Chapter 25
Chapter 25
Decision
"Kasal muna, bago kagat... I love you, Autumn."
Ilang beses na akong hinalikan ni Wayto. From my lips, cheeks, forehead, hair and even on my shoulders. But I didn't expect that a kiss on fingertips will be this heart shattering.
Hindi sa paraang nakakapanakit, kundi sa paraang nakalulusaw. Nakapanghihina ngunit nagbibigay ng kakaibang lakas sa puso para tumibok na higit sa normal.
It was a melting kiss, na paulit-ulit mong hahanapin. O pwedeng ihalintulad sa isang inosenteng mansanas na maaaring magtago ng nakalulunod na lason.
Parang sasabog ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Ilang beses na akong kinilig sa mga salitaan ni Wayto, pero ibang-iba sa mga oras na ito.
The sincerity, love, warmth and everything. Naghalo-halo na, hindi lang mga pisngi ko ang nag-iinit sa mga oras na ito, maging ang dibdib ko. Sobrang init na halos hindi na ako makahinga nang maayos, gusto nang bumigay ng mga tuhod ko at ang mga kamay ko naghahanap ng makakapitan.
I am going to faint. Lalo na ngayong ang kanyang mga chinitong mga mata ay nakatitig sa akin.
"M-My gosh...Wayto babe..." halos maluha-luha ako habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa tuluyan na nga akong bumigay at mawalan ng balanse.
The jowable fell beautifully. Pero bago ako tuluyang matumba mabilis kong tinanggal ang natitirang hairpin sa buhok ko, para sa sandaling sambutin ako ni Wayto, sasabay sa pangyayari ang paglugay ng nakacurl kong buhok. I also loosened the spaghetti strap ribbon on my left shoulders, so it will slip like in the usual scene from romantic movies. It will emphasize how smooth my skin.
Just like a helpless jowable lady who fell in love with the forbidden smuggler in town.
Sumabay ang biglang pag-ihip ng hangin sa labas ng nakabukas na bintana na nagsayaw sa manipis na kurtina ng kwarto, pumasok ang ilang dahon mula sa malapit na puno.
Nakagat ko ang pag-ibabang labi ko. Ah, my life is so romantic with my Wayto babe. So effortless.
Hindi ko na lang iisipin na marami siyang smuggled cars.
"Autumn!" Wayto called my name in horror, worry registered in his face.
Bago pa man ako bumagsak ay agad pumulupot sa bewang ko ang mga braso ni Wayto tulad ng inaasahan. My whole body was a bit inclined as his arms supported me like a prince.
My hair's messy, the tips of our nose were touching, our breathing went heavy and our beating heart started with unison rhythm. The left strap of my dress loosened.
I blushed continuously. I felt like a helpless innocent sheep who was captured by a villainous yet so hot fox.
Sa nangangatal kong kamay, marahan kong tinakpan ang mukha ko at madramang nag-iwas ng tingin kay Wayto.
"I love you too, Wayto... and I'm sorry about what happened..." I said with my softest voice.
Narinig ko itong bumuntong-hininga sa sinabi ko. Naramdaman kong isinandal niya ang kanyang noo sa dalawa kong kamay na nagtatago sa aking mukha.
"Ang arte mo."
Nantiling nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko habang marahang inuumpog ni Wayto ang noo niya sa akin.
"Ang arte arte arte arte arte arte arte arte arte mo." Akala ko ay pag-umbog sa aming noo ang huli niyang gagawin. Pero napahugot ako nang paghinga nang magaan itong humalik sa likuran ng mga kamay ko.
"Pero mahal ko ang maarteng babaeng 'to." Marahan kong tinanggal ang pagkakadikit ng daliri ko at nang silipin ko si Wayto nakangisi na siya sa akin.
Hindi ko na natiis ang sarili ko at hinampas ko ang dibdib niya.
"Nakakainis ka! Bakit may mga ganyan ka pa, Wayto!" tumawa ito sa akin at inalalayan niya akong tumayo ng maayos.
Ako dapat ang mananalo rito, ako dapat ang may hawak ng pangyayari, ako dapat ang magpapakilig sa kanya sa kaartehan ako.
But Wayto did it again. He's so nakakakilig na! And he's super gago na talaga.
Sa pagkainis ko ay ilang beses akong napapadyak sa sahig habang may nakakuyom na kamao.
"Wayto naman kasi e!"
Nakapaywang na sa akin si Wayto habang nakangisi. But what made my knees weakened again was when he slightly tilted his head on his right side with a very chinito eyes and his dimple on cheek!
He's trying to lock my eyes on his. But that position is so cute and weakening!
Tang ina mo! Wait! Oh my gosh... damn, this gago smuggler is fucking mine. Ano ba ang sinasabi niyang kasal muna bago kagat, nakakaiyak.
"Stop! S-Stop Wayto!" halos sigawan ko siya habang nakaharang ang isang kamay ko sa pagitan namin.
Anong hangin ang nilanghap ni Wayto sa Leviathan at mas lalo yata siyang gumuwapo! Those eyes!
Sa pagkakataong ito ay dalawang beses siyang humakbang papalapit sa akin, napaatras ako ng ilang hakbang.
Ngayon ay yumuko na siya sa mismong harapan ko.
"Autumn Stassi maarteng jowable Olbes... ako halik lang muna, pangako."
When Wayto bit the air in front of my face, bigla na naman akong nawalan ng panimbang.
W-What did he just said? Sa kama na? Bubuhatin niya na ako sa kama? Oh, but we're conservative.
We can't...
Muli akong sinambot ni Wayto. Pero sa pagkakataong ito nakakunot na ang noo ko.
"Autumn, are you dizzy or what?"
Umirap ako sa kanya at marahan kong tinapik ang pisngi niya.
"Kinikilig ako, gago ka."
Inalalayan niya ulit akong tumayo nang maayos.
"Akala ko kung ano na! Autumn! Bakit may patumba-tumba ka pa? Arte." Umiiling na sabi nito.
Eksaherada ko siyang inirapan bago ko hinawi ang nakacurl kong buhok.
"And look at this! Sa halip na pigilan ang pagtumba kanina, nagtanggal pa ng hairpin at tinanggal ang pagkakabuhol ng suot! Jowable! Jowable nga. Ang gandang babae. Sobra." Tumabi sa akin si Wayto at inayos niya ang pagkakaribbon ng dress ko, sobrang diin din ng pagkakabuhol nito.
"We need to go home."
"Bati na tayo?" I asked him with my fingers clasped together.
"Of course, sa sobrang arte ng girlfriend ko, nakalimutan ko nang galit ako kanina." Ilang beses minasahe ni Wayto ang kanyang noo.
Ngumisi ako sa kanya at yumakap ako sa kanyang braso. "Was it successful?"
He nodded.
"H-He agreed? How!?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Sinabi ni Nero na hinding-hindi tutulong si Don Ferell sa mga sinungaling. Nang sandaling pagmasdan ko si Wayto, pansin ko ang sobrang pamumula ng kanang tenga niya.
Hinila ba ni Don Ferell ang tenga niya?
"What happened to those Ferells?"
"Sinabon din. Let's talk about this later, Autumn."
Gusto ko pa man magtanong sa kanya, hinila na ako nito palabas ng kwarto. At hindi pa man kami tuluyang nakakababa sa hagdan ay nakapamaywang na mga kaibigan ko ang sumalubong sa amin.
"Parang kanina lang Tanya, I heard someone telling us hide me, he'll kagat me. Pero kung makapulupot sa pinagtataguan niya, parang siya pa ang mangga-" tumaas ang kilay ko sa mga kaibigan ko.
Humigpit ang pagkakayakap ko sa braso ni Wayto na parang anumang oras ay tatakbo ito.
"So? Bati na kami ni Wayto, right babe?"
"Yeah." Tamad na sagot ni Wayto.
Naningkit ang mga mata ng kaibigan ko sa akin.
"May maarte talk pa ba kayo? Pagod na pagod na ako, utang na loob. Puputi na ang buhok ko, konti na lang. Nasaan ba 'yong dalawang-"
"We're here." Itinaas ng dalawang lalaki mula sa sofa ang kanilang mga kamay. Mga boyfriend ng mga kaibigan ko.
"I think I need to talk to them, magtatanong lang ako kung saan pa makakakuha ng maraming pasensiya." Tinanggal ni Wayto ang nakapulupot kong braso sa kanya at nagmadali itong lumapit sa boyfriend na mga kaibigan ko.
"Dito na kayo magdinner, we can contact your parents, Autumn. Don't worry." Agad na sabi ni Tanya.
Tumango ako sa kanya bago kami nagpunta sa terrace. Naglabas ng orance juice ang katulong ni Tanya at binigyan kami.
"I wonder what really happened." Sabi ko pagkatapos ibaba ang orange juice na pinangalahati ko.
I maybe one of the maartes in town at mas lalo pang umaarte kapag kasama si Wayto, pero alam ko kung kailan ipapasok ang pagiging seryoso.
"I know something happened there."
Narinig kong nagtatawanan na si Wayto, Dylan at ang boyfriend ni August na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Well, Don Ferell is really something. Ilang taon ko rin siyang naging kapitbahay dito, sila ng mga Ferell. He's one of the most manipulative man I've ever met. Hindi lang halata, buong akala ko noon, isa siyang uto-utong matanda. Walang alam. But that's the opposite." Paliwanag ni Tanya.
Hinawakan ko ang baso at mariin ko itong hinawakan.
"Then he's wise, I wonder what made him help us. Galit siya nang makita ang condom."
"White probably explained." Kibit balikat na sagot ni August.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang bumuntong-hininga, no matter how I tried to hide the pressure between us, alam kong kahit gaano ako kagaling umarte, kahit gaano kagaling magkonsinti sa akin si Wayto, hindi nito matatakpan ang problemang paparating sa amin dalawa.
We may be a bit playful, pero alam kong sa sulok ng aming mga isipan ay unti-unting lumalaking problema.
Was it really wise to ask an ally? We couldn't just risk the idea that Don Ferell might take side from one of our families.
How could a simple poison game have turned like this? Akala ko madali lang ito, pero nagkamali ako. We started playing with our families behind our back, but fate is really good for twist and turns. Because we ended up facing our own families.
"Ang tanong, may nakakaalam na ba?" tanong ni August.
"Just my brother." Sagot ko.
Nag-iwas ng tingin sa akin si August nang marinig niyang binanggit ko ang kapatid ko.
"Any signs that he's on move?" tanong ni Tanya.
"Wala pa naman. But I've been having a nightmare." Mas lalong dumiin ang kamay ko sa aking baso.
It was a warning. Hindi malayong mangyari ang nakita ko sa panaginip ko, both of our families are powerful at kapwa kami naging saksi ni Wayto na kaya ng mga itong paabutin sa patayan ang lahat.
Ibinaba kong muli ang baso at ipinatong sa center table, nawalan na ako ng gana sa pag-inom.
"Sa totoo lang, natatakot na ako sa sitwasyon namin ni Wayto. Kung hindi lang magkaaway ang mga pamilya namin, hindi siguro kami maiipit sa ganitong sitwasyon. We can love each other freely."
"I don't know anymore, nagkaisip na rin ako at lumaki dito sa Enamel na magkaaway talaga ang mga pamilya n'yo. I hope we can help you, Autumn. We're very sorry." Seryosong sabi ni Tanya.
"Nah, you've been helping me. Ano ba kayo?" I showed them my fake laughter.
Pansin ko na tipid na nakangiti sa akin si August. "You're growing up, Autumn. Noon, puro pagpapaganda lang ang problema mo. But look at you now, love can really make someone grow."
I rolled my eyes. "Seriously?"
Pumasok na kami sa loob at narinig kong nag-uusap na ng tungkol sa basketball ang boys.
"Triton and Ahmed, they're good. Minsan ko na rin sila nakalaban." Sabi ni Dylan. Bukod kay Belo, isa ito sa pinakakilala sa school sa larangan ng sports. Well, si Wayto sa magandang kotse lang naman siya sikat.
"No, not really." Sagot ni Wayto. Bitter pa rin kay Triton.
"Your team won because of Belo. Konti lang naman ang points mo, ang yabang." Umasim ang mukha ni Wayto kay Tanya.
"Agreed." Sabay na sagot namin ni August.
"But I heard magbabakasyon daw ulit dito 'yong magkapatid na De Mesa. Kabahan na kayo ni Belo, Dylan. Hindi ba at nasa kanila ang trono n'yo dati? Sila talaga ang pinakamagaling na player ng basketball dito sa Enamel."
"Oh, they're coming back. Akala ko hindi na sila babalik." Katabi ko na rin si Wayto at nakayakap na naman ako sa kanya.
Ilang beses akong nagsusubo sa kanya ng pizza, pansin ko na gusto niyang tumanggi pero wala siyang nagawa sa akin.
"Why? Are you bothered?" tanong ko.
"No, of course. Napapansin ko lang na nagbabalikan na ang mga umalis dito."
"Enamel is a good province, we also have good government here. Kapag nangako hindi napapako. Samantalang doon sa Leviathan, mga pangako nila napapako. Puro pa fake news sa kanila." Natatawang sabi ni Dylan.
"Hmm, are you sure?" tanong ni Tanya.
Saglit nasamid si Dylan at makahulugan akong sumulyap kay Wayto. Marahan itong yumuko at bumulong sa akin.
"Smuggler lang ako, 'di scammer."
"By the way, what's the plan? Baka makatulong kami sa inyo. I heard the problem from Antonia." Nagulat ako sa sinabi ni Dylan.
Buong akala ko ay isa rin itong klase ng boyfriend na walang pakialam, pero ito siya at gustong tumulong. Kung sabagay, hindi ko pa nakakalimutan na minsan niya nang ipinahiram sa amin ni Wayto ang apartment niya.
Inaasahan ko nang walang sasabihin si Wayto, pero natulala ako nang marinig ang sagot niya.
"Tomorrow, I'll introduce Autumn to my family."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro