Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

"Autumn."

Time flies too fast, dapat ay nag-iisip pa lamang ako ng plano para paglaruan si Wayto.

But here I am, the beautiful Autum Stassi Olbes is officially dating the Prince White from the province of Enamel.

Prince White? Baka Wayto, masyado siyang gago talaga.

"Autumn Stassi."

How should I act later? Nag-message pa ang gago sa aking kung gusto kong magpasundo sa kanya. Probably he wanted to annoy my brother.

Simula nang mga bata pa kami ay magka-kumpetensiya na si kuya at Wayto. Dahil gwapo si kuya, lagi itong kinukuha ng school sa mga Mr. Pogi or whatever contest.

It is a pageant, of course na may kapareha silang mga babae. I find it too gay for boys, sabi ko sa sarili ko mga bakla lang ang mga lalaking nasali sa mga Mr. and Ms. pero nabago ang pananaw ko nang sumali si kuya.

He told me that he's not after the title but for the money that was raising for the contest. Maniniwala na sana ako kay kuya, but later on I just discovered that he's a good example of Narciso.

But yeah, I still love my brother and he's not gay. I'm always this supportive sa lahat ng sinasalihan niya, pero isang araw ay bigla na lamang umeksena sa buhay namin si Wayto.

And unluckily, he's always winning the contest.

Sa bawat Mr. Contest ni kuya ay lagi na lamang sumasali si Wayto. Noon ay hindi namin pinapansin dahil baka nagkakataon lamang pero nadiskubre namin na sinasadya ng gago dahil hindi ito sumasali kapag hindi kasali si kuya.

And this is the reason why my brother and I hated Wayto so much. We're actually raising funds for people as well as sustaining the needs of my brother's narcissistic syndrome.

Pero nawala na ito ng parang bula nang biglang umeksena sa buhay namin si Wayto.

Wayto is malaking epal and he's my boyfriend. And we just kissed.

I rolled my eyes for the nth time. Muli kong pinunasan ang mga labi ko.

"Olbes, Autumn Stassi!" halos mapatalon na ako sa aking upuan.

"Yes kuya?"

"Kanina pa kitang tinatawag, tulala ka. What were you thinking? Kumain ka na, you're late." Agad kong tiningnan ang wristwatch ko.

"Oh my god! Sa school na lang ako kakain kuya, let's go!" uminom na ako ng tubig na nagmamadaling tumayo.

"Seriously? What's wrong with you Autumn?"

"Come on kuya, sa kotse na tayo mag-usap."

Kami lang ni kuya ang sabay kumain ngayon dahil abala na si nanay at tatay. Si kuya ang siyang laging naghahatid sa akin sa school.

Nasa loob na kami ng kotse at nagmamaneho na si kuya nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nangyari kahapon.

"Kuya, kami na ni Wayto."

Bigla siyang napa-preno sa sinabi ko.

"W-What?"

"Yeah, medyo napabilis kuya."

"Oh, are you okay? Hindi ko na itatanong kung papano mo siya nakuha."

"I don't have plans to narrate it either." Sagot ko.

"Basta mag-ingat ka sa kanya, Olbes ka Autumn, tandaan mo 'yan. Lumalapit ka sa kanya dahil kailangan siyang gamitin. You're the huntsman, little sister." Ngumisi ako sa sinabi niya.

"And you're the evil queen!" masiglang sabi ko.

He winked at me.

"And who's Wayto for you?" pinisil ni kuya ang ilong ko.

"He's the dumbest white and I'll poison not just him but also his dirty family." Matigas na sabi ko.

"Good, that's the real Olbes. Just don't fall for him, okay?" hinaplos ni kuya ang aking maiksing buhok.

"Of course! I won't!" We laughed together.

Nakarating kami sa harap ng school gate na tawa pa rin ng tawa.

"Susunduin pa ba kita?"

"Nope, uuwi na ako-" hindi na ako nakapagsalita nang marinig ko ang boses ng lalaki mula sa aking likuran.

Hantarang umikot ang aking mga mata at nagtangis ang mga bangang ni kuya.

The enemy.

"I've been waiting for you babe." Yumakap sa aking bewang ang braso ni Wayto. Muntik ko na siyang suntukin nang humalik siya sa ibabaw ng ulo ko.

"White," tawag ni kuya.

"Brother in law!"

Siguro ay kapwa na kami nagmumura ni kuya sa aming mga utak.

"I heard you're dating my sister," seryosong sabi ni kuya.

"Yeah? And since you're already my brother in law, I will no longer accept any Mr. and Ms. Contest invitation, the stage is all yours." Sabay umawang ang bibig namin ni kuya.

Tang ina talaga niya. Ang yabang!

"Way-"

"Come on babe, you don't need to thank me. I am always this considerate, Arellanos are considerate. Paano ba bayaw? Papasok na kami ni Autumn, mananalo ka na siguro. Hindi na ako kasali."

Hindi na nakasagot si kuya at hinila na ako ni Wayto papasok ng gate. Nang lumingon ako sa may kotse ay nakataas na sa ere ang middle finger ni kuya sa likuran ni Wayto.

"Fuck you too, asshole." Sagot ni Wayto na hindi man lang lumilingon kay kuya. Nakangisi lamang siya at natatawa.

Nang makapasok na kami sa gate ay agad akong binitawan ni Wayto.

"Napaka-yabang mo,"

"Mayabang? I told him the truth, nanalo na ba kayong mag-kuya sa akin noon pa man? Kahit magtulong pa kayo."

Shit.

"Then, I'll win this battle this time." Taas noong sagot ko.

"Eh? Sigurado ka?"

"Very much sure,"

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad at wala kaming tigil sa pagbabatuhan ng salita.

"Mas malakas ang lason ng mga Arellano, Olbes. Isa pa, you're playing with White Arellano babe. Hindi mo na napapansin na kusa ka na palang nagpapalason sa akin." Bulong nito sa akin dahilan kung bakit ako biglang napatigil sa paglalakad.

Agad akong tumikhim at nagpatuloy ako sa paglalakad. We're walking in the middle of the hallway at karamihan sa mga estudyante ay nagtatakang nakatitig sa amin.

Of course, most of them knew that our family were the mortal enemies of this province.

"And you're playing with Autumn Olbes, babe." Sagot ko.

"You might fall for me, hard babe."

"In your dreams, Wayto. Hindi ko type ang katulad mo." I heard him curse.

"Huh? Really?" 

I just rolled my eyes. He's not my type at walang makapagpapabago sa isip ko. 

Makakasalubong namin si Triton, a handsome specie, pinaka-gwapong delivery boy na nakilala ko.

Dahil siya ang pinakamalapit sa amin, siya ang ipinagmalaki ko kay Wayto. Isa pa, alam kong mabait si Triton, minsan ko na rin siyang nakakausap kapag nagde-deliver siya.

"Mas type ko pa ang mga katulad ni Triton kaysa sa 'yo." Natulala na si Wayto sa mga pinagsasabi ko.

Napapangisi na ako sa nangyayari. Humarap na ulit ako sa unahan. "Hi Triton! Wala na kaming tubig sa bahay. Mag-deliver ka naman sa amin, nakakalimutan mo na yata." Pinalambot ko ang boses ko sa paraang hinding-hindi ko gagamitin kay Arellano.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. He's a business minded guy, alam kong kakausapan niya ako. Isa pa, hindi naman siya suplado.

"Alright, ilang galloon? Dadalhin ko mamaya."

"Kahit tatlo na lang, Triton."

"Okay, noted." Tipid na sumulyap si Triton kay Wayto. I hope he's annoyed right now.

Wayto's annoyance is my extreme happiness.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Wayto, hindi na ito nagsalita nang kausapin ko si Triton.

Hinatid niya ako sa classroom ko at nang hinarap ko siya ay salubong ang kilay niya. Maybe he's offended, tama naman kasi ang sinabi ko.

"Cassie!" tawag ni Wayto sa isa sa mga classmate ko. Lumapit ito sa amin.

"How do you see me?"

"You're so handsome kaya Arellano! And like your sunkissed skin is a hot complexion!"

"Thanks, Cass, ayoko talaga ng mga babaeng hindi marunong tumingin nang maayos."

"Seriously," bulong ko.

Siguro ay binigyan ng mga Arellano ng libreng bigas noong nakaraang eleksyon ang pamilya ni Cassie.

Nakapasok na ako sa classroom bago ko muling hinarap si Wayto.

"Susunduin kita, Autumn. May pupuntahan tayo."

"Sa bahay nyo?" natutuwang tanong ko.

"Too fast, ako muna ang kilalanin mo bago ang pamilya ko. Baka hindi ka na makalabas sa balwarte ng mga Arellano, Olbes. Masyado kang matapang. You won't expect me to save you, hindi mo pa ako nalalason."

Natahimik ako sa sinabi niya. He got the point.

"Alright, sunduin mo ako rito. Saan na naman ba tayo pupunta?"

"Ibebenta na kita sa mga arabo. Ayoko sa mga colorblind."

"Hindi na ako sasama, ibenta mo ang sarili mo. Gago ka masyado." Iiwan ko na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Olbes."

"Ano pa ba gusto mo? Oo na, sasama naman ako." Baka makulong siya kapag ibenta niya ako.

"Now kiss me on cheeks babe. Play sweet, nairita ako sa tang-inang sinabi mo." Natigilan ako sa sinabi niya. What the-this damn guy is too bipolar!

"Here?"

"Of course, you tip your toes. O gusto mo yumuko ako?" muling umikot ang aking mga mata.

I don't care anymore.

Mabilis akong tumingkayad at nasa akto na akong hahalikan ang pisngi niya nang agad siyang humarap sa akin. Saglit na tumama ang mga labi namin sa isa't-isa. Nagtilian ang ilan kong kaklase habang ang mga mata ko ay nanlalaking nakatitig kay Wayto.

Shit. I didn't expect that!

Nagulat rin ako sa reaksyon ko, halos mapasandal na ako sa hamba ng pinto ng classroom dahil sa pagkabigla.

It was just a smack Autumn! Play it cool.

"Hey, you're a bit surprised. Poisoned eh?" ngising tanong niya.

"Hell, no." Mabilis kong sagot.

Buong akala ko ay iiwan na niya ako, pero sa pagkakataong ito hindi na lang aking mga paa ang apektado.

My heart skipped a little bit when he went closer and leaned a kiss on the top of my head. But what made me eyes widened was the way he talked in his last words.

Na sinabayan pa nang biglang pagsingkit ng kanyang chinitong mga mata. Damn it.

"Ikaw bait akin Olbes, ikaw lason pa ni Wayto." Hindi na ako lalong nakawala nang mas ibaba niya ang mukha niya sa akin at marahan niyang pinaglaro ang dulo ng mga ilong namin.

What the hell is he doing?!

He grinned at me before leaving me astonished as fuck. Shit! Did he just talk to me in a chinese-like way?

Cute. Oh gosh, no.

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro