Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Dedicated to: Krylle Butron

Chapter 14

Wayto postponed our meeting with his family. Kung dati gustong-gusto kong mapadali ang pagharap ko sa pamilya ngayon ko inaamin na mas gusto ko itong mas mapatagal.

I don't know why, maybe I was not that prepared to face them. Dahil pareho kami ni Wayto na mahilig umattend sa mga party, mas binibigyan na lang namin ng pansin ito.

I don't his reason either, hindi na rin namin napapag-usapan.

Sinabi sa akin ni Wayto na siya na ang susundo sa akin pero sinabi kong sasabay na lamang ako kay August at Antonia.

We're going to costume party event. Kung sabagay, malapit na ang Halloween.

"Nakakainggit naman kayo." I complained as I looked at my friends. Nakasuot ng sexy tigress outfit si Antonia habang si August naman ay zebra. Hot and animalistic costumes for my sexy friends.

While me? Ang walang kamatayang chinese costume ni Wayto, but this time it was color black. A bit sexier compared to the previous one, but not as sexy as these two.

"Why? Okay na nga 'yan. Or gusto mo sirain namin? Para ruined chinese costume?"

"Wag, lalo lamang mangingitim si Wayto sa galit." Tamad na sagot ko habang malakas na natawa ang mga kaibigan ko.

Nakailang text na sa akin si Wayto kung nasaan na daw ako. Hanggang sa tumawag na, hindi na makapaghintay ang gago.

"Where are you?"

"Malapit na,"

"Don't tell me you-"

"Sinuot ko ang gusto mo."

"Good," nauna siyang nagpatay nang tawag.

Nakarating kami sa venue na mainit ang ulo ko. Hindi pa man tuluyang nakaparada ang sasakyan nakikita ko na sa harapan si Wayto.

Akala ko ay hanggang mamaya ang galit ko pero nawala ito nang parang bula nang makita ko kung gaano siya-kagwapo. Oh gosh!

He's the hottest chinese smuggler I've ever seen!

"Babe!" madramang tawag ko sa kanya pagkalabas ko ng kotse.

Nagsimula na itong maglakad papalapit sa akin, pero halos lumakad takbo na ako para makatalon sa kanya.

My legs encircled around his waist as I showered him smacks on his lips.

"I missed you," maarteng sabi ko. Nakangisi lamang si Wayto habang tumatanggap nang halik sa akin.

My friends stopped in front of us while giving us a look of disgust. Saglit lang akong sumulyap sa kanila at ibinalik ko ang atensyon kay Wayto.

"Ang gwapo mo po." I played the tip of my nose to his.

"Isang taon hindi nagkita? Isang taon? Kanina lang kayo naghiwalay tanghali sa pagkakaalala ko." Sabay umiiling-iling si Antonia at August sa amin ni Wayto.

"You go first, ladies. Isang oras pa akong aartehan nito bago kami makapasok." Wayto made a flirty bit on air, na parang makakagat niya ako.

"Ang landi nila," kumento ni August bago sila sabay tumalikod ni Antonia.

Umirap lamang ako sa kanila. Agad bumalik ang atensyon namin ni Wayto sa isa't-isa, na parang isang taon nga kami hindi nagkita.

"You look so beautiful, Autumn."

"Well,"

Sa pagkakataong ito siya naman ang mabilis na humalik sa labi ko.

Get a room guys!

Ngumisi kami sa isa't-isa nang nagsunod-sunod ang saway ng iba't-ibang naka-costume sa amin.

"Mga hindi jowable." Kumento ko.

Wala kaming balak ni Wayto na palalimin ang halik namin, lalo na nang mabaling ulit ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Babe, you have a new smuggled car?" nagmadali akong bumaba at hinayaan ako ni Wayto.

"Anong smuggled? Brand new 'yan." Tamad na sagot ni Wayto.

Sinundan niya ako habang papalapit ako sa bago niyang smuggled car.

"Kailan pa ito?"

"Kanina lang,"

"I-picture mo ako, please? Ang ganda naman ng car mo. Hindi na talaga pang-fuck boy, pang-smuggler na talaga Wayto. I'm so proud of you babe." Madramang sabi ko.

Nang lumingon ako kay Wayto, iritado na ang mukha nito sa akin.

"Just give me your phone. I'll take a photo." Inilahad ni Wayto ang kamay niya.

"Yung sa'yo na lang."

"Oh, okay." Nakadungaw ako sa phone ni Wayto.

Wala man lang itong pakialam kung makita ko ang passcode niya. Hanggang sa biglang may lumabas na picture.

Nagmadali si Wayto na alisin sa harapan ko ang phone niya pero huli na ang lahat.

"Wait," namumulang sabi nito habang nakangisi na ako.

"Ikaw ha? Ako 'yon, hindi ba?"

"A-Anong ikaw?"

"I saw the wallpaper, ako 'yon. Patingin." Inagaw ko ang phone ni Wayto pero mabilis ulit nitong nabawi.

"Sige na, pumunta ka na sa harapan ng kotse ko."

"Sino muna ang nasa wallpaper mo? Type mo na talaga ako siguro noon pa, ikaw ha? Wayto."

"W-What?"

Hindi ako sumunod sa sinabi niya sa halip mas lumapit ako sa kanya. Ikinawit ko ang mga braso ko sa kanya at sinalubong ko ang kanyang chinitong mga mata.

"Sino muna ang nasa wallpaper mo? Ikaw wag sinungaling akin, ako galit. Ikaw hindi halik." He bit his lower lip while trying to stop himself from his own laughter.

Kung kahinaan ko ang chinese baby talk ni Wayto, mas kahinaan niya ito kung ako ang magpapa-baby sa kanya.

"Shitness, ikaw nga! Ikaw!" I pouted.

"Ikaw nga.." halos bulong na sabi nito.

Napapadyak na ako sa kilig at eksaherada kong sinumping ang buhok ko na kapwa naman nakapusod na parang sa chinese.

Ngumisi si Wayto bago yumuko sa akin.

"Ang ganda ganda mo naman po, kaso ang arte." He made a playful bite on air, na parang makakagat niya ang ilong ko.

Binuhat ako ni Wayto sa harap ng kotse niya.

"Okay, give me your best shot babe. Papasok na rin tayo sa loob." Dahil supportive boyfriend naman si Wayto, bawat galaw ng katawan ko sa ibabaw ng kotse niya ay flash ng camera.

Natapos sa pag-picture si Wayto, nasa baywang ang isa nitong kamay habang nag-scroll na siya ng picture. Shit! He's so handsome talaga! Oh gosh.

Bumababa na ako mula sa kanyang sasakyan.

"Tang-ina, ang ganda. Ang gandang babae." Ngising sabi nito sa harap ng phone niya.

"Can I see?" dumungaw ako dito at halos humanga ako sa mga picture.

"Ang galing mo naman pala, Wayto."

"Because you're hot, pretty and damn sexy with my car babe."

"Send mo sa akin," nagsend lang nang ilan si Wayto. "Yung sexy!"

"Akin 'yon,"

"Wayto naman! Ilalagay ko lang sa IG!"

"No, let's go inside."

"Wait post ko lang."

I posted the sexiest among those pictures, hindi pa nga masyado dahil hindi ibinigay sa akin lahat ni Wayto. I even mentioned him na may emoji na nakadila.

With my boyfriend's new smuggled car.

Hindi pa man kami tuluyang nakapasok agad lumingon sa akin si Wayto na nakakunot ang noo.

"Anong smuggled?! Hindi nga smuggled ang kotse ko Autumn! Ayusin mo ang post mo!"

"Ayoko,"

"Autumn," seryosong sabi nito.

"Alright," binura ko ang salitang smuggled sa caption. Hinawakan na ni Wayto ang kaliwang kamay ko at hinila na niya ako sa loob.

Pero habang hinihila niya ako, binalik ko ulit sa dati ang salitang smuggled. I giggled before turning off my phone.

Hindi tulad nang mga nakaraang inuman, hindi na matigas ang ulo ko. Well, wala rin naman akong balak malasing ngayon dahil sasakit lamang ang ulo ko at siguradong gutom ako sa umaga.

My Wayto can't cook!

We were dancing in the dance floor, kissing and teasing each other. Si Wayto ang tipo ng boyfriend na walang pake basta maibigay niya lang sa akin ang gusto ko. Yes, he's spoiling me.

"Tonight, I've seen the hottest chinese smuggler Wayto." Lalong naningkit ang mata nito sa ibinulong ko sa kanya.

He was about to utter another word when I pulled him to the photobooth.

"Picture again?"

"Wala pa tayong picture together! Bago matapos ang eleksyon!" I felt his body stiffened when I mentioned the word election.

Pero agad din siyang nakabawi at hinayaan niya akong hinahin siya.

"Four shots po,"

"Okay," humarap ako kay Wayto. "Wayto, I want cute, funny, sweet and hot."

"Simpleng bagay babe," kumindat ito sa akin.

Our cute shot was his kiss on my cheeks. Our funny shot was my eyes trying to make it bigger, while our sweet shot was his favorite gesture, the tips of our nose playing together. Lastly our hot shot, we're both facing the camera as one of my legs was a bit upward. Nakahawak ang isang kamay nito sa hita ko habang nahawak naman sa kanyang dibdib ang isa kong kamay.

Kapwa kami tumatawa ni Wayto nang iwan namin ang photo booth.

"Wayto, inom naman tayo. Kahit konti lang."

"Alright, just wait there." Iiwan na sana ako nang hawakan ko ang damit niya.

"Wayto,"

"Yes," umiiling ito habang papalapit sa akin. Humalik siya sa labi ko.

"Saan pa?"

"Sa batok," sumunod si Wayto sa akin at humalik siya sa batok.

"Uminom ka na ba?" natatawang tanong nito.

"Sa tenga," I pouted.

Tumaas ang kilay ni Wayto at marahan niyang kinagat ang tenga ko. I giggled.

"Ang arte,"

I made a biting gesture on him. "Go,"

Sinundan ko nang tanaw si Wayto at halos kumulo ang dugo ko nang may mga babaeng magtangkang lumapit sa kanya.

Like seriously? Hindi ba nila nakita na may kasama na si Wayto kanina? Mga malalandi!

Nakasunod ang mga mata ko, pero nawala rin sa dagat ng mga tao si Wayto.

"Shit," ang tangi ko lamang nakita ay ang unang babae na humawak sa braso ni Wayto at sinubukan itong dalhin sa dance floor.

Sinundan ko ang babae, girlfriend yata ako ng smuggler! Hanggang sa makarating ito sa may bilyaran.

Nagkalat ang mga iba't-ibang babae na may kung ano-anong costume, kaya pala ahas ang costume nito. Balak pa landiin si Wayto.

Sorry to say bitches, landing-landi ko na si Wayto. Finish na kayo.

Eksaherada akong umupo sa bilyaran at hinarap ko ang babae habang nakaekis ang mga hita ko.

"Excuse me, Autumn?" Oh, kilala pala ako ng mga higad.

Biglang pumasok sa akin ang scene ng isang sikat na movie, yung hantarang nilandi sa harapan niya ang kanyang asawa.

"White Arellano's girlfriend." Pagtatama ko.

Gumawa ng ingay ang mga babaeng kasama niya, pansin ko na nasa malapit lang si Antonia at August. Alam kong alam na nila ang sitwasyon ko.

"Then?"

"You'd better get your hands off my-" hindi natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang tawag ni Wayto.

"Babe! What are you doing there?" Natigilan ako nang mapansin ko na ang babaeng lumandi kay Wayto kanina ay nasa likuran nito at may kahalikang ibang lalaki.

Oh, napagkamalan ko lang pala ang babaeng aawayin ko sana.

Hindi ako umalis sa ibabaw ng bilyaran at hinintay ko si Wayto.

"Sabi ko hintayin mo ako." Iritadong sabi nito na walang pakialam sa mga babaeng nakapalibot sa akin.

"Ang layo nang narating mo, making friends?" sumulyap ito sa mga babae.

"No, naligaw lang ako." Maarteng sabi ko.

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay ni Wayto at iniwan namin ang mga babae na parang hindi ako nanggulo.

Natigil kami sa paglalakad nang makarinig kami nang sigawan. And we just heard that few male guests were making a sexy lap dance to their partners.

I started to give Wayto a grinning face.

"Wayto babe, ikaw hot naman. Ikaw babe ko, tapos ikaw ganda lalaki. Tapos hmm, jowable pa." I tried to give him an almost kiss.

Humarap ako sa kanya at nagsimula akong maglambing sa kanya.

"Ang arte, arte, arte, arte, arte, arte, arte mo." Sinabunutan nito ang kanyang sarili bago niya ako hinila sa karamihan ng tao.

Saglit na tumigil si Wayto at halos tirisin ako nito sa panggigil nang inis na may kasamang pagtawa at pag-iling sa akin.

But in the end he gave me a soft kiss. Parang sasabog ang puso ko sa tuwing tumititig sa akin ang kanyang chinitong mga mata.

"I thought I'd hate maaartes, kung hindi ka lang babe ko.."

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro