Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Fear

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko mula kay Wayto. Kung iisipin, parang napaka-imposibleng mangyaring magkaibigan pala dati ang mga lolo namin.

Ipinanganak na akong may lamat na sa pagitan ng aming mga pamilya. And to discover their long-time friendship happened years ago was a big revelation.

Ano ang pwedeng maging dahilan ng kanilang alitan? It was not just our grandfathers, but also Don Ferell and Don Almero. What a small world. Mga Ferell na naman, hindi man ako masyadong pamilyar kay Don Almero, pero nang tinangka ko siyang itanong sa isa sa mga kaibigan ko, ipinaliwanag lang naman ng mga ito sa akin kung gaano siya makapangyarihan.

Those four formidable oldies... what could be the reason why everything shattered upon between them?

It was not wise to ask any single detail to my family, hindi ko alam kung hanggang saan ang nalalaman nila at itinatago sa akin, maaaring si lolo lang ang nakakaalam o posibleng pinili na lamang ibaon sa limot ng aking pamilya ang lahat. There were a lot of possibilities, but I couldn't take a risk.

Tama nga si Wayto, dapat ay alamin namin ito sa aming sariling paraan.

Maaga pa lang ay nasa bahay na ako ni Tanya, eksaktong dito natulog si August kaya kumpleto na naman kaming tatlo.

The whole province of Enamel dubbed us as the Maaarte's in Town, at tanging masu-swerteng lalaki lang ang makakalapit sa amin. Isa na rito ang smuggler kong boyfriend na mukhang late na sa pagsundo sa akin.

Na-traffic yata? Walang traffic sa Enamel!

Abala si Tanya at August sa pag-curl ng buhok ko.

"See? That's Autumn Stassi, pupunta lang sa kabilang probinsiya. Nagpa-curl pa."

"Of course, dapat maganda ako. Wayto has this habit of changing his smuggled car in his every visit to Leviathan, dapat ay bagay ako sa kotse niya." August and Tanya rolled their eyes.

"Nagyayabang lang siya sa mga Ferell, Autumn." Dagdag nito.

"Yes." August nodded.

"Alam ko, kaya nga dapat maganda ako. Wayto has his beautiful car, I should be more beautiful." Madramang sabi ko sa salamin, inilagay ko ang likuran ng kanang kamay ko sa aking noo at inilagay sa dibdib ko ang isang kamay.

Napanuod ko ito sa sinaunang soap opera noon.

"Of course, you should be. We can paint your nails, anong gusto mong kulay?" tanong ni Tanya.

Always the supportive friends.

Sinabi ko sa mga kaibigan ko na hindi na kailangan ng make-up, kaya naglip gloss na lang ako. Hinihintay ko na lang matuyo ang kuko ko bago ako magbihis.

"Anong dress ba ang dinala mo?"

"Iba't-ibang kulay, kanina ko pang tinetext si Wayto kung anong kulay ng kotse niya. Gago siya, hindi pa nagrereply."

"Puti na lang kaya? Bagay naman siya sa ibang kulay." Tumango ako sa sinabi ni Tanya.

Maghuhubad na sana ako nang tumunog ang telepono ko. Smuggler babe calling...

"Where are you?" bungad ko sa kanya.

"I'm confuse, which car?"

"Just pick the white, babe." Sagot ko.

"Alright, see you in a minute. Tanya's place, right?"

"Yes."

Nang patayin na niya ang tawag, agad akong humarap sa mga kaibigan ko.

"He's coming!"

Tinulungan na nila akong magbihis. Dahil hindi naman kahabaan ang buhok ko at bahagya lamang ito lumampas sa aking balikat, dulo lamang ang kinulot ng mga kaibigan ko.

Nilagyan din nila ng kaunting glitters ang nakalabas kong likuran. I'm wearing a white backless summer dress. Gumamit din ako ng malaking hikaw at hindi na ako nagkwintas para mas mabigyang pansin ang collar bone ko.

I put my sunglasses for the last touch.

"Perfect!"

Eksaktong narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Wayto mula sa labas. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.

I'm so jowable talaga!

Inihanda ni Tanya ang mga gamit na kailangan ko sa maliit na bag.

"The requested red apple." I nodded.

"And of course, the other apple flavor." Tanya waved it on air. Namula ang pisngi ko at nailing si August.

"Hey! Hindi pa pwede, baka mabaril si Wayto ng mga kamag-anak ko." I couldn't help but to remember that nightmare.

"Oh? So itapon ko na lang ito?"

Ihahagis na sana ni Tanya ang apple flavor nang magmadali akong lumapit sa kanya at agawin ito, ipasok ko ito agad sa bag. Sabay tumaas ang kilay ng dalawa sa akin.

"For security purposes! Excuse me!"

"Sus, excuses. Sige na, kanina pa siyang busina nang busina, nagagalit na ang kapit-bahay."

Inihatid ako ng mga kaibigan ko hanggang sa labas. Nakadungaw na si Wayto sa kanyang bagong puting kotse, sportscar.

"Babe!" ako ang unang bumati sa kanya.

Nakashades din si Wayto at mas lalo itong napadungaw sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan nang makita ako.

I flipped my hair twice as I walked slowly towards his car.

"Tang ina ang gandang babae..." ngumisi ako sa kumento niya.

Nang tumapat na ako sa sasakyan niya, hindi pa rin ito lumalabas.

"Magpalit ka."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "W-What?"

"Change that, Autumn. Bakit sobrang kisig mo?"

"Ayaw mo ba? I made myself look prettier for you."

"Gusto ko syempre, but we're going to Leviathan! Titingnan ka nila nang matagal."

"Y-You mean the Ferells? Wala naman silang pakialam sa akin, sa pagkakaalala ko."

"J-Just get change, not too pretty! Yung parang kukuha ka lang ng sedula sa barangay hall."

"W-What?! Wayto, hindi ako nakuha ng sedula! Wala akong damit na gano'n!"

"Ang laki ng problema nilang dalawa, Tanya."

"Sinabi mo pa, sa lahat ng mga magboyfriend-girlfriend na nakita ko. Kay Autumn at White ang pinakamalala. Guys, kung hindi kayo matutuloy sa lakad n'yo at mag-aarte kayo sa harap ng bahay ko, just inform me. Magpapahanda na ako ng pagkain para sa ating apat." Humarap ako kay Tanya.

"Thanks, pero aalis na rin kami." Tumango ang dalawa kong kaibigan.

Sa huli iniwan na nila kami ni Wayto.

"Sige na Wayto, I am always dressed like this."

"Bakit nakulot yata ang buhok mo?"

"Nagpacurl ako, Wayto! Look, am I pretty?" ngumiti ako sa kanya.

"Of cour-no! Oh shit, yes babe... but... j-just change your dress, sobrang ganda mo, ang layo ng biyahe natin. I might-" ngumuso na ako sa kanya.

"Wayto, sobrang init dito sa labas. You will ruin my skin, hindi ako naglagay ng sunblock... you're such a terrible boyfriend..." pinilit kong maglabas ng luha.

Dahil mukhang gumagaling na talaga akong umarte simula nang makilala ko si Wayto, kung ano-ano nang acting skills ang nagagamit ko.

I made myself looked like a fighting lady trying to avoid my tears. Bahagya kong itinaas ang aking paningin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"No... I will not cry... I told myself not to cry in front of you... kasi baka iniisip mong umaarte lang ako. You will not cry, Autumn..."

Natulala na si Wayto sa harapan ko.

"H-Hindi na lang siguro ako sasama, Wayto... I hope you enjoy your-" mabilis kong narinig ang pagbukas ng sasakyan. Umikot agad si Wayto at pinagbuksan ako.

"Come in!"

Tumaas ang kilay ko at ngumisi ako sa kanya. Wayto brushed his hair frustratingly before rolling his eyes. I swayed my body while walking like an international model until the sunlight.

Kahit gaano karami ang smuggled niyang kotse, hindi pa rin siya mananalo sa akin. Sumakay na ako at ibinagsak ni Wayto ang pintuan.

Iritado siyang bumalik sa pwesto niya. Mariin ang titig niya sa akin.

"Y-You!"

"Yes, me?"

Bahagya akong tumalikod sa kanya at hinawi ko ang maiksi kong buhok.

"Wayto, sobrang nainitan ang balikat ko. Would you mind wiping it?" ibinigay ko sa kanya ang panyo ko.

"A-Autumn Stassi!"

"A-Ayaw mo?" madramang tanong ko. I bit my lower lip to suppress my laughter when I heard his struggled movements.

"Tang ina, gustong-gusto!" sa isang iglap ay nasa likuran ko na si Wayto.

He's now slowly kissing my shoulders with his arms encircled around my waist. Marahang hinahaplos ng aking kanang kamay ang buhok ni Wayto.

"Ikaw kagat na, konting arte pa." He whispered before biting my earlobe.

"I have something for you." Sininulan kong ilabas ang mansanas na ipinahanda ko kay Tanya.

"Here."

"Thanks." Humiwalay siya sa akin at naupo na siya ng tuwid.

"Hati tayo, Autumn. Hindi ko siya makakain sa daan." Tumango ako sa kanya.

Habang nagmamaneho siya patungo sa Leviathan, sinusubuan ko siya ng mansanas.

"Sa tingin mo, what was their reason?" hindi na kailangang pangalanan ng tanong ko dahil alam kong nakukuha na ito ni Wayto.

"Probably a woman?"

"Seriously?"

"Then who? Sino sa mga lola natin ang pinag-agawan?" nagkibit-balikat si Wayto.

"Sa tingin mo 'yong apat na Don ang nag-agawan? Or just our grandfathers? Kung silang dalawa lang, bakit pati si Don Ferell at Don Almero ay nadamay? Dahil kung hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin sila, hindi na ako nagulat nang narinig ang pangalan nila mula sa'yo. Dapat ay minsan ko na silang nakasalubong sa mga okasyon."

"I don't have any idea, Autumn." Sinubuan ko ulit siya ng mansanas bago ako kumagat.

"Do you think they'll cooperate with us? Paano kung hindi biro ang galit nila sa mga lolo natin?"

"That's why we need Nero's help."

"Your bestfriend?"

"I think, yes? I don't know."

"Nagsisimula na akong kabahan, paano kung mas mabuting hindi na lang natin alam ang rason? Paano kung sadyang hindi na nila sinabi sa atin para wala nang mas malaking pinsala ang mangyari?"

"There's no harm with the truth, Autumn."

Napatitig ako sa sinabi ni Wayto. "Are you sure?"

"Maybe yes, pero hindi pansamantala. But lies and hidden truth? Kahit kailan wala itong naidulot na maganda. Sa pagtagal ng pagkakatago, sa paglaki ng pwedeng masira."

Minsan ko lang marinig magsalita ng mga ganito si Wayto, hindi ko tuloy alam kung ano pa ang dapat kong isagot sa kanya.

When I was his enemy, ang salitang nag-iisip ay hindi man lang pumasok sa akin sa tuwing nakikita ko siya o naririnig mula sa mga tao. Wayto's the typical spoiled brat type. Lalaking walang alam sa buhay, kundi magyabang at gumastos.

But he's really different, my babe is really different.

"I've been thinking this, Wayto. Hindi ko lang masabi sa'yo..." tumingin ako sa labas ng bintana.

Ramdan ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Ikaw na ang nagsabi sa akin na hindi maganda ang magtago nang matagal na panahon. But you've been pretending... right? You've been deceiving the whole province of Enamel with your farce personality. You are not that bad, you're not that harsh, you're not an idiot..." narinig kong saglit na tumawa si Wayto.

"No way. That's the real me, Autumn. It's just that I'm not inlove with them, so why would I try to be nice? Sa'yo lang ako ganito."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"And you're too in love with me, na nagsisimula ka nang mainis sa tingin sa akin ng mga tao sa akin. Particularly, your family? Did I hit home?"

Sa pagkakataong ito tunay na luha na ang lumabas mula sa aking mga mata.

"I'm so sorry, Wayto..." itinigil ni Wayto ang kanyang sasakyan at hinayaan niya akong yumakap sa kanya.

Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing naririnig kong pinag-uusapan ng mga kamag-anak ko ang mga Arellano, kung paano sila magbato ng masasamang salita tungkol kay Wayto, wala man lang akong magawa kundi makinig, hindi ko man lang siya maipagtanggol.

"I'm sorry... inaamin ko, isa ako sa mga taong nagsasabi ng masama sa'yo noon. Isa ako sa mga umiinit ang ulo sa tuwing naririnig ang pangalan mo. Ako ang isa sa nagpapakalat ng tsismis na puro smuggled ang kotse mo."

"Until now..." he chuckled.

"But! H-Hindi naman kita minumura noon, sinasabihan lang kita ng gago. But that's all."

"What the hell!"

"Dahil sinasadya mo rin, inaasar mo kami lagi ni kuya. But I love you now." Tawa lang nang tawa sa akin si Wayto.

Para akong batang nagsusumbong sa kanya. "H-How about you? Sigurado akong nita-trash talk mo ako dati!"

"How? I never hated you."

Natigilan ako sa sinabi niya, nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang kanyang mga mata.

"I'm scared to discover something, I trusted my family, Wayto. Baka sa sandaling may malaman ako, baka magkaroon ng matibay na rason para humiwalay ako sa'yo."

"Are you saying na kami ang may mali kahit wala pa naman tayong nalalaman?"

"Then try to think about it, Wayto? Paano kung may malaman ka para mas mabigyan ka ng rason iwan ako? Would you break up with me?"

He cupped my face. "Autumn, listen-"

"Wayto, itanan mo na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro