Chapter 26
Chapter 26
Meet the parents
Tomorrow will be my big day. I should make a good impression, kahit na malabo pa sa ilog pasig. Alam kong sa sandaling marinig nila ang apelyido ko, kahit gaano pa ako ka-jowable para sa anak nila, hindi nila ako magugustuhan.
Oh well, but we can always expect the unexpected. Ano ba ang pwedeng mangyari bukas?
"Look at her, buong akala ko ay kakainin na siya ng kaba. Pinapaalala ko lang sa'yo, Autumn Stassi Olbes, teritoryo ng mga kalaban ang pupuntahan mo bukas. Kami pa ni August ang kinakabahan sa'yo, we lied to your parents about your stay here and your plans for tomorrow." I heard Tanya's sigh.
"Ano man ang mangyari sa'yo, kaming dalawa ang mapuputukan." August added.
Silang dalawa ang humingi ng permiso sa mga magulang ko sa hindi ko pag-uwi sa bahay. Pumayag silang tumigil ako ng ilang araw sa bahay ni Tanya, it was not suspicious, really, dahil madalas ko na rin naman itong ginagawa. Kaya mabilis din kaming nakalusot sa kanila.
"Don't worry, do you think they'll harm me? Wayto loves me so much, hindi siya papayag na may mangyaring hindi maganda sa 'kin." Hindi sila sumagot.
"By the way, how many centimeters ba ang gayat mo sa cucumber na 'to, Tanya? How many hours did you refrigerate this ba?"
Hindi ko na makita ang ginagawa ni Tanya at August ngayon dahil nakahiga na ako na may pipino sa mata. I also applied an imported face mask, hindi ako masyadong gumagamit ng local. It will make my face itchy.
"Oh my gosh, pati ba naman centimeters ng pipino dapat accurate, Autumn Olbes! You're impossible!" I grinned before I surrendered to sleep.
***
Wayto will fetch at 6pm.
"Should I buy new dress?" tanong ko habang nagbi-breakfast kaming tatlo.
"Autumn, siguradong kapag nag-shopping ka pa hindi ka na aabot. Just choose in my closet, marami pa akong hindi nasusuot do'n. And please, don't ask for a make-up artist, kami na lang dalawa ni August." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Tanya.
"I never planned to ask one, alam kong do'n kayo magaling." Ngumisi kami sa isa't-isa bago kami nagpatuloy sa pagkain.
"By the way, hindi naman sobra ang calories ng foods natin ngayon? You know, I need my body slim and hot tonight."
"Just eat, Stassi." Umirap sa akin si August.
Ilang oras na kami sa walk-in closet ni Tanya, wala pa rin akong magustuhan sa mga pinapakita nila sa akin. I've been looking for something that would make Wayto drool on me, kahit nasa harap kami ng pamilya niya.
Well, I love him. Mahal din ako ni Wayto, at gusto kong ipamukha sa buong angkan niya kung gaano ako kamahal ng kanilang nag-iisang Dwight Alcerous Arellano.
Gusto kong mahuli nila kung gaano kalagkit kung tumingin sa akin ang chinitong mata ni Wayto, na hindi na nila isipin pa na paghiwalayin kami.
I will make him forget the kasal muna bago kagat principle.
"What do you want, Autumn? Ano bang design?"
"Something sexy but decent?"
"W-What?" tanong ni August.
"Labas cleavage? Hita? Likod?" tanong ni Tanya.
"May dress ka ba na labas ang magkabilang tagiliran? Any dark color."
"Oh, parang meron ako."
Umiiling sa akin si August habang pangisi-ngisi lang ako sa reaksyon ni Wayto mamaya. Sana mabilis tumakbo ang oras.
I just want to seduce Wayto right now, gusto ko siyang maasar at mainis kasama ng nanliliit niya mga mata.
"Do you think it's a good idea? You should look something like a nice girl for their White Arellano, not the cat clawing girl. You know..." kibit-balikat na sabi ni Tanya habang binibigay sa akin ang dress.
"Then, that's not me."
"May punto." Kumento ni August.
Humarap ako sa salamin at itinapat ko sa katawan ko ang itim na dress. "Perfect!"
Pababa na kami sa hagdanan nang marinig ko na ang doorbell. Nagpunta agad ang isa sa katulong ni Tanya at sinalubong ang pina-deliver ko.
"What's that?" nagtatakang tanong ni Tanya.
"Fresh milk and roses."
Nagmadali na akong bumaba at lumapit ako kay Manang.
"Padala na lang po sa bathtub ni Tanya ang mga boxes of fresh milk, 'wag n'yo pong bibiglain ang pagpiraso sa petals ng roses at kung may kagat po 'yung petals ng caterpillar or any insect 'wag n'yo na po isama sa bathtub, dahan-dahan po ang paghila para buo pa rin kapag naligo na po ako." Tumango si Manang sa akin, lumapad ang ngiti ko.
I exaggeratedly removed the imaginary sweat on my forehead, kahit may aircon pa sa pinanggalingan kong kwarto.
"Gosh, Tanya...August... ang hirap ng hindi prepared, masyado akong ginulat ni Wayto about meeting his parents. I can really feel the pressure. Kulang na ako sa oras... I'm hopeless..."
"Fresh milk bath with red roses na walang kagat ng caterpillar or any insect, tapos hindi prepared? I pity our friend, Tanya... she's definitely the hopeless woman on earth... sobrang laki ng problema niya, nakakasakit ng puso." Sarkastikong sabi ni August.
"Yeah, hopeless..." halos wala nang masabi si Tanya.
Inirapan ko silang dalawa, pero bago pa man ako makapagsalita sabay na nila akong sinabunutan.
"Kapag naggaganyan ako kay Dylan, isasako niya na raw ako! Damn, that White is so in love with you! Buti hindi ka pa niya sinasakal!"
"I'm jowable, gano'n talaga! Let go of my hair! Mga inggetera!" tumatawang sabi ko.
"Pinatikim na niyan, Tanya. There's no way, White could tolerate her maarte shits kung walang natitikman. Inaamin ko, maaarte rin tayo. Pero itong si Autumn, nakaloloka!"
Mas lalong lumawak ang ngisi ko. I raised my index finger and slowly waved it in front of them.
"Ah, ah, ah, wala pa siyang natitikman. 'Wag madudumi ang utak n'yo, Wayto respects the wedding night. Kahit puro kagat ang nasa utak niya."
"Impossible!" they said in chorus.
Binitiwan na nila ang buhok ko, eksaherada ko itong hinawi bago ako nagtungo sa may hagdan.
"Magbababad lang ako, I need to hurry! Gosh, why I feel so unprepared?"
Kumuha ako ng red wine at magandang wine glass bago ako magtungo sa banyo. Nakasalubong ko pa si Manang at sinabi na ayos na raw ang pampaligo ko.
Kumakanta pa ako ng chinito habang nagsasalin ako ng red wine ko, hanggang sa maisip kong mag-message kay Wayto.
Nasaan nga ba ang gagong 'yon? Hindi man lang nag-message sa 'kin.
"Babe, let's video call. Are you busy?"
Ngumisi ako habang naghuhubad na ako. Dumiretso na ako sa banyo at ibinabad ang sarili sa purong gatas at petals ng red roses.
Ilang beses na akong sumulyap sa phone ko, pero wala pa rin reply si Wayto. Malapit ko nang maubos ang wine sa baso, bago pa ko marinig ang messenger ko.
"Babe..." madramang tawag ko sa kanya na parang isang taon kaming hindi nagkita.
Nang siguro mas maglinaw ang hitsura ko sa phone niya, pilit nanlaki ang mata niya hanggang sa magkagulo siya sa kabilang linya. Nabitawan niya yata ang phone niya.
Nakarinig pa ako ng ilang mura, iba't-ibang ingay na parang nagmamadali siya, may lalaking tumawag sa kanya na hindi ko narinig na sumagot si Wayto, hanggang sa makarinig ako ng malakas na paglagapak. A door?
"Autumn. Stassi. Umaarte. Na. Naman. Olbes! A-Are you naked?" hindi ko siya makita sa screen.
"Ikaw ang maarte, Wayto. I'm decent, I wanna see you face, babe..." kunot na kunot ang noo nito nang magpakita sa screen.
"Pogi mo naman po..."
"Ang arte mo naman po..." tamad na sagot nito. "Why? Maaga pa, mamaya pa kita susunduin."
"Three hours na lang."
"You're on bath, then video calling me. Really, very Autumn Olbes way."
"Nigagalit ka?" maarteng tanong ko.
"Hindi, ako nilalason mo... you silly girl. You and your foul ways."
"So jowable, right?"
"Yeah," parang walang buhay na sagot nito. "By the way, ano ang nasa leeg mo? Rose petal?"
"Yes, without caterpillar bites and any other insects."
"W-What?" pansin ko na natatawa na naman ito. Kung hindi ako nagkakamali, nasa loob siya ng kanyang kwarto, nakaupo sa kanyang kama at nakadikwarto, tipikal na posisyon ng boyfriend kong smuggler.
"I ordered fresh flowers, without caterpillar bites and other insects. And of course, fresh milk. To tell you honestly, nagulat ako na ipapakilala mo na ako sa parents mo, I am not really good with preparations. Look at me now, I'm quite a mess."
Mas napansin ko ang paglawak ng ngisi ni Wayto habang nagrereklamo ako sa kanya.
"So, I pressured my jowable girlfriend? Damn, I want to kiss you now, naaawa na ang boyfriend mong smuggler sa'yo." Rinig kong mas pinalambot ni Wayto ang boses niya na parang awang-awa na sa 'kin.
"Really? I thought you wouldn't understand me." Nagkunwari akong nagpupunas ng luha.
"Why not? I can see it clearly, you're unprepared..." I gained his sympathy.
"So in love with this maarteng jowable, pasalamat ka, naka-video call lang tayo." I heard his lower voice.
Sa sulok ng aking mga mata pansin ko ang maasim na mukha ng mga kaibigan ko habang naririnig nila ang pag-uusap namin ni Wayto. Hindi rin sila tumagal dahil iniwan na nila akong nag-iinarte kay Wayto.
"Wait? So that's the reason why? Buong akala ko nagtatanong ka para sa bagong negosyo ng mga Olbes! 'Yun pala ipanliligo mo lang."
Tinanong ko siya kahapon kung may alam siyang pwedeng bilhan ng fresh milk na hindi pa nagkakasakit 'yung mga cow na naglalabas ng milk, supportive si Wayto kaya nagbigay siya ng details. Hindi ko pala nasabi sa kanya na ililigo ko ang gatas?
"Yes."
"Hmm, magbanlaw ka na. Kanina pa tayong magkausap, sunduin kita mamaya. I love you, maarteng babae."
Hindi na hinintay ni Wayto ang sagot ko, dahil pinatay na niya ang video call.
Maganda ang mood ko nang matapos akong maligo at hinayaan ko nang ang mga kaibigan ko ang pumili ng ayos sa akin. Naka-krus ang legs ko habang ka-text si Wayto, papunta na raw siya rito.
Ilang minuto lang ay sinabi na sa akin ni Tanya na maayos na ako. Wearing a thin make-up, my favorite curls and my black bandage open side mini dress.
Naka-five inches heels ako at nagmadali na akong nagtungo sa harap ng pinto para maabutan ako ni Wayto. I seductively positioned myself in sideway, para makita agad ni Wayto ang tagiliran ko.
"What are you doing, Autumn?" tanong ni Tanya.
"Just get inside, dadating na raw si Wayto. Distraction kayo, e." May pagpadyak pa ako.
"Whatever." Sabay na sagot nilang dalawa.
"I love you so much, girls!" sigaw ko sa kanila bago ko ibinalik ang aking katawan sa magandang posisyon.
Bumilang ako ng segundo bago marinig ang mayabang na pagmamaneho ni Wayto ng kanyang smuggled car, mas pinaganda ko ang aking posisyon at lumawak ang aking ngiti nang pumarada sa harap mismo ng malaking bahay ang bagong kotse ni Wayto.
Itim din na bumagay sa suot ko.
"Wow, labas ang tagiliran ng girlfriend ko. Ang gandang babae." Inirapan ko si Wayto.
Malalaki ang hakbang niya patungo sa akin, mabilis hinapit ang bewang ko at bumulong sa akin.
"So pretty..."
Halos manginig ang tuhod ko nang hindi nakapagpigil si Wayto at kumagat sa puno ng tenga ko.
"Hmm, ang bango... amoy rose petals without caterpillar bites. Tang ina, sobrang ang gandang babae...ang ganda..."
I clung around his nape to guide myself from falling. "I-I think I'm overdressed, Wayto..."
Because my smuggler boyfriend is just wearing a khaki shorts and white polo shirt!
"Nah, it's okay." Hinawakan ni Wayto ang kamay ko at inalalayan niya ako sa paglalakad.
Saka nagpakita ang dalawa kong kaibigan. "Arellano, please bring her back without tears."
"I will." Tipid na sagot niya kay Tanya.
Kumindat ako sa dalawa kong kaibigan at umirap lang sila sa akin. Dumaan kami sa kilalang boutique sa Enamel, naghanap ng tuxedo si Wayto, mabilis lang siyang nakapili, binayaran at isinuot na.
"See? We're match." Ngising sabi ni Wayto nang masuot na niya ang itim ng tuxedo.
Agad akong lumapit sa kanya at humalik ako sa kanyang labi. Our usual smack, yet too sweet. "Ikaw mahal ko..."
"Ako mas mahal ikaw, Autumn..." humalik siya sa tungki ng ilong ko bago niya ako pagbuksan ng kanyang bagong smuggled car.
Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba habang nasa biyahe kami, pero nang sandaling makapasok kami sa gate ng mga Arellano at magsara ito, bigla akong natauhan.
Nasa loob na ako, sa loob ng teritoryo ng mga kalaban.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro