Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

The friends

Pinakiramdaman ko ang aking pamilya nang makauwi ako. Gusto kong sisihin ang pitong bodyguards ni Wayto! Sila ang dahilan kung bakit umabot na ako sa masamang panaginip.

Wayto told me to calm down, pero paano ako kakalma kung ganoon na lang ang nangyari sa panaginip ko?

I should keep my mouth shut. Hindi ako buntis.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan, bigla pa akong kinabahan nang makita ko si lolo sa dulo ng lamesa. Kahit ang mga tiyuhin ko sa panaginip ay lahat nandito, maging ang mga tiyahin ko at mga pinsang lalaki.

Ngayon ko hiniling na sana ay may mga pinsan akong babae na maaari kong kausapin man lang sa kahit anong bagay na walang kinalaman sa politika! Siguradong ito na naman ang laman ng usapan hanggang mamaya.

I hope so...

Hindi tungkol sa akin o lalong tungkol kay Wayto.

"Good evening, lolo..." lumapit muna ako sa kanya, nagmano at humalik sa pisngi.

I greeted my uncles and aunties, rolled my eyes to my cousins, disregard my brother and kissed my mother's cheeks. Nagmano naman ako kay Papa.

"So how's your day, Stassi?" tanong sa akin ng isa kong tita.

"Good as always, po." Tumango sila sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ang atensyon nila sa akin at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa politika. Kung dati ay pilit kong iniintindi ang usapan nila tungkol sa eleksyon, ngayon mas gusto ko pang takpan ang tenga ko para lamang hindi makarinig ng apelyidong Arellano.

Nawalan na rin nang ganang kumain.

Hindi pa man sila natatapos mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanila at nangatwiran na masama ang pakiramdam.

Dahil kilala ako ng kapatid ko, mabilis din itong nagpaalam at sumunod sa akin. Malalaki ang hakbang ko patungo sa aking kwarto para hindi ako nito abutan, pero ang marahas nitong kamay ang nagpatigil sa akin.

"Autumn, I told you to stop your relationship with him. Niloloko ka lang niya." Marahas kong inagaw sa kanya ang braso ko.

"Please... allow me to rest, Kuya."

"Makipaghiwalay ka na sa kanya bago pa makarating sa kanila, Autumn."

"Then I will tell them that you push me to do this, at hindi lang ako ang nakikipag-ugnayan sa isang Arellano."

"Autumn." Madiing tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ko na siya sinagot at nagmadali na akong pumasok sa aking kwarto. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pag-iyak.

For the first time of my life, I suddenly felt the heavy responsibility of my action.

Kinabukasan pumasok akong naka-shades, sobrang paga ng mata ko at hindi ko ikakaganda ang maglakad sa buong campus na may pangit na mata. I may be bearing a heavy burden between my lovelife and family, hindi pa rin pwedeng maalis sa akin ang pagigng maganda.

I texted Wayto, sinabi ko sa kanyang hindi muna ako magpapahatid o sasama sa kanya kung saan. I wanted to be alone and think.

Nagsisimula nang pumasok sa isip ko ang totoong sitwasyon, the feud between our families was not a damn joke. Tama ang ipinarating ng panaginip ko, isang maling salita, kilos o desisyon na may kinalaman sa aming pamilya ay siguradong makakagawa nang malaking gulo.

Hindi malayong mangyari ang panaginip ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama kay Wayto o maging sa isa mula sa aking pamilya.

Bumuntong hininga ako.

I suddenly looked at myself at the window, kung saan makikita ang sarili kong repleksyon. Bigla akong nakakita ng ibang bersyon sa sarili ko, where's the maaarte Autumn right now?

Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi pagiging jowable lang ang problema ko.

"Autumn, hinahanap ka ni Arellano. Nasa may pintuan." Sabi sa akin ng isa kong kaklase.

Siguro ngayon ang unang pagkakataon na hindi ako natuwang nasa labas si Wayto at hinahanap ako simula nang totoong naging kami. Mabibigat ang mga paa kong nagpunta sa may pintuan.

He's there, straightly looking at me with his eyes filled with worry.

"Hey, what's wrong? Bakit ka naka-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang iniwas ko ang sarili ko nang akma siyang hahawak sa akin.

"Autumn, may problema ba tayo?"

"Malaki. Alam mo 'yon." Saglit na kumunot ang noo niya.

He frustratedly brushed his hair, he met my eyes again as both of his hands were placed on his waist.

"I told you not to think too much. J-Just be my jowable babe..." sa pagkakataong ito ay nagawa na niya akong hawakan sa aking mga pisngi.

Walang pakialam si Wayto kahit magpiyesta ang mga estudyante sa pagiging PDA namin. Nagsisimula na akong magtaka kung bakit sa kabila nang kalandian namin ni Wayto sa school, wala pa rin nakakarating sa mga pamilya namin.

Is it possible that he got his own influences? But he's already an Arellano, what kind of other strings does he possess?

"Of course, I can always be your jowable babe... but how about our outside world? Hindi habangbuhay tayo lang dalawa, w-we have our family. It's slowly sinking in inside my mind, Wayto... hindi na laro itong pinapasok natin. Both of our families have their own power... at itong kapangyarihang hawak ng pamilya natin, ito ang maghihiwalay sa atin kung magkakataon."

Wayto tried to open his mouth to say something, but he closed it again.

"I think we need space-" isang malakas na boses mula sa likuran ang nakapagpatigil sa sasabihin ko pero alam kong nakuha ni Wayto ang gusto kong sabihin.

"Walang forever!"

Agad nawala sa harapan ko si Wayto at sa isang iglap ay nasa harapan na ito ng kumpol ng mga lalaking dumaan sa may classroom namin. Napasigaw ako nang dambahan ni Wayto ang lalaking sumigaw at paulit-ulit nitong paulanan ng suntok.

"Wayto!" sinubukan kong tumakbo para pigilan siya nang may brasong pumigil sa akin.

Si Triton, nasa tabi nito si Euphie. "Baka masaktan ka, Autumn."

Nasa harapan na si Ahmed at ang iba pang mga estudyante para awatin si Wayto, napasinghap ako nang may makita na akong dugo sa mukha ng lalaki.

Sobrang init ng ulo ni Wayto.

"Kung wala kang magandang sasabihin, itikom mo 'yang bibig mo! Gago! Huwag na huwag mong ipapakita 'yang mukha mo! Ipapasalvage kitang hayop ka!" sigaw ni Wayto habang pumipiglas kay Ahmed.

"Wayto..." natigil ito sa pagpiglas nang marinig niya ang boses ko.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago niya marahas na tinanggal ang mga kamay ni Ahmed mula sa kanya. "Let me go!"

Nakasunod na sa kanya ang security guard ng school at ilang beses siyang tinawag pero wala man lang ito pakialam.

Tumango si Ahmed kay Triton bago ito sumunod kay Wayto. Ilang minuto akong tulala bago ako kinausap ni Euphie. She tried to ask me what happened, pero wala siyang nakuhang sagot sa akin.

Sa nangyayaring ito, alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nang bigat ng sitwasyon sa pagitan ng pamilya namin.

Maghapon kong iginugol ang sarili ko sa pakikinig sa klase na hindi man lang inililipad sa ibang bagay ang aking utak. I want to congratulate myself for that.

Pero bago matapos ang klase, nakatanggap ako ng message galing kay Wayto. Susunduin pa rin daw ako nito. I replied to him that Antonia and August will fetch me, but he insisted. Hindi raw ito aalis sa campus nang hindi ako sasabay sa kanya. Kilala ko si Wayto, kapag sinabi nito gagawin niya.

Nagdiretso ako sa pinakakilalang kotse sa buong campus, nakasandal dito si Wayto habang hawak ang kanyang telepono. Agad niyang naramdaman ang presensiya ko, tumuwid siya nang pagkakatayo at ibinulsa niya ang phone niya.

"Wayto... what happened? Suspended?"

"Yes?"

Hinampas ko ang balikat niya. "Don't do that again!"

"Mainit ang ulo ko, gago siya." Kibit balikat na sabi nito na parang hindi niya pinadugo ang ilong ng lalaki kanina.

"Please... remove that attitude of yours. Hindi mo ba alam na maraming taong galit sa ugali mo, Wayto?"

"Matagal ko nang alam."

"And yet... hindi ka man lang nag-iingat? Ilang beses nang may nagtangkang bumaril sa'yo Wayto... noon inaamin ko wala akong pake! But now... Wayto... please be careful for me."

Natulala siya sa sinabi ko, na parang hindi siya makapaniwala na sasabihin ko ito sa kanya. Inaasahan niya ba ako bilang girlfriend niya na hindi mag-aalala sa kanya?

Wala akong narinig sa kanya, sa halip ay agad niya akong kinabig at mariin niya akong niyakap.

"I'm sorry...Autumn, I promise to be careful next time. J-Just... don't ask me for a space... please no..." tumango ako sa kanya.

Pinagbuksan niya na ako ng pintuan, sumakay ako at nang pumasok siya nanatili kaming tahimik. Ito yata ang unang beses na hindi kami naglandian o nag-asaran sa loob ng sasakyan niya.

"What if we approach them nicely? Sabihin na natin nang mas maaga Wayto. Sabihin natin na wala tayong pakialam sa hidwaan nila, that we love each other." Saglit lumingon sa akin si Wayto.

Pansin kong may gusto siyang sabihin sa akin, pero nag-aalinlangan siya kung ilalabas niya ba ito o hindi.

"I don't want you to hate me, Autumn. Paano kung may sabihin akong nalalaman ko tungkol sa lolo mo? Would you believe me?" sa pagkakataong ito ay ako naman ang napatitig sa kanya.

"A-Anong meron sa lolo ko? Sigurado ka ba na totoo ang nalalaman mo?"

"If I tell you? Maniniwala ka ba? Of course, my source is my family. Would you still believe me?" umiling ako sa kanya.

I should be honest. Mahal ko si Wayto, pero wala akong tiwala sa pamilya niya. Yes, minsang sinabi ko sa sarili ko na bigyan sila nang pagkakataong bigyan ng kulay ang sarili nilang imahe sa akin, na walang bahid na impluwensiya ng pamilya ko, pero dapat ko ba silang unang makilala sa paraan nang pagtingin nila sa pamilya ko?

"Paano kung ako naman ang magtanong sa'yo nito, Wayto? What if I heard something from my family about your grandfather? Would you trust me?"

Siya naman ngayon ang hindi nakasagot. Dahil kapwa kami mataas ang respeto sa aming mga pamilya. Halos sabay kaming napabuntong hininga.

Why is it too complicated for us? Bakit hindi na lang kami ipinanganak sa pamilyang magkasundo?

"Anong gagawin mo? How many days is your suspension?"

"Three days, hanggang Friday. Tutulog na lang siguro ako. Pero ihahatid at susunduin kita."

"No. Mag-aral ka sa bahay n'yo. That's it." Biglang nagpreno si Wayto sa sinabi ko.

"W-What?! Wayto naman!"

Bigla na lang itong natawa sa akin at ilang beses itong napailing.

"Babe... did you hear yourself? This is your first time telling me to study!" ngumisi ako sa kanya.

I flipped my hair and gave him my usual smile. "Achievement, right?"

Simula siguro kahapon ay hindi ko nagawang ngitian si Wayto katulad nang lagi kong ibinibigay sa kanya, kaya nanggigil yata siya sa akin dahil paulit-ulit niya akong hinalikan sa aking noo.

He held my face as he continued to kiss my forehead with an exaggerated sound.

"Please give me more of your smiles..." my cheeks flushed when Wayto showed me his signature biting on air.

Ngumisi na ako sa kanya at sabay naming mas pinasingkit ang aming mga mata.

And we played the tip of our nose together.

"Are you free this weekend?" tanong nito sa akin habang magkadikit ang noo namin sa isa't-isa.

"Saan na naman tayo pupunta? Sigurado ka ba na hindi na tayo masusundan ng pito mong bodyguards?"

"Yes."

"Saan?"

"Sa Leviathan."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay taga Leviathan ang mga Ferell.

"Why? Party again?"

"No. Business." Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Nagnenegosyo ka na? More and more smuggled cars, babe?"

"It's not smuggling, Autumn."

"Bakit nga?"

"We need to find the root, Autumn. Sinabi ba sa'yo ng pamilya mo kung saan nag-ugat ang alitan ng mga pamilya natin?"

"Y-You mean... we're going to find the reason of this feud?" he nodded.

"But... why in Leviathan?"

Hindi nakasagot sa akin si Wayto nang tumunog ang telepono niya. Humiwalay siya sa akin.

"Sa weekend kami pupunta. Of course, I'm with my girlfriend. Did you already secure his schedule?"

Nakinig lang si Wayto ng ilang minuto na may kasamang pagtango. "Alright, salamat."

"If our families can't give us the answer, then we should ask their friends. To be specific, our grandfathers' friends. They were once friends, Autumn." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What the hell? Are you sure?!"

"Yes. Because Don Garpidio Ferell, Don Rogelio Almero, Don Alcerio Arellano and Don Dominador Olbes were best friends."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro