Chapter 18
Chapter 18
Nawala ang ngiti sa mga labi namin ni Wayto nang hindi sumunod ang pito niyang bodyguard.
"Sabi ko, uuwi ako mamaya. Leave me alone." Iritadong sabi ni Wayto. Hindi man lang natinag ang pito niyang alalay dahil nanatili ang mga itong nakatayo sa harapan namin.
They're all looking creepy with their white uniform, black watch, black shades and earpods. Dinaig pa ni Wayto ang presidente ng Pilipinas sa dami ng unipormado niyang tagabantay.
I shrugged my shoulders. Probably because of his new smuggled car?
"Babe, I'll just talk to them." Humalik si Wayto sa ibabaw ng ulo ko. Mas pinagsalikop nito ang puting tuwalya sa katawan ko para hindi ako malamigan.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ng dessert habang nakasunod ang mga mata ko sa likuran ni Wayto.
Hindi na ako nagugulat. Alam kong hindi rin magtatagal ay malalaman na ng mga pamilya namin ang relasyong mayroon kami. But maybe, we should inform them first?
Hindi ba at mas magandang kami mismo ni Wayto ang magpaalam sa kanila? But how? Alam kong hindi rin ako ang kinakabahan tungkol sa bagay na 'yon.
I am an Olbes and he's an Arellano. Damn it.
Wayto's hands were on his waist as he faced his bodyguards. Gusto ko man marinig ang pinag-uusapan nila, masyado na silang malayo.
Magagalit ako sa kanya kung iiwan niya ako dito.
I waited for more than five minutes before Wayto returned. Mainit na ang ulo ko.
"What took you so long?"
"Sorry babe,"
Sinubukan namin ni Wayto ibalik ang naiwan namin, I mean the flirtation but it was all ruined.
Lalo na sa kaalamang nagmamasid sa aming dalawa ang pitong pares ng mata ng kanyang mga alalay.
Sa huli, nagyaya na rin ako sa kanyang umuwi.
"Sorry babe," pinili ko na lamang tumahimik.
Biglang pumasok sa isip ko ang posibleng mangyari, hindi malayong alam na ng mga Arellano ang relasyon namin ni Wayto. Should I inform my family then?
Nang tumakbo na ang sasakyan ni Wayto, agad kong nakita na may mga itim na kotseng nakasunod sa kanya.
I've been hearing Wayto's bodyguards before. Yes, masyadong masama ang ugali nito sa mata ng mga tao kahit ako ay ganito rin ang tingin sa kanya, pero bakit?
Bakit gusto niyang magmukhang masama sa kanila? Dwight Alcerous tainted the surname Arellano many times before, na humantong pa sa ilang beses na pagtatangkang pagpatay sa kanya.
Ilang beses akong napalunok sa naiisip ko, ramdam ko rin ang pagkirot ng dibdib ko, kung noon ay sinasabi kong bagay lamang kay Wayto ang galit ng probinsiya ng Enamel sa kanya o ng mga taong nais siyang saktan dahil sa ugali niya, ngayon hindi ko maiwasang magtanong?
Why? Why are you keep doing some trouble for your family?
Ilang beses nang may nagtangkang bumaril sa kanya noon, ilang beses na rin siyang tinamaan at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may magtangka muli kay Wayto.
"We should inform them, Wayto. As soon as possible. Pero huwag ka nang magugulat, siguradong paghihiwalayin nila tayo."
"No fucking way, Autumn."
Huminga ako nang malalim at pinili ko na lamang tumanaw sa labas. Ramdam kong hinawakan ni Wayto ang kamay ko.
"I love you, Stassi Olbes." My heart melted with his words.
**
Nakarating na sa mga magulang ko ang relasyon namin ni Wayto, maging kay lolo at sa mga kamag-anak ko. Yes, my social media accounts were always updated with my life but it was hidden from my family.
Bawat post ko na kasama si Wayto, wala kahit isang kamag-anak ko ang nakakaalam. At kung may nakakarating naman na usapan sa kanila tungkol sa amin, hindi agad ang mga ito naniniwala lalo na kung may kakabit na pangalang Arellano. Iisipin lamang ng mga itong isa na naman itong tsismis para mas mag-init ang away sa dalawang pamilya.
But my brother who was I considered my accomplice left me hanging. Isinumbong ako nito sa buong angkan ng mga Olbes.
"Anong pumasok sa isip mo at hantaran ka pa talagang nakikipaglandian sa isang Arellano?!" napapikit ako sa sigaw ng isa kong tiyahin.
Halos magulat ako nang makitang muntik nang makumpleto ang buong angkan ng Olbes na nakatigil sa Enamel. From my uncles, aunties, my cousins and yes, my grandfather.
Hindi ko kayang salubungin ang kanilang mga mata. Lumaki akong ang mga mata ay may galit sa apelyidong Arellano and falling in love with someone bearing the most hated name was an act of betrayal.
Nanatiling tahimik at hindi kumikibo ang mga magulang ko. But I can see the disappointment painted in their eyes nang sandaling maglakas loob akong tingnan sila sa mga mata.
Siguro, ang pinagpapasalamat ko na lang sa mga oras na ito. Wala akong babaeng pinsan, kung mayroon man ay sobrang layo na nito. Dahil kung mayroon man, mas maraming maaanghang na salita ang posible kong matanggap.
Karamihan sa mga pinsan ko ay nanatili lamang nagmamasid. Pero alam kong katulad ko noon, katulad ng kapatid ko o ng kahit sinong tao ngayon sa loob ng silid nito ay sumisigaw ng hindi pagsang-ayon sa nangyayari.
"I am not flirting with him, I like him."
"STASSI OLBES!"
Napapikit ako sa lakas nang sigaw sa akin ng mga kamag-anak ko.
"W-What's wrong with him? H-Hindi ba pwedeng ayusin na natin ang problema natin sa mga Arellano?" nagsinghapan ang mga kamag-anak ko dahil sa sinabi ko.
"Fuck, are you hearing your damn self, Autumn?! Ilang taon nang nagsalin-lahi ang mga pamilya natin! Kahit kailan walang naayos! What is wrong with you?" angil na sabi sa akin ni kuya.
I bit my lower lip. Nanatiling nakayuko ang ulo ko habang magkahawak ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko.
"B-But I love him.." I almost whispered.
"LOVE?!" muling sigaw nilang lahat sa akin.
"Nalalaman mo ba ang sinasabi mo, Stassi?! Ang bata-bata mo pa! Anong alam mo sa pagmamahal?! At sa isa pang Arellano?! Arellano!" muling sigaw sa akin ni Tita Alondra.
"What pushed you to be with him? Alam mo naman ay kaaway natin ang pamilya nila! Hindi ka ba nag-isip man lang?!" sumabat na rin si Tita Desserie.
Sumikip ang dibdib ko sa tanong nila. From the very start, I was with my brother. Fucking hell! I was confident before! I was damn confident to be the damn huntsman!
Buong akala ko ay madadala ko si Wayto sa kagubatan, makukuha ang puso niya at makukuhang lasunin ito. But everything went fucking wrong! Just like in damn fairy tale, just like that fucking huntsman! Hindi ko rin pinanindigan ang utos ng reyna, sa halip na patayin ang puso niya, hinayaan kong sabay kaming maligaw ni Wayto sa kagubatan!
Damn it! I should have prepared myself more! D-Dapat alam ko kung paano ako sasagot ngayon. Pero ano nga ba ang maisasagot ko sa mga tanong nila?
I fell in love with him! Tapos!
"Because my damn brother told me to seduce, Arellano." Hindi maaaring ako lamang ang pagbuntungan ng galit ng lahat ng kamag-anak ko.
It was all because of him! Kung hindi niya ako inutusan, kung hindi niya ako sinulsulan! Kung hindi-muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko nang biglang magpakita ang chinitong mata ni Wayto sa akin, ang dimple niya at ang paraan ng pagsasalita niya sa isipan ko.
Pinagsisihan ko ba talaga ang pag-utos ni kuya? I never regretted meeting Wayto, he's my babe now.
Dalawang kamay ko na ang gamit ko sa pagpupunas ng aking mga luha. Narinig ko ang muling singhapan ng lahat nang sabihin kong hindi ko lang ito ideya. Nabaling ang atensyon nila sa kapatid ko. Kung dati ay halos magmahalan at maglambingan kaming dalawa, ngayon ay hindi magpatalo ang aming mga mata sa isa't-isa.
"Wynter! Explain this! Ibinugaw mo ang sarili mong kapatid sa gagong Arellano na 'yon?!" umawang ang bibig ko.
Ako lang ang pwedeng tumawag na gago kay Wayto!
"Hindi siya gago!" I shouted.
Pero hindi ako bumilang nang segundo dahil lumipad ang malakas na sampal ni nanay sa akin. Halos matumba ako sa kinauupuan ko kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko.
Natulala na lamang ako habang hawak ang pisngi kong namamanting dahil sa tindi nang pagkakasampal dito.
"Ma," agad nakalapit sa akin si Kuya Wynter at iniharang niya sa akin ang kanyang sarili.
Marahas kong tinabig ang yakap niya. Siya ang may kasalanan nito!
"Yan ba?! Yan ba ang natutunan mo sa Arellano na 'yon?! Sumasagot ka na sa amin? Sumisigaw ka na sa amin?! Anong ginawa niya sa'yo, Autumn anak." My mother cried in front of us.
Mabilis nakalapit si tatay at yumakap nang mahigpit sa umiiyak kong ina. Matatalim ang tingin nito sa akin na mas lalong nagpadagundong ng tibok ng puso ko.
Habang si lolo ay nanatiling tahimik.
"Alam mo kung ano ngayon ang iniisip ng mga Arellano ngayon? Siguradong iniisip nila na handa natin ipain an gating sariling laman para lamang makuha ang posisyon! Ano ba Wynter ang pinagawa mo sa kapatid mo!"
"Anong nangyari may napala ba kayong magkapatid? Naaakit ba ang batang Arellano?! Mukhang si Stassi pa ang nabilog ng lalaki! He's an Arellano, hija. Nakikipaglaro lang siya sa'yo!"
"No! Mahal ako ni Wayto!" I cried. "Sinabi niyang mahal niya ako."
Sa unang pagkakataon ay tumayo na si lolo, mas lalo akong ginapangan ng kaba nang salubungin nito ang aking mga mata.
"Ilayo nyo si Autumn sa Arellano, send her away from this province. Send her out of the country. Ayokong may dadapong Arellano, sa pamilya natin." My eyes widened.
"No, lolo. Please, wala kaming ginagawang masama ni Wayto." Hindi sumagot si lolo sa sinabi ko at tahimik itong tumalikod.
"Send her out as soon as possible." He said with finality.
No, hindi kami pwedeng lumayo ni Wayto sa isa't-isa. I can't.
"B-But I'm pregnant! I'm bearing an Arellano. Buntis po ako."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro