Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Poison

"B-But I'm pregnant! I'm bearing an Arellano. Buntis po ako."

The heavy silenced reigned inside the four corners of the room. Masyado na akong naging desperada para hindi malayo mula kay Wayto na halos hindi ko na naisip ang mga salitang binibitiwan ko.

Instead of applying water, I did choose a gasoline! It damn ignited the burning fire between our families!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang unti-unti nang pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ko.

I tried to open my mouth to speak a word, babawiin ko ba? Mangangatwiran ba ako? Sasabihin ko ba na nagbibiro ako?

But this wasn't a good time for damn joking! Mas pinalala ko ang sitwasyon! Napakarami nang maaari kong sabihin, bakit pagbubuntis pa?

Sinubukan kong mag-isip nang pwedeng dahilan para hindi nila ako ilayo kay Wayto, pero kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maisip, babagsak pa rin ako sa dahilan ng pagiging buntis.

Fuck.

I need to fix this. Sasabihin ko ba sa kanila na hindi pa ako sigurado? Na nadelay lang ako ng isang araw?

Oh shit.

Bakit ba hindi na ako nasanay kapag apelyidong Arellano na ang pinag-uusapan? O tamang sabihin na matagal na akong sanay at ngayon lamang ako nagkaroon nang pagkakataong tingnan ito gamit ang ibang persepsyon?

I hated the Arellanos, simula nang marinig ko ito sa bibig ng mga kamag-anak ko, lumaki at nagkaisip na kamuhian ang kanilang pamilya, pero ngayon halos hindi ko na makapa kung nasaan ang galit ko. Binura nang lahat ni Wayto!

Napalitan ang katahimikan nang paghagulhol ni Mama, ang sunod-sunod na singhapan ng mga tiyahin ko, ang malulutong na mura ng mga tiyuhin ko, ang tulalang kapatid ko at si lolo ko na mariing nakatitig sa akin.

Saglit akong umasa na dahil binigyan ko sila ng rason na dinadala ko ang isang Arellano, baka sakaling maayos ang hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya. Siguro kaming dalawa na ni Wayto ang magiging susi sa salinlahing galit ng aming mga pamilya.

Siguro...sana...

"Ginahasa ka?!"

Nagpagahasa ako! Oh No... Hindi! Magpapagahasa pa lang!

Oh babe, your influential bad words were starting rule me. And it's not good right now. No! It's never been good!

Wayto and his foul words.

Marahas akong tumayo at lumuluhang sinalubong ang aking mga mata sa kanila. Nasanay na akong nagpapaulan nang maaanghang na salita para kay Wayto, pero ang marinig ito sa ibang tao o lalo mula sa mga kamag-anak ko na hindi naman siya kilala... nagkakaroon na nang kirot ang puso ko.

Because my Wayto... he's not really a bad prince...

"W-Walang ginahasa! Pumayag ako, bumigay ako! Please... he's not bad... nagmamahalan po kami ni Wayto." Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.

Ganito pala talaga ang nagagawa nang pagmamahal. Kinakalaban ang sariling pamilya? Hindi, ipinagtatanggol ko lamang ang isang tao na nahusgahan dahil sa apelyidong dinadala nito.

Apelyidong hindi nagkaroon ng pagkakataong magbigay sa akin nang sariling imahe, dahil simula pa lang ay kinulayan na ng sarili kong pamilya.

Hindi sa kinakampihan ko ang mga Arellano, dahil alam kong katulad ng mga kamag-anak ko kay Wayto ay mahigpit din ang kanilang hindi pagsang-ayon sa akin, pero ngayong naiipit ako sa isang sitwasyon, hindi ko akalaing unti-unting may papasok sa aking isipan.

I just realized something...

I have my own eyes, ears and even brain to judge someone or a family. Bakit kailangan kong sumunod sa salinlahing tradisyon na galit ako sa isang pamilya dahil ito ang nakamulatan ko?

Sa pagsasama namin ni Wayto, nabigyan ako nang pagkakataong mas makilala siya. Hindi siya ang White Arellano na kilala nang buong bayan ng Enamel.

Yes, he's always too proud of his wealth and all. Mayabang at masama ang ugali, but there's something inside him. He's sweet, gentle and lovable...

"M-Mahal ko po siya...walang ginahasa, hindi niya ako pinilit..." malalaki ang hakbang ni tatay patungo sa akin at sa isang iglap ay malakas na sampal ang tumama sa akin.

Muntik na akong matumba kung hindi lamang ako sinambot ng kapatid ko. Muling suminghap ang mga tiyahin ko, mas lumakas ang paghagulhol ni mama.

Walang awat ang aking mga luha habang hawak ang pisngi ko.

"Yan ba ang itinuro nang pamilyang ito sa'yo, Autumn?! Ang maging malanding babae!"

"Arturo! Tama na 'yan, posibleng binilog niya si Autumn. Mabait ang bunso natin... mabait ang anak natin." Sa pagkakataong ito ay si mama ang lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Binilog ka niya, Autumn."

"Ma, hindi po... hindi niya ako binilog." Umiiling na sabi ko.

"Binilog ka niya!"

"Ma... hindi po..." nagpatuloy ako sa pag-iling.

"BINILOG KA NIYA, AUTUMN! Kapag sinabi kong binilog ka niya! Binilog ka niya! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Nilinlang ka nang isang Arellano! Papa, pinunterya nila si Autumn dahil siya ang pinakamahina sa pamilya natin. A-And that-oh my... that devil stole my little girl's innocence..." napasalampak na sa sahig ni mama.

Nangatal ang tuhod ko sa katangahang sinabi ko. Nagkamali ako nang sinabi... hindi po ako buntis...

"Maghanda kayo! Hindi natin ito palalampasin! Kung gusto ng mga Arellano ng gulo! Pagbibigyan natin!" matigas na sabi ng isa kong tiyuhin.

"Wynter, isama mo ang mga pinsan mong lalaki. Ipahanda ang ating malalaking sasakyan!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tito Enrico.

"B-Bakit po?"

Napalingon ako sa sunod-sunod na paglabas ng mga unipormadong tauhan ni lolo dala ang kanilang mga baril.

"No! Hindi pwede! Mga Tito! lolo...Pa... huwag natin ihantong sa ganito, pwede tayong makipag-usap sa kanila."

"Binuntis ka nang hayop na 'yon! Sinamantala ka!"

Hindi nagtagal ay sunod-sunod nang lumabas ng mansion ang mga tiyuhin ko dala ang kanilang naglalakihang mga baril, nakaparada na sa labas ang malalaking mga sasakyang pag-aari ng mga Olbes, sumunod na rin ang mga pinsan kong lalaki na kapwa may dala ring mga baril.

"No! This is wrong! Hi-"

"Andres! Isama mo ang kapatid mo! Ipapakita natin ang totoong kulay ng mga kalaban!"

Yumakap ang braso ni kuya sa bewang ko at halos buhatin niya ako para lamang madala sa sasakyan.

"Bigyan n'yo ng leksyon ang mga Arellano at ipakita n'yo sa aking apo ang tunay na kulay nang lalaking bumilog sa kanya." Tumango ang lahat ng lalaking Olbes sa bilin ni lolo na parang nag-utos lamang na walang kasamang pagbaril at pananakit ng tao.

Umarangkada ang walo hanggang sampung naglalakihang sasakyan ng aming pamilya tangay ang lahat ng aking mga tiyuhin at pinsang lalaki at mga tauhan.

"This is all your fucking fault!" sigaw ko kay kuya habang nagdadrive ito.

"Sinabi ko bang magpabuntis ka?! Hayop na Arellano!"

Sinimulan kong paghahampasin ang braso niya. "Kasalanan mo ito! Kasalanan mo!"

"Itigil mo 'yan Autumn! Mababangga tayo!"

"Kasalanan mo ito!"

"Hindi ako ang nabuntis! Bakit naging kasalanan ko!"

"Dahil ikaw ang nagbugaw sa akin kay Wayto! Kung hindi mo ako binigyan ng ideya! Walang ganito!"

"But you fucking agreed! At sinabi mong magtatagumpay ka! You're such a disappointment, Autumn! Buong akala ko ay makakatulong ka sa atin, mas pinalala mo lang ang sitwasyon! I told you to help! Fucking help! But you let him fuck you!"

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kapatid ko.

"Hindi ako buntis! Hindi ako buntis! Kasalanan mo itong lahat!"

"Y-You what?!"

"Hindi ako buntis, Andres Olbes! Nagdahilan lamang ako dahil ilalayo n'yo ako kay Wayto! We never did it! Nirerespeto niya ako kuya! I tried to seduce him, a lot! A lot of times! Pero nirerespeto niya ako! Hindi ako buntis! Make this fucking stop!"

"W-What?"

"Narinig mo ako, Andres! Hindi ako buntis!"

"Stop calling me, Andres! You unrespectful little sister! Totoo ba ang sinasabi mo?!"

"Oo! Kahit magpagamit ka sa akin nang ilang pregnancy test! I am not pregnant! May nabubuntis ba sa halik?! Hanggang halik lang kami ni Wayto!"

"What the hell, Autumn? Hindi ka ba nag-isip? That fucking single word could blow up everything. Look! Tingnan mo ang mga armado nating mga tiyuhin! Look at those goons!"

"Make this stop, kuya... mahal na mahal ko si Wayto. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya."

"I can't stop them right now, Autumn. Ngayong gabi, siguradong dadanak ang dugo sa pagitan ng mga pamilya natin."

"No!"

"Yes, little sister. The fairy tale is now over, hindi tumalab ang lason sa kanya Autumn. Kami na ang tatapos."

Nagdilim na ang paningin ko sa sinabi ni kuya, kung kanina ay desperada na akong hindi malayo mula kay Wayto, ngayon naman ay desperada na akong ilayo siya mula sa nagngangalit kong mga kamag-anak.

Hindi inasahan ni kuya ang bigla kong pagkuha ng baril sa kanya at marahas siyang nagpreno nang itapat ko sa aking sentido ang baril.

"Autumn Olbes!"

"I will kill myself kuya! Itigil n'yo na ito, utang na loob. C-Call them..."

"Autumn!"

"Fucking call them, kuya!"

Halos mangatal ang kamay ni kuya na hindi magkaintindihan kung aabutin ako o hindi sa takot na bigla kong makalabit ang gatilyo nang baril.

"Autumn..." ramdam ko ang takot sa kanyang boses.

"Call them kuya..."

Walang pinagpilian si kuya at isa-isa niyang tinawagan ang bawat kamag-anak na namumuno sa mga sasakyan, hindi ako bumilang nang ilang minuto.

Lumabas ako sa sasakyan habang hawak ang baril na nakatapat sa aking sentido.

"I will blow myself sa sandaling may isa sa inyong sumubok magpunta sa mga Arellano. Bumalik na po tayo, mas mabuting idaan natin ito sa isang maayos na usapan. Walang baril at mga tauhan..."

"Autumn, ano na namang katangahan ang ginagawa-" hindi na natuloy ni tito ang kanyang sasabihin nang naagaw ang atensyon namin nang panibagong ingay ng mga sasakyan.

Halos himatayin ako nang makilala ko ang grupo rin nang naglalakihang mga sasakyan. Ang mga Arellano!

"Pumosisyon kayo! Mga tang-inang mga Arellano! Nakatunog na ang mga hayop!" sigaw ni Tito Enrico.

Nawala ang atensyon ko sa baril kaya agad akong nalapitan ni kuya at naagaw ang baril ko. Marahas niya akong binuhat at itinago sa likuran ng sasakyan habang inihahanda niya na ang kanyang baril.

"Andres! Protektahan mo ang kapatid mo! Siguradong pauulanan din siya ng bala! Walang sinasanto ang mga Arellano!" tumango si kuya.

"You are just one of the pawns, Autumn. Kung inaakala mong minahal ka talaga ng hayop na White Arellano, mag-isip ka ulit kapatid. Mag-isip ka bilang isang Olbes!" sa unang pagkakataon, gusto kong kalmutin ang mukha ni kuya.

Tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang kumawala mula sa aming grupo.

"Magandang gabi mga Arellano!" sigaw ni Papa.

"Hindi ko inaasahang may mapapadaan kaming nakawiwiling mga bisita, ano na namang klase akusasyon ang ibinabato nang malinis n'yong pamilya sa maduming pamilya namin?" sarkastikong boses ang sumagot kay Papa.

Ikinasa ni kuya ang kanyang baril, narinig kong sumagot ang isa kong tiyo.

"Bakit hindi mo itanong sa anak mo at sa dalawang klase ng kanyang ulo?" sagot mula sa grupo namin. Matalim tumitig sa akin si kuya.

"W-What?" narinig ko ang boses ni Wayto.

Tatakbo na sana ako mula sa sasakyan nang pigilan ako ni kuya.

"Way-" tinakpan ni kuya ang bibig ko. At pilit niya akong ginapos sa kabila nang pagpiglas ko.

"Huwag kayong mag-alala, hindi kami nandito para ipaako ang bata! Hinding-hindi n'yo masisilayan ang bata o maging ang anak ko! Napakasama ng pamilya n'yo! Pati ang inosenteng anak ko ay dinamay n'yo!"

"Dwight Alcerous Arellano!" malutong na boses mula sa kabilang grupo ang narinig ko.

"B-Buntis si Autumn? H-How-w-when? Where is she?!" narinig kong sigaw ni Wayto.

Hindi na nasagot pa si Wayto nang sagutin ito nang sunod-sunod na putok ng baril, iniyuko na ako ni kuya at nagpalitan na ng putok ang magkabilang grupo.

"Stay there." Mariing sabi ni kuya sa akin bago ito tumakbo at lumapit sa isa kong pinsan.

Ilang minuto akong nanatiling nakatayo at tulala na sa nangyayari. I did a terrible mistake...

Nagsimula na akong muling lumuha. I should I do now? Anong pwede kong gawin para matigil ito?

Nagsimula na akong sumilip sa nangyayari, pilit kong hinanap si Wayto at umaasang sana ay hindi siya kasama sa mga bumabaril, hindi ko siya makita.

"Babe... I'm sorry..." bulong ko habang panay ang ulanan nang baril.

"Autumn..." nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Wayto mula sa aking likuran.

"Wayto!" mabilis akong tumakbo at yumakap sa kanya.

"I'm sorry babe... hindi ko alam ang sinabi ko... bigla kong nasabi na buntis ako... ilalayo nila ako sa'yo. Hindi ako nag-iisip..." saglit na natigilan si Wayto at tumitig lamang ito sa akin.

Until he cursed under his breath.

"Hindi ang mga Olbes papatay sa akin, hindi ako pwedeng makabuntis nang maaga Autumn. My father and my grandfather will kill me!"

"I'm sorry Wayto... magpapaliwanag ako sa kani--"

Hindi na natapos ni Wayto ang kanyang sasabihin dahil isang malakas na alingawngaw ng baril ang nakapagpatigil sa aming dalawa.

"Wayto! No!" I cried when I saw blood on his mouth.

Agad ko siyang niyakap para hindi siya tuluyang matumba, pero masyado siyang mabigat dahilan kung bakit kapwa kami bumagsak.

"N-No... babe..." niyugyog ko ang mga balikat niya.

"Wayto! Open your eyes babe..."

"Wayto! Wayto..." nanlalabo na ang paningin ko sa kanya.

"Hindi ako buntis! Please! Itigil n'yo na ito! Hindi ako buntis!" malakas na sigaw ko ang namayani sa lahat.

"Hindi ako buntis... hindi ako buntis..."

Nagsimula na akong manghina habang pilit inuulit ang aking mga salita.

"Hindi ako buntis...Hindi ako-"

***

"Autumn! Babe! Wake up!"

Marahas akong napabalikwas at halos masampal ko si Wayto na nakakunot ang noo sa harapan nang manibela.

Tuluyan na akong napahagulhol. Panaginip! Lecheng panaginip! Nasa kotse pa rin kami.

"H-Hindi ako buntis, Wayto..." mahinang sabi ko sa kanya na mas lalong nagpakunot ng noo niya.

"Kanina mo pa 'yang sinasabi. Nanaginip ka Autumn."

"Hindi ako buntis..." tumango siya sa akin at marahan niyang pinunasan ang luha ko.

"Yes. You are not." Saglit akong ngumiti sa sinabi niya.

"Wayto, ako lambing mo muna... ako panaginip hindi ganda..." bumuntong hininga siya at tinanggal niya ang kanyang seatbelt.

"Come..." tinapik niya ang kanyang kandungan.

Hindi ako bumilang nag segundo, kumandong ako sa kanya at ipinulupot ko ang braso ko sa kanyang batok.

"Hindi ka umaarte... you're scaring me. Your tears are legit. I want more of your exaggerated acting than this." Kinabig ako ni Wayto at hinayaan niya akong yumakap sa kanya.

"Wayto, nagsisimula na ako matakot sa relasyon natin. Because from the very beginning the poison isn't all about us, but to our families." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Naramdaman ko ang magaang halik niya sa buhok ko.

"Don't worry, walang lason ang maglalayo sa akin mula sa'yo, Autumn. Not your family's poison, not even my own family. Because my poison is more vicious when it comes to you. Just stay calm babe... artehan mo lang ako, hinding-hindi ako magsasawa..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro