Chapter 12
Chapter 12
Lason
Nang utusan ko si Wayto na kumuha ulit ng snacks, mabilis kong ininom ang alak na iniwan niya.
Agad kong itinago ang bote sa likuran ko nang makita kong pabalik na siya. I smiled at him sweetly with my wide arms waiting for him.
"Wayto, kalong." Lalong naningkit ang chinito niyang mga mata nang titigan niya ako bago ito nagsimulang maghanap ng bote ng alak sa pwesto niya kanina.
"Ang tigas ng ulo mo Olbes, ininom mo lahat 'yon? Paano kita iuuwi sa inyo? You're damn drunk."
"Oh, hindi ah?" hinablot ko ang snacks mula sa kanya at nagsimula akong kumain.
Sa totoo lang umiikot na ang aking paningin, masakit na rin ang ulo ko pero hindi ko maipaliwanag ang saya ko sa mga oras na ito na parang ayaw ko munang umalis dito.
Tumabi siya sa akin at nanatili lamang siya sa panunuod sa akin.
"Am I pretty?" I placed one of my hands below my chin and I gave him my smile.
"Yes," lalong lumawak ang ngiti ko sa aking mga labi nang hindi man lang ito kumurap sa pagsagot sa akin.
"Pogi mo po," mabilis akong nakapalapit sa kanya at humalik sa kanyang mga pisngi.
Tawa ako nang tawa sa harapan niya habang nanatili siyang nakatitig sa akin, bahagya niyang hinawakan ang pisngi niya na hinalikan ko.
"Mas malambing ka kapag lasing Olbes."
"Oh? Malambing naman ako lagi sa'yo Wayto. Madalas ka lang gago, kaya nag-aaway tayo."
"Ako gago na naman?" natatawang sabi nito. "Nag-iisip ako kung paano kita iuuwi sa mga Olbes, baka barilin ako sa inyo. I should call my bodyguards, para may kasama ako sa paghahatid sa'yo."
Napapalakpak ako nang marinig kong sabihin niya ang tungkol sa mga bodyguards niya.
"Yes, I almost forgot your seven dwarves!"
"W-What? Seven what?"
"Your seven dwarves! Sila ang tumulong sa'yo nang malason ka ng mansanas sa palengke. Very funny, it was like a real life snow white." Bigla kong naalala kung paano siya pinagtulungang buhatin ng mga bodyguard niya noon.
"Bakit hindi na sila nakabuntot sa'yo?"
"I had an agreement with my grandfather."
"Agreement like?"
"I'll try to be good, kapag wala siyang nabalitaan na problema na konektado ako tatanggalin niya ang kanyang pitong goons na lang nakasunod sa akin." Ilang beses akong tumango sa sinabi ni Wayto.
Kung sabagay, hindi na rin ako nakakarinig ng iba't-ibang issue na kasama si Wayto nitong nakaraan mga buwan.
Wala rin ako nagbabalitaan na may nagtangka sa buhay niya, dati ay halos buwan-buwan ay may gustong bumaril dito.
"So you're really a good boy for these past few months."
"Well, may iba na akong pinagkakaabalahan. And I think it is quite better."
"Pinagkakaabalahan?"
"It's you, of course babe." Ngumisi ako sa kanya at eksaherada kong hinawi ang buhok ko.
Humilig ako sa balikat niya at ilang beses kong tinapik ang dibdib niya.
"Of course, ikaw ba naman ay may jowable na girlfriend. Makakalimutan mo nang maging gago sa paligid." Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa sinabi ko.
"Ilang gago na kaya ang narinig ko sa'yo, Olbes?"
"Magsimula ka nang magbilang, ilang kagat rin 'yon." Nasamid si Wayto sa sinabi ko.
"You're crazy, lasing na lasing ka na Olbes." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paghilig sa kanya.
"Inaantok na ako Wayto," nang mapansin niya na parang matutumba ako ay mas hinila niya ako papalapit sa kanya.
Inihapit niya ang kanyang braso sa aking bewang at hinayaan niya akong humilig sa dibdib niya.
"This is a problem, Olbes."
"Then don't send me home,"
"W-What? Lalo akong mapapatay ng mga Olbes and even my family."
"You'll impress them?" sinimulan kong tanggalin ang butones ng poloshirt niya.
"W-What are you doing?" tinanggal niya ang kamay ko sa poloshirt niya.
"Wayto naman e!" ibinalik ko ang isang kamay ko sa butones niya, walang nagawa ang gagong chinito nang matanggal ko ito.
"What the fuck, Olbes!" ngumiti ako habang nakapikit at mas inihilig ko lang ang pisngi ko sa dibdib niya habang nasa loob na ng polo shirt niya ang isa kong kamay.
"It's beating," mahinang bulong ko sa kanya. Natigil ang kamay niya sa pagpigil sa akin dahil sa sinabi ko.
"Of course, because I'm alive."
"But it has a rhythm, do you think so?" nanatiling nakapikit ang aking mga mata.
"Hindi ko alam," tipid na sagot niya. Natahimik kaming dalawa, pero ni isa sa amin ay walang nagtangkang kumilos.
"Ikaw yata ang magsasamantala sa akin Olbes kapag nalalasing ka. Minomolestiya mo na ako. Look at your hand."
"And you're a willing victim, Wayto."
"Who wouldn't?" natatawang sagot nito sa akin. Ramdam kong hinalikan nito ang ibabaw ng ulo ko. "Ang gandang babae,"
"Matagal na,"
Naglalandian lang kami ni Wayto buong party nang medyo mahina na ang music ay narinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.
"We'll cover up everything, I'll inform Autumn's parents na kami ang kasama. Use condom White."
"W-What? Hindi nyo isasama ang babaeng ito? Hindi ko siya pwedeng iuwi sa bahay na ganito!"
"Bakit mo ba kasi nilasing?"
"I didn't, siya lang ang inom nang inom!"
"You can use my apartment nearby, kayo muna ang gumamit." Narinig ko ang panibagong boses ng lalaki.
"The keys?" tanong ni Wayto.
"Here,"
Ramdam kong may humawak sa pisngi ko at naghawi ng buhok ko.
"Girl, iiwan ka na muna namin sa boyfriend mo. May mga lakad rin kami ni August, be gentle okay?"
"This night? No, madaling araw na pala. Matulog na lang kayo, tabihan nyo ang pasaway na babaeng ito."
"White, parang tanga lang." Mula sa boses ng isang lalaki.
"Sureness! I'll be gentle." I answered with my closed eyes.
"Oh come on Autumn Stassi Olbes!"
Narinig ko lamang tumawa ang mga kaibigan ko bago sila nawala ng tuluyan. Saglit lang ay naramdaman kong tinatapik na ni Wayto ang pisngi ko.
"We're going now Olbes,"
"C-Can we stay here?"
"This place is a mess, wala na tayong lugar dito. Drunk people everywhere."
"Saan tayp pupunta?"
"Dylan's apartment. Now stand babe, aalis na tayo."
"Buhatin mo ko!"
"Tatayo muna ako Autumn, nangalay ang binti ko. Saglit lang babe, bitawan mo muna ako."
"No," I mumbled. Humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Babe, bubuhatin din kita. Baka matumba tayo kapag pinilit kong tumayo."
"No.."
"Olbes, please cooperate." Iritado akong nagmulat.
Tinanggal ko ang kamay ko mula sa polo shirt niya at padabog akong humiwalay sa kanya. Pilit akong nagmulat pero nanatiling nakakunot ang noo ko at magkakrus ang mga braso ko.
"Damn it Olbes! Simula umaga hanggang madaling araw, inaartehan mo ako. Tumayo lang ako para hindi tayo bumagsak pareho, magkasalubong na naman 'yang kilay mo sa akin."
Hindi ko siya sinasagot.
"Let's go," tumalikod siya at yumuko.
"Hindi na! Hindi na ako magpapabuhat, baka sabihin mo inaartehan na naman kita!"
"Hindi ba at inaartehan mo na naman ako ngayon?! We're both tired, uuwi na nga tayo. Can you please forget being maarte for a while Olbes? Sumasakit na ang ulo ko sa'yo."
"You're tired? You're tired?! Hindi ba at naglambingan lang tayo sa buong party na ito! Napagod ka kasi nilambing mo ako?! You're terrible Wayto! You're terrible!"
Umawang ang bibig nito sa sinabi ko at halos sabunutan niya ang kanyang sarili sa harapan ko.
"Olbes, uuwi na nga tayo at lahat ganyan ka pa rin! Sumakay ka na sa likuran ko."
"Hindi na nga! Uuwi na nga ako mag-isa sa bahay!"
"Tang ina nyo! Umuwi na kayong mga malalandi kayo! Pati pagtulog namin inaabala nyo!"
Hanggang sa nagsunod-sunod ang sigaw sa amin ni Wayto, pinagmumura na kami at sinasabing mga malalandi kami, mabuntis na daw sana ako at marami pang iba.
"You heard it?"
Lalong nag-init ang ulo ko dahil parang pinagtutulungan na kami ni Wayto sa loob ng bahay ni August. Kung ano-ano na ang pinagsasabi nila sa amin ni Wayto habang pangisi-ngisi lang ang gagong chinito sa reaksyon ko.
Hinubad ko muna ang mataas kong sandals at inabot ito Wayto.
"Let's go," sumakay na ako sa likuran niya at nagsimula na itong maglakad.
Napamura pa ako nang may bumato sa amin ni Wayto ng throw pillow. Buong akala ko ay mapapaaway si Wayto pero tawa lang ito nang tawa.
"Sabihin nyo mga bitter kayo! Mga walang kalandian! Let's go babe! Hindi sila mga jowable!"
Lalong lumakas ang pagtawa ni Wayto sa sinabi ko. Kaya sa huli bago kami nakalabas ng bahay ni August, bati na ulit kami ni Wayto.
Eksaktong paglabas namin ng bahay, agad naming naramdaman ang pagpatak ng ulan.
"We need hurry babe," sabi nito sa akin.
"Nasaan ang smuggled car mo?"
"Medyo nasa dulo, shit." Lakad takbo si Wayto habang nakasakay ako sa likuran niya pero mas lalong bumuhos ang ulan.
Pansin ko na nabitawan ni Wayto ang isa kong sapatos.
"My shoes babe! Mahal ang sapatos ko,"
"Oh fuck," nagmadaling bumalik si Wayto para kuhanin ang sapatos ko.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumatawa sa amin.
"Basang-basa na tayo Wayto, kahit tumakbo ka pa. Wala na."
"Yes," naiiling na sabi nito.
"Put me down," sumunod sa akin si Wayto.
Hawak niya ang dalawang sapatos ko habang nakaapak ako sa parking lot. I opened both of my arms widely and I tried to feel the every drop of the rain.
Ilang beses akong umikot na may ngiti sa aking mga labi habang nilalaro ang mga ulan.
While my chinito babe was just standing in front of me, looking at me with his warm and tender eyes.
"Kung si Sarah Geronimo may sun dance, well your jowable girlfried." Nagsimula akong muling magpacute sa harap ni Wayto.
Natatawa ang gagong chinito habang naiiling sa akin. He placed both of his hands on his waist while watching me with the dripping rain all over our body.
I winked at him twice, pouted at him and even bit my lips.
"May jowable dance rin ako," lumingon siya sa kanyang kanang direksyon na may ngisi sa kanyang mga labi.
"Look at this my chinito," humalik ako sa dulo ng aking hintuturo at dahan-dahan ko itong itinuro sa kanya na parang eksakto ang dulo nito sa tapat ng kanyang dibdib sa kabila ng distansya namin sa isa't-isa.
Nagsimulang magtago ang kanyang mga mata dahil sa paniningkit sa ginagawa ko.
I placed one of my hands on my waist.
At dahan-dahan kong inikot nang paulit-ulit ang dulo ng hintuturo ko habang marahang kumekembot ang bewang ko kasabay nang paggalaw ng aking isang balikat.
I've seen this step in some music video, si Wayto agad ang naisip kong maaari kong sayawan ng ganito.
Natulala na si Wayto sa akin na may nakaawang na mga labi habang lalong lumalawak ang ngisi ko.
"Look at me Wayto, am I pretty?"
Nagulat ako nang ilang beses umatras si Wayto na hindi kinakalas ang titig sa akin, hanggang sa makita kong inangat niya ang isa niyang kamao at ilang beses niyang tinapik ang dibdib ko.
"Nalalason na ako, Autumn. Nalalason na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro