kami Wayto sa kanilang mansion. We were greeted by their uniformed maids, sinabi ng mga itong naghihintay na sa dining area ang mga Arellano.
Huminga ako nang malalim bago ko pinagpatuloy ang paglalakad, humigpit din ang pagkakahawak ko kay Wayto.
"Don't worry..." he whispered.
Ilang hakbang mula sa entrance ng dining area rinig ko na ang tawanan ng mga Arellano, napalunok ako ng ilang beses at mas bumilis ang tibok ng puso ko.
At nang sandaling makarating kami ni Wayto, bumungad sa akin ang hindi lang sasampung lahi ng mga Arellano.
Natigil ang tawanan at napalitan ito ng nakabibinging katahimikan. Para akong naestatwa sa nakikita ko. W-What the fucking hell?! I should have known...
Lahat ng kanilang mga mata ay nasa amin ni Wayto, ang ilan ay nakakunot-noo, nakaawang ang bibig at punong-puno ng kalituhan sa kanilang mukha.
Of course, who wouldn't fucking be? Bakit hindi sinabi ni Wayto?
"White, anak. Where have you been?"
Kung hindi ako nagkakamali ang babaeng tumayo ngayon at patungo sa amin ni Wayto ay si Mrs. Arellano, Wayto's mother. Sa kanya nakuha ni Wayto ang pagiging moreno at chinito.
Hindi rin nagtagal ay narinig kong muli ang tawanan ng ilang pinsang lalaki ni Wayto.
"White, what happened? May dinaanan pa ba kayo ng girlfriend mo? Ang ganda ng get-up n'yo."
Bakit sila nagtatanong ng ganito? Dahil kami lang ni Wayto ang nakasuot ng pang-party!
They're all wearing casual clothes! Ang ilan pa ay naka-pajama at pambahay. Bakit hindi man lang nagsabi itong si Wayto? He's so gago talaga.
Humalik si Wayto sa kanyang mommy. "Kumuha lang po kami ng sedula."
Nagtawanan muli ang mga pinsan niyang lalaki. Hindi ito pinansin ng mommy niya dahil nasa akin na ang kanyang mga mata.
"You must be Autumn." Hindi ako plastic para magbeso sa kanya, kaya sa halip na umiwas ay agad kong inilahad ang kamay ko.
"Autumn Stassi Olbes." Matapang na sabi ko.
Rinig ko ang sipol ng mga pinsan ni Wayto, ilan sa mga babaeng pinsan niya ay umirap sa akin, ang mga tiyuhin niya na walang pakielam sa akin at ang mga tiyahin niya naman ay nakataas ang kilay.
I didn't expect a warm welcome, though. Kaya hindi na ako nagugulat sa salubong nilang ito sa akin.
"Please be good on her." Tipid na sabi ni Wayto sa harap nilang lahat.
Kinilabutan ako nang mapansin sa dulo ng lamesa si Governor Arellano. My grandfather's competitor.
Umupo kami ni Wayto sa libreng upuan, sa ilalim ng lamesa ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam ba ng pamilya mong nandito ka?" tanong ng isa sa mga tiyahin ni Wayto.
Hindi ako makasagot. Dahil kapag sinabi kong hindi, ano ang pwede nilang ibato sa akin? Na hindi ko kayang ipakilala si Wayto sa sarili kong kamag-anak? Like that? Babatuhin nila ako agad ng katwiran?
"She'll introduce me soon." Sagot ni Wayto.
"Can't talk, huh?" isa naman sa pinsan ni Wayto na babae ang sumabat. I think she's Melody Arellano.
"Hey, ano ba kayo?" natatawang sabi ni Leiden Arellano, isa pa 'to sa gagong kinakaiinisan ko. I wonder, hindi na sila masyadong nagkakasama ni Wayto ngayon.
Hantaran binitawan ng isa na naman mula sa mga babaeng pinsan ni Wayto ang kanyang kutsara at base sa mukha nito handa itong magbuga sa akin ng maanghang na salita.
"Why? Ang lakas ng loob niyang makipagrelasyon kay White, like come on! Alam natin na iba ang pakay niya sa pinsan natin. We could hostage her, sa eleksyon na natin siya ibalik."
Sa bilis ng pangyayari ay narinig ko na lang ang malakas na pagkabasag ng baso, sigaw sa pangalan ni Wayto at ang pagtili ni Sherill Arellano. Dalawang pinsan nitong lalaki ang mabilis nakapag-iwas dito para hindi tamaan ng bagay na nagmula kay Wayto.
Nanlalaki ang mata kong lumingon sa katabi ko, nangangatal ang kamay nito habang matalim na nakatitig sa pinsan niya.
"Sherill, shut the fuck up!"
Si Leiden at Gilbert Arellano ay mariin nakatitig kay Wayto dahil sa ginawang pagbato ni Wayto.
"That's it? Natuto ka nang saktan kaming mga kamag-anak mo? Do you think that woman is genuine about you? Love? Come on, there's no such thing between our families, para kayong mga tanga." Nagsalita muli si Melody.
Lahat ng matatandang Arellano ay nanatiling tahimik at nanunuod sa amin, na parang hinahayaan lang ng mga itong hawakan ng mga nakababatang Arellano ang mga mangyayari.
"And she couldn't even speak? Bakit ang talas ng dila niyan kapag nagkaka-engkwentro kami sa campus?" gigil na sabi ni Sherill.
"Fucking stop! I thought we fucking agreed? Nasaan na ang usapan natin?" iritadong sigaw ni Wayto.
Nakailang mura na si Leiden at Gilbert habang hawak ang balikat ng dalawang babaeng pinsan nila. May ilang pinsan pa rin naman ang natitira na hindi nakikisama sa gulo.
Well, kilala ko ang dalawang babaeng ito. Sila talaga ang madalas naka-engkwentro ko, palibhasa matagal na ang mga itong insecure sa akin. I should have informed Tanya and August, sabay-sabay namin kakalbuhin ang mga ito.
"I thought you agreed to act just civil at least?" giit ni Wayto.
"Civil? Sa tingin mo kapag dinala ka ng babaeng 'yan sa pugad ng mga Olbes maayos ang magiging pakisama nila sa'yo? Mas hayop ang pamilya nila sa atin! Baka pasabugin pa ang ulo mo naglalakad ka pa lang sa teritory nila." Kumuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa sa sinabi ng isa sa tita ni Wayto.
"Auntie!"
Madiin pa rin ang titig sa akin ni Sherill at Melody Arellano, kapwa na sila pinagsasabihan ng dalawang lalaking pinsan nila pero wala ang mga itong naririnig.
"Why so silent? Sa tingin mo ay madadala kami sa pag-arte mo? Kahit ang totoo, minumura mo na kami sa isipan mo?"
They already judge me, sila ang unang umatake, nangako ako sa sarili ko na kung magkaroon man ng masamang engkwentro hinding-hindi ito magmumula sa akin, para kay Wayto. But they triggered me first.
Pinag-krus ko ang mga hita ko at maging mga braso ko, sumandal ako sa aking upuan.
"Pinatatapos ko lang kayo magsalita, tapos ka na?"
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, kung anong klase ng lakas ng loob ang mayroon ako para sumagot sa teritoryo ng kalaban at kung ano pa ang pwede kong gawin kapag nagkagipitan na at umatake sila sa akin ng higit sa mga salita.
But I couldn't just let them trash-talked me or my family. I'll die fighting for my family.
"Seryoso ako sa pinsan n'yo at kung hindi n'yo makita 'yon. Hindi ko na problema 'yon."
"At sa tingin mo matatanggap ka ng angkan namin?!"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko kailangan ang angkan n'yo, siya lang ang kailangan ko." Itinuro ko si Wayto.
"At hindi ko siya hinihingi, kinukuha ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro